webnovel

Kabanata 220

Sa magkaparehong oras at lugar nakain at nakatingin lang si Patrick kay Kelly,

Bumulong si Jacob kay Kelly "Tita Kelly, nakatingin dito si Tito Patrick."

Hindi naman tumingin si Kelly sa direksyon kung nasan si Patrick "Don't mind him kumain ka nalang diyan."

"Si— Sige po."

"Hindi ata ako mabubusog sa mga kinakain ko dito masyadong pang mayaman ang mga pagkain nila dito." Ang sabi ni Kim.

"Ako rin, mamaya mag fast food tayo bago umuwi para lang akong nakain ng biscuit nire eh ang liliit lang ng portion ng pagkain dine sobrang bitin eh." Ang sabi naman ni Keith.

"Manahimik nga kayo baka may makarinig sa inyo baka iba pa isipin satin." Ang sambit ni Kevin.

"Tsss... Eh ano naman?" Ang tugon nung dalawa kay Kevin.

"Kelly, ayos ka lang ba? Kung gusto mo umuwi na tayo namumutla ka eh." Ang sabi ni Kian at napatingin rin naman sila Kevin kay Kelly.

"Masakit ba ang puson mo?" Ang sabi ni Kevin.

"Hindi mo naman ata binigyan ng gamot niya." Ang sabi ni Kim.

"Binigyan ko ah ako pa nga nag pa inum eh."

"Baka naman nakakain ka ng malamig bunso? Ano ang masakit sayo yung puson mo ba or what?" Ang sabi naman ni Keith.

"PAK!" Gigil na gigil si Kelly kaya sa hawak niyang kubyertos at sa mesa niya ito ibinunton at nagulat ang mga kuya niya at si Jacob.

"Isa pang salita about sa girls thingy magwawala talaga ako dito!!!"

Natameme namang bigla ang mga kuya niya at tumayo siya sa kaniyang kinauupuan "C-CR lang ako! At walang susunod!" Dagdag pa ni Kelly.

"Ti— Tita Kelly..."

Ang sama na rin ng tingin ni Kelly kay Jacob "A— Ano po yung fork and spoon po kasi dala n'yo pa. He... he..."

"PAK!" Pabagsak na ibinaba ni Kelly yung hawak niyang fork and spoon at umalis.

At sabay-sabay na napabuntong hininga yung mga kuya niya at si Jacob "Nakakatakot po palang magalit si tita Kelly kala ko kakainin na niya ako ng buhay eh."

"Yang nga tito mo kasi kung anu-ano ang pinagsasabi."

"Si Kevin nag umpisa kuya." Ang sabi ni Keith kay Kian.

"Kow! Kaya pala ikaw rin may pag tanong ka pa diyan kung may kinain ba si Kelly na malamig. Humph!"

"Tigilan niyo na nga yan baka bumalik yun marinig na naman niya tayo na pinaguusapan yung about sa ano." Ang sabi ni Kim.

"Pero sa tingin ko po di dahil dun kaya wala sa mood si tita Kelly eh."

Napatingin ang mga kuya ni Kelly kay Patrick at sumangayon ang mga ito kay Jacob "Malaman ko lang talagang niloloko ng lintek na yan si Kelly mata niya lang ang walang latay!" Ang sabi ni Kian na may kasamang pagbabanta.

Samantala sa kinauupuan naman nila Patrick "Achoo..."

"Are you having a cold?" Ang sabi ni Jena kay Patrick.

"Nah, I'm fine I just felt sudden cold behind my back."

"Dude! Si Master."

"San sya pupunta?"

"I think she's going to restroom."

Napatayo naman si Patrick pero pinigilan siya ni Jena "Where do you think you're going?"

"Susundan ko sya kailangan ko syang makausap di sya nag rereply sa mga chat o text ko sa kaniya."

"Hindi ba kasasabi ko lang pupunta sya ng restroom then you want to follow her to the ladies comfort room? Really Pat-Pat? Are you out of your mind?"

"Pero..."

"Lemme do it you stay here..."

"Ha?"

"Ako ng bahala... nakausap ko na sya kanina sa may simbahan close na kami."

