webnovel

Kabanata 408

Patapos na yung kasal...

Mayor: You may kiss the bride...

Pero sa may forehead lang hinalikan ni Kim ang bride nyang si Leny.

"Conservative pala si kuya Kim?" Pabulong na sambit ni Kelly sa kuya Kevin nya at siniko naman sya nito ng bahagya.

"Wag kang maingay!"

"Just saying lang! Humph."

At ng matapos ang kasal nag palakpakan ang mga naroroon sa office of the Mayor at binati nila sila Kim at Leny ng best wishes.

"Welcome to the family Tita Leny." Sambit ni Jacob at hinalikan nya sa pisnge ang bago nyang tita na si Leny.

"Thanks Bebe ang cute-cute mo."

Nag mano naman si Leny sa parents nila Vince bilang ang mga ito rin ang tumayong magulang ni Kim.

"Okay, let's take a picture naman." Sabi ni Alice.

"Oo nga! Mayor sama po kayo ah." Sambit naman ni Kelly.

"Sure."

At nagkuhanan nga ang mga ito ng mga picture kasama na nga itong si Mayor Mervin na kaibigan pala ni Kim at kasabwat nga sa pekeng kasal ng mga ito.

"."

Kumain ang pamilya Dela Cruz sa isang restaurant na ang lolo ni Patrick ang may ari na si Don Pacheco ang tatay ng mommy nito...

"Wow! Ang susyalen naman dito couz." Pabulong na sambit ni Jarie kay Leny habang nag lalakad sila papunta sa cr.

"Shhh... wag ka ng maingay baka may makarinig pa sayo. Regalo ni Patrick ang pa reception dito kasi di sya naka attend ng kasal namin."

"Oh? Iba din! Alam ni Kim?"

"Hindi nga eh. Pero alam ni Kelly."

"Ohhh... Kaya pala sabi nya sya ang sasagot."

"Um. Alam nya kasi di tatanggapin ng kuya nya pag galing kay Patrick."

"Oh... Nga naman. Pero ang ganda dito ha? In fairness!"

"Um. Sa lolo kasi ito ni Patrick at pinsan nya yung nag mamanage."

"Kaya naman pala yayamanin dito."

"Hayaan mo na bilisan na natin mag cr baka inaantay na nila tayo dun."

"Ah. Oo sige... sige..."

Samantala sa table kung nasasaan sila Kelly masayang nagkakakwentuhan at namamangka pa nga itong si Kelly ibig sabihin sya ang bida sa kwentuhan.

"Pis, anong problema ng mga kuya mo? Ni walang imik ah kahit si kuya Kim busy lang sa phone. Parang di nya kasal ah." Pabulong na sambit ni Vince.

"Ah, oo pero hayaan mo na mga yan KJ naman na yang mga yan noon pa para ka namang di sanay."

"Yeah. Nga pala, bakit di mo ininvite si Patrick? Sa lolo nya ang resto na ito di ba?"

"Shhh... wag ka ng maingay diyan! Di alam nila kuya."

"Ah... Sorry."

"Tita Kelly!" Sambit ni Jacob.

"Bakit bebe boy?"

"Ang sarap daw po ng steak dito tapos yung bulala din daw po. Pag laki ko gusto ko pong mag work sa ganitong restaurant."

"Gusto mong maging chef apo?" Sabi ni Ada ang nanay nila Vince.

"Opo! Mahilig po kasi akong kumain."

"Di naman halata sayo baby."

"Tito Vince wag po ako."

"Hahaha... ikaw talagang bata ka."

"Nga pala, Kian, Rica congratulations sa second baby nyo."

"Salamat po Auntie." Sagot ni Rica na tinapik si Kian na busy sa phone nito.

"Oo nga its a girl na pala. Happy ka naman Bebe boy?" Sabi ni Vince.

"Opo! May name na nga po kami ni tita Kelly na naka handa eh."

"Eh? You didn't tell me about that Baby."

