2pm ng Lunes,
Nanonood ng tv sila Faith at Jacob at kumakain ng pizza na inorder ni Keith "Si Kelly nga pala?"
"Natutulog po tita Faith."
"Bakit galing ka ba sa kwarto nya kanina?"
"Opo pero parang wala parin sa mood eh kaya bumaba na po ako dine sabi niya po kasi tutulog raw sya pagkatapos niya sa research paper niya po."
"Ohhh...babe bili dalhan mo ng pizza si babysis."
"Ha? Di ba nga natutulog raw sabi ng batang yan bakit dadalhan ko pa ng pizza kung tulog nga? Tsaka hindi yun mahilig sa pizza, eggpie at ice cream lang gusto nun."
"Dalhan mo na sigurado akong hindi yun tulog tsaka pag broken kailangang kumain."
"At sino naman ang broken? Si Kellang? Huh! Subukan niya lang!"
"Ano naman masama doon eh kung yun ang pakiramdam ni Kelly? Mapipigilan mo ba naman yung ganoong emosyon para naman hindi ka dumaan sa ganyan."
"Hindi talaga! Itsurang ito iiwan? Huh! Asa."
Binato siya ni Faith ng unan "Tsss...Yabang!"
"Pffft..." Ang reaksyon naman ni Jacob.
"Hey kid! Anong tinatawa tawa mo diyan ha? At babe naman joke lang yun."
"Ako na nga lang po ang magdadala kay tita Kelly ng pizza baka san pa po mapunta ang usap dine eh."
"Mabuti pa nga ikaw na baby yang tito mo eh nakakabwiset."
"Bakit na naman?"
"Heh!"
Samantala sa kwarto ni Kelly,
Pagulong gulong si Kelly sa kaniyang kama ng pa balik balik "Nakakainis!!!" Ang sabi niya at huminto.
"Hindi makatulog kahit inaantok ako!!!"
"Ring...Ring..." tunog ng telepono niya at ang tumatawag ay si Patrick.
"Huh! At may pagtawag ka pa talaga ngayong hinayupak ka! Ngayon lang? Talaga?? Huh! Bahala ka!" Hindi niya sinagot ang tawag ni Patrick.
"Bwiset tatawag ngayon lang? Mag damag kong inintay kagabi ang tawag niya tapos ngayon lang?? Huh! Kapal niya bahala siya sa buhay niya!" Ring pa rin ng ring ang telepono niya hanggang sa na irita na sya she turned it off her phone.
"Asar!!! Bahala ka diyan hindi na kita kakausapin."
"Knock...knock..."
"Tita Kelly? Si Jacob po ito gising ba kayo?"
"Eh? Oo baby pasok ka."
At pumasok nga si Jacob na may dalang pizza bumangon naman ka agad si Kelly "Aba, may pizza? Sinong umorder?"
"Si tita Faith po at tito Keith."
"Ohhh...sakin ba yan o hati tayo?"
"Gusto ko po sana pero sabi ni tito Keith sayo daw po yan."
"Hehehe...luko talaga yang tito mo no? Halika salo tayo."
"Hindi na po busog na din naman po ako nakailang slices na po ako sa baba."
"Ohhh...sigurado ka? Tatlong slices naman ito di ko kayang ubusin."
Nakatitig si Jacob sa pizza at napapalunok "Hahaha...sige na halika dito at maupo ka rin pagsaluhan natin ang pizzang ito alam ko namang mahilig ka sa pizza eh ako naman eh hindi kaya kahit isang slice lang sakin."
"Talaga po?"Ang tuwang tuwa na reaksyon ni Jacob at nalimutan niyang busog nga pala siya "Pffft..." Ang reaksyon naman ni Kelly.
"Ah...eh...a---ano po kasi..."
"Hahaha...ayos nga lang gusto mo bang manood ng movie?"
"May bago po kayong download?"
