webnovel

Kabanata 457

Lumipas ang mga araw hindi parin nag papakita si Kelly sa mga kuya niya. Kahit takang taka na rin ang ina nila kung bakit hindi ito nag papakita sa kanila. Pero ang sinasabi lang parati ni Kelly ay busy sya at may out pf the country na trabaho. At dahil may tiwala naman ang pamilya niya sa kaniya hinayaan nalang nila si Kelly gawin ang gusto nito.

Sa bahay ng mga Dela Cruz,

"Tol, uuwi muna kami ni Lenny sa Batangas may sakit kasi ang tatay niya." Ani Kim kay Kian.

"Ha? Na paano daw? Ayos lang ba si tito?" Tanong ni Kian na nag aalala.

"Hindi masyado eh nasa hospital ngayon si Papa tumaas raw kasi ang dugo eh may hypertension daw yun."

"Oh... Sana naman eh maging ayos na. Nasan si Lenny?"

"Pababa na rin yun may inaayos lang. Baka mga isang linggo nga pala kami doon. Basta mag chachat nalang ako sa inyo."

"Okay sige basta pag kailangan nila Lenny ng tulong mag sabi kayo, ha?"

"Oo tol, salamat."

"Um."

"Sandali lang kukunin ko na muna yung dalahin namin na bag."

"Oo sige. Gamitin nyo na yung isang kotse."

"Oo kuya."

"Babe!" Ani Lenny.

"Oo andiyan na! Sige kuya saglit lang."

"Oo sige na."

Pababa naman ng hagdan si Keith at tinanong si Kim "oh? Aalis kayo? Nakaimpake si ate Lenny eh nakita ko."

"Um. Uuwi muna kami sa kanila may sakit si Papa."

"Ha? Anong na nangyare?"

"Inatake ng hypertension wala kasing tao sa kanila kaya need namin ni Lenny na umuwi."

"Oh...Mag sabi kayo pag kailangan nyo ng tulong."

"Um. Thanks tol."

"Um."

At pagbaba ni Keith kinausap nya naman si Kian na nasa sala at nanonood ng tv.

"Aalis pala sila kuya Kim at ate Lenny."

"Oo daw. Ikaw di ka ba susunod sa Bulacan? Bakasyon naman di ka susunod sa mag iina mo?"

"Bukas tol, nag usap na kami ni Faith may kailangan pa kasi akong gawin."

"Hmm?"

"Remember, kami na ni Faith ang nag take over sa café ni Kelly."

"Ahhh... Yeah. Kamusta pala? Okay naman?"

"Um. Buti na gustuhan rin ng mga customers ang bago naming pastries ni Faith."

"That's good! Keep going, ano sabi ni Kelly? Hindi pa ba sya babalik ng Canada? Parang ang tagal niya na sa Australia."

"Happy naman sya pero di na sabi sakin ni Kelly kung kailan sya babalik kila Mama."

"Ganun ba?"

"Bakit? May problema ba kuya?"

"Wala naman na pansin ko kasi these past fee months di na sya  nag u-update sa social media nya. Knowing her every two days ata yun nag u-upload ng picture niya."

"Ahhh... Baka naman busy lang talaga at least she's okay at lagi parin nag u-update sa mga ginagawa nya."

"Yeah. Pero di parin ako mapakali eh."

"Hmm?"

"Oh, mga tol aalis na kami." Bungad ni Kim na dala ang maleta nila ni Lenny.

"Oh, aalis na kayo?" Ani Kian.

"Oo kuya balik nalang kami after one week." Sagot ni Lenny.

"Sige, pagaling kamo si tito chat kayo pag need nyo ng help."

"Salamat kuya."

"Wala yon pamilya tayo dito."

"Um. Salamat kuya."

"So, paano aalis na kami? Malayo layo din ang driving namin." Sabi ni Kim.

"Akana yang isang maleta ako na mag hihila." Ani Keith.

"Oh! Bukasan mo na din ang gate para may pakinabang ka naman." Sambit ni Kim na para bang ng aasar kay Keith.

"Huh! Ibang klase!"

"Lumakad ka na!"

"Aisssh!!!"

"Lakad!"

Sakto namang dumating si Rica kasama si Jacob na galing sa grocery store na lulan ng e-bike.

"Oh? San kayo pupunta?" Ani Rica na bumaba agad sa e-bike.

"Sorry ate, di ko nabanggit kanina lang kasing madaling araw na sabi ng pinsan ko na nasa Hospital si Papa." Sagot ni Lenny.

