Makalipas ang isang oras...
Nakatapos ng kumain sila Kelly na si Dave ang nag bayad sa mga kinain nilang lahat at nung natingin na sila ng laptop para kay Vince bigla nalang nawala si Kelly.
"Wait a sec. nasan si Kelly?" Ang sambit ni Vince.
Nag pa linga-linga naman yung tatlo nila Dave para hanapin si Kelly.
Na batukan naman ni Mimay si Dave dahil tinignan nito sa trash can si Kelly.
"Paano mag kakasya dyan si Baby Girl? Kahit kailan gung gong ka eh."
"Baka kasi..." itinaas nya pa yung laptop na naka display doon sa store kaya nabatukan na naman sya ni Mimay.
"Baliw!"
Vince sighed "nako, alam ko na nag punta yun ng c.r hindi kinaya ang wasabi. Mims, pwede bang puntahan mo si Kelly? Baka kasi kailangan nya ng tulong."
"O— Oo sige."
Pag alis naman ni Mimay siniko ni Dave si Harvey at bumulong "is she blushing?"
"Tsk! Alam mo bro, slow ka talaga kahit kailan."
"Ha? Ba— Bakit na naman?"
"Hoy! Anong pinag bubulungan nyo dyan? Bayaran nyo na yung mga binili nyo nag iintay na yung cashier."
"Ye— Yess Boss." Sagot nung dalawa.
Pero hindi nakita ni Mimay si Kelly sa malapit na restroom doon sa store kung nasan sila Vince.
"Hmm? Nasan kaya yon?" Sabi ni Mimay kaya naman kinuha na nya ang phone nya sa sling bag nya at tinawagan si Kelly.
"Luh! Bakit kaya di na sagot yon?"
Ang hindi nila alam naisipan ni Kelly na kumain ng cotton candy dahil may nakita ito kanina na bata na dumaan dun sa store ng mga gadgets kaya naman palihim itong tumakas.
"Thanks po." Sabi ni Kelly dun sa babaeng nag titinda ng cotton candy na customize like they made some shape of cartoon characters but Kelly pick a simple one the pangkaraniwang cotton candy na nakikita sa mga streets but it double the size.
Napansin ni Kelly na dahil may kalakihan yung cotton candy nahihiya syang kumain dahil mall nga iyon at marami na ring tao ang nakapapansin sa kaniya.
Sa isip-isip ni Kelly "Haysss... ano naman kung nakain ako ng cotton candy? Bata lang ba ang pwede? Kainis!"
Kaya naman nung nag lalakad sya nakita nya na malapit na sya sa isang entrance ng mall kung san pwede tumambay para itong garden style kaya nag hanap sya ng pwedeng mauupuan.
"Ayos! Pwede na dito walang masyadong tao na makakakita sakin."
Pag ka upo nya dun sa may bench binaba nya rin yung bag pack nyang dala at nag start na rin syang kumain.
"Oooohhh... lasa talaga syang bubble gum. Ang cool nito."
Naisipan nyang picturan yung cotton candy para sana sa IG stories nya kaso di nya ma open ang phone nya dahil "anak ng! Lobat na pala ko?!"
Ibinalik nya nalang sa bag yung phone nya at inenjoy ang pagkain nya ng cotton candy tapos mga ilang segundo pa ang nakalilipas may narinig syang bata na naiyak.
"Hmm? Sinong naiyak?"
Tumayo sya at kinuha yung bag nya at hinanap yung naiyak at sa di nga kalayuan kung nasan sya nakaupo may nakita syang isang batang babae na parang nasa 4-5 ang edad na medyo chubby na singkit at ang cute nya sa suot nyang dress na white may dala rin syang teddy bear na color white rin."
"Hello baby are you..."
Hindi naman natapos ni Kelly ang sinasabi nya dahil bigla syang niyakap nung batang babae.
"Mommy!!!"
"Mo— Mommy? A— Ako?"
***
Nakakain na ng spaghetti ang mga kuya ni Kelly at dumating rin si Ethan sa bahay nila.
"Yon! Busog. Salamat sa pa foods bro." Sabi ni Ethan na nakahawak pa sa tyan nya.
"Dalhan mo si Alice in wonderland mahalig yon dyan eh." Sabi ni Kevin.
"Ah... Oo sige marami kang niluto?"
"Nako, oo parang may fiesta samin eh. Nawili na naman yan kala ata may pa feeding program sya dine." Sambit naman ni Kim.
"Kuya naman. Baka kasi dito mag tigil sila Vince pag kagaling nila ni Kelly sa Mall."
"Ah, oo nga pala nasan si Kelly? May work na naman?" Tanong ni Ethan.
"Kasama ni Vince sa mall bibili kasi ng laptop."
"Ohhh... oo nga pala di kasi na samahan ni Alice may work sya eh."
"Kevin." Ang seryosong sambit ni Kian.
"Ano yon kuya?"
