webnovel

Mother's Day

Mother's Day - May 12, 2013

Happy Mother's Day Ma! Sana proud na proud ka ngayon sakin kasi sa wakas, makakatulong na rin ako sa'yo. Hindi ka na mahihirapang bilhin lahat ng mga kailangan ko sa school dahil syempre nakatapos na ko.

Hindi ko malilimutan lahat ng sakripisyo mo sakin. Lahat ng hirap mo para lang makakuha tayo ng pera para sa pang araw-araw na pangangailangan natin habang pinapalaki mo kong may disiplina at purong pagmamahal.

Napanaginipan ko isang beses, Ma. Napanaginipan kong nalimutan kita. Sa panaginip ko, hindi daw kita kilala kaya tumakbo daw ako palayo sa'yo. Pero may lalaking humawak sa balikat ko na sobrang higpit. Hindi ko sya kilala pero ang lakas ng pagkakasabi niya sakin. Sabi niya na 'wag na 'wag kong kakalimutan na mahal na mahal mo ko.

Tingin mo Ma, si Papa kaya yun? Baka sa panaginip nalang niya ko dinadalaw. Hahaha.

Pero, kung sakali man Ma, na malimutan ko lahat ng ginawa mo, kung sakaling malimutan kong mahal na mahal kita at ganun ka din sakin, wag ka sanang magsawa sa pagpapaalala sakin kung papano mo ko minamahal.

Ayokong makalimot Ma. Ayokong makalimutan na ikaw ang nagbabantay sakin kapag may sakit ako. Ayokong maubos ang oras ko sa pangarap kung ang kapalit naman nun eh sarili nating oras na magkasama.

Higit sa lahat, ayokong malimutan ang pinaka magandang tinuro mo sakin, na hindi ka kahit kailan bibitaw sa mga taong mahal mo.

Ikaw ang pinaka magandang regalo sakin ng Diyos Ma. Wala man si Papa pero ikaw ang nagpuno sakin ng mga bagay na hindi niya nagawa.

Ikaw ang pinaka paborito kong superhero.

Sana this time, magpahinga ka na lang sa bahay, mag order online ng mga gusto mong bilhin kasi ito na ang simula ng pagyaman natin. Hahahaha. (Joke lang pala Ma, antayin nating ma hire ako, hahaha). Ito na ang simula ng mga pangarap natin, kaya gusto ko sa dulo ng pangarap ko, magkasama parin tayo, dahil wala akong ibang gustong kasama sa tuktok ng mundo Ma, kundi ikaw.

Ikaw ang nagkukumpleto ng lahat, Ma. Kapag hindi masarap ang luto, ikaw ang kukumpleto ng mga ingredients para maging masarap. Kapag hindi masaya ang kanta, sasayawan mo ng nakakatawa para masaya. Kapag wala na akong masabi sa mga usapan natin, lagi mong dudugtungan ng mga pangaral at mga sarili mong kwento.

Walang panahong kasama kita, ang pinagsisihan kong sana hindi nangyari. Bawat pagkakataong kasama kita, dala dala ko lagi sa puso ko.

Ikaw ang pinaka malakas, matalino, masipag at higit sa lahat, mapag pasensyang Mama na nakilala ko. Sana bigyan pa tayo ng Diyos ng mahabang mahabang oras na magkasama para paulit ulit kong masabi sayo kung gaano ka kahalaga sakin.

sa ngayon, Ma, sulat muna ah, wala muna yung pangako kong regalong TV, Hahahaha. 'Wag kang mag alala Ma, kapag sa unang sahod ko, yun agad ang unang una nating pag iipunan. Sa ngayon, magkasya muna tayo sa kwento ng isa't isa.

Mahal na mahal kita, Ma.

Ang paborito mong anak,

Sept

次の章へ