"Oh my! Is he okay?"

"Inatake kasi ng hypertension nya eh wala kasi silang kasama ni Mama kaya need kong umuwi."

"Hala! Oh basta pag ano, mag chat kayo ha? Oy, Kim alagaan mo si Lenny nako!"

"Ate Rica naman!"

"Tsss! Basta ingat kayo mag chat kayo pag nandun na kayo."

"Oo ate salamat." Ani Lenny at niyakap sya ni Rica.

"Take care ha? Ingat sa pag dadrive Kim."

"Yes Ma'am."

"Sige na, at baka ma traffic na kayo." Sabi ni Kian.

"Oo tol sige mauna na kami."

"Mag chat nalang kami mamaya."

"Kiss na kay tita Lenny at tito Kim, Jacob." Sabi ni Rica.

Nag goodbye kiss naman si Jacob dun sa mag asawa "ingat po kayo."

"Pag uwi nalang yung pasalubong okay?" 

"Okay lang po tita Lenny."

"Okay babye na."

At umalis na nga yung mag asawa.

"Sana naman maging okay na si Tito." Ani Rica.

"Magiging okay rin ang lahat." Sabi ni Kian.

"San pala kayo galing ate?" Tanong ni Keith.

"Ah, nag groceries kami ni Jacob kakaunti na kasi ang stocks natin sa kitchen. Tulungan nyo pala kami ni Jacob mag baba ng mga pinamili namin."

"Um."

Samantala habang nasa biyahe at si Kim ang nag dadrive at nasa front seat naman si Lenny tahimik lang ang dalawa.

"Ahem! Gusto mo bang nag drive thru?" Tanong ni Kim pero hindi nag sasalit si Lenny.

"Sige, kung ayaw mo ako na ang oorder."

At hindi pa nga rin nag sasalita si Lenny hanggang sa naka pag drive thru na nga sila.

"Kumain ka na..."

"Tsk! Sorry na, wala naman kasi akong maisip na palusot kila kuya."

"Huh! Yung tatay ko pa talaga ang ginawa mong reason?"

"Pero uuwi naman talaga tayo sa inyo dahil kay tatay di ba?"

"Oo pero hindi dahil nasa hospital sya kundi dahil nag tatampo sya!"

"Eh sorry na nga! Ayoko lang kasi sabihin kila kuya na uuwi tayo dahil gusto lang natin."

"Ewan ko sayo!"

"Sorry na babe... Oh, kumain ka na."

"Tsss! Bahala ka!"

"Sige ako nalang kakain ng lahat ng ito ang laki pa naman bg fries na binili ko."

Lenny gulped at tumingin lang sa labas.

"Ayaw mo talaga? Sige tatapon ko nalang."

Swoosh!

Kinuha namang agad ni Lenny yung supot ng may laman na pagkain.

"Tatapon ang daming nagugutom sira ulo ka ba?"

"Sus! Bati na tayo?"

"Ewan!"

"Nga pala, di nag chachat si Bunso sayo?"

"Ah... Ano... Hindi!"

"Lately kasi parang naiwas sya samin."

"Ha? Baka... Baka ano busy lang sya. (Hindi ko pwedeng sabihin kay Kim kung ano talagang lagay ni Kelly baka ikagalit nilang mag kakapatid.)

"Sobrang busy naman at di na kami nakaka pag videocall kahit saglit?"

"Ehhh... Malay mo lang."

"Anyways, hanggang ilang araw tayo sa inyo?"

"Di ba nga 1week."

"Ohh... Kala ko kasi we're just acting."

"Ewan ko ba naman sayo okay lang naman na sabihin ang totoo kila kuya ikaw naman itong nag dahilan pa. Ano ba namang masama kung umuwi tayo samin?"

"Ehhh... Kasi nga, alam mo namang di samin sanay na wala kami sa bahay wala sila Kevin tapos aalis din si Keith edi sila kuya Kian nalang asa bahay. Ngayon lang kasi mangyayari na di kami mag kakasama sa birthday ni Dad."

"Ha? Birthday ni Dad? Kailan ba? Bakit di mo sinabi edi sana di muna tayo umuwi."

"Sa Sunday na father's day rin kasi yun. Pero ayos lang maintindihan rin naman yun ni daddy saka masaya na sya na may kani-kaniya na kaming pamilya."

"Pero..."

Hinawakan ni Kim ang kamay ni Lenny at sinabing "don't worry everything is fine."

"Tsk! Mag father's day na pero di parin kita mabigyan ng anak."