"Nasan na sila? Hindi pa ba uuwi? Kanina pa yun ah. Mag 4pm na."
"Bro, minsan lang naman mag off si baby girl hayaan mo muna kasama naman nya si Vince." Sagot naman ni Ethan.
"Nga naman kuya, simula nung grumaduate si Bunso sa college parati na syang busy." Sabi ni Keith.
"Daddy, chill uuwi po si tita Kelly." Sambit naman ni Jacob na kararating lang galing sa labas dahil inutusan ni Kian na dalhan ang mommy nito ng spaghetti.
"Oh? Baby boy! Tumatangkad ka ah." Pansin ni Ethan.
"Ehe. Di naman po tito Ethan sabi ni tito Keith mana daw po ako kay mommy kasi maliit daw po ako."
Ang sama naman ng tingin ni Kian kay Keith. "cough! Ah... eh... kuya let me explain."
"Tsss! Jacob, lakad na ilagay mo na yang plato sa kusina."
"Opo daddy."
Pag alis ni Jacob "hindi parin pala dito nakatira si Rica, bro?" Tanong ni Ethan.
"Tol, hindi mo pa ba nasabi kay Jacob yung plano mo?" Sabi naman ni Kim.
Nagkatinginan naman sila Keith at Kevin at sinabing "anong plano tol?"
"Tsk! Di ko pa alam galit sakin si Rica eh. Haysss! Di ko na alam pero di na ko papayag na wala na naman ako sa tabi ng anak ko pag isinilang sya."
"Ano??!!" Ang pagulat na sambit nila Keith, Kevin at Ethan.
"Oo mga tol, buntis si ate Rica." Sabi ni Kim.
"P— Po? Buntis si mommy?" Ang pagulat na sambit naman ni Jacob pag balik nya galing kusina. "Da— Daddy... ma— magiging kuya na po ako?"
Kian smiled "halika nga dito."
Lumapit naman si Jacob sa daddy nya "oo baby boy kuya ka na kaya hindi na ikaw ang baby ni mommy at daddy. Ayos lang ba?"
"Um. Opo, actually gusto ko na po talaga magkaroon ng kapatid yung mga kaklase ko po kasi lahat sila may kapatid ako lang po wala."
"Oh, yun naman pala tol... Di mo na problema si Jacob si ate Rica nalang." Sabi ni Kim.
"Teka lang totoo talaga kuya? Buntis si ate Rica?" Tanong ni Keith.
"Oo nga! Ano? Gusto mo pang sabihin ko sayo kung paano nangyare yon?!"
"Eh... He... He... ang akin lang kasi..."
"Nice, congratulations kuya." Sabi ni Kevin at ganoon rin si Ethan.
"Kaso... ayaw naman akong makita ni Rica na galit kasi sya nung nakita nya kami ni Jassy nung isang araw kala nya niloloko ko sya."
"Hmm? Si Jassy? Yung anak ni tita Pening?" Sabi ni Keith.
"Oo, ayaw nya kong pakinggan na pinsan lang naman natin yun sa side ni mama."
"Ohhh... ganun po pala. Okay dad, lemme handle the situation."
"Son?"
"Don't worry ako pong bahala kay mommy. Kung gusto nyo ng mag propose sa kaniya gumawa na kayo ng plan ako na pong bahala mag explain kay mommy ng nangyare about that tita Jassy."
"Yun naman pala eh. Maasahan talaga itong si Siopao. Planuhin na natin kuya ang proposal mo kay ate Rica." Sabi ni Keith.
"Di ko nga alam kung paano eh."
"Daddy, manood ka kasi ng mga lovestory na mga series gayahin mo po si tito Kevin."
"H— Ha? Ako? Wala akong alam dyan."
"Tito Kevin, wag kami di ba po no?"
"Yeah." Pag sangayon nila Kian.
"Fine! Oo na KNovela fan na ko nahawa lang naman ako kay Jacob."
"Tito Kevin di po sakin kay tita Mina."
"Eiii... kayo na?" Panunuksong sambit ni Ethan.
"Hinde!"
"Sus! Wag kami."
"Heh! Di ako ang topic dine si kuya Kian."
"Okay, tulungan nyo ko mag propose kay Rica pero sasabihin muna natin ang mga ito kay Kelly. Kilala nyo yon pag nalaman nyang sya yung nahuling naka alam mag tatampo yon."
"Yeah..."
Sa mag kaparehong oras naman...
Nakaupo sa may bench sila Kelly at yung batang babae "sighhh... dapat ata di na ko lumabas dine. Ano ngayon ang gagawin ko sa batang ire?"
Grrrrumbleeee...
"Are you hungry baby girl?"
"Um."
"What do you want to eat?"
"Anything but seafood is a no, no po."
"Ohhh... May allergy ka rin sa seafood? But did you eat veggies?"
"Um."
"Galing naman daig mo pa ko. Pero baby..."
