webnovel

Kabanata 358

Mga 7pm na ng makarating si Patrick sa DLRH kung san naka admit ang daddy nila Kelly at naroroon rin ang Dela Cruz brothers maliban sa twins na busy sa kanilang trabaho.

Iniabot naman ni Patrick ang dala nyang vanilla strawberry cake kay Keith at bumati rin sya ng magandang gabi sa mga kuya ni Kelly maliban sa daddy nilang kasalukuyang natutulog.

"Oo mga kuy's uuwi rin akong agad dumaan lang talaga ako dine tutal pauwi na rin naman ka ko ako. Nag aalala rin kasi ako kay Kelly tumawag kasi sakin kanina si Mama…"

"Sandali lang si Mama?" Ang sambit nila Kian.

"Ay, hindi nyo ba alam? Kauuwi lang ho kanina ni Mama galing sa Cebu dun po sya nag diretso samin eh."

"Talaga yang si Mama hindi na nag sabi-sabi sana eh na sundo natin sila ni tita Jenny." Ang sabi naman ni Kim.

"Hindi ka pa na sanay ron." Ang sabi naman ni Kevin.

"Actually, si Mama lang po yung umuwi galing Cebu si tita Jenny po kasi nag pa iwan may inaasikaso pa raw po kasi." Dagdag pa ni Patrick.

"Ohhh… kaya walang alam ang kambal." Ang sabi naman ni Kian.

"Teka lang nabanggit mo na nag aalala ka kay Kelly? Bakit ano ba ang nangyare?" Ang tanong naman ni Kim.

"Ah… ano po kasi nahilo po kasi si Kelly kanina pagka alis nila Mimay at Aliyah."

"Ano?! Kamusta sya?" Ang sabay-sabay sambit naman ng mga kuya ni Kelly.

"Ah… okay naman na daw po sya sabi ni Mama kaya wag na kayo mag alala. Siguro iniisip nya pa rin si daddy kung maalala nyo hindi naman nya nakausap si daddy nung bumista ito sa kaarawan ni Baby El."

"Sinabi mo ba ang kondisyon ni daddy?" Ang tanong naman ni Kian.

"Hindi po kuya hangga't maaari nga po sana wag nalang natin mabanggit kay Kelly."

Ang sama namang bigla ng tingin nila Kian sa kay Patrick "ah…eh…wag nyo naman po sanang masamain hindi naman po sa ayokong sabihin kay Kelly ang tungkol kay daddy…a…ano po kasi…"

"It's okay no need to explain napag usapan narin naman namin yon, mabuti pang maging lihim muna kay Kelly ang kondisyon ni daddy hanggang sa makapanganak sya. Alam naman nating lahat na napakaselan ng pag bubuntis ni Bunso kaya makakabuti na maging lihim nalang muna ito. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" Ang seryosong sambit ni Kian.

"Oo kuya." Anila.

"Sige na Patrick umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Kelly gabi na rin naman."

"Sige kuya paki kamusta nalang ako kay daddy pag nagising."

"Sige makakarating ingat sa pag mamaneho."

"Salamat kuya. Una na ko sa inyo bisita nalang ho ako bukas."

"Sige. Salamat."

Nang makaalis si Patrick napag usapan ng mga kuya ni Kelly ang babaeng bumisita sa daddy nila.

"Hindi ko alam pero sabi ni Julian ipapa background check nya yung babae." Ang sabi ni Keith.

"Sa tingin nyo yun yung bagong asawa ni daddy?" Ang sabi naman ni Kevin.

"Paano natin malalaman eh hindi naman halos nag bigay ng hint yung babaeng yon kung sino sya kay daddy. At mukhang ayaw rin naman ni daddy sabihin kung sino naman yung babaeng yon talaga na kakikita la v natin." Ang sabi ni Kim.

"Kung sino man sya sigurado akong malapit sya kay daddy para maging ganon nalang syang ka emosyonal at bigyan pa ako ng lupain." Ang seryosong sambit ni Kian at napatingin sila sa daddy nilang mahimbing ang pagkakatulog.

