webnovel

Kabanata 23

Sa bahay nila Dave,

Nasa sala at nanonood ang dalawa "Dude, anong balak mo ngayon? Pupunta ka ba sa inyo?"

Patrick: Wala akong balak.

Dave: Pero...

Patrick: Si Kelly ba may bagong post?

Dave: Wala pa baka masama pa ang pakiramdam. Tsk...Dude iniiba mo naman ang usapan eh.

Patrick: Bisitahin kaya natin?

Dave: Ikaw bahala...Anak ng! Dude ano di ka na naman bibista sa inyo?

Patrick: Bilisan mo mag bihis ka na pupunta tayo kila Kelly.

Dave: Sige...ha? Hinde! Patrick naman ako ang kinkulit ng nanay mo kaya umuwi ka na muna.

Patrick: Kung gusto mo ikaw nalang.

Dave: Ba! Bakit ako?

Patrick: Oh tignan mo kahit ikaw ayaw mo kaya wag mo na akong pilitin kung ayaw mong pilipitin ko yang dila mo.

At iniwan siya ni Patrick "Sigh...minsan talaga sarap sampigahin ng isang ito eh."

Patrick: Narinig kita!

Dave: Ha---ha---ha...wala yon anong oras tayo pupunta kila Kelly?

Patrick: NGAYON NA!!!

Dave: Excited?

Patrick: BILISAN MO NA DIYAN!!!!

Dave: Tsss...Oo na ho!

Sa Sala ng mga Dela Cruz,

Kevin: Mag mirienda ka muna.

Ethan: Hindi na ka-kakain ko lang naman si Kelly?

Kevin: Ah...baka natutulog ulit.

Ethan: Okay na ba sya? Bakit di niyo dinala sa ospital?

Kevin: Ha? Nako di na andito naman ako tsaka sanay na kami sa kaniya buwan buwan naman ganyan yan.

Ethan: Ano? Bakit di nyo patignan sa doctor?

Sa isip-isip ni Kevin "Paano kaya kung sabihin ko dine na red days ni Kelly? Ano kayang magiging reaksyon nire?"

Ethan: Bro? Ano dalhin na natin si Kelly sa ospital may kilala akong doctor.

Kevin: Wag na nga masyado kang nag-aalala kay Kelly tapatin mo nga ako may gusto ka ba sa kapatid namin?

Ethan: Ha? A---ako? May gusto kay Kelly? Bakit? Paano?

Kevin: Hahahaha...tinesting lang kita masyado kang nag papanic agad dyan.

Ethan: Ga---ganun ba...nakababatang kapatid lang tingin ko sa kaniya at hanggang doon lang iyon.

Sa isip-isip ni Kevin "Kawawang babysis na sister zone lang."

"Kuya..."Ang sabi ni Kelly habang pababa ng hagdan at naka bistidang may hood parin syempre pero nakaayos ang buhok na nakaladlad.

"Ke---Kelly?"Anila.

Kelly: Guys?

Kevin: Baby, ba---bakit ka naka ganyan? At yang buhok mo bakit...

Ethan: Ang ganda mo babygirl.

Kelly: Salamat.

Napangiti at nahihiya si Kelly "A---anong ginagawa ng batang ire." Sa isip-isip ni Kevin.

Hinila siya sa isang gilid ni Kevin "Ano yang suot mo? At bakit ayos na ayos ka naman diyan? Pag nakita ka nila kuya lagot ka."

Kelly: Sigh...kuya wala na akong maisuot di pa kayo naglalaba.

Kevin: Ha? Ay...oo nga pala sorry naubos na ba pambahay mo?

Kelly: Oo eh tsaka naisipan ko lang mag iba ng hairstyle gusto ko sana kasi mag pagupit.

Kevin: Tsk...bakit naman di mo sinabi sakin? Lagot tayo kapag nakita ka nila kuya na ganyan ka.

Kelly: Bakit naman sabi niyo sakin mag pakababae ako ginamit ko lang naman yung ipit na regalo sakin ni ate Mina.

Kevin: Oh? Kaya pala ang ganda.

Kelly: Tsss...pagdating kay ate Mina talaga eh noh? Ang galeng!

Kevin: Shhh...

