webnovel

Kabanata 79

Kinagabihan,

Sa Sala,

Kevin: Dumating na yung result ng DNA?

Kim: Anong sabi Bro?

Tahimik lang sila Kelly at Jacob "Bro, ano?" Ang sabi naman ni Keith habang live sa video call.

Kian: Ah...eh...

Keith: Ano ba naman yan bro suspense eh wagas.

Kim: Oo nga kami tuloy ang kinakabahan eh.

Kevin: Bro, ano wala tayo sa drama rama sa hapon.

Kian: Sigh...IT'S POSITIVE!!! ANAK KO SI JACOB!!!

"Talaga??? Ayos! " Ang sabi nung tatlo nila Kevin.

Kian: See, sabi ko naman sa inyo anak ko si Jacob..

Kevin: Eh bakit parang di naman masaya yung dalawang ire? Lalo ka na Kelly?

Kim: Oo nga walang kibo yang dalawang yan nung dumating kami.

Keith: Ano bang nangyare?

Kian: Sigh...Kelly!

Kelly: Okay, okay...tsk...

Lumuhod si Jacob "Siopao." Ang sabi nila.

Jacob: Daddy wag ka na pong magalit kay tita Kelly ako po ang may kasalanan.

Lumuhod na rin si Kelly "No, ako talaga kuya Siopao wag mo na akong pagtakpan tumayo ka na diyan."

Jacob: Hindi tita ayoko.

Keith: Sandali nga ano ba talagang nangyayare diyan? At di ko alam.

"Kami ren." Anila Kim at Kevin.

Kian: Sigh...tumayo na kayong dalawa diyan.

"Hindi ka na po galit?" Ang sabi nila Kelly at Jacob.

Kian: Um...

"Yehey..." Anila at hinalikan nila si Kian sa magkabilang pisnge at niyakap.

Kian: Sus...kayo talaga para namang matitiis ko kayo.

Kelly: Salamat kuya.

Jacob: Thankyou daddy.

Kian: Sige na at maghain na kayo kakain na tayo.

"Okay po." Anila at nag tungo na sa kusina.

Kevin: Aba'y sandali nga ano bang nangyayare?

Keith: Oo nga bakit di ko alam yan ha.

Kim: Di nga rin namin alam baliw.

Kian: Kumalma na nga muna kayo simple lang yon di na dapat pinapalaki.

"Eh ano nga???" Anila.

Kian: Ahh...kasi nauna pa yung dalawa na yon na mag bukas ng DNA result kaya medyo nagalit ako.

"Ahhh...yun lang naman pala." Anila.

Kevin: Well, at least happy naman ang ending.

Keith: Oo nga sure na tayo ngayon na kadugo natin si Siopao.

Kim: Yeah...

Kian: Oo nga eh salamat sa panginoon.

Keith: Pero sandale nakausap mo na ba si Mama about diyan?

Kevin: Wag mong sabihing hindi pa?

Kim: Nako, yun pa naman ang ayaw nun ang mahuhuli sa balita lalo ngayon na importanteng news yan.

Kian: Ah...eh...

"Hala ka! Di mo pa nga nasasabi kay Mama?" Anila.

Kian: Sa sobrang tuwa ko di ko na naalala. Tsk...

"Don't worry daddy nasabi na ni tita Kelly." Ang bungad ni Jacob.

Kian: Oh? Talaga?

Jacob: Opo, nag video call po kami kanina nung nabasa namin yung result.

"Buti naman." Anila.

Kian: Good grief.

"Yeah..." Anila.

Jacob: Kakain na po nakahain na po kami ni tita Kelly.

"Okay.." Anila Kian maliban kay Keith.

Keith: Sige kumain na kayo tapos na kami dine eh tawagan niyo nalang ako uli.

Kian: Sige ingat ka diyan.

Keith: Yeah...kayo rin.

Kian: Mag ba-bye na kayo.

"Bye Bro." Anila Kim at Kevin.

Jacob: Bye tito Keith.

"Bye kuya Keith di kita miss." Ang pa sigaw na sambit ni Kelly habang nasa hapagkainan.

Keith: Baliw ka talaga Kellang. Sige na eatwell mga kapatid and ikaw rin my pamangking Siopao.

Kian: Siya sige na.

Keith: Um...bye.

Samantala,

"Ding...dong..."

Naghahapunan naman ang pamilya nila Dave "May bisita ka ba nak?" Ang sabi ni Denis.