***

Ang pangyayare kanina ng dumating yung misteryosong babae na bumisita kay Kemwell na ikinagulat ng mga kuya ni Kelly.

Nag pakilala yung babae bilang si Feliza Assucion kila Kian isa raw itong kaibigan ng daddy nila at nung makita nito ang daddy nila bigla nalang itong napaluha habang yakap si Kemwell.

"Sinabi ko naman kasi sayo na mag iingat ka." Ang sabi nung Feliza kay Kemwell.

"Kumalma ka nga ayos lang ako."

Habang nag uusap naman yung dalawa nag bubulungan yung Dela Cruz brothers sa isang gilid.

"Aba! Anong malay ko nag bukas lang naman ako ng pintuan at ngayon ko lang naman nakita yang babaeng yan." Ang pag dipensang sagot ni Kevin sa mga kuya nya.

"Bakit kasi bigla mo nalang pinapasok kuya?" Ang sabi naman ni Jules.

"Anong gusto mong gawin ko ipa background check ko muna bago sya makapasok? Eh kilala naman nya si daddy tignan mo nga parang close na close sila."

"Eh sino naman kaya yan?" Ang sabi naman ni Keith.

"Ako ng bahala mag pa background check sa kaniya." Ang sabi ni Julian.

"Mabuti pa nga mas mabuting maka sigurado tayo."

"Sa tingin nyo yan kaya yung bagong kinakasama ni daddy?" Ang tanong naman ni Jules.

"Tumigil ka nga Jules! Wag kayong maging mapang husga." Ang pagalit na sambit naman ni Kian.

"Sorry bro. Ang akin lang kasi baka lang, kayo ba hindi nyo na isip yon?"

"Oo andun na tayo pero hindi tama na husgahan ang isang taong hindi naman natin kakilala."

"Pero kasi kuya…"

Napatigil naman sa pag uusap yung mag kakapatid dahil tinawag sila ng daddy Kemwell nila at ipinakilala si Feliza bilang matalik nitong kaibigan.

"Sorry, kung bigla akong nag punta dito ng walang pasabi sobra lang kasi akong nag alala sa daddy nyo." Ang sabi ni Feliza.

"Ah… wala naman pong kaso yun okay nga po at may nabisita sa daddy namin na kaibigan nya." Ang sabi naman ni Kian.

"Nga pala, sya si Kian ang panganay ko kay Keilla."

Sa isip-isip ng magkakapatid "nasabi pa talaga yun ni daddy proud na proud na marami syang panganay. Haysss..."

"Oh… ikaw na pala yon? Ang laki mo na at hawig mo ang daddy at ang mommy mo."

"Kian, anak. Sya ang ninang mo."

Nagulat naman yung magkakapatid sa sinabing iyon ng daddy nila "ninang?" Anila.

"Ni—Ninang ko po sya?" Ang naiilang na sambit naman ni Kian.

"Unfortunately yes ako nga ang ninang mo iho."

"He—Hello po." At nag mano naman sya ka agad kay Feliza.

"Naninirahan na kasi sa Thailand yang ninang mo simula nung grumaduate kami sa criminology."

"Eh? Pulis po kayo?" Ang sambit nila Kian.

"O—Oo mukha lang hindi pero oo legit na pulis ako. He…He…"

Nagka bulungan naman yung magkakapatid "pulis? sya? Hindi kaya ineechos lang tayo nila daddy para hindi natin sila pag hinalaan?" Ang sabi naman ni Keith.

"Shhh… wag kang maingay baka mamaya kung anong isipin nila satin." Ang sabi naman ni Kim.

"Mga anak? Anong pinag uusapan nyo?" Ang sabi naman ng daddy Kemwell nila.

"Ha…Ha… Wa—Wala naman po dad si—sige po maiwan na po namin muna kayo para maka pag usap kayong dalawa." Ang sabi naman ni Kian.

"Sandali lang." Sambit ni Feliza at may iniabot sya kay Kian na isang long brown envelope.

"Hmm? Ano po ito?"