"Eh mommy, nag lilista pa lang naman po kami ni tita Kelly."

"Like?"

"Ahm... Ana Marie, gaya po ng kay tita kelly na Kelly Ann Marie and Chloe Mae mga ganun po."

"Ohh... I like Chloe Mae." Sabi ni Alice.

"Bet ko pa din ang Ana Marie para mana sakin. Mehehehe..." Sabi ni Kelly.

"Aba at gusto mo pang isunod sayo yung name." Sabi ni Vince.

"Aba syempre!"

Habang nag uusap naman sila Kelly tumayo si Kim.

"San ka pupunta?" Sabi ni Kian.

"Susundan ko lang sila Leny wala pa kasi."

"Ohhh... Sige."

"Ge Tol."

Pagka alis ni Kim syang palit naman ng upuan ni Ethan at pa bulong-bulong "mga bro, wala akong nahanap na kakaiba tungkol kay Leny malinis ang background nya. Kahit yung pinsan nyang kasama wala ring kakaiba."

Nagkatinginan sila Kian, Keith at Kevin.

"Mga kuy's!!!"

Nagulat naman sila Kian sa pag tawag na iyon sa kanila ni Kelly.

"Ba-- Bakit?" Anila.

"Sali kayo may pa laro kami ni Vince."

"Laro? Bunso, kumain ka na nga lang." Sabi ni Kevin.

"Kuya, wala pa naman yung main course kaya mag laro na kasi muna tayo."

"Ano bang laro?" Sabi ni Keith.

"Sali rin po ako tita Kelly."

"Sure. Kayo nalang ng daddy mo ang partner tutal buntis ang mommy mo." Sabi ni Vince.

"Okie po."

"Ano bang laro?" Sabi ni Kian.

"Bring me lang kuya."

Samantala habang busy mag laro sila Kelly pinuntahan ni Kim si Leny ngunit habang nasa labas ng comfort room ng mga babae si Kim at nag hihintay narinig nila Leny na may kausap ito.

"Shhh... teka lang! Makinig muna tayo kausap nya yung ex nya!" Sabi ni Jarie.

"Di ako interesado at kanina pa tayo dito baka nag aalala na sila Kelly."

"Pero couz, kasal mo ngayon tapos yung asawa mo kausap ang ex nya?"

"Shhh! Wag kang maingay baka marinig tayo ni Kim malaman nya pang nakikinig tayo sa usapan nila!"

"Ah basta! Unfair yun sa side mo kaya halika komprontahin natin sya!"

"Ha? Hi-- Hindi na!!!"

Pero walang nagawa si Leny dahil hinila na sya ni Jarie at sa pag hila naman sa kaniya nito natapilok sya at saktong may dumaang lalaki at nasalo sya.

"Couz!"

"Are you alright?" Sabi nung lalaking naka salo kay Leny.

"Ye-- Yes..."

Nakita naman ni Kim na nasa ibang bisig ang kanyang asawa kaya parang na inis ito at hinablot si Leny dun sa lalaki.

"What do you think you're doing? She's my wife!"

"Ki-- Kim... relax, tinulungan nya lang ako muntik na kasi akong..."

"Lets go!"

"Pe-- Pero..."

Nakita nung lalaki na parang nasasaktan na si Leny sa pagkakawak ni Kim kaya lumapit ito at nakisawsaw sa usapang mag asawa.

"Nasasaktan mo na ang asawa mo."

Huminto si Kim at tumingin ng masama dun sa lalaki "huh! Sino ka ba? Ha? Don't tell me na love at first sight ka agad sa asawa ko."

"Kim! Tama na! Nakakahiya sa tao!"

"Nakakahiya? At bakit? Kailan pa naging nakakahiya ang i-defend ang sarili sa ibang tao lalo na't asawa mo ko!"

