webnovel

Chapter 9: Trust issues

After the first day. Sinundo nga ako ni Daddy ng uwian nya. Tinupad ang promise nya sakin bago umalis. Natuwa ako dahil hindi nya ako binigo kahit sa maliit na bagay.

"Hija, how's your day?.." Ani mommy sakin ng nasa hapag na ako. Hinihintay ang almusal. Nasa kwarto pa nila si Daddy. Naglalagay ng kurbata nya.

"Ayos lang po.. kayo po?. how's your meeting po?.." nakatalikod sya sakin dahil kumukuha ng kanin sa may rice cooker.

Maya maya. Humarap na sya at dala ang platong may laman ng bagong saing na kanin. "It's good hija.. close na yung deal.."

Nagtaka ako. "What deal po?.." kumuha ako ng plato saka naglagay ng kanin at hotdog doon.

"May pinasukan ako networking hija. Kung sakaling maging okay iyon, may extra income na tayo.." anya. Kampanteng ayos ang piansukan nya.

"Baka scam iyon Grace.." Ani daddy galing sa kanilang kwarto. Inaayos naman ngayon ang kanyang buhok.

"May tiwala ako na hinde, Peter.." nagtaas si daddy ng kilay sa kanya Ang gwapo naman ni Daddy. "Talaga lang.. mahirap magtiwala sa ngayon Grace.." si Daddy. Hinawakan ang buhok ko saka

hinalikan sa noo.

"Oo, parang ako, sa'yo.." dinig kong ani mommy. Natigilan si daddy. No way mom!. don't start please!

Kita ko kung paano naging maputla so daddy. Namula din maging si Mommy.

Tumayo ako't kinuha ang pitsel na may lamang juice sa ref. "Lets eat na po.. malelate na po ako sa school dad.." sa kanya ako bumaling. Nag-iinit na ang gilid ng mata ko pero pinigilan ko talagang wag maiyak sa harapan nila. "Malapit na pong magseven.." nguso ko sa wall clock na nasa taas ng kabinet.

Mainit pa rin ang titigan nila. Parang hindi ramdam ang presensya ko. "Mom?.." hawak ko sa braso nya. Doon lamang sya nag-iwas ng tingin kay daddy.

"Let's na po.." I tried to enlighten the mood but still they're too stiff. Pareho silang tahimik. Di ko mahulaan kung anong tumatakbo sa isip nila.

Mabuti nalang at inihatid pa ako ni daddy sa school. A little while kasi, start na ng first period namin.

"Bakit ka late gurl?.." usisa sakin ni Winly. Nasa library kami ngayon. Naglilinis. Nautusan ng aming advisory class.

"Matagal kasi akong nagsiing. akala ko, weekend na.." heto ka na naman Joyce!. Your lies. Beautiful lies.

"Anu ba gurl?. Kakaistart palang ng klase.. Haha.." di ko makuha ang punto nya. Humalakhak na lamang ako.

Nagpatuloy kami sa paglilinis. "Maniwala ka.. gusto kita.." bulong iyon ng isang lalaki. Sa likod ng mga libro. Kumalabog ang puso sa takot. Sino kaya iyon?.

Dala ko ang basahan at walis. Unti unti akong lumapit doon at sumilip.

Nakaharap ang babae sa gawi ko habang ang lalaki ay nakatalikod sakin. Hawak ang pader. Kinukulong ang babae. Hindi ko mapamilyaran ang mukha nang babae pero ang pabango na nalalanghap ko ay pawang pamilyar. "Gusto kita Snow.." mahian nyang bulong at unti unting bumababa ang ulo sa leeg nito. Hinalikan nya doon ng mabagal. "Tayo nalang please.." anya pa. Doon ko nakumpirma ang nagmamayari ng boses.

Si Lance.

Parang may kung anong kumurot saking puso. Naninikip iyon dahilan para hirap akong huminga.

"Shit!.." isang malutong na mura na ang narinig ko. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo sa nagtataka nilang mga mukha.

Namula ang mukha ni Lance pero unti unti ring sumilay ang nakakaloko nitong ngisi. "What!?.." inis pa nyang tanong sakin.

Hindi ko na kailangan pang mag-isip dahil nauna nang tumakbo ang mga paa ko palabas ng library. Hindi ko alam kung saan pupunta. Basta tumakbo lang ako palayo sa kanya. Kasabay ng mga luhang pumapatak na pala.

次の章へ