webnovel

Kabanata 424

Gising na ang lahat at ready ng mag umagahan pero wala pa rin si Kelly kaya naman inutusan ni Kian si Jacob na puntahan ang tita nito.

Knock... Knock...

"Tita Kelly, morning po... Si Jacob po ito... Ahm... Gising na po ba kayo?"

Click...

Pinagbuksan ni Kelly si Jacob ng pinto "mo-- morning po..."

"Good Morning."

"Ah... Ahm... A-- Alis po kayo?"

Nagulat si Jacob dahil naka bihis na pang alis ang tita Kelly nya at iba rin ang tono ng boses nito na para bang wala sa mood at wala ding ka sigla-sigla at walang makikitang ngiti sa mukha nito. Na hindi na kasanayan ni Jacob.

"Oo, tapos na ang day off ko. Sige mauna na ko."

"Pe-- Pero kumain na po muna kayo."

Sinundan ni Jacob ang tita Kelly nya.

"Kelly!" Bungad ng mga kuya nya.

Pero hindi sila pinansin nito at nag dire-diretso lang papalabas.

"Kelly!!!" Sabi ni Kian at nag sisunod rin ang iba pang mga kuya ni Kelly.

Sumakay na si Kelly sa atv car nya at umalis.

"Kelly!!!" Pahabol na sambit ni Kian.

"Susundan ko nalang kuya." Sabi ni Kevin.

"Sige mas mabuti pa." Sabi ni Keith.

"We will go too." Sabi nung twins.

"No! Wag muna this is not the right time lalo lang magagalit si Kelly kapag kinukulit sya."

"Oh... Sorry..." Anila.

"Sige aalis na muna ako para maabutan ko sya."

At ng makaalis si Kevin natahimik naman ang mga kuya ni Kelly na naiwan.

"Ahm... Don't be sad po everything is going to be okay." Sabi ni Jacob.

"Thanks kid." Sabi ni Flin.

"Ahm... The food is getting cold na po. Daddy, you told me na hindi dapat pinag iintay ang grasya kaya tara na po kumain na po muna tayo."

"Um. Tara kumain na muna tayo."

"Oo..." Anila.

"."

Nang makarating naman sa café si Kelly nagulat ang mga staff nito na ang aga ng kanilang boss.

"Go-- Good morning Madam." Anila.

"Morning."

Pero nanibago sila dahil hindi energetic at jolly ang Kelly na nakita nila.

"Ano kayang problema ni Madam?" Sabi ni Beri isa sa staff ni Kelly.

Ka Ching!

"Sarado pa po kami." Sabi ng staff at nagulat silang si... "Go-- Good Morning Sir Kevin." Anila.

"Si Kelly asan? Nasa office na nya?"

"Opo Sir."

"Sige salamat."

At nag tungo na nga si Kevin sa office ni Kelly.

"Ano kayang nangyayare?" Sabi ng mga staff.

At ng maka pasok naman na si Kevin sa office ni Kelly.

Pant... Pant "bunso..."

"I'm busy wala akong time makipag usap."

"Pero bunso... Makinig ka muna..."

"Tell ate Leny that you want an appointment to me. Salamat."

"Pero Kelly naman! Kuya mo ko..."

THUMP!

Nagulat si Kevin ng nag dabog si Kelly "I said, I am busy!"

"Pero Kelly, saglit na oras lang naman ang hinihingi ko sayo..."

"Get out!"

"Kelly naman!"

"Okay, sige, ako ang lalabas ikaw nalang dito."

"Te-- Teka lang naman. Okay sige lalabas na ko pero bigyan mo man lang sana ako kahit 5minutes para makausap ka."

"Mr. Dela Cruz if you want to talk to me talk to my assistant first!"

"A-- Ano? Mr. Dela... Cruz? Aba Kelly... Kuya mo ko."

"Huh! Kuya? Sino? Ikaw? Ahhh... Kuya pala ang tawag sayo... O, may kuya ba ko? Sa pagkaka alala ko kasi lumaki ako sa kasinungalingan."

"Kelly, let me explain... Alam kong galit na galit ka samin nila kuya."

"Enough!"

"Kelly..."