"Babe! Wag mong sabihin yan. Kung di pa talaga para satin ayos lang."

"Pero kasi..."

"Babe, wag kang mag alala ayos lang ako. Baka sadyang may time para sa baby natin. Hayaan mo pag susumikapan ko gabi-gabi."

Lenny bonked him "baliw! Eyes pn the road!"

"Hehe... Ito naman di na mabiro."

"Heh!"

At the same time sa resort,

"What? Isinugod sa hospital si Kelly?" Ani Patrick pagka rating na pagka rating nya sa resort.

"Opo Boss. Tinatawagan ko po kayo pero di ko po kayo ma contact." Sabi nung lalaking staff sa resort.

"Tsk! Wala akong narereceive."

"Young Master mahina po kasi ang signal sa lugar na ito." Sabi naman ni Johnsen na kasama rin ni Patrick.

"Saang hospital sya dinala?"

"Sa ano po..."

"Sumama ka na, Mr. Johnsen yung kotse."

"Yes Young Master."

At dali-dali ngang nag punta sila Patrick sa hospital kung nasa saan si Kelly.

Click!

Binuksan agad ni Patrick yung pinto na humahangos papunta kay Kelly.

"Yeobu! Are you okay? Yung baby? Ayos lang ba kayong dalawa? What happened?"

"Sir, kayo po ba ang asawa?" Sabi nung doktora.

"Ah... Doc, kamusta po ang mag ina ko?"

"They're fine. Nagkaroon lang ng pag durugo maselan kasi ang pag bubuntis ni Misis kaya kahit konti galawa lang dapat sobrang maiingat. Hindi ka ba nya kasama? Bakit sya lang mag isa sa bahay?"

Nagkatinginan sila Patrick at Kelly.

"Ah, doc maraming salamat po pero ayos lang po ako." Ani Kelly.

"Okay sige, mamaya babalik ako para i-check ka ulit."

"Sige po doc salamat."

"Um."

Patrick nods and smiled dun kay doktora at nag pa salamat. Mr. Johnsen and the guy staff of the hotel sumama na rin papalabas ng kwarto para makapag usap yung dalawa.

"Why are you here? Hindi ba sinabi ko na sayong kaya ko?!"

"Tsk! Kelly naman! May kinailangan lang akong puntahang meeting sa Manila. Galit ka na naman! Hindi ba sabi ko sayo kapag may kailangan ka tumawag ka sa staff! Bayad sila para alagaan ka!"

"Huh! Buti pa sila they cared about me and my baby! Eh ikaw? Umalis ka ng walang paalam?"

"Kelly, Yeobu... Listen to me..."

"Stop calling me Yeobu!"

"Okay, okay... Wag ka ng magalit maselan ang pag bubuntis mo."

"Pwes! Umalis ka kung ayaw mo kong ma stress!"

"Kelly naman!"

"Don't talk to me!"

"Fine! Pero hindi ako aalis! Dito lang ako babantayan ko kayo ni baby."

Nagtalukbong ng kumot si Kelly at sinabing "bahala ka!"

Patrick sighed.

"."

Nakatulog si Kelly at ng magising sya ay hapon na at ng magising sya narinig nya may kausap si Patrick.

"Yes, attorney just tell my sister about it hindi kasi ako makakabalik ng Manila. I need to take care of my wife and my soon to be baby."

"Ah, yes attorney mag kakaanak na po ako."

"Nako, salamat po. Balitaan ko kayo pag lumabas na ang baby boy ko."

"Hehe... Sige po kukunin ko kayong ninong."

Habang nakikinig naman sa usapan si Kelly napangiti ito na para bang proud na proud sya kay Patrick dahil di nito inilihim sa ibang tao na mag kakaanak na sila.

"Sige po attorney. Ingat po kayo."

Nang matapos ang pag uusap nila Patrick nag pretend namang tulog si Kelly.

Napabuntong hininga si Patrick at napahawak sa forehead nya.

"Sakit ng ulo ko."

Tinawag niya si Johnsen na nasa labas.

"Young Master?"

"Oh, can you get my medicine? Saka bumili ka na rin ng pagkain para don't forget the fruits especially peras para kay Kelly."

"Okay po. Nasakit na naman po ba ang ulo nyo?"

"Um. Migraine."

"Lately parang nadadalas na po ang pag sakit ng ulo nyo dapat po siguro mag pa check up na kayo ulit."

"Um. Pag okay na si Kelly."

"Pero Young Master."

"Sige na."

"O-- Okay po."

