Hindi ko malaman sa anong dahilan kung bakit ko hinalikan pabalik si Jacob, dapat ay itinulak ko pa siya ng itinulak ngunit bakit parang ito'y nagustuhan ko?
"bakit ako magseselos?" hinihingal kaming dalawa pagkatapos ng malalim naming halik, hindi ko alam kung bakit ito lang ang nasabi ko.
"I'm all yours Alice," sabay halik sa pisngi ko..
"ikaw lang.." at hinalikan din ang kabilang pisngi ko, at sa noo.
"Alice! Ano ayos ka lang ba?" nandito kami ngayon ni Nadia sa garden nagpasama ako sa kanya na hanapin si Edrian dhil mula noong naging pusa siya dahil kay Jacob ay hindi ko na ito nakita pa.
"nagaalala ako kay Edrian," nasabi ko na lang para hindi ako masyadong halata pero ang iniisip ko talaga ay yung nangyari kagabi sa amin ni Jacob.
"talaga lang ha? Hinanap ka pala ni Jacob kagabi dahil wala pa nasa gubat ka pa e sabi ko," napatigil ako sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi dahil baka mahalata lang ako neto.
Matagal akong tinitigan ni Nadia na para bang nagaalangan sa akin dahil sa mga inaakto ko, nginitian ko na lang ito para pampawala ng pagkailang ko. Paano ko sasabihin sa kanya na may naganap na halikan sa amin ni Jacob? First kiss ko pa yun.
Papunta kami ngayon ni Nadia sa canteen at nahagip ng mata ko si Jacob, noong nakita niya ako agad din siyang tumayo at akmang lalapitan ako pero lumihis ako ng daan. Ramdam ko ang paglingon din sa akin ni Nadia na may halong pagtataka.
"Alice, wala ng bakante dyan! Dito tayo kila Jacob," napailing ako nang narinig ko nanaman yung pangalan niya.
May isang bakante akong lamesa na nakita at dito na lang ako pepwesto, bumili ako ng spaghetti at tubig busog naman na ako dahil meryenda lang naman ito.
"Alice ano bang meron, bakit parang iniiwasan mo si Jacob?" nanlaki ang mata ko dahil sa sumulpot sa harapan ko na si Nadia. Ganoon ba ko masyadong obvious?
"halata ba?" naupo siya sa harapan ko at huminga nang malalim bago magsalita.
"oo.. Sobrang halata," pinanlakihan niya ako nang mata at binigyan ng coke.
Kakatapos lang namin kumain at nabusog ako dahil ang daming spaghetti ang order ko.
"Jacob, halika!" nanlaki ang mata ko at napalingon ako dahil sa tinawag siya ni Nadia. Pero wala akong nakitang bakas ni Jacob sa likuran ko.
Nakita kong natatawa ang nasa harapan ko. Pinagtitripan ba ako neto?
"kung makikita mo lang yung itsura mo kanina noong tinawag ko si Jacob.." wala pa ding tigil ang tawa niya.
Baliw pala ang isang to talaga.
Malapit nang sumapit ang gabi pero hindi ko pa din nakikita si Edrian, gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari noong nakaraan para hindi na siya mapanghinaan ng loob na nalaman ko na isa lang siyang pusa.
"Alice..." lumingon ako sa pinanggalingan nang tumawag sa akin.
Natanaw ko sa malayo si Edrian na nakatayo at nakayuko na para bang hiyang hiya sa akin.
"Ed, sa wakas.." nakalapit na ako sa kanya at itinaas na niya ang kanyang ulo upang kami ay magkatinginan.
"sorry pala itinago ko sa iyo na isang pusa lang ako," kita ko sa kanyang mukha ang pagkahiya sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang braso na magkabilaan upang mapakalma siya..
"Ed, walang problema sa akin yun."
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi pagkatapos kong sabihin yun.
"thank you for caring me, isa ka sa mga naging kaibigan ko dito kahit ano ka pa."
Nakapagusap na kami ni Edrian at gumaan na din ang loob ko.. Pagkatapos ng isang oras naming paguusap ay naging pusa na ulit siya. Tatlong oras lang sa isang araw siya pwede maging tao.. Kaya pala saglit ko lang din siya nakakausap.
Nasa bench ako ng garden ngayon habang may binabasang libro. It's all about the history of magic academy.
"Alice.." pamilyar ang boses sa akin ng tumawag sa akin, at nasa harapan ko ito ngayon.
Kung aalis ako.. Mahahalata ako. Kung iiwas ako baka asarin ako.
"Jacob?" binuhos ko ang lahat ng lakas ko para magkaroon ng tapang harapin siya.
