webnovel

Kabanata 203

"Goodbye Class."

"Bye Sir."

Pagkaalis ng prof. nila tumayo agad si Dave para sana pumunta kay Kelly "Pero dude, kakamustahin ko lang naman si Master."

Hinila siya ni Patrick at naupongmuli bumulong ito sakaniya "Samahan mo ko sa labas."

"Ha? Pero hindi pa break time tsaka pansin ko hindi mo pinpansin si Master anong problema mo? Kala ko ba excited ka ng makita sya eh bakit ganyan ang inaasal mo?"

"Hindi ko kasi alam kung papaano ko sya kikibuin di ko alam kung saan ako magsisimula."

"Ano? Dude, nasan na yung Patrick na matapang? Kaya mo nga napasagot ang siga ng DLRU na si Kelly Ann Marie Dela Cruz kasi malakas ka. Naol!"

Bineltukan siya ni Patrick "Buang! Anong tingin mo kay Kelly, lion?"

Samantala sa kabilang side naman kung saan naka upo sila Kelly at Vince nagbubulungan rin ang mga ito "Anong pinag usapan nung dalawa?" Ang sabi ni Kelly.

"Aba anong malay ko kung gusto mong malaman tawagin mo."

"Sira ulo! Pero pis, sa tingin mo galit sakin si Patrick?"

"Ano? Bakit naman? Dahil hindi ka niya pinansin? Aba Kelly Ann Marie isa kang Dela Cruz baka naman ikaw pa ang maging under."

Pabulong bulong naman si Kelly "Nagsalita ang hindi under."

"Ano yon?!"

"Wa— Wala pero kasi bakit hindi niya ako pinansin kanina wala naman akong ginawang masama o mali sa pagkakaalala ko."

"Ey! Ganyan ba kapag may jowa? Hindi ako sanay sayo na ganyan ka at bakit na una pa si Mimay makaalam kesa sakin? Sya na ba ang pinsan mo ngayon? Tsss..."

"Toh naman! Masyado ka namang maramdamin syempre sa kapwa ko babae muna sasabihin para naman alam ko ang gagawin ko."

"Sus! Mukha mo! Kala mo lulusot ka? Ganyan ka naman nakalimutan mo na yung pinsan mong laging nasa tabi mo kahit nagpapasabog ka pa ng masamang amoy. Ganyan ka na pala."

Pinitik ni Kelly ang kaliwang tenga ni Vince "Ang drama mo buset na toh! Oo na sorry na pati ba naman yung pag utot ko isusumbat mo pa? Bungol ka talaga!"

"Humph!"

"Sige na lilibre nalang kita mamaya sa break time kahit ano sagot ko! Tsss."

"Talaga? Hindi ba yan labas sa ilong?"

"Ayaw mo? Ay sya! Babawiin ko nalang nag iinarte ka pa di'yan."

"Teka lang! Sige mamaya ha? Libre mo."

"Oo na, ng ika'y magtigil di'yan."

Makalipas ang ilang oras,

"Ayos!!! Breaktime na!!!" Ang sabi ng ilang classmates nila Kelly lumapit naman ka agad si Harvey kila Vince para tanungin kung saan sila kakain.

"Sa canteen lilibre daw kasi ako ni Kelly." Ang tuwang tuwa na sabi ni Vince.

"Tsss...baka kasi di maka tulog yan kapag di ko nilibre."

"Bakit? Anong okasyon?"

"Wala may utang kasi sakin si Kelly kaya I lilibre niya ako di ba pis?"

"Heh! Tara na nga kauma toh!"

"Sandali di mo ba tatawagin sila Patrick?"

Napatingin naman si Kelly sa kinauupuan ni Patrick na noon ay busy sa pag susulat "No need, mukhang busy naman sya eh edi wow."

At na una na ngang lumabas si Kelly ng kanilang classroom at hindi nya nga kinibo o pinansin man lang si Patrick "Kelly Wait lang!!!" Ang sabi ni Vince at Harvey na sabay tinapik si Patrick sa balikat nung sila'y lugmagpas sa kinauupuan nito.

"Dude, lumabas na sila hindi ba tayo susunod?" Ang sabi ni Dave.

Tumayo naman na si Patrick at sinabing "Bilisan mo na diyan!"

"O— Okay."

Habang naglalakad sila ay sinusundan nila sila Kelly may kausap naman si Patrick sa kaniyang cellphone "Okay good, salamat...bye."

"Dude, sino yung kausap mo?"

"Si Ms. Maricar."

"Eh? Bakit? Kailangan mo na uli ng bumalik sa company niyo?"

"No way! May pinagawa lang ako sa kaniya."

"Ohhh... para kay Master noh?"

"Well, sabi mo nga gusto ng mga babae ang surprise so lets see kung magugustuhan nga ni Kelly."

"Wait, Dude don't tell me pinasara mo ang canteen?"

"Sira! Syempre hinde! Alam mo namang sikreto yung relasyon namin ni Kelly eh kapag ginawa ko yon edi makukuha nun ang atensyon ng lahat ng estudyante hanggang sa makarating kay nurse Kevin."

"Ay, oo nga eh ano ang ginawa mo?"

"Bilisan mo na lang para makita mo ang dami mo pang kuda!"

Sa magkaparehong oras sa dining area ng mga Santos,

"Really? Pinagawa sayo yun ni Patrick?" Ang sabi ni May habang may kausap siya sa telepono.