At pag labas ni Mr. Johnsen nahiga naman muna sa sofa si Patrick na ang buong akala at tulog pa si Kelly.

Minulat ni Kelly ang mga mata nya at tumingin sa nakahingang si Patrick.

"Baby, I think we're too much sa daddy mo."

"Di ko man lang sya inalala lagi nalang akong galit sa kaniya. He so busy kasi sa work niya kaya nag kakasakit na sya pero tayo parin ang inuuna nya. Sighed..."

***

Lumipas ang mga araw at dumating na nga ang father's day.

"Young Madam, sigurado po bang ayos lang sa inyo na mag bake? Pwede naman po ako nalang ang bumili sa bakeshop." Ani Mr. Johnsen kay Kelly habang nasa kitchen sila.

"Why? Nag do-doubt ka ba na di ko kaya mag bake? I know I'm not a good cook pero I know how to bake!"

"Ah... Eh... Hindi naman po sa ganun. Don't get me wrong po. Nag aalala lang po ako na baka mapano kayo ni baby. Hindi po ba maselan ang pag bubuntis nyo saka ako po pagagalitan ni Young Master."

"Hindi yan! Kaya nga andito ka eh ikaw ang helper ko! Ayaw mo ba?"

"Hindi po ah! Gusto ko po."

"Good ihanda mo na mga ingredients."

"Yes Ma'am."

Gusto kasi ni Kelly na i-surprise si Patrick kaya nag effort sya para sa father's day. Gusto nya kasing makabawi kay Patrick na lagi nya nalang inaaway.

Ring... Ring...

Kelly: Hello?

Kian: Where are you?

Kelly: Ku-- Kuya!

Kian: Birthday ni daddy ah. Bakit di ka man lang tumawag?

Kelly: Ah... Eh.... Tatawag naman talaga ako kuya may ginagawa lang.

Kian: Ni hindi mo man lang kami batiin ng mga kuya mo ng father's day. Sabi ni Kim at Keith di ka rin daw natawag pa sa kanila.

Kelly: Ahm... Sorry na kuya na late kasi ako ng gising pero tatawag talaga ako naunahan mo lang.

Kian: Sus!

Kelly: Totoo yon! Bakit ko naman kayo makakalimutan nila kuya saka si Daddy? Pupunta nga ako dun mamaya.

Kian: Ha? Anong pupunta? Nasa Pinas ka ba?

Kelly: Ha? A-- Ano ang ibig kong sahihin pupunta ako ng church mamaya dito sa Canada para pag pray si Daddy. Oo ganun...

Kian: Hmm... Are you sure wala ka sa Pinas?

Kelly: Kuya namna sye--syempre sasabihan ko naman kayo nila kuya kapag uuwi na ko.

Kian: Siguraduhin mo yan Kelly dahil alam mong ayaw na ayaw kong nag sisinungaling.

Kelly gulped "o-oo naman kuya."

Kian: Okay sige ingat ka ha?

Kelly: Um. Happy father's day kuya mamaya nalang ulit ako tawag.

Kian: Okay sige bye.

Kelly: Bye...

Napabuntong hininga nalang si Kelly aftef nya makausap ang kuya niya.

"Ahm... Miss, eto po payo lang ano... Ahm... Bakit di nyo pa po sa kanila sabihin ang tungkol sa pag bubuntis nyo? Pananagutan naman po kayo ni Young Master. Isa pa, mahal kayo ng mga kuya nyo kaya matatanggap nila kayo at yung baby." Ani Johnsen habang nag hahalo ng butter para sa gagawing cake.

"Yeah... Ewan ko ba, nung nalaman kong buntis ako di ko rin talaga alam kung anong gagawin ko. Natakot lang ako na baka magalit sakin sila kuya especially si Mama."

"Bakit di nyo pa po kasi sabihin? Wag po kayo matakot andito naman po kami ni Young Master."

"I know and thank you. But I think di pa kasi time para sabihin. Ewan ko naguguluhan pa ko hanggang ngayon. Yung expectations kasi nila sakin sobrang alam mo yun simula pagkabata sobra na silang mag bigay sakin ng tiwala. Like I'm introvert like na bago lang simula ng dumating sakin si Patrick. I loved him so much yung tipong kya ko siguro syang piliin against kila kuya. Pero ayokong gawin kasi magagalit sila kuya sakin."

"Miss, kung naririnig lang ni Youbg Master yang mga sinasabi nyo baka maiyak po yun."

"Don't tell him ha? Baka mabuang yon."

