webnovel

Kabanata 13

Sa bahay ng mga Dela Cruz,

Kevin: Andito na ko.

Kian: Andine kami sa sala.

At nagtungo nga si Kevin sa sala "Oh? Ikaw lang? San si Kellang?" Ang sabi ni Kim.

Nagtaka si Kevin dahil 6:35pm na wala pa si Kelly "Wala pa sya?"

Kian: Tatanung ba namin kung nakita namin dine si Kelly.

Keith: Bakit may ojt ba si Kellang? Di ba parang wala naman?

Kevin: Oo wala nextweek na uli kasi may event kami bukas sa DLRU.

"NASAAN SI KELLANG??" Anila.

Kevin: E---ewan ko.

"ANO?"Anila.

Kevin: Ka---kasi maaga sila umuwi siguro mga 4pm pa tapos nag text siya sakin sabi niya kasama niya si Vince at mga kaklase niya kakain lang daw sa labas. Hindi ko naman alam na gang ngayon eh wala pa pala siya.

Kian: Ano? Eh mag 7pm na eh ang tagal naman nilang kumain.

Kevin: San---sandali tatawagan ko.

Kim: Nako Kevin!

Keith: Bakit kasi pinayagan mo pa? Jusmiyo anong oras na oh?!

Kevin: Wa---walang nasagot.

Kian: Tsk...saan ba sila kakain sinabi ba sayo?

Kevin: Hin---hindi eh...

"ANAK NANG! KEVIN NAMAN!!!" Anila.

Kim: Bakit mo pinayagan ng di mo tinatanong kung saan pupunta? Jusko naman Kevin!

Keith: Puro ka ata Mina eh nalimutan mo na ang kapatid natin.

Kevin: Hindi yan totoo!

Kian: TAHIMEK!!! Imbes na mag puputak kayo diyan isipin niyo kung anong gagawin natin puro kayo daldal eh.

"Sorry Bro." Anila.

Kian: Si Vince! Sino may number ni Vince?

Kevin: A---ako kuya meron.

Kian: Biles tawagan mo.

Kevin: O---oo.

At tinawagan nga ni Kevin ka agad si Vince "Vince? Si Kevin ito."

Vince: Ah...opo.

Kevin: Si Kelly ba kasama mo pa?

Vince: Ha? Ah...eh...

Kevin: Bakit? May nangyare ba?

Vince: A---ano po kasi...

Kinuha naman ni Kian ang telepono kay Kevin at nagsalita "Hello?! Vince! Nasan si Kelly???"

Vince: Ku---kuya Kian?

Kian: Oo ako nga ito! Nasan si Kelly?

Vince: Na---nasa...

Kian: NA SAAN???

Vince: NASA OSPITAL PO!!!!

Kian: ANO???

Sa Ospital,

Nakaupo yung tatlo sa labas ng ward habang naka headset naman si Kelly "Sige po tetext ko nalang po kung saan." Ang sabi ni Vince.

Mimay: Kuya ni Kelly?

Vince: Oo pero wag kang maingay na pupunta sila dito?

Mimay: Sila?

Vince: Oo apat ang kuya ni Kelly di ba?

Mimay: Ay oo nga pala, pero bakit di natin sasabihin kay Kelly?

Vince: Para makinig yang si Kelly tignan mo naman parang walang nangyare di ba? Nakuha niya pang makinig ng music.

Mimay Sigh...di ko rin alam na ganoong kalakas pala si Kelly pero buti nalang at nandoon sila Patrick at ang aking baby Dave kung hindi baka nasa kulungan na tayo ngayon.

Vince: Buti na nga lang talaga kung hindi baka di talaga naawat yang si Kelly.

Mimay: Pero bakit di pa tayo pwedeng umalis?

Vince: Yung prescription kasi na para sa kamay ni Kelly wala pa tsaka intayin natin dine mga kuya niya.

Mimay: Ahh...oo sige ayos lang ba talaga siya? Kung ako yun baka di lang bali ang natamo ko siya sugat lang ang astig talaga ni Kelly.