"Hindi ko gusto ng gulo isa akong lawyer at labag sa batas ang ganyang pag trato mo sa babae lalo na't asawa mo pa ito"

Napansin ni Kim na namumula na nga ang braso ni Leny kaya binitawan nya ito at hinawakan ang kabilang braso at umalis.

"He-- Hey!!! Intayin nyo naman ako!!!" Pahabol na sambit ni Jarie at bago sya umalis "ahm... Sir, may calling card o kahit anong may number kayo diyan pahingi po ako."

"H-- Ha?"

"Don't worry hindi po para sakin para dun sa babaeng tinulungan nyo kanina di ba ang sabi nyo lawyer kayo?"

"O-- Oo."

"Actually, kasal po nilang dalawa ngayon malay nyo in the near future matulungan nyo ang pinsan ko... yung babae po yung pinsan ko si Leny."

"Ah... O-- Okay. Here, call me kapag kailangan nyo ng tulong about sa mga pang aping tao."

"Yes Sir! Salamat po dito. Don't worry single pa rin naman ang pinsan ko lalakad ko kayo."

"H-- Ha? Ano? Single?"

"Wala po. Sige na po gutom na ko eh. Bye! Enjoy the restroom ang ganda po ng cr dito matic! Kabog! Bye!"

"Tsss! Ang kulit."

"Sir Lucky!" Bungad nung waiter dun sa lawyer.

"Oh? Something wrong?"

"Wala naman po pero nasa linya po ng telepono si Don Pacheco at hinahanap po kayo."

"Si Lolo? Bakit raw?"

"Hindi ko po alam sabi nya po kasi importante daw po at di raw kayo na sagot sa mga phone calls nya sa inyo."

"Tsk! Si lolo talaga ano na naman kayang gulo ang pinasok."

Sa mag kaparehong oras,

Sa office ni Patrick...

"Ano?! Pupunta si lolo sa resto ni Lucky? Aba't bakit raw?" Pa gulat na sambit ni Patrick.

"Yun po kasi ang sabi sakin ng assistant ng lolo nyo." Sagot naman ni Mr. Johnsen.

"Haysss... pasaway makikigulo pa sya sa pamilya ni Kelly. Tawagan mo nga si Lucky."

"Okay po."

Mga ilang segundo pa... "Ahm... Young master wala pong na sagot."

"Tsk! Tawagan mo yung staff dun sa restaurant."

"Opo."

At tinawagan nga ni Johnsen ngunit wala ring na sagot at busy ang linya.

"What the heck?! Gimme my phone tatawagan ko si Kelly."

"Opo. Eto po Young Master."

Tinawagan nga ni Patrick si Kelly para maabisuhan nya ito.

Patrick: Ha? Pauwi na kayo?

Kelly: Oo mamaya ko nalang kwento sayo pauwi na kami.

Patrick: O-- Okay...

"Ano pong sabi ni Young Miss?"

"Ewan ko sabi nya kasi pauwi na daw sila pero halos kararating lang nila dun. Ano kayang nangyare?"

"Gusto nyo po bang mag punta ako dun sa restl para mag tanong-tanong?"

"Hindi na ikukwento naman sakin ni Kelly ang importante di na makikita ni lolo sila Kelly dun."

"Okay po. Ahm... Meron pa po ba kayong ipag uutos?"

"Wala naman na sige na bumalik ka na sa trabaho mo."

"Opo Young Master."

At ng makarating nga ang pamilya ni Kelly sa bahay nila...

Naakyat na ng hagdanan papunta sa kwarto nila sila Kim at Leny.

"Ano kayang problema nung dalawa?" Sabi ni Kelly.

"Hayaan mo na lang muna sila nakiki chismis ka na naman ha."

"Kuya Kevin, worried lang ako"

Nakisingit namang bigla si Jarie "Ah... Ahm... Uuwi na rin muna ako. Para makapag pahinga na rin kayong lahat." Anya na hindi na nagawang bumaba ng sasakyan kanina sa hiya dahil ang tahimik nila Kelly sa biyahe.