"Sige, pa pipiliin kita Mr. Dela Cruz aalis ka ng tahimik o tatawag pa ako ng pulis?"

Kevin sighed "okay, sige... Aalis na ko pero tandaan mo... Hindi kami susuko sayo nila kuya mag hihintay kami na mapatawad mo." Then he left.

"AHHHH!!!" Sumigaw si Kelly sa galit nya at ipinagtatapon ang mga gamit na nasa table nya.

Narinig yon ni Kevin dahil nasa labas lang sya ng office nito.

"Si-- Sir... Ayos lang po ba si Madam?" Tanong ni Beri kasama rin yung iba pang staff dahil narinig rin ang sigaw ni Kelly kaya nag alala sila.

"Sa ngayon, kayo na munang umunawa sa kaniya may pinagdadaan kasi ang pamilya namin lalo na si Kelly. Kaya ako ng humihingi ng pasensya kung simula ngayon mag babago ang pakikitungo nya sa inyo."

"A-- Ayos lang po Sir as long as okay po si Madam."

"Salamat sa inyo. Sige mauuna na ko pakibantayan nyo muna siya para sakin at pakitawagan ako kapag aalis sya ng opisina nya. Sabihan nyo akong agad."

"Opo Sir." Anila.

"Sige mauna na ko."

"Ingat po kayo Sir." Anila.

"Um."

Pag alis naman ni Kevin pinabalik na ni Beri ang mga staff sa kani-kaniyang trabaho nito.

"Sana maging okay na si Madam. Di ako sanay na hindi sya jolly." Sabi ni Anie isa rin sa staff na naka silip sa labas ng office ni Kelly.

"Wala tayong magagawa di naman parating masaya ang buhay kailangan ring balanse. Kaya tara na mamaya eh mag bubukas na tayo."

"Okay."

"."

At dahil nga wala sa mood si Kelly parang nawalan na rin ng gana ang mga staff nya.

"Young Master, november na po ba?" Sabi ni Mr. Johnsen na nag punta ng café ni Kelly kasama si Patrick.

"Ha?"

"Tignan nyo, parang may itim na enerhiya na bumabalot sa café ni Miss."

Patrick bonked him "tumigil ka nga! Bilisan mo kunin mo yung mga ibibigay natin kay Kelly."

"Opo. Sorry po."

At pag pasok nga nung dalawa parang hindi maipinta ang mga mukha ng staff ni Kelly.

"A-- Anong nangyayare dito? Bakit parang walang energy ang mga tao dito pati yung mga customer na damay na rin ata." Sabi ni Johnsen.

"Move!"

"Ay, sorry po Young Master."

At napatingin nga rin si Patrick sa mga tao sa loob ng café ni Kelly.

"Excuse me, si Ms. Kelly ba andiyan?" Tanong ni Johnsen sa isang staff na babae.

"Opo, pero hindi po sya tumatanggap ng appointment ngayon."

"Ha? Pero kasama ko ang boyfriend ng Boss nyo."

Nang marinig naman yun ng mga staff parang naging lively ang lahat at napatingin lahat kay Patrick at sinabing "nasa office po si Madam."

"O-- Okay? Salamat... Young Master, kailangan na ba nating tumawag ng feng shui expert? Kakaiba ang nangyayare dito."

"Tsk! Bilisan mo na tumaas na tayo!"

"Ah... Opo."

Nang makapasok naman yung dalawa sa opisina ni Kelly nagulat silang ang kalat-kalat dito.

"Ba-- Babe!!!" Bungad ni Patrick at nilapitan agad si Kelly na nakahiga sa sofa na akala eh wala ng malay.

Dali-dali namang ibinaba ni Johnsen ang dala nya at pinulot ang mga nag kalat.

"Mmm... Patrick?"

"Babe! Thank goodness you're alive."

Pinitik naman ni Kelly ang noo ni Patrick at bumangon.

"Anong akala mo sakin tigok na?"

Inalalayan naman ni Patrick si Kelly para makabangon "akala ko kasi kung ano na ang nangyare sayo eh."

"Ano bang ginagawa nyo dito?"

"Para bisitahin ka ano pa?"

