webnovel

Kabanata 108

Habanag papalabas naman ng classroom nila si Dave nakabanggan niya si Axel "Aray..."

"Nako, sorry hindi ko kasi...Eh? Master? At ikaw naman?"

"Saan ka ba kasi pupunta Dave? At may pag takbo ka pang nalalaman diyan?" Ang sabi ni Kelly na tinulungang makatayo si Axel.

Sa isip-isip ni Dave "Bakit parang napaka lampa naman ng Axel na ito tumumba agad? Ang oa naman."

"DAVE!!!" Ang sigaw naman ni Patrick at nakita niya sila Kelly "Kelly?"

"Yeah! Mornin'. Humph! Ayos ka lang ba Axel?"

Habang pinapagpag ang kaniyang damit "Ah? Oo ayos lang naman ako."

"Sige pumasok na tayo oh, kayo saan pa kayo pupunta? May klase na mamaya."

"Ah? Oo Master sasabay na rin ako sayo." Hinila naman siya ni Patrick at kinurot siya nito "Ahhhh....aray...ang saket!!!"

"Ha? Ayos ka lang ba Dave?"

"Ah? O---oo nag vo-vocalization lang ako. Mi---hii---hiyaa....aaa.....a.a...a....aray..."

"O---okay?"

"Sige, mauna na kayo mag papractice pa kasi ako dito."

"Sige sumunod na lang kayo."

"B---bye Master."

At hinila ni Patrick si Dave sa isang gilid "Sabihin mo hindi si Kelly yung nakita natin hindi ba?"

"Ha? Anong hindi si Kelly? Eh sino pa pala yung kausap ko kanina? Multo?"

Bineltukan siya ni Patrick "Pilosopo! Ang ibigsabhin ko bakit kasabay na naman nya yung kumag na Axel na yon?"

"Nagulat nga rin ako eh nakabanggaan ko kasi napaka weak natumba agad parang pabebe masyado yung Axel na yun."

"Hmmm...mukhang dumada moves na naman ang mga hinayupak kay Kelly."

"Sino ba ang mga tinutukoy mo?"

"Waaahhh...Chollo!!!" Ang sigawan ng mga babae habang paparating sa classroom nila Kelly kasama ni Chollo si James at Daniel.

"Mukhang ayan na nga sila Dude."

"Tsk..."

"Oh? Anong gagawin mo?"

"Wala tignan natin kung anong magiging reaksyon ni Kelly."

"Ayos lang sayo? May dala pang bouquet of flowers yung Chollo."

"Oo ayos lang alam ko namang hindi yun tatanggapin ni Kelly."

"Oh? Paano mo nalaman?"

"Instinct."

At pinagmasdan nga nung dalawa sa labas ng kanilang classroom yung mangyayare "Kelly! My princess." Ang bungad naman ni Chollo.

"Huh! Ano na naman ang ginagawa mo dito? At ang ingay ng mga fans mo sa labas nakakaistorbo dito samin."

"Hi Mimay chocolates for you." Ang sabi naman ni James.

"Hindi nakain ng chocolates na ganyan si Mimay tanging milk chocolate flavor lang ang kinakain niya."

"At sino ka naman? Mimay sige na tanggpin mo na ito."

"Heh! Umalis na nga kayo dito nakakagulo lang kayo."

Bumulong naman si Daniel kay James "Bilisan niyo na nga diyan ni Chollo mukha namang hindi kayo welcome dito."

"Ayoko ng bulaklak allergy ako sa amoy."

"Oo nga hindi gusto ng pinsan ko ang amoy ng mga bulaklak." Ang sabi naman ni Vince pero napaisip siya at bumulong siya kay Kelly "Pis, kailan ka pa naging allergy sa mga bulaklak? Hindi ba mahilig ka kumuha ng mga pictures ng mga yon?"

"Hindi ko rin alam pero ngayon parang ayoko na ng amoy nila parang nababahin ako bilga. "Sneezed..."

"Ilayo mo na nga yan ayaw ni Kelly ng bulaklak! "

"Tsss..you're not Kelly you don't have the right to decide."