"Oh, hello... Sorry nalimutan ka na namin. Kevin, ihatid mo na sya." Sabi naman ni Rica.

"Ah, nako... hindi na po ayos lang."

And she thought "hindi nga ko naka baba kanina sa sobrang kaba ko tas papahitid pa ko. Wag na!"

"No its okay lang po di ba kuya?" Sabi ni Kelly.

"Yeah. Pupunta din naman ako sa hospital ngayon."

"Nako, hindi na kailangan may pupuntahan rin kasi ako."

"Can we talk?" Biglang sambit ni Kian.

Matapos sabihin yon ni Kian lumipas na ang 3minutes ng walang kibo ang Dela Cruz siblings kaya naman kabadong kabado si Jarie habang naka upo sa sofa. Dahil pakiramdam nya they will interrogate her.

"Jarie right?" Sabi ni Kian na kinagulat naman ni Jarie dahil kabado ito.

"O-- Opo."

Nasa sala silang lahat at si Kim lang ang wala sa mag kakapatid.

"Mommy, bakit parang ang seryoso po nila dun?" Sambit ni Jacob na nasa kitchen kasama ang mommy nya na nag hahanda ng miryenda.

"Baby, wag kang maingay baka marinig ka ng daddy mo na nakikinig ka sa usapan nila. Magagalit yun sayo!"

"Pero kasi po parang nakakaawa po si tita Jarie parang pinagtutulungan nila."

"Shhh... kung ano-ano na naman yang iniisip mo walang gagawin ang daddy at ang mga tito mo lalo na ang tita Kelly mo kay Jarie. They just want to know what happened kila Kim at Leny. Remember, kasama siya nung dalawa kanina ng bumalik sa table"

"Ohhh... Opo nga pala, sa tingin nyo nag away na agad sila tito Kim at tita Leny? Pero kakasal lang nila."

"Hindi natin masasabi kaya mabuti pa tulungan mo na ako dito ikaw na ang mag dala ng bread."

"Opo Mommy."

Samantala sa kwarto ni Kim,

"I'm done. You can take a bath now." Sambit ni Kim pag labas nya ng cr.

Nakatalikod habang naka upo naman sa kama si Leny na para bang kinakabahan...

"O-- Okay..."

Nag pupunas naman ng buhok nya itong si Kim na half naked at may cover lang na towel ang lower part ng body nya kaya nagulat si Leny.

"So-- Sorry..." Kinakabahang sambit ni Leny na patalikod mag lakad para lang di makita si Kim.

"What are you doing?"

"Ah.... Ahm... Do-- Don't mind me.Ha... Ha..."

"Okay..."

At nag madali na ngang mag punta si Leny sa cr ng bigla syang matipalok.

THUD!

"What... Anong nangyare?"

"Ah... O-- Okay lang ako. Bye!"

"Te-- Teka lang! Yung ilong mo na dugo!!!"

Sinaraduhan naman ni Leny si Kim ng pinto pag ka pasok nya.

Knock... Knock...

"Len... Len!!! Open the door! Let me see your nose!"

Habang nasa cr at naka tingin sa salamin "o-- okay lang ako! Wag kang mag alala." Ani Leny at nag hilamos.

"Sigurado ka?"

"Oo! Sige na!"

"Pero..."

"Paano ko magiging okay naka hubad ka?" Pabulong bulong na sambit ni Leny.

"Ano?"

"Wa-- Wala... Maliligo na ko! Bye!"

"Sige..."

Maya-maya pa...

Nakatapos ng maligo si Leny at nung bubuksan na nya yung pinto napa tigil sya "haysss... nalimutan ko wala nga pala ako sa apartment!" Napatingin sya sa salamin "tsk! Paano yan wala akong damit! Towel lang ang naka balot sakin. Putek!"

"Len- Len?"

"Ay kabayo!"

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa diyan!"

"O-- Okay lang ako! Tapos na kong maligo!"