"Wala pero hindi pa naman natin tapos yun pinapanood nating anime gusto mo patuloy natin?"
"Ayoko po."
"O---okay...tara nalang sa balcony."
"Um...sige po."
At nag tungo nga yung dalawa doon at doon rin kumain ng pizza "Tita Kelly ang ganda po ng pwesto ng kwarto nyo no?"
"Ha? Wala namang magandang view diyan at puro bahay lang."
"Ehhh...opo nga at least pwede kayo dineng mag muni-muni kila daddy walang ganire po eh kahit kila tito."
"Ahhh...oo kaya dito ako nag kwarto eh si daddy talaga ang pumili ng kwartong ito para sakin."
"Ohhh...kasi kayo ang nag iisang anak na babae spoiled po ba kayo kay Papsie?"
"Mmm..parang oo brat ako nung bata ako eh hindi ko na nga lang matandaan yung iba memory kasi limang taon palang ako nung nawala si daddy eh."
"Sorry po..."
"Ayos lang matagal naman na rin yun kailangang mag move on."
"Opo, eh kayo naka move on na?"
"Oo nga matagal na nga di ba? Pero syempre naiisip ko pa rin si Daddy hindi na yun mawawala nakatatak na yun sa puso't isipan namin nila kuya at mama."
"Ah?"
"Bakit?"
"Ang sabi ko po kasi eh kung kayo eh naka move on na hindi po kay Papsie kung hindi kay tito Patrick."
"Ahhhh...lilinawin mo kasi..."
"Hehe...sowie po pero ayos lang po ba kayo? You can talk to me naman po kung gusto niyo I can keep your secret naman po."
"Yeah...I know pero wag kang mag alala ayos lang ang tita mo nga pala sorry hindi ko natupad ang promise ko sayo kahapon na sasabihin ko ang secret natin kila kuya."
"Ayos lang po yun ako na po ang nag sabi."
"Ano?"
"Ah...eh...sorry po kasi ano po eh..."
"Tsk....ano sabi nila?"
"Kagabi po kasi di ba naiwan kami doon sa baba sa may sala nung natulog na kayo eh ayun I carried away po. Sorry!!!"
"Hayaan mo na pero hindi sila galit nung nalaman nila na nag punta tayo kay buset na Patrick?"
"Uhm...syempre po nauma sila syempre ako po eh andon kaya hindi nila kayo sinugod dine kagabi tsaka alam din nilang wala kayo sa mood eh."
"Ohhh...I see salamat baby Siopao."
"Wala po yun kayo po kamusta?"
"Ayos lang naman nahinga pa tsaka sino ba naman yung Patrick na yon sa buhay ko? Huh! Feeling naman niya pogi siya at magkakagusto lahat ng babae sa kanya. No way highway!!!"
Pabulong bulong naman si Jacob "Na fall na nga kayo sa kaniya eh denial parin."
"Ano yon?"
"Ah? Wa---wala po."
"Sila kuya pala?"
"Si tito Keith lang po andiyan may pasok po sila daddy eh Monday po eh."
"Ay...oo nga pala ako nalimutan ko na lutang eh sowie."
"Hindi pa rin ba kayo nakakatulog ng ayos?"
"Ha?"
"Tumingin na ba kayo sa salamin niyo?"
"What do you mean?" Napatingin si Kelly sa salamin ng binta ng kwarto niya at nagulat "Ahhhh..."
"Ah...eh...maganda parin naman po kayo kahit may eye bags ka po."
"Tsk...Asar!!! Hindi kasi ako natutulog pa hindi ako makatulog."
"Bakit kakaisip niyo kay tito Patrick? Hindi pa po ba kayo nag-usap pa?"
"Ayoko siyang kausapin buset sya."
"Ayan na naman kayo eh ang hilig niyong mag tago ng nararamdaman niyo sige kayo baka mamaya sumabog na kayo dyan."