Nag siusyoso naman ang mga kapatid nya sa kaniya na interesado sa laman nung envelope kaya nag punta lahat sa likuran nya.

"Buksan mo, yan ang bigay ko sayo bilang malaki na ang utang ko sayo kaya yan ang regalo ko sayo."

"Ho? Re—Regalo? Pero hindi ko naman po birthday, at malayo pa naman po ng pasko."

"Oo pero gusto kong ibigay na yan sayo para naman maging responsableng ninang ako sayo."

"Ho? Nako, hindi naman po kailangan ng regalo para matawag na ninang at maging responsableng ninang. Kaya hindi ko po ito matatanggap." Iniabot nya kay Feliza yung envelope pero hindi nito tinanggap.

"No, ayokong ibalik mo yan sakin dahil para talaga yan sayo dahil nakapangalan na yan sayo."

"Hi—Hindi ko po kayo maintindihan."

"Sige na anak, para talaga yan sayo matampuhin pa naman yang ninang mo kaya sige na tanggapin mo na makakatulong rin yan sa inyo ng anak mo."

"Po? Ano po bang laman nito?"

"Buksan mo na kasi kuya." Ang sabi ni Keith.

Siniko naman ni Kian si Kevin "manahimik ka nga dyan."

"Ehhh… excited na kasi kami."

"Heh!"

"Buksan mo na para makita rin ng mga kapatid mo mukhang interesado pa sila kesa sayo." Ang nangingiting sambit ni Feliza.

"So—Sorry po… mga excited po kasi." Pinag sisiko naman nya ang kapatid nya at naka ilag naman si Kim at yung kambal.

"Okay lang yan natutuwa nga ako sa inyo eh."

"Ehe… salamat po at maraming salamat po para dito."

"Walang anuman sige na buksan mo na."

"Sige po."

Pag bukas ni Kian ng envelope abang na abang sila Kim sa pa suspense na pag kuha ng papeles doon sa envelope ng kuya nila "kuya bilisan mo naman." Ang sabi naman ni Keith.

"Mag antay ka nga!"

"Hehe…"

At pagkuha ni Kian nung mga papeles nabasa nilang isa iyong lot property na may sukat na 500sqm. sa isang probinsya na nakapangalan kay Kian.

"Wo—Woah!!!!" Ang reaction ng mga kapatid ni Kian.

"So—Sobra naman po ata ito ninang hindi mo ko po ito matatanggap nakakahiya po." Ang nahihiyang sambit ni Kian.

"No, it's worth it naman para naman yan sa nag iisa kong inaanak nga pala isa yong resort kaya pwede kayong mag punta dun pag mag babakasyon kayo pwede mo ring maging business ikaw nalang ang bahalang mag pa ganda pa. Pero ayos naman na yon pero syempre baka may gusto ka pang baguhin o idadgdag naka depende na yon sayo. Dahil sayo naman na yon."

"Pe—Pero…"

"Wag kang mag alala ganyan talaga yang ninang mo mapag bigay. Nabalitaan nya rin kasing may pamilya ka na kaya sabi nya eto na rin yung right time para ibigay nya yan sayo."

"Ma—Maraming salamat po ninang hindi ko po talaga ito inaasahan."

"Wala yon pero may request ako."

"Sige po kahit ano gagawin ko mapakita ko lang ang malaking pasasalamat ko sa inyo."

"Ah, hindi naman mahirap gusto ko lang makita ang apo ko sayo. Jacob yung name nya di ba?"

"Ahhh… yun lang po ba? Sige po bukas pwede po kayo pumunta samin o kung gusto nyo dadalhin ko po sya sa inyo san nyo po gusto?"

"Ayos lang ba kung dito? Sa tingin ko gusto rin syang makita ng daddy nyo."

Napatingin naman sila Kian sa daddy nila "sige po bukas dadalhin ko po si Jacob dito."

"Pero nak, paano kung…." Ang nag aalalang sambit naman ng daddy Kemwell nila.

"It's okay dad matalinong bata ang apo nyo at mapagkakatiwalaan sa mga sikreto. Tama ba ko guys?"

"Yes indeed."

次の章へ