Ethan: Kamusta na pakiramdam mo babygirl?

Kelly: Ah, okay na ako salamat.

Ethan: Nga pala may sopas na pinadala si Mamay para sayo.

Kevin: Ah...oo nga pala sige maiwan ko muna kayo iinitin ko lang.

Kelly: Ha? Ku---kuya...

Kevin: Sige na iintin ko na muna yung sopas.

Bumulong si Kevin "Wag kang maharot ha?!"

Kelly: Ano?

Kevin: Sige Ethan.

Ethan: Oo.

Walang nakibo sa dalawa "Ahm...nga pala may binili akong yema eto oh." Ang sabi ni Ethan at kinuha sa bulsa nya yung yema.

Kelly: Sa---salamat.

Ethan: Ah....eh....may 1week kasi akong bakasyon bago magsimula sa duty ko dito...Ummm...a---ano pwede ba kitang....

Kelly: Ano yon?

"Ding...Dong..."

"Kelly, buksan mo muna yung pinto baka yan na yung inorder kong gamit." Ang pasigaw na sabi ni Kevin

Kelly: Okay!

Ethan: Gusto mo ba ako na?

Kelly: Hindi ayos lang ako na.

Ethan: Sige.

At pinuntahan nga ni Kelly yung nag doorbell at pagbukas niya ng gate nila "Kayo?" Aniya at nakita niya sila Patrick at Dave.

Dave: Woah...Hi Miss? Andiyan ba si Master?

Bineltukan ni Patrick si Dave at bumulong "Bungol! Si Kelly nga yan."

Dave: Ha? Pa---paano? Ma---master ikaw ba yan?

Kelly: Ano? Sino pa sa tingin mo? Anyways, bakit nga pala kayo nandito?

Dave: Ah...eh...si Patrick kasi...

Niyapakan ni Patrick ang paa ni Dave "Ahhhh..."Reaksyon nito.

Kelly: Anyare? Ayos ka lang ba?

Tumingin ng masama si Patrick kay Dave "Ha---ha---ha...may langgam kinagat ata ako."

Kelly: Langgam?

Patrick: Kamusta ka na? Ayos ka na ba?

Kelly: Umm...Okay na ko.

Patrick: Nga pala, eto eggie at di ko rin kaarawan at higit sa lahat di ko yan binebenta. Okay?

Kinuha ni Kelly "Tsss...wala naman akong sinasabi ano gusto niyo munang mag juice sa loob?"Aniya.

Patrick: Okay lang.

Kelly: Tara pasok kayo...Oh ikaw? Ayos ka lang diyan?

Dave: O---Oo master.

Pabulong bulong si Patrick "Ang daldal kase!"

Dave: Tsk...

"Beep...beep..."

Kim: Baby?

Kelly: Kuya, andito na pala kayo.

Bumaba yung dalawa sa sakayan "He---Hello po." Ang sabi nila Patrick at Dave.

Kian: KELLY!

Kelly: Ku---kuya?

Kian: Pasok!

Kelly: O---Opo.

Kim: Sige na pumasok ka na.

Kelly: O---okay pero paano sila?

Kim: Sige na kami ng bahala.

Bumulong si Dave "Dude, parang wrong timing ata tayo."Aniya.

Patrick: Daldal mo noh?

Pagpasok ni Kelly "Kayo, bakit kayo nandito?" Sabi ni Kain.

Dave: Ah...eh...a---ano po...

Patrick: Kinakamusta lang po namin si Kelly pero aalis na rin po kami pasensya na po sa abala. Sige po alis na kami...Dude tara.

Dave: Oo.

Kian: Sandale!

Kim: Kararating niyo lang aalis na kayo? Pumasok muna kayo.

"Po?"Anila.

Kian: Sige na pumasok na muna kayo dito na rin kayo mananghalian.

Dave: Talaga po?

Siniko ni Patrick si Dave "Nako, hindi na po nakakahiya."Aniya.

Tinitigan sila ni Kian ng masama "Pumasok na kayo."Ang sabi ni Kim.

"O---opo."Anila.

Pagpasok nila Kian sa loob "Ethan? Andito ka rin?" Sabi ni Kim.

