webnovel

Kabanata 230

Nasa lapag at nakapulupot ang kamay ni Patrick na hawak ni Kelly "Kelly! Bitawan mo ko!"

"No! Kanina yan ang sinasabi ko sayo pero di mo ko pinakikinggan kaya mag dusa ka diyan!"

Napabuntong hininga nalang si Patrick "Ano? Bakit di ka magsalita di'yan?"

"Kung gusto mo sakalin mo na rin ako hanggang sa humupa ang galit mo sa akin."

Napatigil si Kelly at binitawan na rin niya si Patrick tapos tumayo at umalis "Ke... Kelly!!!"

Pandalas namang tumayo si Patrick at hinabol si Kelly "Kelly sandali lang sorry na hindi ko naman sinasadya na pag taasan ka ng boses." Hinawakan niya ang kamay ni Kelly pero nag pupumiglas ito sa kaniya.

"Ano ba kasi ang ginawa kong kasalan bakit ako nalang parati ang nahingi ng kapatawaran sayo samantalang ikaw nga ang may hindi sinasabi sa akin." Dagdag pa ni Patrick.

Huminto si Kelly sa paglalakad "CR!!!"

"C... CR?"

Kumawala si Kelly sa pagkakahawak sa kaniya ni Patrick at dali-dali nag tungo ito sa cr "Ke... Kelly!!! Sandale!!!"

Sinundan niya si Kelly hanggang sa CR pero nahihiya syang pumasok sa cr ng mga babae dahil pinagtitinginan siya ng nakararaming kababaihan hanggang sa naubos na nga ang mga ladies na gumamit ng cr pero hindi pa rin niya nakikitang lumarbas si Kelly "Ke... Kelly... na... nasan ka?"

Pero hindi nasagot si Kelly kaya nagalala sya kung kaya't nag lakas loob na syang pumasok sa ladies room at hinanap niya sa bawat cubicle si Kelly hanggang sa isang pintuan nalang ang natira at narinig niyang naiyak si Kelly "Kelly!!! Anong nangyayari???"

"Get lost!!! Ayaw na kita makita!!!"

"Pero Kelly..."

"Umalis ka na iwanan mo na ko!"

"No! Ayokong umalis dito hangga't hindi ka nalabas diyan. Sabihin mo ano ba ang nangyayare? Totoo bang buntis ka?"

"Bu— Buntis? Ako? Ano ga ang pinagsasabi mo? Ang sakit nga ng puson ko dahil may period ako tapos sasabihin mo buntis ako? May kulang na ba na turnilyo di'yan sa utak mo?"

"Wa... Wait, you mean may menstruation ka ngayon?"

Napalunok nalang sa kahihiyan si Kely at natameme "Kelly!!!"

"Mmmm..."

"A... Ayos ka lang ba?"

"Mmmm..."

"Tsk... Sige intayin mo ako dito ha? Wag kang aalis."

"Hmmm?"

Pandalas ng umalis si Patrick at iniwanan sa cr si Kelly "Umalis nga sya? Bwiset naman kasi bakit ba naman iniwanan ko pa yung bag ko kay Vince paano ako nito nandun ang pads ko at ang gamot ko. Pati narin ang cellphone ko. Boohoo...kuya!!!"

Makalipas ang ilang minuto,

Bumalik ng hingal na hingal si Patrick na may dalang dalawang malalaking supot ng plastik na may lamang iba't ibang klase ng pads "Knock... Knock..."

"Ma... May tao po sorry."

"Kelly its me."

"Patrick?"

"Open the door may ibibigay ako."

"Noway!"

"Tsk... I bring pads for you may gamot rin kaya sige na open the door just get your things na para makalabas ka na diyan."

"Hmm?"

Binuksan ni Kelly ng kapiraso ang pintuan at pandals niyang kinuha yung mga dala ni Patrick "Anak ng! Binili niya bang lahat ng napkin sa store?" Ang pabulong bulong na sambit ni Kelly.

"Sorry hindi ko kasi alam ang ginagamit mo kaya I buy nalang kung ano ang maganda at mahal para safe ka."

Napabuntong hininga nalang si Kelly at ginawa na ang dapat gawin ng isang babaeng may menstruation "Are you okay there? You want me to help you?"

Mga ilang segundo pa lumabas na si Kelly "Help me? Doing what?"

"I... I..."