Dave: Ho? Wala po.

Devine: Tignan mo muna kung sino baka kapitbahay natin.

Dave: Sige po nay.

At binuksan nga ni Dave yung gate "Dude?" Aniya.

"Yeah...ako nga may problema?" Ang sabi ni Patrick.

Dave: Bakit ka nandito? Gabi na ah.

Pumasok na si Patrick "Anong hapunan? Gutom na ko." Aniya.

Dave: Hoy! Sandali lang kinakausap pa kita.

Patrick: Bahala ka diyan.

Pagpasok niya "Patrick?" Ang pagulat na sambit ng mga magulang ni Dave.

Patrick: Magandang gabi po tita, tito.

Devine: Ay halika at maghapunan ka na.

Denis: Oo nga sakto may adong baboy.

Patrick: Ayos salamat po.

Devine: Sige't maupo ka na ikukuha kita ng pinggan mo.

Patrick: Salamat po tita.

Devine: Um...

Dave: Hoy! Sabing...

Denis: Oh? Bakit ba ang tagal mo? Halika na at tapusin mo na ang kinakain mo.

Dave: O—opo tay.

Devin: Eto na Rick oh kumain kang mabuti ha?

Patrick: Opo the best po kaya ang adobong baboy niyo.

Devine: Sus...ikaw talaga.

At kumain na nga si Patrick "Ahem...hoy di mo pa sinasagot ang tanong ko bakit ka nandito? Baka hinahanap ka na naman sa inyo. Tumakas ka na naman?" Ang sabi ni Dave.

"Dave!" Ang sabi ng mga magulang niya.

Dave: Ah...eh...kasi po...

Patrick: Pwede po bang dumito muna ako ngayong gabi?

Denis: Oo naman kahit kailan mo gusto welcome ka dine.

Devine: Oo laging bukas ang pintuan namin para sayo.

Denis: Kahit bintana pa.

Patrick: Hehe...salamat po ah.

Dave: Sigh...

Makalipas ang 30mis,

Patrick: Salamat po sa pagkain nabusog po ako.

Devine: Sige magpahangin muna kayo sa terrace ako ng bahala dine.

Patrick: Nako, di na po ako ng magliligpit.

Dave: Sus...ikaw?

Patrick: At baket? Marunong naman ako ah.

Sa isip-isip ni Dave "Last time na nag ligpit ka nangalhati ang bilang ng plato namin dahil lahat nababasag mo jusmiyo."

Devine: Ha---ha---ha...nako di na kaya ko na di ba Mahal?

Denis: Nako oo sige na doon na muna kayo sa terrace.

Patrick: Pero...gusto ko po talagang magligpit.

Dave: Sigh...ako na pong bahala sa kaniya.

Kaya hinila na niya sa labas si Patrick "Sandali lang!!!" Ang sabi ni Patrick.

Dave: Sumunod ka nalang.

At nagtungo nga sila sa terrace "Hala sige! Spill it dude." Ang sabi ni Dave.

Naupo naman si Patrick "Ngayon ko lang napansin ang presko pala ng hangin dine ano?"Aniya.

Dave: Hays...tatawagan ko si Kelly kapag di ka nagsalita!

Patrick: Fine!

Dave: Ano nga? Bakit ka na parito?

Patrick: Sigh...gusto ko lang huminga.

Dave: Ano?

Patrick: Minsan talaga wala kang care eh no? Buti natatagalan ka ni Mimay.

Dave: Tsss...

Patrick: Si Kelly kamusta?

Dave: Wala kaming pasok kanina kaya di ko alam pero okay naman siya wag kang mag-alala don.

Patrick: Nabanggit mo na sa kanila?

Dave: Um...pero wag kang mag-alala nakausap ko na sila Vince na isikreto muna kay Kelly.

Patrick: Salamat.

Dave: Ikaw ang kamusta.

Patrick: Ere, malapit ng mabaliw.

Dave: Baliw ka na!

Patrick: Di na muna ako umuwi sa bahay kagagaling ko lang sa opisina dine na ko dumiretso.

Dave: Sigh...gaya nga ng sabi nila nanay at tatay sayo welcome ka dine anytime bukas ang pintuan at bintana namin para sayo kaya sige payag na kong matulog ka dine pero uuwi ka rin bukas ha? Baka ako naman ang mapagalitan nila tita at ate mo.

Patrick: Oo na kaya naman di ako umuwi ngayon samin kasi nagtext sakin si ate dumating na raw si kuya.