"Huh! Nakita mo nangang nababahin sya sa bulaklak kaya umalis na nga kayo dito."

"My dear sorry kung ngayon lang ako nakadalaw medyo busy lang kaya sana wag kang mag tampo kung hindi kita na dalaw sa ospital nung nag ka dengue ka."

"No need hindi naman na kailangan ang gusto ko ilayo mo ang bulaklak na yan sakin "A----Achooo..."

"Sorry my dear."

"CHOLLO!!!! JAMES!!!!" Ang sigaw naman ni Aliyah na wari'y galit kasama niya si Wayne.

"A---Aliyah?" Anila.

"Sigh...sabi ko naman kasi sa inyo hindi kayo makakaligtas sa mga mata ni Aliyah. Bahala kayo diyan." Ang sabi ni Daniel at dahan-daha na siyang umeskapo.

Napa tayo naman ka agad si Vince "He---Hello Aliyah..."

"H---Hiyee....kemeste ke?" Ang pabebeng sagot naman ni Aliyah na biglang na bago ang mood "Aliyah!" Ang sabi nila James at Chollo at humarang sila dito.

"Hoy! Umalis nga kayo diyan."

Kinuha naman ni Wayne ang pagkakataon na yun para makalapit sya kay Kelly "Kelly."

"Oh, Wayne kasama ka ba ni Aliyah?"

"Ah...eh...Oo nabalitaan kasi namin na na ospital ka raw nung isang linggo kaso busy kaming mag pipinsan sa thesis namin kaya hindi ka namin na dalaw eto nga pala." Iniabot niya yung maliit na slice ng strawberry cake kay Kelly "Wow, ang cute naman ikaw ang ba nag bake?"

"Ah...Ahm...O—Oo ako nga sana magutsuhan mo."

"Sige kakain ko mamayang breaktime salamat."

"Walang anuman."

"ANONG IBIGSABHIN NITO?" Ang bungad na sabi ni Prof. Gina "Bakit may HRM student sa classroom ng IT?"

"So---Sorry po Prof." Ang sabi nung mag pipinsan at kumaripas na sila ng takbo "Kelly, nice to see you again. Bye," Ang pahabol na sabi ni Wayne.

"Kelly, chat nalang kita mamaya." Ang sabi naman ni Aliyah.

"O---Okay.."

"SIT DOWN! Ang sabi ni Prof Gina na animo'y parang nagagalit.

"Ye---yes Prof."

"Patrick! Dave! Ano pang ginagawa niyo di'yan sa labas? Pumasok na kayo dito at mag sisimula na ang klase natin."

"Ye—Yes Prof." Anila.

At pabulong bulong naman si Dave "Ang galing mo dude paano mo nalaman na hindi nga tatanggapin ni Master yung bulaklak?"

"Instinct nga."

Sa isip-isip nya "Mukhang tama ang hinala ko gaya ni kuya Richmond ayaw na rin ni Kelly ang amoy ng mga bulaklak di kaya dahil sa dugong isinalin sa kaniya ni kuya?"

"Mr. Santos! Ano at nakatayo ka pa rin dyan?"

"So---sorry po Prof."

"Sigh...mga batang ito makinig kayong mabuti at mamaya may quiz tayo."

"Yes Prof."

Kinatanghalian,

Sa clinic kumakain si Kelly ng lunch niya kasabay ang kuya Kevin niya "Tapos ka na agad kumain babysis?"

"Um...sandali lang may kukunin lang ako sa bag ko." At pag balik niya may dala na siyang cake na bigay ni Wayne.

"Ano yan?"

"Cake!"

"Cake? Kanino galing? Kay Vince? Eh, di ba sa Sunday pa ang birthday ng mokong na yon?"

"Um...hindi naman kasi sa kaniya galing ang cute na cake na ito eh."

"Eh, kanino pala?"

"Kay Wayne yung apong lalaki ni lola Nena remember?"

Bigla namang nasamid si Kevin "Ahem...ahem..."

"Ayos ka lang ba kuya? Oh, ere tubig!" at inabot niya nga kay Kevin yung tubig "Nguyain mo naman kasi ang pagkain mo kuya hindi lunok nalaang ng lunok wagas. Gutom na gutom lang ang peg? Hindi naman kita aagawan eh."