Habang nakain si Dave ay nagsasalita sya "Eh? Ikaw? Close kay Master? Asa!"

Binato sya ni Jena ng table napkin "What do you think of me a monster? Para hindi maging kaibigan ni Kelly? Gusto mong makatikim ng mag asawang sampal?"

"Ito naman di na mabiro alam ko namang ikaw ang pinaka friendly sa lahat ng friendly. Ha... Ha... Ha..."

"Heh!"

"Bruh, pakisabi naman sa kaniya na mag reply naman sa mga chat ko sa kaniya."

"Oo na ako ng bahala."

Umalis na nga si Jena at sinundan sa restroom si Kelly at doon na nga sila nag kita "Hi!" Ang bungad ni Jena kay Kelly na noon ay katatapos lang mag hilamos ng mukha at nagkataon rin na sila nalang ang natira sa loob.

"Oh... you..."

"Here, use my tissue organic yan kaya di maiiritate ang skin mo."

"Ah... Eh... no need may tissue naman dine." Pandalas naman si Kelly na kumuha ng tissue don tissue roll sa loob ng restroom at sa isip-isip niya "Organic? Tissue? Ang hirap talagang intindihin ng nga mayayamang ire, pati ba naman tissue? Kakaiba pa rin ang gamit nila?"

Sa isip-isip naman ni Jena habang nakatitig lang kay Kelly "Ang ganda at ang kinis ng mukha niya kahit walang make up."

"Anong skin care routine mo?"

"Ha? Ski— Skin care? Routine?"

"Um... sa kinis at ganda ng mukha sure akong di basta basta ang mga ginagamit mong skin care sa mukha mo."

"Pero... wala naman akong nilalagay sa mukha ko."

"What? Are you serious about that? Kahit toner? Wala kang nilalagay?"

"Wala?"

"What the?! How come? I mean paano ka nagkaroon ng clear skin kung wala ka naman palang skin care routine?"

"I dunno, basta binibili lang ako nila kuya ng pang baby na sabon at polbo tapos yun na."

Sa isip-isip ni Kelly "Kulang na nga lang ibili din nila ako ng damit na pang baby."

"Silly! So spoiled ka sa mga kuya mo? Kasi they treat you as a baby hanggang ngayon nakaka tuwa naman."

"Ah... eh... hindi naman sobrang overprotective lang talaga nila sakin."

"Kaya naman pala takot na takot si Patricio lumapit sayo kanina pa." Ang pabulong na tugon ni Jena.

"Ano yon?"

"Ah... Wala don't mind me... by the way, do you want coffee or tea?"

"Ha? Dito sa cr?"

"Of course not! Sa labas ang ibig kong sabihin."

"Pero... baka kasi hanapin ako ng mga kuya ko pag nawala ako ng matagal."

"No, akong bahala saglit lang tayo may malapit na cafe dito at wag kang mag alala di tayo maliligaw dahil samin ang resort na ito."

"O— Okay?"

Makalipas ang ilan pang minuto,

"Bakit wala pa si Jena?" Ang sabi ni Patrick.

"Baka pabalik na rin yun 20minutes palang naman sya nawawala." Ang sagot naman ni Dave.

"Pero kasi..."

"Wag kang mag alala dude ayos lang yon kilala mo naman yung si Jena may pagkamadaldal yun baka kinuwento ng kinuwento lang si Master."

"Yun na nga! Baka kung ano-ano na ang mga pinagsasabi ng lukaret na yon kay Kelly patungkol sa akin."

"Hindi yan chill ka lang dude mag focus ka nalang ihahahagis na ni kuya Lester yung garter mamaya sumali tayo!"

"Wala akong panahon sa ganyan."

"Try natin! Minsan lang naman alam mo ba kapag nasalo mo yung garter maaari mong makasayaw yung makakasambot ng bouquet malay mo sumali si Master edi maka kausap mo na sya."

"Asa ka namang sasali si Kelly sa mga ganyan."

"Ano pustahan?"

"Bahala ka diyan!"

Yan po muna sa ngayon add niyo din po sa library niyo ang isa ko pang novel “Be my Princess Ms. Faye.” Hehe maraming salamat po. Godbless. ^•^

lyniarcreators' thoughts
次の章へ