"Opo Miss, may mga dala po kaming pagkain na paborito nyo pati flowers po." Sambit ni Johnsen na nag iimis pa rin ng mga kalat.

"Are you okay? Parang hindi ka nakatulog kagabi. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa pero wala akong ganang kumain."

"Ha? Pero mag kakasakit ka nyan."

"Did kuya Kevin tell you? Kaya ka ba andito?"

Patrick gulped "a--anong sasabihin? Wa--Wala naman syang sinabi."

"Wag mo kong pinagloloko nauutal ka sa pag sasalita mo kaya alam kong nag sisinungaling ka."

"Sorry babe, nag aalala lang naman kasi ako sayo. Sabi ni kuya Kevin di ka daw nag dinner last night tapos ngayong umaga di ka rin daw nag breakfast."

Tumayo na si Kelly at naupo sa office chair nya.

"Kung wala na kayong kailangan makakaalis na kayo. Johnsen, tigilan mo na yan."

"O-- Opo Miss."

Patrick sighed then lumapit sya kay Kelly "babe, I know wala ka sa mood at kung ayaw mo ring pag usapan yung problema ayos lang. Pero kung kailangan mo ng tulong ko andito lang ako."

Napatigil si Kelly sa pag susulat nya at tumingin kay Patrick "you really want to help me?"

"O-- Of course! I can do anything para sayo."

"Then, marry me."

"Ha?!!!"

"Marry me."

"Pero babe, this is so sudden. Lalo lang magagalit sakin ang mga kuya mo."

"I want to be with you. Ayoko ng umuwi samin."

"Ha? Pero..."

"Ayaw mo? Sige! Ayos lang!"

"Te-- Teka lang naman... Alam mo namang mahal na mahal kita nag propose na nga ako sayo di ba?"

"Then marry me, now!"

"Pero babe kasi..."

"Okay, kung ayaw mo edi wag! Labas!"

"Ahm..."

Hinila naman ni Johnsen si Patrick "ha...ha... wait lang po Miss ha? Mag uusap lang po kami ni Young Master. Chill lang po kayo ah? Ha... Ha...

At nag usap nga sa isang gilid yung dalawa ng mahina lang "ha? Gusto mong pakasalan ko nga sya ngayon?"

"Young Master, sa ending naman kayo rin eh kaya mag pa register nalang muna kayo. Alalahanin nyo humingi ng tulong sa inyo ang mga kuya ni Ms. Kelly. Ito na po yung chance!"

"Pero, paano kung magalit sila? Edi lalo naman akong malilintikan!"

"Boss, wala na rin naman silang choice."

"Tsk! Di ko alam! Kinakabahan ako sa gagawin natin."

"Ganito po sabihin nyo kay Miss na isikreto ang kasal nyo."

"Ha? Pero mukhang kaya nga nya ako pakakasalan para galitin lalo ang mga kuya nya."

"Ay, oo nga po no? Hmm... What if, linlangin nalang po natin sya?"

"Ha? Paano?"

"Ako pong bahala basta maki ride on nalang po kayo."

"Sigurado ka?"

"Opo!"

Samantala sinamahan ni Kian sila Flin at Nick sa Santos Mall.

"Ohh... This is the mall you guys are talking about." Sabi ni Flin pag labas nila ng kotse.

"Um. Ito yung main maraming branch ang SM dito sa Pinas." Sagot ni Kian.

"I see... The mall is big not ordinary."

"Ah... Actually the mall is from first to third floor and the upper part of building is for the employees

of SM Corp. and also the office of the president and that's Patrick Santos."

"Ohh... that's pretty convenient after the hectic schedules of work when you go down you can relax at the mall, not bad."Sabi ni Nick.

"Yeah. But they have seperate company and lots of businesses."

"Ohh... Then why you guys don't like him to our babysis?" Tanong ni Nick.

"We do like him in fact he is so perfect man to our Kelly. But..."

"But?" Tanong nung kambal.

"Pero nag aalala ako na baka hindi perfect para sa kaniya si Kelly. I mean..."

"We understand Bro you don't need to translate." Sabi ni Nick.

"But I think our Kelly is a perfect woman to him. She is a business woman too and an author. She is kind and responsible person so why do you see her as ordinary and normal person?" Tanong ni Flin.