"Hehe... Opo. Pero Miss kung mahal nyo si Young Master bakit lagi po kayong galit at lagi syang tinataboy?"

"Ewan ko, siguro dahil buntis ako? O ewan basta alam kong mahal ko sya pero ayokong masaktan sya."

"Masaktan?"

"Um. Alam ko kasing once na malaman nila kuya na buntis ako ni Patrick lalo lang nila di sya matatanggap. Isa pa, ayoko namang ako at ng magiging anak namin ang hahandalang sa pangarap nya. Ayoko namang maging miserable sya."

"Po? Pero kayo nga ang pangarap ni Young Master."

"Ha?"

"Um. Simula po nung iniwan nyo sya at nag punta kayo ng Canada lagi na po syang nag iinom halos araw-araw ngayon na nga lang po yan bumabawi sa company nila eh kasi kasama na niya kayo tapos inspired pa sya kasi mag kakaanak na po kayo."

"Talaga?"

"Opo! Kahit nung di pa po kayo bumabalik nung nag tagal po kayo sa Canada di niya po kayo pinagpalit kahit ang daming girls na ang naka paligid sa kaniya kayo at kayo parin ang nasa puso at isip nya. One time nga po muntik na syang mapikot ng isang girl sa bar."

"Ha? Nag babar sya?!"

"Ah, nako! Don't get him wrong po dun po kasi gusto ng investor mag meeting may ari po kasi ng bar kay ayun no choice po si Young Mater.  Naloko nga din po sya nun eh na scam sya buti nalang dumating si Sir Dave di na tuloy yung masamang balak."

"I see... Do you think it's too late for me to reconcile with him?"

"Di po kasi gang ngayon naman patay na patay parin sa inyo si Boss."

"Hehe... Good to hear that. Later, help me to make dinner for him ha? Before sya bumalik."

"Um. Goods na goods po Miss."

"Thanks."

4pm ng hapon,

"Miss were done finally."

"Yeah, ahm... Can you go with me?"

"Po? Saan po tayo pupunta? Pauwi na po si Young Master."

"Birthday kasi ni daddy gusto kong pumunta sa puntod niya."

"Oh... Kaya po pala dalawa yung cake na binake natin."

"Um. Lagi kasi kaming na punta sa puntod ni daddy kapag birthday nya tutal nasa Batangas naman ako pupuntahan ko na last uear kasi di ako naka sama kila kuya nasa Canada ako."

"Pero what if po makita kayo dun ng mga kuya nyo?"

"Ah, okay lang umaga nag pupunta sila kuya wala na sila dun."

"Ohh... Okay po, pero pwede po bang sabihin natin kay Young Master na lalabas po tayo ng resort? Baka po kasi mag alala yun."

"Okay sige."

"Sige po mag ayos na po kayo ready ko na lang din po muna yung kotse."

"Okay."

At mga ilang sandali pa nga nagulat si Kelly na andoon sa puntod ng daddy niya itong si Patrick.

"Patrick?"

"Oh! Why are you here?"

Napatingin si Kelly kay Mr. Johnsen "ahm... Young Master nabasa nyo po ba ang text ko sa inyo? Hindi po kasi kayo na sagot."

"Ah, lowbat ang phone ko."

"Lowbat? But how did you know that..."

"Na birthday ng dad mo? Ahm... ni dad?"

"Paano mo nga nalaman? Di ko naman na babanggit sayo."

"Di nga pero nakita ko sa phone mo nag alarm ako ang nag off kaninang umaga bago ako mag punta ng Manila."

"Oh... Ganun pala..."

"See, tito ayaw talaga akong papuntahin ng anak nyo dito. Nakakatampo po di ba?"

"Huh! Sira! Daddy, happy birthday and happy father's day po." Ani Kelly at dahan dahan syang uupo sana para ilagay yung cake sa puntod ng daddy nya pero kinuha agad iyon ni Patrick.

"Ako na."

Iniabot rin naman ni Mr. Johnsen yung flowers nilang dala ni Kelly.

"Dad, sorry late na po ako naka dalaw pero pinag bake ko po kayo ng cake."

"Nag bake ka? Johnsen!"

"Ah... Ano po kasi Young Master..."

"Don't get mad at him sya talaga halos lahat gumawa sa baking he helps me."

"Oh..."

"Opo Young Master ayaw po kso ni Young Madam na di sya mag babake sabi ko nga po na bumili nalang kami."

