Rose
"I want to hear your explanation," pagsusumamo niya sa akin.
Kahit anong tago ko, nahanap niya parin ako.
Kahit anong iwas ko, ang naging hantungan ay ang muli naming pagkakaharap.
Hindi ko napaghandaan ang araw na ito. Sana n'ong araw na nagkita kami ni Blake ay narealize ko nang plano talaga ni tadhana na mangyari ito.
Ni hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.
Hindi namin alintana ang init ng tirik na araw, nakatitig lang siya sa akin at naghihintay ng salita mula sa akin.
"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo," mariin kong tugon. In the end, I still chose to stand firm with my decision. Ang layuan siya.
Tinalikuran ko siya at napagpasyahan kong humakbang paalis. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay muli siyang nagsalita.
"Why are you doing this?" he said in a crack voice.
Hindi ko siya nilingon dahil kusang bumabagsak ang mga luha ko at ayokong Makita niya iyon.
"I said, I don't have to explain," giit ko.
"You owe me! Because you left me hanging."
Napaharap ako sa sinabi niya.
"Really? Was it me?" I said with a mocking tone and facial expression.
"Let me remind you Loey, you left me hanging the moment that you chose to be with Zoey than me."
"You never listened to my side though."
"I don't want to hear your side," I said coldly.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "You know what? There's no sense in talking about the past. Just move on with your life and leave me alone."
"Ganoon na lang ba iyon?"
"Wala ka na bang nararamdaman para sa'kin?"
Ikinagulat ko ang tanong niyang iyon.
Paano ba magri-react?
Parang sasabog 'yong puso ko at gusto kong sabihing meron pa.
At sobrang mahal ko parin siya.
Pero 'yong isip ko ay kumokontra. Natatakot sumugal at masaktan ulit.
Pati 'yong ego ko ay nakiki-isa sa utak ko at pinagtutulungan 'yong puso ko.
It's screaming like, what the fudge Rose! You've hidden yourself from him all this time hindi para bumigay lang in the end.
"Hindi na kita mahal." Mga katagang namutawi mula sa mga labi ko.
Napapikit siya nang marinig ang mga katagang iyon mula sa akin.
"Simula nang magkaroon ako ng bagong puso, nagbago lahat ng nararamdaman ko. Hindi na kita mahal. Naka move on na ako kaya napagpasyahan kong hindi na magpakita pa sa'yo. Si Blake? Kaya ko lang siya kinikita dahil gusto kong siguraduhing hindi niya sasabihin sa'yo na buhay pa ako."
Hindi siya makapagsalita at tila nangingilid na ang mga luha niya.
After a few seconds ay nakapagsalita siya sa wakas.
"Why did you cry? I saw your tears fell as soon as you faced me."
Natameme ako sa tanong niya. Paano ko ba lulusutan ito?
"Kaya hindi ako naniniwalang wala lang sa'yo na nagkita tayo ulit."
Hindi ko siya sinagot sa halip ay nagmatigas pa rin ako.
"Narinig mo na lahat ng kailangan mong malaman, sana ay lubayan mo na ako." Nakahalukipkip ako habang nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.
Tumuko siya at kalaunan ay tumango bilang tanda ng pag sang-ayon sa akin.
No! please don't let me go. Sigaw ng puso ko.
Wala siyang sinabi, bumalik na siya sa sasakyan at mabilis na pinaandar ito.
Parang mawawasak ang puso ko habang tinitingnan siyang papalayo.
***
Pagka-uwi ko sa bahay ay nag-iiyak ako sa kwarto ko.
Sira-ulo na yata talaga ako. Matapos kong magmatigas sa harap niya kanina, ngayon naman ay nag ngangawa ako. Ano ba kasi ang iniiyak-iyak mo Rose? 'di ba nga ito 'yong gusto mo?
I was startled when Yaya Shirley suddenly came inside my room in the middle of my drama.
"Anak, kumain ka na."
Suminghot muna ako at pinahid ang mga luha ko bago humarap sa kanya. Nasabi ko na kanina ang dahilan kung bakit ako nag-iiiyak ngayon.
Na-upo siya sa kama at hinaplos ako sa buhok.
Yaya is like a Mom to me all these years, siya na ang nagpalaki at gumabay sa akin kaya alam na alam niya ang lahat sa akin. "Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo? Gayong alam mo naman na sa puso mo ay nariyan pa rin si Loey," ani nito.
"Marahil nasaktan ka noong pinili niyang makasama si Zoey, pero sana rin ay naintindihan mo ang naging sitwasyon niya."
Nakatingin lang ako kay Yaya habang nakikinig sa sinasabi niya.
"Sa pagmamahal, wala talagang kasiguraduhan, minsan kinakailangan nating sumugal para malaman natin kung ito na talaga o hindi pa."
"Paano mo naman nasabing baka para sa akin si Loey Yaya? Kung para talaga kami sa isa't isa e di sana noon pa kami naging masaya," tugon ko.
Hinaplos niyang muli ang buhok ko. "Paano mo naman nasabing hindi kung pilit kayong pinaglalapit ng tadhana? Kung hindi siya para sa iyo, bakit muli ka niyang nahanap?"
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Yaya at sumibol ang maliit na tagumpay ng puso ko laban sa isip ko.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." Hinawakan ni Yaya ang mga kamay ko. "Walang takot na hindi nadadaig ng pagmamahal."
Nabuhayan ako ng loob sa huling sinabi ni Yaya, tama siya. Siguro ay hindi ko pa nasubukang ipaglaban ang nararamdaman ko. At kung hindi ngayon kailan pa?