"Hindi naman sa ganon bro alam kong perfect si Kelly pero hindi nyo pa sya kilala ng lubusan ngayon palang nalabas ang tunay nyang ugali."

"Well, mom said that you guys are hot tempered and we have tie. Hahaha..." Sabi ni Nick.

"Yeah... I think that's the trait that we get to mom."

"We definitely agree bro!" Sagot nung twins.

Honk... Honk...

Sabay-sabay namang napalingon yung tatlo.

"Hmmm?"

Tapos ng may bumaba sa kotse "Dave?" Sabi ni Kian.

"Do you know him?" Sambit nung twins.

"Yeah. He is the best friend of Patrick and one of his employees."

"Good morning po." Bungad ni Dave.

"Good morning!" Anila.

"Why are you here? Ikaw ba ang susundo sa kanila?" Tanong ni Kian kay Dave.

"Ah, opo... Pero, bakit po nila kayo kasama?"

"Ah, we're relatives."

"Talaga po?"

"Yeah. So paano? Iwan ko na sila sayo?"

"Sige po Sir."

"Ahm... Mga bro, si Dave na ang mag a-assist sa inyo."

"Ohhh... Okay." Anila.

Bumulong si Dave kay Kian "nakakaintindi po sila ng tagalog?"

"Yes, but not so deep."

"Ohhh... Buti naman po baka po kasi mag nosebleed ako. He... He..."

"Sige na may pasok pa ko. Ikaw ng bahala sa kanila."

"Opo Sir."

"Mga bro, alis na muna ako just call me if you need something."

"Um. Thanks bro."

"Dave ikaw ng bahala."

"Opo Sir."

Samanatala mabalik tayo kila Kelly at Patrick na nag punta sa simbahan...

"Ha? Iiwan mo kami dito?" Sabi ni Patrick kay Johnsen habang nasa labas sila ng simbahan.

"Opo Sir. Nag text na po sakin si Sir Dave kanina andun na daw po ang Brown brothers."

"Eh?"

"Opo, ako na po munang bahala sa kanila sumunod nalang po kayo."

"Okay sige."

"Sige po."

"Um."

At pag alis naman ni Johnsen pumasok na rin sa simbahan si Patrick at sumunod kay Kelly.

Nakita nyang nakaluhod at nag darasal si Kelly kaya nakigaya na rin sya rito.

At ng matapos ang kanilang pag darasal naupo silang pareho "matagal tagal na rin nung huli akong nag punta ng simabahan." Sabi ni Kelly habang nakatingin sa altar.

"Ah... Actually ako rin eh."

"Pero hindi ko nakakalimutang mag dasal. Sabi samin ni daddy non na kahit hindi kami nakakapag simba tuwing linggo wag na wag raw naming kakalimutang mag dasal araw-araw."

"Miss mo na ang daddy nyo?"

"Madalas ko naman syang namimiss pero wala naman akong magagawa kasi wala na si Daddy."

Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kelly at sinabing "don't worry pag kinasal tayo my dad is your dad too."

Kelly smiled "kahit naman di tayo ikasal pa daddy pa rin naman ang turing ko sa daddy mo. Dahil they treated me like their own kid remember Paula?"

"Babe, bakit mo naman inisip na dahil kamukha ka ni Paula kaya ka nila gusto? Gusto ka nila kasi ikaw si Kelly at hindi si Paula."

"I know, naalala ko lang nung una nila akong nakita. Pero sa pamilya nyo tanging ikaw lang hindi tumingin sakin as Paula."

"Oo nga no? Siguro dahil I don't want you to be my sister cause I want you to be my wife."

"Sira! Dami mong alam."

"But to be honest kaya siguro nga I don't see you as Paula kasi I see you as my rival."

"Your rival? Me? Why?"

"Naalala mo ba nung una tayong nagkakilala? Hindi ba at ayaw natin sa isa't isa parati pa tayong mag kaaway sa pagiging top 1 sa class."

"Ahhh... Oo nga pala pero di ka rin naman nakatiis kasi you fell in love for me."

"Yah, and here I am holding your hand at in love na in love parin sayo."