"Okay sige bye balitaan mo ako mamaya."

"Sino ang kausap mo? At parang tuwang tuwa ka ata?" Ang sabi ni Lester ang boyfriend ni May na kauuwi lang galing Canada na isang Engineer.

"Kumain ka nalang sure akong namiss mo ang lutong bahay."

"Dapat ko bang ika selos yung kausap mo para ibahin mo ang topic?"

"Silly! Si Ms. Maricar lang kasi yun don't bother, about lang kasi yun sa kapatid kong si Patrick nag binata na rin sa wakas."

"Patrick? As in your baby bro?"

"Um... I think I forgot to say that he and my kuya is alright now hindi na sila gaya ng dati well, I'm still taking care of kuya Richmond's move para alam mo na maka sigurado baka kasi mamaya bumalik na naman siya sa bisyo niyang pag susugal."

"Ohhh... I see, if you need my help I'm here for you and to your family." Pagkatapos sabihin yun ni Lester hinawakan niya ang kaliwang kamay ni May na para bang nakikisimptya.

"Um... Thanks Sweetie but don't worry I can still handle it mamaya nga pala papakilala kita kay Patrick ayos lang ba sayo? O uuwi ka na ba mamaya sa inyo?"

"Ah no, it's okay I told my parents about it."

"Ha? You told what?"

"I mean sinabi ko sa mga parents ko na dito muna ako kasama mo kasi ipapakilala mo ako kay Patrick."

"Hmm? Sinabi ko na ba sayo non na ipapakilala kita sa kaniya? Kala ko ngayon ko lang yun na banggit."

"Ahhh... Eh... baka nalimutan mo lang Sweetie kumain ka nalang baka gutom ka pa kasi."

"Eh?"

Mabalik naman tayo sa Canteen,

Nakaupo na at nakatulala lang si Kelly habang naka tingin naman sa kaniya sila Vince at Harvey "So, ano? Kakainin mo ba yan o titigan mo nalang? Tsss...My Love Kelly! Ang creepy!" Ang sabi ni Vince.

"Pre, bakit ba masyado ka namang bitter gusto mo ba ipagawa ko rin kay manang yang ganyang cake?" Ang panunuksong sabi ni Harvey.

"Tigilan mo nga ako kahit magkaroon pa ako ng gf di ako magpa pagawa ng ganyang kaartihan aksaya pera lang."

"Alam naman na yun ng lahat."

"Ang alin?"

"Na kuripot ka!" An sagot ni Kelly.

"Huh! Edi shing at least may ipon kesa naman bili ng bili."

"So ano Kelly? Kainin na natin yan." Ang sabi ni Harvey.

"Gusto mo?"

"Eh? Bakit ayaw mo ba? Alam mo ba sa mga restaurant yang ganyang cake napaka mahal."

"I know kaya nga ayaw kong kainin."

"Ha? Ba— Bakit naman?" Ang bungad ni Patrick pag dating nila Dave.

"Oh, andiyan na pala kayo kala ko eh di na kayo kakain." Ang sabi ni Harvey.

"May ginawa pa kasi si Patrick." Ang sabi ni Dave.

Lumapit naman si Patrick at naupo sa tabi ni Kelly "Pero bakit ayaw mo? Hindi ka ba fan ng chocolate? Gusto mo papalitan ko?"

Tumayo naman at pumagitna si Vince dun sa dalawa ni Kelly "Hindi kasi sanay si Kellang na nakain ng chocolate at ayaw niya ng dark chocolate gusto niya milk flavor at higit sa lahat ayaw niya ng pagkain na mamahalin."

"Ha? Pero pinagawa ko lang yan kay Manang hindi yan mahal."

Bumulong si Dave kay Patrick "Dude, hindi mahal pero may gold eklabu na toppings?"

"I'm done kayo nalang kumain niyan busog pa naman ako sa lunch nalang ako kakain at kay kuya Kevin ako sasabay."

Paalis na si Kelly ng tinawag siya ni Patrick "Kelly!!!"

"Don't worry I appreciate your effort pero sa susunod wag mo ng bonggahan simple lang naman ako at alam ng lahat yan."

At nagpatuloy na sa pag alis si Kelly sinundan naman siya ni Vince "Pis hintayin mo ko."

Bago naman umalis si Vince may sinabi muna sya kay Patrick "Simple sya pero rock."

"Anong problema ni Vince?" Ang sabi ni Dave.

"Ewan ko dun sumunod nalang ng sumunod kay Kelly." Ang sabi ni Harvey.

Wala namang kibo si Patrick at dahan dahang kinukuha ni Dave yung cake pero nauna sa kaniya si Harvey "Anong ginagawa niyong dalawa?"

"Ah... eh... sayang naman kasi dude ayaw naman ni Master kaya samin nalang ni Harvey."

"Oo nga naman."

Kumuha ng tinidor si Patrick at tinusok yung cake at kinain niya ng buo "Oh? Edi hindi na sayang." Ang sambit niya habang nanguya.

"Grabe ka Dude wala kang awa."

"Bakit? Kayo ba si Kelly? Ang mahal ng bili ko dito tapos kayo lang kakain? Heh!"

Sa isip-isip nung dalawa "Mabulunan ka sana."

Wag ka kalimutang mag bigay ng comment, reviews at vote using your power stones. Salamat po hehe. (•^_^•)

lyniarcreators' thoughts
次の章へ