webnovel

Kabanata 143

Makalipas ang ilang oras,

Dumating na si Mimay sa bahay nila Kelly "Halika, umupo ka muna nagbibihis lang si Kelly baka pababa na rin yun naligo kasi eh." Ang sabi ni Faith kay Mimay.

"Sige po salamat."

"Anong gusto mo juice o water?"

"Nako, wag na po ayos lang po ako mamaya nalang po siguro salamat po."

"Sige ihahanda ko lang ang inyong mirienda ni Kelly ara mamaya."

"Hehe...sige po salamat."

"Sino pong dumating?" Ang sabi ni Kelly paglabas ng kwarto niya.

"Si Mimay dumating na dito babysis.." Ang sigaw ni Faith.

Pandalas naman si Kelly ng pag baba "Mims!!!!"

"Babygirl!"

"Kanina ka pa ba?"

"Di naman kararating ko lang."

"Babysis, maiwan ko muna kayo at ihahanda ko ang mirienda niyo."

"Sige po ate salamat."

"No worries sige maiwan ko na kayo diyan."

"Opo."

"Halika maupo ka."

"Okie.."

"Bakit ikaw lang pala? Sila Vince hindi mo kasabay?"

Biglang iniba ni Mimay ang usapan "Anong oras kayo nakauwi? Hindi na ko nakapag paalam sa inyo eh."

"Ahhh...ayos lang kayo anong oras nakauwi? Nalasing ba sila Vince?"

"Ah? A---ano..."

"Hmmm...ayos ka lang ba?"

"Ah? O---oo naman bakit?"

"Hmmm...yung totoo?"

"Waaahhhhhh...."

"Eh? Anyare?"

"Di ako nakatulog!"

"Ahhhh...kaya pala ganyan ang eye bags mo."

"Halata ba?"

"Ah...eh...hindi naman tinakluban mo naman kasi ng make up pero nakikita ko parin."

"Talaga???" Kinuha niya yung bag niya at kinuha yung maliit niyang salamin at tinignan ang sarili niya.

"Di naman halata naging conscious ka naman bigla diyan."

"Ahhh...eh...kasi."

"Sabihin mo ano talagang nangyare kagabi nung umuwi ako?"

"Ah...ahm...kasi baby girl si ano kasi..."

"Sinong si ano?"

"Si ano nga..."

"Sinong si ano nga???"

"Sigh...si ano..."

"Tsk...sasampalin kita!"

"Si VINCE!!!"

"Anong meron?"

"Kasi ano...."

"Sasampalin na talaga kita pag si ano ka ng si ano diyan!"

"Tsk...ang hb naman eh."

"Ano nga? Alam mo namang ayoko ng paligoy ligoy!"

"Oo na si Vince kasi lasing na lasing tapos ang ingay kagabi kung ano ano ang sinasabi."

"Ano ang sinabi?"

"Ah...eh...kasi..."

"Mag sasalita ka ba o sasampalin kita?"

"Sabi niya kasi mahal niya daw ako!"

"ANO?"

"See, kahit ikaw na gulat yan di ang naging reaction ko."

"Eh ano nga? Totoo yun?"

"Hindi ko din alam naiyak nga sya kagabi at tapos sabi niya "Mimay, mahal kita wag ka ng mag paligaw kay Dave."

"What the F!!!"

"Kaya nga di ako nakatulog!"

"Sandali hindi ko maintindihan hindi ba ang gusto ni Vince ay si Aliyah?"

"O---Oo? Yun din ang alam ko."

"Tapos ngayon eh sinabi niya na mahal ka niya?"

"Oo?"

"Aba! Baliw na talaga yang si Vince."

"Ding...dong..."

"Baka sila Vince na yan anong gagawin ko baby girl?"

"Ha?"

"Ehh...Nakakahiya."

Pinisil ni Kelly ang pisnge ni Mimay "Sira! Bakit ka naman mahihiya? Sigurado akong nalimutan niya na yung mga sinabi nya sayo."

Bigla namang nalungkot si Mimay "Ah?"

"Oo lasing lang naman si Vince kaya kumalma ka lang baka akala niya si Aliyah ka kaya ganun siya."

"Ohhh...."

"Tara, samahan mo ko baka sila Vince na nga yan."

"O---oo sige."

Sa isip-isip ni Mimay "Bakit bigla naman akong nasaktan sa sinabi ni Kelly? Panaginip nga lang kaya ni Vince yung sinabi niya sakin? Sigh...ewan ko na!!! Nakakalito na!!!"

"Huy! Mims bakit ga ika'y tulala di'yan? Halika na!!!"

"Ah? O—oo sige susunod na ko."

"Bilisan mo na."