"Call me Hua po."
"Hua? Are you Chinese or Korean? Or maybe Japanese?"
"I'm Chinay po."
"Ohh... kaya naman pala ang cute ng mga mata mo parang butas lang ng alkansya sa liit. Cute-cute eh..."
Hua giggles "you're cute din po."
"Lets go?"
"Um."
Habang nag lalakad yung dalawa nakita sila ni Patrick na naka sakay sa kotse "Manong Berting paki tigil po ang kotse."
"Sir?"
"Pakitabi po bababa ako."
"Sige Sir."
At nung naitabi ni manong Berting ang kotse bumaba agad si Patrick "Sir Patrick!"
"Sige po mauna na kayo umuwi."
"Sir!!!"
Sinundan naman agad ni Patrick si Kelly...
"Pagtapos natin kumain hahanapin natin ang parents mo ha?"
"Opo mommy."
"Mommy? Baby Girl, call me ate Kelly baka mamaya may makarinig sayo isipin nila ang batang ina ko naman 21 palang ako baby eh."
"But I want you as my mommy."
"Pero baby girl naman eh..."
Nauna si Hua na mag lakad at tinawag si Kelly ng mommy nya at narinig yon ni Patrick.
"Mommy?"
Napahinto si Kelly sa gulat nya kay Patrick na bigla nalang sumulpot kung saan.
"Pa— Patrick?"
"Tama ba yung narinig ko tinawag ka nyang mommy? When did you..."
Bigla namang naisip ni Patrick ang napanaginipan nya na may anak sila ni Kelly na twins. At nung nakita nya si Hua na tuwa sya lalo na nung lumapit ito kay Kelly.
"Mommy, can I call him daddy?"
"Da— Daddy?!! NO!"
"Yes! You can call me daddy, baby..."
"I'm Hua po."
"Ohhh... it means flower in Chinese right?"
"Opo. Are you Chinese po?"
"Ah... Hindi baby pero may Spanish blood ako galing sa daddy ko."
"Cough! Hua, lets go. Don't talk to strangers." Ang naiinis na sambit ni Kelly.
Hinawakan naman ni Patrick ang kamay ni Hua "can I tag along?"
"Opo Daddy."
"Alright! Where do you want to go?"
Kelly feels annoyed "enough! You can't go with us! We don't know you."
"But mommy, he seems to know you and he is my daddy po. Hehe."
Kelly sighed "Baby, listen were actually a strangers and we need to find your parents tapos isasama pa natin yan? Baby, hassle yon kakain pa tayo di ba? Aren't you hungry?"
Hua seems sad "but mommy..."
"Tsk!" Reaction ni Patrick at binuhat si Hua "after we eat we will find your parents so don't be sad na okay?"
"Um."
Sa isip-isip ni Kelly "huh! Kahit kailan epal ang isang ito." At napansin niya ring marami ng nakatingin sa kanila. "Hayssss... bwiset! Kapag sinampal ko ang isang ito baka mag trending topic pa ko dahil famous nga pala ang kumag na ito."
"Mommy? Let's go?"
"Ha? O— Oo."
"Baby, hold on tight."
"Yes daddy."
Habang buhat ni Patrick si Hua sa isang kamay nya hinawakan nya naman si Kelly sa isa nyang kamay "a— anong? Bitawan mo ko!"
Bumulong naman si Patrick kay Kelly "don't be mad, ginagawa ko lang ito dahil marami ng mga tao ang nakatingin satin."
"So? Let me go! Jerk!"
"No, unless gusto mong mag mukhang yaya namin ni Hua. I know may inaalagaan kang reputation bilang sikat na novelist ka na gusto mo bang ma chismis ka? Na isa kang yaya ng famous na katulad ko?"
"Huh! Wala akong pakialam! Lemme go!"
Nakisingit naman si Hua sa usapan nung dalawa dahil gutom na talaga sya.
"Mommy, lets go na po gutom na ko."
"Yes Baby, kakain na tayo." Sagot naman ni Patrick at nag madali ng mag lakad habang hawak ang kamay ni Kelly.
"OMG! Si Patrick ba yon?" Sabi nung isang babae na may kasamang tropa nyang mga babae rin.
"Oo nga, pero sino yung bata na buhat nya? At yung babae?"
"Wait, are they married?"
Narinig naman yon ni Kelly at pabulong bulong pa nga sya "ano raw? Married? Huh! Asa naman."
Bigla naman syang nilingon ni Patrick at nag wink ito sa kaniya kaya naman she blushed.
"Girl, bagay sila."
"Yah. Ang cute nung baby nila."
Kelly annoyed "baby? Ni no? Namin? Huh! Mga chismosang ito! Ang bata ko pa para magka anak ng five years old, 21 lang ako! Ano 16? Nag la-labor na ko? Wagas, di pa nga ako fertile nun late bloomer kaya ako. Maka judge naman mga ire!"