"Tapos ka na? Bakit ayaw mo pang lumabas?"

"Ha? Ah... Eh..."

"A, E, I, O, U... Lumabas ka na! Andito ang damit mo."

"Ah... Ano..."

"Tsk! Sige na, lalabas na ko para maka pag bihis ka. Tapos sumunod ka sakin sa baba baka mag taka na sila kuya."

"Oo sige."

"Sige lalabas na ko."

"Okie."

Pag labas ni Kim dali-dali namang lumabas na ng cr si Leny at nag madali na rin syang mag bihis.

Click!

Biglang may nag bukas ng pinto at nagulat si Leny dahil bumalik si Kim.

"Ah... AHHHH!!!!"

Pumasok naman agad si Kim at tinakpan ang bibig ni Leny "shhh... wag kang maingay baka kung anong isipin ng mga kapatid ko."

"Mmm... Mmm..."

Nakabihis na ng pambaba nun si Leny ngunit di nya pa naisusuot ang shirt nya kaya naka bra palang sya ng mga oras na yon.

Napatingin naman si Kim kay Leny lalo na sa kawatan nito.

"Mmm!!!" Reaction ni Leny na para bang nagagalit dahil kung san-san naka tingin si Kim.

"Kuya!!! Anong nangyare???" Sambit ni Kelly na papalapit na sa pintuan ng kwarto nila Kim.

Nang marinig naman nung dalawa yung boses ni Kelly dali-daling inihiga ni Kim si Leny at kinumutan.

"Wag kang gagalaw diyan!" Pabulong na sambit ni Kim kay Leny.

Kasama rin pala ni Kelly sila Kevin at Keith kaya hinila pa pataas ni Kim ang kumot ni Leny.

"Anong nangyare kay ate Leny?" Sabi ni Kelly.

"Oo nga, nag madali kami pataas ng marinig namin yung sigaw" Sabi ni Keith.

"May na sakit kay ate Leny?" Sabi ni Keith.

"Kuya! Anong ginawa mo kay ate Leny?!" Pagalit na sambit ni Kelly na kinuwelyuhan pa ang kuya nya.

"Okay lang ako!!!" Sagot agad ni Leny na napa bangon pa at nalimutang naka bra lang sya.

Gulat na gulat naman sila Kelly lalong lalo na sila Kevin at Keith na pumikit agad.

"Hmmm?" Reaction ni Leny dahil nga nalimutan nyang naka bra lang sya.

"Len!!! Cover up!" Sambit ni Kim.

"AHHHH!!!" Sigaw ni Leny.

"Hayssss...." Reaction ni Kim at hinila nya papalabas sila Kevin at Keith. "Kelly, tulungan mo ang ate Leny mo."

"O-- Oo kuya."

Pag labas naman nila Kim sinara agad nito yung pintuan.

"Tell me, anong nakita nyo?"

"Eiii... anong ginagawa nyo ha?" Sabi ni Keith.

Namula naman ang mukha ni Kim "wa-- wala!!!"

"Sus! Wag kami tol."

"Heh! Wag mo kong simulan Keith!"

"Kuya, payo lang maaga pa at may bata tayong kasama dito baka may marinig na di kaaya aya si Jacob." Sabi ni Kevin.

"Isa ka pa! Wala nga kaming ginagawang kung ano!!!"

"Okay, sabi mo eh. Bahala ka. Kuya Keith tara ng bumaba at baka busy pa ang bagong kasal."

"Oo nga nakakahiya naman sa kanila no?"

"Hoy! Kayong dalawa!!!"

Hey yah! ^.^

Sino po may wattpad sa inyo? May bago po akong story dun "I'm Your Ideal Man" yung title if gusto nyo ring ipost ko dito sa WebNovel comment po kayo.

lyniarsnowball po ang name ko sa wattpad. Sana magustuhan nyo rin po. Thankies and Godbless. ^_^

lyniarcreators' thoughts
次の章へ