Vince: Oo buti nga kamay lang ni Kelly ang nadali nung lalaki eh.

Kanina,

Kelly: BITAWAN MO AKO!

"Huh! naliliitan ka ba sakin?"

Kelly: Ngayon inis na talaga ako.

Pinilipit ni Kelly ang kamay nung lalaki dumami tuloy ang mga nakikiusyoso "Dude, si Kelly yun ah." Ang sabi ni Dave.

Patrick: Ha? Nasaan?

Dave: Ayun oh nakikipagbuno sa maton.

Patrick: ANO????

Dave: Oh? Saan ka pupunta?

Patrick: Tumawag ka ng gwardya at kuhanin mo ang kopya ng mga cctv nila dine.

Dave: Cctv? Bakit?

Patrick: Basta! Bilisan mo na lang.

Dave: O---oo.

Samantala,

"May away dun ang galing nung nakahood."

"Tara bilis tignan natin."

Vince: Ano raw yon?

Mimay: Naka---hood raw.

"SI KELLY!!!!" Ang sabay nilang pagbigkas.

Balik tayo sa action "Huh! Magaling ka pero tignan natin kung magaling ka parin dito." Sabi nung lalaki at nag labas ng balisong.

Sa isip-isip ni Kelly "Anong ginagawa ng mga chismaskers na ito? Imbes na tumawag ng gwardya o pulis nakuha pang mag video susmiyo! Ngayon alam ko na kung bakit laging late ang mga pulis sa pelikula. Sigh..."

"Hoy! Ako ang kalaban mo dito ka lang tumingen."

Kelly: Manahimik ka nga nag-iisip ako.

"ANO???!!!! Talagang ginagalit mo ko!" Ang tugon nung lalaki.

"Ahhhhhhh..." Pasugod na reaksyon ng lalaki pero naka ilag si Kelly kaya napasubsob yung lalaki at nagtawanan ang mga nanonood.

"Booo...."Anila.

Kelly: Oh? Bakit? Anong ginagawa mo diyan sa lapag Sir?

"IKAW!!!!" Sumugod ulit yung lalaki sa likod ni Kelly kaya nahagian niya ang kamay nito pero sa pagkakataong ito dumating naman si Patrick at hinila ka agad niya si Kelly sa may gilid.

At dumating naman ang mga gwardya "Bitawan nyo ko! Siya talaga ang may sala wag ako ang hulihin niyo."

Dave: Ungas! Sige mga Sir kayo ng bahala diyan siguraduhin niyo makukulong yan habang buhay.

"Bitawan niyo ko! Siya ang may kasalanan di niya ko binayaran."

Gwardya: Sumama ka na lang matagal ka ng pinaghahanap ng batas.

Dave: Sige na mga Sir isama niyo na yang kriminal na yan.

Sa gilid "Ayos ka lang? Yung kamay mo nadugo." Ang sabi ni Patrick.

Kelly: Ha? O—Okay lang ako salamat.

Patrick: Pero...

Nag pupumiglas parin yung lalaki "Bitawan niyo ko!!!!"

Lumapit naman si Kelly sa lalaki "Mga boss sandali lang...may gagawin lang po ako sa kaniya."

Patrick: Kelly!

Kelly: Sandali lang, masyado kasing maingay.

"A---anong gagawin mo?" Sabi nung lalaki.

Kelly: Wag kang mag-alala sisiguraduhin kong mahihimbing ang tulog mo.

Tinamaan ni Kelly ang acupoint nung lalaki kaya nahimatay ito "Okay, edi wala ng maingay sige na mga boss isama niyo na yan." Aniya at may dumating namang mga pulis.

Pulis: Excuse me, mga pulis kami....Ke---Kelly?

Kelly: Ninong Mike?

Lumapit si Dave kay Patrick "Dude, ninong daw?"

Patrick: Ang tsismoso mo noh?

"Kelly!!!" Ang sabi nila Vince at Mimay.

Vince: Ayos ka lang ba? Bakit nadugo ang kamay mo.

Mimay: Di kasi kami makasingit ayos ka lang ba?

Mike: Sandali lang ikaw ba ang nakahuli dun sa kriminal?