"iniiwasan mo ba ako?" nagulat ako sa tanong niya, at tumabi siya sa akin. Umusog ako ng kaunti.
"iniiwasan? Hindi ah!" nanlaki ang mata niya dahil sa pagsigaw ko, 'tsaka ko napagtanto kung bakit. Agad akong nakaramdam ng hiya sa katawan ko.
"yung nangyari kagabi.." napantig ang tainga ko ng marealize ko ang sasabihin niya. Napatayo ako dahil ayokong marinig.
Anong sasabihin niya, hindi niya sinasadya.. Na kalimutan ko na yun? Mas lalong ayokong marinig dahil hindi ko maitatago na nagustuhan ko din 'yon.
"Alice, pakinggan mo naman ako.." hinatak niya ang kamay ko para mapaharap sa kanya.
"pakinggan? Anong sasabihin mo.. Hindi mo sinasadya yun, na kalimutan ko na yun?" nanlaki ang mata niya dahil sa gulat sa mga sinabi ko.
"what no.." tatalikuran ko na sana siya pero nakita ko sa kanyang mga mata ang pagseseryoso sa usapan namin ngayon.
"so ano nga?" hindi ko naitago ang pagkairita ko dahil sa sitwasyon namin ngayon.
"listen.." huminga muna siya ng malalim bago magsimula ulit.
"yung nangyari kagabi, walang halong kasinungalingan yun. Totoo lahat yun," hindi ko alam pero bakit nakaramdam ako ng pagkailang sa hindi ko malamang dahilan.
"please.. Gusto kong malaman mo na seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo," hinawakan ni Jacob ang pisngi ko ngayon at agad ko din itong hinawakan.
Hindi ko alam kung ano ang pabalik kong sasabihin kay Jacob dahil sa pagladlad niya sa akin ng nararamdaman niya.
Ang sabi ko kanina busog ako pero bakit nakaramdam nanaman ako ng gutom dahil sa nangyari.
Nagtataka si Nadia kung bakit niyaya ko ulit siya ngayon kumain e kakakain lang naman namin.
"akala ko ba busog ka girl?" hindi dapat sasama si Nadia pero dahil libre ko.. Napasama ko siya.
"kung aasarin mo lang ako dahil kakain nanaman ako edi bumalik ka na lang dun sa kwarto mo," natawa naman si Nadia dahil sa sinabi ko.
"hindi ka naman mabiro Alice," agad siyang kumapit sa braso ko at inihiga din niya ang ulo niya sa balikat ko na tila ba naglalambing na isang bata.
Naupo kami sa bakanteng lamesa at kakaunti lang ngayon ang kumakain na estudyante.
Nagulat ako sa dumating na si Leon pero ang pinagtaka ko ay bakit tumabi ito sa akin, hindi kay Nadia. Napailing na lang si Nadia sa pagdating ni Leon.
"kamusta sa gubat Alice?" nanlaki ang mata ko dahil sa tanong ni Leon, at si Nadia naman ay nakatingin lang tila ba nagaantay ng sagot.
Oo nga pala, bago yung mangyari sa amin ni Jacob nandoon siya. Nakita niya kaya? Pero umalis na siya makalipas ang ilang minuto bago pa mangyari yun.
Nagulat ako sa paghawi ni Leon sa buhok ko.
"may titingnan lang ulit ako, nandyan siya.."
Sinong nandyan? Napatingin ako sa entrance ng canteen at nakita ko si Jacob na matalim ang tingin sa amin.
"pray for me," nagtataka kong tiningnan ang nakahilig sa akin na si Leon. Konti na lang magdidikit na ang muka namin sa sobrang lapit niya.
Sa hindi ko inaasahang pangyayari nakarinig ako ng malakas na ingay sa likuran ko at nakitang papalapit na si Jacob.
Nanlaki ang mata ko sa nangyari nasa sahig na ngayon si Leon dahil itinulak ito ni Jacob. Hindi.. Inilipad niya si Leon at kita sa mukha ni Leon ang pagkagulat pero agad din itong napalitan ng ngisi. Itinayo siya ni Nadia na gulat din, paika ika si Leon nang tumayo.
"kalma Jacob," nakangiti na si Leon
Bakit parang ang daming baliw ngayon dito?
Umaliwalas na ngayon ang mukha ni Jacob hindi katulad kanina na galit na galit habang papalapit.
Lumabas si Jacob ng canteen nang padabog at tiningnan ko si Leon na natatawa ngayon, binatukan siya ni Nadia at nagkatinginan kami na parehas hindi alam ang nangyayari.