Bineltukan naman siya ni Kevin "Sira! Anong gagawin mo kung nasasamid ako? At bakit naman bibigyan ka ng cake ng Wayne na yon? Ha? Aber?"

Habang ingat na ingat si Kelly na binubuksan yung lalagyan ng cake dinutdot naman iyon ni Kevin "KUYA!!!!"

"Aba, masarap." At pumiraso pa siya ulit sa cake ni Kelly "KUYA!!!!"

"Bakit ba? Magandang ako muna ang titikim baka mamaya may lason ito o edi ako naman mapapagalitan nila mama at nila kuya pag nagkataon?"

"Nakakainis naman eh!!!"

"Tumigil ka nga bibilhan nalang kita mamaya pag uwi natin ako ng kakain nito!"

"Ba naman yan kuya! Hindi ko pa nga napipicturan IG worthy yan eh!!!"

"Heh! Tantanan mo ko Kelly!"

"Ba yan! Aalis na nga ko!"

"Kelly!"

"Ewan! Bahala ka jan!" At umalis na nga si Kelly at iniwan ang kuya niya na kumakain ng cake niya "Oh, bakit mukhang badtrip yon?" Ang sabi ni Mina at pumasok sa clinic.

"Ahh...hayaan mo sya nag totoyo na naman."

"Aba, may cake? Mukhang masarap ang cute naman sandali lang may gold?"

"Gold?"

"Ayan oh, yung mga parang maninipis na papel na yan totoong ginto yan pero edible."

"Weh?"

"Sandali lang saang bakeshop mo ba yan binili at hindi mo alam?"

"Bigay lang kasi ito nung isang kaibigan ni Kelly ako ang kumain para sure baka mamaya eh may gayuma."

"Baliw ka talaga! Malay mo handmade yan na made with love na para lang kay Kelly." At pumiraso rin sya ng kapiraso sa cake "Wow...ang sarap!!!"

"Yeah...masarap nga parang ibang level noh?"

"Sira ka talaga! Dapat kay Kelly lang yan eh tignan mo napaka pulido ng pag kakalagay ng mga icing."

"Tsss...pare-parehas lang yan pag dating sa tyan."

"Sigh...bahala ka nga."

Habang naglalakad naman pabalik si Kelly ng kanilang classroom nakasalubong niya si Aliyah "Kelly!!!"

"Aliyah? Uy..."

"What's with the long face?"

"Ahh...wala si kuya kasi kinain yung binigay na cake sakin ni Wayne."

"Cake? Galing kay Wayne?"

"Oo hindi mo alam?"

Naisip ni Aliyah na "Hmmm...may cake nga pala siyang binebake nung isang araw at hindi man lang ako binigyan tapos si Kelly binigyan ako itong pinsan niya eh."

"Aliyah? Huy!"

"Ha? Ahhh...may naalala lang ako. Hehehe."

"Saan ka pala pupunta?"

"Sa library sana may i-sesearch kasi ako."

"Ohh...nag mamadali ka ba? Sige una na ko."

"Ahm...sandali lang!"

"Bakit?"

"Ah...eh...ano kasi..."

"Tungkol ba kay Vince? Ayos lang boto ako sayo kung gusto mo ilalakad pa kita eh."

"Talaga? A---ang ibigsabhin ko bakit mo nemen ne sebe yen?"

"Parang wala naman akong naalalang may brace ka?"

"Ah...eh...hahaha...sorry anyways, sa Sunday na raw ang bday ni Vince? Totoo ba?"

"Um...punta ka ha?"

"Eiii...nakakahiya, anong dapat kong isuot? Dapat ba gown? O dapat dress na simple lang? Dapat ba mag pa salon pa ko?"

"Sigh....sana lahat ng nahihiya hindi gaya niya." Ang pabulong bulong ni Kelly.

"Ano yon?"

"Ahhh...wala sabi ko kahit ano basta kung saan ka kumportable."

"Ahh...okay. "

"He---he..." At ngumiti sya ng napipilitan.

次の章へ