Lumabas na nga yung dalawa ni Kelly para pagbuksan yung nag doorbell at sila Vince at yung dalawa nila Dave at Patrick ang nakita nila "Master, hi Mims." Ang sabi ni Dave.

"Buti naman dumating na kayo." Ang tugon ni Kelly.

"Hi Kelly." Ang ngiting ngiti na sabi ni Patrick.

"Tsss..."

"Ahem...Mims, bakit ang tahimik mo naman ata?" Ang sabi ni Dave.

"Ha? Hindi naiinitan lang ako tara na nga sa loob Kelly."

"Ah? Hindi naman ano ah..." Sumenyas sa kanya si Mimay "Ahhh...oo sige sa loob na nga tayo."

"Sandali lang...Mimay pwede ba tayong mag usap? Kahit saglit lang." Ang sabi ni Vince.

"Ha? Ba---bakit?"

"Ah...eh...ano kasi eh sabi kasi ni Harvey ikaw raw ang nag alaga sakin kagabi."

"Ha? A---ako? Hinde yung nanay mo...tsaka wala lang yun lika na Kelly." At hinila na nga niya si Kelly papasok sa loob.

"Mi---Mi...sigh..."

"Inalagaan ka ng Mimay ko? Bakit ako hinde?" Ang sabi ni Dave.

"Tsss...baka naman kayo eh mag away pa diyan tara na pumasok." Ang sabi ni Patrick.

"Hinde bakit naman kami mag aaway di ba Pre?"

"O---oo naman."

Napaisip naman si Vince sa mga nangyare kagabi dahil hindi niya maalala at nagtataka siya kung bakit ganoon ang inaasal sa kaniya ni Mimay at kahit na nagsimula na silang gumawa ng project naiwas parin sa kaniya si Mimay, Napansin naman ito ni Patrick "Psst..."

"Ano? Mga focus ka nga sa ginagawa mo." Ang sabi ni Kelly na busy sa kaniyang pag gugupit ng karton.

"Tignan mo."

"Ang alin ga?"

Hinawakan ni Patrick ang mukha ni Kelly at itinuro sila Mimay at Vince "Hey! Bitawan mo nga ko!"

"So---sorry..."

"Epal eh! Pero, kanina ko pa nga napapansin yang dalawang yan ang awkward nila sa isa't isa."

"Sa tingin mo bakit kaya?"

"Ba ewan! Pero may nabanggit sakin si Mimay kanina eh."

"Ano yon? Pwede ko bang malaman?"

"Halika bubulong ko sayo."

"Bu---bulong mo?"

"Oo ayaw mo? Baka marinig tayo nila Mimay."

"A—Ah...O---oo..." Lumapit naman ka agad si Patrick sa kaniya pero bigla namang dumating si Keith na may dalang miryenda.

"Ahem..." Ang reaksyon ni Keith kaya pandalas naman si Patrick na layo kay Kelly.

"Ku---kuya!"

Ang sama ng tingin ni Keith kay Patrick "Eto na ang miryenda niyo."

"Salamat kuya...guys, miryenda muna tayo.."

"Salamat po." Anila.

"Walang anuman ano bang yang ginagawa niyo? At kailangan niyong sobrang lapit sa isa't isa ha Kelly?"

"Ha? Wala kuya bumalik ka na nga don tawag ka ni ate Faith."

"Tsss...Kelly ha!"

"Ba naman yan ang oa mo na naman."

"Tsss...I'm watching you!"

"Sigh...Kuya!!!!"

"KEITH!!!" Ang sabi ni Faith.

"O—Oo andiyan na!!!"

"Tsss...lumakad ka na tawag ka na ni ate Faith!"

"I'm watching Mr. Santos kahit nasa kusina ako!"

"Tsss...Ate Faith!!! Si kuya oh!!!"

"KEITH!!!!!"

"O---Oo andiyan na nga!"

At iniwan na nga sila ni Keith "Sigh...sorry guys ang oa kasi ni kuya sige kumain na kayo." Pero walang sumasagot sa kaniya.

"Gu---Guys???" Napatingin siya sa kanila at nakatungong lahat ang mga ito pagkakita niya.

"Huy! Bakit ga kayo eh mga nakatungo di'yan? Para kayong mag baliw hahahaha..."

"Pero kasi Master yung tingin ng kuya mo para kaming kakainin ng buhay eh."

"Pfft...hahaha...ayos lang yun mas takot naman yun sa asawa niya.Ahahaha...At bakit naman pati ikaw Vince eh nakatungo?"

"Ha? Aba'y baka madamay ako eh."

"Tsss...duwag ka din pala!"

"Duwag? Ako?"

"Ay hindi ako nalang."

"Tsss...ewan."