Kelly: Ah...eh..parang ganun na nga po? Pero Nong, di ko po siya tinegi ah pinatulog ko lang po siya.

Pulis: Sir? Kailangan po natin siyang kuhanan ng statement.

Luamapit rin sila Patrick at Dave "Pero kailangan na pong magamot ng kamay ni Kelly"

Mike: Sige nakita niyo ba ang mga pangyayare?

Patrick: Yes Sir nakita ko pong lahat.

Mike: Sige kayo nalang dalawa ng kaibigan mo ang sumama samin at kayong dalawa naman samahan niyo si Kelly sa malapit na ospital dito.

"Yes Sir." Anila.

Kelly: Pero Nong, ayos lang po ako malayo sa bituka ire.

Mike: Hinde, kailangan matignan yan baka mamaya matetano ka sige na ako ng bahala dito.

Kelly: Si---sige po.

Patrick: Sunod kami pag okay na.

Kelly: Ha? Si---sige ikaw bahala.

Vince: Kelly tara na.

Mimay: Ako ng tatawag ng taxi.

Mike: Sige na Kelly sumama ka na sakanila.

Kelly: Opo Nong kita po tayo nextime ah?

Mike: Oo pupunta ako sa inyo sa weekend.

Kelly: Opo Nong.

Kasalukuyan,

"KELLY!!!!" Ang sabi ng apat niyang kuya.

Kelly: Kuy's?

Kian: Ano? Ayos ka lang ba? Saan masakit?

Keith: Sabihin mo baka kailangan mo pang ma-admit.

Kim: Kelly? Bakit di ka magsalita.

Kevin: Kamusta ang kamay mo?

"Kelly!" Anila.

Kinulbit ni Mimay si Vince "Mga kuya yan ni Kelly?" Aniya.

Vince: Obvious ba?

Mimay: Ang popogi grabe.

Vince: Runs in our blood.

Mimay: Tsss...parang di ka naman kasama sa blood latak ka brad.

Vince: ANO???!

Tumayo na si Kelly "Uwi na tayo."

Kian: Ayos ka na ba talaga? Vince nasan ang doctor nito?

Vince: Ho? Ah...ere po pala yung prescription niya.

Kevin: Sige patingen.

Binigay ni Vince kay Kevin "May kailangan palang gamot na iinumin si Kelly mga Bro.

Kian: Sige bumuli tayo bago umuwi Vince, nabayaran na ba ang bill ni Kelly?

Kelly: Bayad na kuya gusto ko ng umuwi.

Keith: Oo uuwi na tayo salamat sa pag asikaso niyo kay Kelly.

Vince: Walang po yun.

Kim: Vince, kayo sumabay na kayo samin.

Vince: Nako di na po.

Kelly: Sigurado kayo? Mimay ikaw?

Mimay: Ha? Nako di na sabay nalang kami ni Vince.

Kevin: Gabi na sumabay na kayo samin.

Vince: Hindi na po may dadaanan pa kasi ako.

Kian: Sige, ingat kayo nice to meet you Mimay right?

Mimay: Opo ingat rin po kayo.

Kelly: Sige guys bukas nalang ingat kayo.

" Oo sige." Anila.

Kevin: Sige mauna na kami sa inyo.

"Opo." Anila.

Sa Kotse ni Patrick,

Dave: Makakauwi rin sa wakas.

Patrick: Yeah...

Dave: Nga pala, nag text sakin si Mimay pauwi na raw sila Kelly.

Patrick: Okay na raw ba si Kelly?

Dave: Oo sinundo daw si Kelly ng mga kuya niya.

Patrick: Mga kuya?

Dave: Oo alam ko maliban kay nurse Kevin may tatlong kuya pa si Kelly.

Patrick: Oh...I see.

Dave: Kalmado ka lang?

Patrick: Ha?

Dave: Apat ang kuya ni Kelly panigurado mahihirapan ang mag tatangkang manligaw dun.

Patrick: So?

Sa isip-isip ni Dave "Tsss...Tignan lang natin yang "So" mo."

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
次の章へ