Dave: Hala! Kaya naman pala paano? Anong gagawin mo?

Patrick: Gaya ng dati di ako magpapakita sa kaniya.

Dave: Ano? Paano naman eh ikaw na ang new Chairman.

Patrick: Bahala na si Batman.

Dave: Para tung sira! Bakit di ka humingi ng tulong kay tita?

Patrick: Ayoko, inaalala na ni mommy si daddy kaya ayoko ng dumagdag pa sa problema niya.

Dave: Eh paano? May naisip na kayo ni ate May?

Patrick: Meron naman na kaso alam mo naman si ate May pag yon ang gumawa ng plano.

Dave: Yeah...surebol out of these world.

Patrick: Yeah...

Dave: Nga pala, kailan mo balak sabihin kay Kelly na di ka na talaga papasok?

Patrick: Hindi na wala na din akong balak pang mag pakita pa sa kaniya.

Dave: Dude...

Kinaumagahan,

"Morning everyJuan." Ang bungad ni Kelly kila Vince.

Vince: Aba't energetic ka ata ngayon.

Mimay: Oo nga baby girl did something happen?

Kelly: Yep! Dahil totoong anak talaga ni kuya Kian si Siopao.

"Siopao?" Ang sabi nila Dave at Harvey.

Vince: Ahhh...di niyo pa nga pala alam may pamangkin si Kelly anak ng kuya niya at ang cute minsan nga pupunta kami sa inyo Pis.

Kelly: Bay oo papakilala ko kayo kay Siopao.

Harvey: Is that even a name?

Mimay: Hinde, yun lang ang nickname niya kasi chubby yung pamangkin ni Kelly. Right?

Kelly: Yep.

Napatingin si Dave kay Mimay at nakita niyang napangiti naman si Harvey "Ahem...kailan namin siya pwedeng makita master?" Aniya.

Kelly: Ahm...kung gusto niyo mamaya na eh weekend naman na bukas.

Mimay: Alright! Count me in.

"Ako rin." Anila Vince.

Kelly: Okay, it's settled.

"Morning class..." Ang sabi ni Prof Gina.

"Good moring Prof." Ang tugon ng buong klase.

Gina: Magkakaroon tayo ng surprise short quiz kaya mag review na kayo.

"Yes Prof." Anila.

Kinatanghalian,

Kelly: Kuya! Andine ka ba?

Kevin: Oo, lunch na ba?

Kelly: Ba'y oo ah wala ka bang orasan?

Kevin: Sorry busy lang may nireresearch kasi ako.

Kelly: Nung isang araw pa yan ah di ka parin tapos?

Isinara ni Kevin yung laptop niya "Ahhh...oo medyo kumplekado eh."

Kelly: Ohh...I see gusto mo ng tulong?

Kevin: Hindi na halika na kumain na tayo.

Kelly: Um...

Kevin: Nga pala bukas eh Sabado na di ba?

Kelly: Oh?

Kevin: May highschool reunion kasi kami.

Kelly: Tapos?

Kevin: Eh, alam mo na tulungan mo kong mag paalam kila kuya.

Kelly: Ha? Bakit pa?

Kevin: Sigh...edi ba nga sa Sunday na yung birthday ni daddy.

Kelly: Ah...oo gets ko na.

Kevin: Kaya pwede bang ikaw na muna ang gumawa ng part ko?

Kelly: Tsk...oo na basta umuwi ka agad kuya para di ka groggy sa Sunday.

Kevin: Oo na di naman ako nainum eh tsaka get together lang naman yun.

Kelly: Fine whatever.

Kevin: Siya sige kumain na tayo.

Kelly: Um...

Kinahapunan,

"Goodbye class ingat kayo sa pag uwi." Ang sabi ni Prof. Mina.

"Bye Prof. kayo din." Anilang lahat at umalis na si Prof. Mina.

Mimay: Kahit kailan talaga ang bait satin ni Prof Mina ano?

Kelly: Syempre kaya nga sya nagustuhan ni kuya Keith eh.

Mimay: Kung magiging lalaki rin ako mag kakagusto rin ako kay Prof. Mina.

Harvey: Sorry dahil babae ka.

Mimay: Tsss...edi meow.

Napatingin si Dave doon sa dalawa dahil nagtutuksuhan ang mga ito "Bakit pre? Selos ka?" Ang bulong ni Vince.

Dave: Asa!

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
次の章へ