Ethan: Dinalaw ko lang si Kelly.

Bumulong si Dave kay Patrick "Mukhang naunahan ka na naman dude."Aniya.

Patrick: Huh!

Dumating naman si Kevin "Oh? Andiyan na pala kayo asan ang mga pinamili nyo?"

Kian: Nasa sasakyan pa.

Kevin: Sige kukunin ko na.

Kelly: Tulungan na kita kuya.

Kian: Hindi na mabibigat yon.

Ethan: Sige ako nalang.

Patrick: Tutulong rin po kami.

Siniko niya si Dave "O---opo tutulong rin kami."Aniya.

Kian: Sige kunin niyo Kelly maiwan ka.

Kelly: Oo kuya.

At umalis na nga sila Kevin para kunin yung mga pinamili nila Kian "Kelly, halika sa kusina."Ang sabi ni Kian habang papunta sa kusina.

Kelly: Kuya?

Kim: Sumunod ka na lang...Bakit ba kasi ganyan ang suot mo?

Kelly: Eh...kasi kuya naubusan na ako ng pambahay.

Kim: Ha? Ay oo nga pala di pa kami nakakapag laundry.

Kian: KELLY!!!

Kim: Sige na tawag ka.

Kelly: Opo andiyan na.

Sa Labas,

Kevin: Sige ipapasok ko na itong iba i-sunod nyo nalang yang iba. Salamat.

"Sige."Anila.

Nagkasabay ng kuhang eco bag sila Patrick at Ethan na dadalhin "Ako na dito."Sabi ni Ethan.

Patrick: Hinde ako na!

Nagkatinginan ng masama yung dalawa "Tsk...ako na nga diyan." Ang sabi ni Dave.

"Dalhin niyo nalang yung iba."Dagdag pa nya.

"Sige."Anila.

"Tsss...pati ba naman sa dalahin nag aagawan pa sila. Sigh..." Ang pabulong-bulong na sabi ni Dave.

Sa Kusina,

Habang inaayos ni Kian ang mga gagamitin niya sa pagluluto "Ano ayos na ba ang pakiramdam mo?" Aniya.

Kelly: Oo kuya ayos na....Sa—salamat po sa kahapon.

Kian: Mukhang madami kang bisita ngayon.

Kelly: Hindi kuya di ko alam na pupunta ang mga yon.

Napalakas ang pagbaba ni Kian sa can opener at nagulat si Kelly "Ngayon ko lang nakitang ganyan ang suot at ang ayos mo ah."

Kelly: Ka---kasi ku---kuya na----naubusan na----na ako ng pambahay.

"Kow ka bigat ah buong brgy.ba ang pnamili nyo mga kuy's? Ang dami nire eh."Ang sabi ni Kevin.

Kian: Stock para di na mamimili pa ulit.

Kevin: Ano nga palang pinag-uusapan niyo mukhang seryoso ah.

Kian: Nasan na yung iba?

Kevin: Nandun pa sa tatlo.

Kian: Kelly, magpalit ka ng damit mo ayoko ng ganyan.

Kelly: Ha?

Kevin: Kuya naman, wala ng ibang damit si Kelly di pa kasi tayo nag lalaba.

Kian: Ano? Kala ko ba nag laba ka kahapon?

Kevin: Eh di ba umalis tayo tsaka aba ang dami ng damit naipunan na tayo tapos ako lang? Ang daya niyo.

Kelly: Ako nalang mag lalaba ng mga damit ko sa susunod.

Kian: Hindi na! Sige mamaya mag palaundry nalang tayo may uniform ka pa bukas? May OJT ka ba o wala?

Kelly: Meron kuya pero may susuotin pa naman ako doon..

Kian: Sige mamaya nalang sa hapon mag palaundry tayo lakad na magpalit ka na ng damit mo tsaka yang buhok mo itali mo naiinitan ako sa itsura mo.

Kelly: O---opo.

Kevin: Sigh...ganda-ganda ni babysis eh hayaan mo na nga.

"Nga naman bro bagay naman kay Kelly." Ang sabi ni Ethan habang may bitbit at nasa likod naman yung dalawa ni Patrick at Dave.

Patrick: Excuse me!!!

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
次の章へ