"Gusto kasi ni Daddy na laging homemade ang pagkain. Alam ko miss na miss na nya ang luto ni Mama. Daddy, sorry po ah di ko kasama dito si Mama. Ahm... Daddy, may gusto po akong sabihin sa inyo..."

Hinawakan ni Kelly ang kamay ni Patrick "dad, magiging lolo na po kayo. And sya po yung daddy ng baby ko."

Na shookt si Patrick sa sinabi ni Kelly na para bang naiiyak pa ito.

"Alam ko po, hindi ganito ang inaasahan nyo sa bunsuan nyo. Pero dad, mahal na mahal ko po ang mokong na ito eh. At alam ko pong sobrang rin nya akong mahal kami po ng magiging anak namin."

"Ke-- Kelly..."

"Dad, si Patrick Santos nga po pala ang inyong magiging son-in-law. Di pa po kami kasal pero alam ko in the future, soonest he will propose to me. Ah, naka ilang proposal na rin po pala sya sakin actually pero lagi ko lang po dine declined ewan ko po ba mahal ko naman sya pero gusto ko po kasing malaman kung hanggang saan ang pag mamahal nya sakin. At ngayon, alam ko na po..." She looked at him and smiled "alam ko na po na mahal na mahal nya ako. Kaya daddy, sana tanggapin niyo po sya ha?"

Patrick started to cry at lumuhod pa para mag bow ng pa ulit-ulit habang sinasabing "tito, tanggapin nyo po ako pangako di ko po sasaktan ang anak nyo."

Mr. Johnsen smiled.

"Na buang na. Baka pag sumagot si daddy mag tatakbo ka diyan."

"Ahm... Yeobu, Kelly Ann Marie..."

"Hmm?"

Kinuha ni Patrick sa bulsa niya yung maliit na box habang naka luhod "Kelly Ann Marie Dela Cruz, I want to walk to the flower path with you... Please marry me..."

Nagulat si Kelly at naiyak "huy!"

"Hmm? Please be my wife I want to be daddy of our child."

Kelly nods while crying and she said "yes! I want to be your wife and to be with you forever."

Tuwang tuwa si Patrick at niyakap nya at hinalikan si Kelly habamg umiiyak.

Naiyak rin naman itong si Mr. Johnsen habang naka ngiti at papaalis na sana  so that the two have some time to talk pero pag talikod nya laking gulat niya na andun pala ang mga kuya ni Kelly kasama rin ang kani-kanilang asawa.

"Good---  Good Afternoon po."

"Kelly Ann Marie!!!" Pagalit na sambit ni Kian.

Nagulat naman sila Kelly at Patrick na sabay pang lumingon "ku--kuya!"

"Ano ang ibig sabihin nito?!"

"Ah... Ku-- Kuya..."

Umabante naman si Patrick at ang higpit ng hawak niya sa kamay ni Kelly at sinabing "don't worry you have me."

"Kelly!!!"

"Kian, kumalma ka muna." Ani Rica.

"Paano kami kakalma ate? Eh kasama ni Kelly yang lalaki na yan tapos... Buntis ka Kelly?!" Sabi ni Kim.

"Opo Sir! At ako po ang ama!"

"Huh! Ayos ah, para tayong nasa kdrama." Ani Keith.

"Tsk! Wag ka ng maki sali! Lalo lang lalaki ang problema eh." Ani Faith.

Lumapit si Kian at kinuha ang kamay ni Kelly "umuwi na tayo! Sa bahay tayo mag uusap!"

"Pero kuya..."

"Sir, wag po kayong magalit sa kaniya kung gusto nyo po ako ang pagalitan o saktan nyo."

"No! Ayoko! Ayokong saktan ka nila." Ani Kelly.

"Ayos lang ako wag mo kong intindihin."

"Sabi ng umuwi na tayo!!!" Ani Kian na galit na galit na talaga that time kaya naman nahila niya si Kelly.

"Ku-- Kuya! Nasasaktan ako."

"Tsk! Honey bitawan mo si Kelly. Buntis sya at maselan baka mapano ang baby." Sambit ni Rica.

"Oo kuya, hindi pwedeng mastress si Kelly baka mapano sila ng baby." Sabi ni Lenny.

"Sandali nga, may alam ba kayong dalawa tungkol kay Kelly?" Tanong ni Kim.

Nagkatinginan naman yung mag hipag.

"Ikaw rin?" Sabi ni Keith kay Faith pero sila lang mag asawa ang nagkakarinigan

"Aba, wala!"

"Mababaliw na talaga ako sa inyong mga babae!"

次の章へ