"Shhhh... tara na nga baka kung ano pang isipin nila satin kapag may ibang nakakita sayo dito."

Hinila na ni Kelly si Patrick palabas "Sa— Sandali lang yung... yung ano mo."

"Ay... Oo nga pala ang dami mo naman kasing binili ikaw ang mag bitbit nyan."

"Ha? A... Ako?"

"Um..."

"Pe... Pero hindi ba at..."

"Sige na!!! Ayoko ng may dala."

"Si... Sige na...hayyyyy...."

Sa magkaparehong oras,

Hinahanap pa rin nila Vince at Dave sila Kelly at Patrick "Ring... Ring..."

"Cellphone mo nag riring." Ang sabi ni Dave.

"Ha? Hindi sakin yun iba yung ringtone ko hindi pang sabog."

"Eh kanino yon? Hanep sa ringtone rock en roll."

Hinanap ni Vince yung tunog at nakita niyang nanggagaling iyon sa bag ni Kelly na bitbit niya "Ay oo nga pala pinahawak sakin ni Kelly ang bag niya."

"So, kay Master yung ringtone na yon?"

Kinuha ni Vince sa loob ng bag ni Kelly yung cellphone at nakita niyang natawag si Kian "Ay nalintikan na!"

"Bakit?"

"Si kuya Kian natawag na kay Kelly."

"Ano?! Pano yan hindi pa natin nakikita yung dalawa?"

"Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kuya ni Kelly na hindi ko sya kasama pati ako malilintikan!"

"Eh pano? Anong sasabihin mo?"

"Bahala na! Baka magalit ito kapag di ko sinagot."

"Sige bahala kana."

"Um."

At sinagot na nga ni Vince ang tumatawag na si Kian "He... Hello kuya..."

Pero si Jacob pala ang tumatawag "Jacob? Baby ikaw ba yan?"

Jacob: Opo pero nasan po si...

Vince: Shhh... baby makinig ka si tito Vince mo ito nasan ang daddy mo?

Jacob: Andine po pero busy po sya.

Vince: Okay, ganito wag mong sasabihin sa daddy mo na di si Kelly ang nakausap mo ha?"

Jacob: Po?

Vince: Ah... eh.. kasi nag cr pa ang tita Kelly mo nag pasama pa kasi ako sa kaniya bumili ng gamot sa butika ta... tapos kumain rin kami ng tita mo nagutom na kasi siya. Ha... Ha...

Jacob: Ahhh... ganun po ba sige po sasabihin ko nalang po kila Daddy.

Vince: Oo sabihin mo pauwi na rin naman kamo pero baby wag mong sasabihin na ako ang nakausap mo ha? Alam mo na baka magalit pa ang daddy mo iba pa ang isipin kay Kelly kaya pwede ba akong makiusap sayo?

Jacob: Um. Ako na po ang bahala basta umuwi po kayo agad ni tita Kelly ah?

Vince: Oo wag kang mag alala basta ikaw na munang bahala pangako uuwi kaming agad may bonus ka pa saking isang balot ng lollipop.

Jacob: Talaga po?

Vince: Oo basta wag mong sasabihin na ako ang nakausap mo ha?

Jacob: Opo.

Vince: Okay sige na.

Jacob: Babye po.

Matapos makausap si Jacob nakahinga ng malalim si Vince "Buti nalang at yung pamangkin ni Master ang nakausap mo pre."

"Oo nga eh nako kung si kuya Kian yon panigurado within 5minutes andito na ang mga yon."

"Nakakatakot ang mga kuya ni Master pati ako kinabahan buti nalang talaga si Jacob ang tumawag."

"Ang problema natin ngayon kailangan na talaga nating makita sila Kelly kung hindi malilintikan talaga ako!"

"Okay sige mag hiwalay tayo para mabilis na natin silang makita."

"Mabuti pa nga sige dito ako sa diretsong ito tapos dyan ka naman. Game?"

"G!"

"Let's go!"

Ayieeee... kinilig ba kayo sa ginawa ni Patrick para kay Kelly? Hahaha... mejo girly thingy pero go parin ang ating Patricio para kay Ms. Hoodie.

•Kayo ba naranasan niyo rin bang maipit sa ganung sitwasyon gaya ni Kelly? Comment niyo naman usap tayo. Charot!XD

•I hope you enjoy reading. (:

lyniarcreators' thoughts
次の章へ