"Ayoko lang muna syang kausapin oo hindi nga kami at wala kaming relasyon pero kasi na disappoint ako sa kaniya."
"Disappointed lang po ba kayo o nag assume rin?"
"Ha? Anong sinasabi mong bata ka? Halika nga rito papisil ng pisngeng matambok." Umiwas naman sa kaniya si Jacob.
"Tita Kelly naman eh!!!"
"Ahahahaha...isang pisil lang naman ang cute cute mo kasi."
"Ayoko po! Hangga't hindi kayo okay."
"Okay naman ang tita mo ah sino ba namang may sabi sayo na hindi ako okay?
"Nararamdaman ko po kasing malungkot kayo mag salita yung mga mata niyo malamlam walang kabuhay buhay."
"Hahaha...alam mo daig mo pa ang daddy mo sa ganyang mga linyahan at ano yung "malamlam"? Ang dami mo talagang alam wagas.hahahaha..."
"Malamlam nga po eh parang walang spark yung walang saya sa mga mata as in poker face lang."
"Poker face yung mata?"
"Opo walang energy parang ganun narinig ko lang po yun kay Mommy."
"Ohhh...pero ayos nga lang ako baby wala na kong pakialam doon sa buset na Patricio na yon."
"Sus...hindi po ako naniniwala ang babae kasi may mood swings si Mommy nga po ayaw na daw niya kay Daddy pero lagi niya parin itong ini-stalk sa mga social media acct.nito tapos pag ihahatid na po niya ako dine mag papaganda po talaga yun para mapansin sya ni daddy."
"Oh? Hahahaha...pati talaga yun napansin mo eh no?"
"Syempre po gusto kong magkabalikan ulit sila mom and dad eh."
"Hayaan mo tutulungan kita diyan para happy family na kayo."
"Talaga po?"
"Umm...boto naman ako sa Mommy mo para kay kuya Kian eh tsaka sabihin mo sa kanya patay na patay parin ang daddy mo sa mommy mo simula nung nag hiwalay sila kamo eh hindi na nag gf muli an daddy mo."
"Oh? Ganun po?"
"Um...na depressed kasi si kuya nung nag hiwalay sila ng mommy mo kaya ayokong matulad sa kaniya kaya hindi ako mai-stress dahil lang sa buset na Patrick na yan."
"Yeah...aja fighting tita!!!"
"Oo naman."
"Pero gusto niyo parin siya?"
Hindi na sinagot ni Kelly ang tanong na iyon ni Jacob para sa kaniya iniba niya ang usapan at hindi na rin naman siya kinuit ng pamangkin niya. "Knock...knock..."
"Dude!!! Buksan mo ang pinto si Dave ito."
"Hoy! Daven." Ang sabi ni May at nagulat si Dave sa kaniya. "Ay kabayo! Ate naman wag kayong manggugulat aatakihin ako sa inyo sa puso eh buti nalang wala akong sakit."
"Ang ingay mo kasi!!! Alam mo bang ngayon palang ako matutulog?"
"Ay...sorry po si Patrick po kasi ayaw ako pag buksan ng pintuan andito po ba sya sa kwarto niya?"
"Oo andiyan yan kagabi pa nga yan di na labas ng lungga nya. May nangyare ba?"
"Ah...eh..."
"Mukhang...may nangyare nga base sa reaksyon mo."
"Eh...kasi po si Gio ay si Gia pala ehh...."
"Oh, anong meron kay Gio? Ay Gia na nga pala dahil pusong girl na sya ganda niya no?"
"Alam niyo na?"
"Oo followers niya ko sa IG eh."
"Ohhh..."
"Eh bakit nga ganyan na naman yang kapatid kong luko? Wala sa mood."
"Ahhh...kasi po na misinterpret ni Kelly sila Patrick at Gia na may relasyon."
"Ano?Pfft...ahahahaha..."
"Ah...eh...opo."