"Para kang sira! Pero..."

"Hindi ka pa ready mag pa kasal?"

"Sorry..."

"Alam ko namang na bigla ka lang sa sinabi mo kanina kasi galit na galit ka sa mga kuya mo."

"Um. At habang papasok ako dito sa simbahan naalala ko yung sinabi ni daddy samin na kapag nasa simbahan raw dito ka makapag ninilay nilay kasi malapit ang lugar na ito sa Panginoon."

"Ahm... Gusto mong umuwi sa Batangas?"

"Hmm?"

"Nung nakaraan sa Bulacan kayo pumunta pero hindi sa Batangas right?"

"Ah, oo para bisitahin nun sila ate Faith. Pero bakit?"

"Wala, gusto ko lang mag bakasyon kasama ka."

"Ha?"

"Babe! Anong ha? Kung sa ibang babae ko yun sinabi baka mamatay matay na sila sa kilig!"

Pinitik naman ni Kelly ang noo ni Patrick "oh, bakit nagsisisi ka na ba na ako ang fiancée mo?"

"Hi-- Hindi naman... Alam mo namang sanay nako sa ganyang ugali mo."

"Tsss! Sanay daw pero yung reaction kanina dismayadong dismayado."

"He... He... joke lang yun. So, ano gusto mong mag bakasyon?"

"Um. Pede naman, ayoko rin muna kasi samin."

"Okay, mag papabook na ko ng hotel."

"No! Sa Batangas naman tayo pupunta kaya dun nalang sa bahay namin doon ako tutuloy."

"Ha? Pero paano ko?"

"Ikaw nalang sa hotel alam mo namang di pa tayo pwedeng mag sama."

"Tsk! Okay sige pero... paano naman tayo? Anong kalaseng bakasyon yun kung di tayo mag kasama!"

Kelly lean her head to Patrick's shoulder "don't worry, ako ng bahala."

"Okay. Sabi mo eh." He smiled then he leans his head to Kelly's head.

"Wait, paano ka? Pwede kang mawala sa work mo?"

"Ha? O-- Oo naman ako naman ang boss. He... He..."

"Sabagay, Young Master nga pala ang fiancé ko." She pinch Patrick's cheeks.

"Gutom ka na no? Kaya you acting cute na."

"Hehe."

"Let's go?"

"Um."

"What do you want to eat?"

"Ahm..."

Bumulong si Patrick sa kaniya at sinabing "pwede naman ako."

"Patricio!!!"

"Shhhh!!!" Reaction ng mga nasa loob ng simbahan.

"Bleeh!" Reaction ni Patrick na para bang inaasar si Kelly at nauna na rin syang lumabas ng simbahan.

"Ikaw!!! Lagot ka sakin pag nahuli kita!!!"

Nang makalabas naman si Patrick ng simbahan nag tago sya sa isang gilid para tawagan si Kevin.

Kevin: Talaga? Pumayag si Kelly na sumama sa Batangas?

Patrick: Oo kuya, pero sana... Pag andun na kami pwede bang ako ng bahala sa kaniya?

Kevin: What do you mean?

Patrick: Ayoko lang na dahil tinutulungan ko kayo eh magagalit din sakin si Kelly kaya sana...

Kevin: Oo hindi kami mangingialam sa plano mo pero siguraduhin mong magiging maayos ang lahat.

Patrick: Noted kuya.

"Patrick!!! Nasan ka?" Sambit ni Kelly.

Kevin: Sige na, naririnig ko na si Kelly.

Patrick: Um. Sige kuya.

Kevin: Sandali lang...

Patrick: Ano yon kuya?

Kevin: Alagaan mo sana si Kelly para samin.

Patrick: Oo kuya walang problema.

Kevin: Salamat.

At nag pakita na nga si Patrick kay Kelly pagtapos nyang kausapin si Kevin "Babe! I'm here!"

Nagulat naman si Patrick ng bigla siyang niyakap nito "wag ka ng aalis ng walang pasabi!"

Patrick smiled at niyakap nya rin si Kelly at sinabing "don't worry di na kita iiwan ulit. Andito lang ako parati sa tabi mo."

"I love you."

"I love you too..."

次の章へ