Makalipas ang ilang oras,

"Sigh...ang daya naman ako lang gumagawa ng project namin bakit kasi di umattend ngayon si Nimpa?" Ang sabi ni Dave.

Samantalang busy naman yung dalawang grupo sa kani-kanila nilang project "Psst... Kelly."

"Ano? Tawag na lang ng tawag asar."

"Hindi ka ba gagawa ng paraan para maging ayos yung dalawa?"

"Ano? Bakit mag kaaway ba sila?"

"Hindi ba?"

"Alam mo matalino ka nga pero tungaw ka!"

"Tungaw?"

"Sighh...ewan ko sayo alam mo minsan hindi natin dapat panghimasukan ang buhay ng iba. Mag focus ka sa buhay mo!"

"Pwede bang sa buhay mo nalang? Ayiiee...."

"Sapak gusto mo?"

"Ito naman! Napaka harsh."

"Heh!"

"Pero pwede ba akong mag tanong?"

"Ano na naman?"

"Ahm...kasi kahapon nag uusap kayo ni Miggy di ba? Tapos umuwi siya ka agad pagtapos nun ano bang pinag usapan niyo?"

"Wala ka na don! Ang tsismosa mo rin eh noh?"

"Tsss...gusto ko lang naman malaman masama?"

"Oh eh paano kung sabihin kong oo? Papalag ka?"

"Pero...kasi...sabi mo ano may pag asa naman ako sayo. Tapos.."Tinakpan naman ka agad ni Kelly ang bibig niya at luminga linga "Bwiset ka! Baka marinig ka ni kuya! Gusto mong ka calibre 45?"

"Mmm...Mmmm..."

"Wag na wag mong sasabihin yan dine!!! Kung ayaw mong pati ako mapalayas."

Tinangggal naman ni Patrick ang kamay ni Kelly at sinabing "Ayos lang sagot na kita."

"Baliw! Conservative ako noh! Kaya wag ka nga diyan hindi ako easy to get na babae kaya wag kang epal."

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin kung papalayasin ka ng mga kuya mo pwede naman kitang ihanap ng bagong bahay."

"Anak nang!" Bineltukan niya si Patrick "Aray!!! Bakit mo naman ginawa yon?"

"Baliw ka! Porket mayaman kayo kala mo kaya niyo ng bilhin ang ninanais niyo? Hindi lahat kayang bilhin ng pera tandaan mo yan!"

"O---okay pero kung papalayasin ka nga dito ng mga kuya mo wag kang mag alala ibibili nga kita ng bagong bahay."

"Haist...ginagalit mo na talaga kong bugok ka!" Sinabunutan niya si Patrikck "Aw...aw...Kelly!!!"

"Huy!! Anong ginagawa niyo?" Ang sabi ni Dave.

"Ah? Wala ito wag niyo kaming pansinin di ba Patrick?"

"Ha?" Nilakasan ni Kelly ang pag sabunot sa kaniya "A----ahhh....O---oo ayos lang naman kami minamasahe niya lang ako."

"Talaga ba? Bakit parang hindi naman?" Ang sabi ni Mimay.

"'Ha---ha---ha...ayos lang talaga kami Mims sige na pag pa tuloy niyo lang yang ginagawa niyo." Ang sabi ni Kelly.

"O---okay?"

"Ahm...Mimay..." Ang nahihiyang sabi ni Vince.

"Bakit? Kailangan mo ba ng glue?"

"Ha? O---oo tsaka..."

"Tsaka? Ano?"

"A---ahm...a---ano kasi eh..."

"Sigh...kung itatanong mo na naman kung ano ang nangyari kagabi wala kang makukuhang sagot sakin! Dahil wala naman talaga baka na over react ka lang sa sinabi sayo ni Harvey."

"Ah? Pe---pero kasi bakit ganyan ka kung makitungo sakin?"

"Ha? Ako? Bakit may mali ba?"

"Ah....eh...wa---wala naman pero kasi parang ang awkward natin sa isa't isa kaya pakiramdam ko may nasabi ako sayong hindi kaaya aya kagabi kaya parang na iwas ka sakin."

"Ha? Wa---wala promise."

"Talaga? Pero minsan nagsasalita talaga ko eh pag tulog pero madalas totoo naman yung mga sinasabi ko."

Namula naman bigla ang mukha ni Mimay "To---totoo?"

"Oo yun ang sabi sakin ni Mama noon eh pag nagsasalita ako ng tulog hindi naman daw kung ano lang sinasabi ko."

"Ta---talaga?"

"Oo ayos ka lang ba? Ang pula ng mukha mo." Hahawakan sana nya ang noo ni Mimay pero umiwas ito ka agad "A—ayos lang ako promise."

"O---okay."

次の章へ