webnovel

Kabanata 5

SANA HINDI MASUNGIT ANG MAGIGING PROFESSOR NIYA SA INORGANIC CHEMISTRY. Kapag nagkataon na masungit ito, lagot siya dahil thirty minutes na siyang late. First day pa naman nang pasukan. Nagpahatid kasi si Trisha sa school. Hindi naman niya matanggihan ang bata dahil first day din nito sa school bilang kindergarten.

Sa backdoor siya ng classroom dumaan upang hindi siya makakuha ng atensyon. Ngunit bigo siya. Hindi nakalagpas sa professor nila ang late niyang pagdating. Pahamak kasi ang isa niyang classmate. Hindi pa nga siya tuluyang nakakapasok sa classroom nang bigla nitong ipagsigawan na late siya.

Napapikit siya. Lagot na siya! Bumilang siya hanggang tatlo bago idinilat ang mga mata. Laking gulat niya nang pagmulat ay tumambad ang mukha ng pinakagwapong professor sa balat ng lupa. Hindi niya alam kung imagination niya lang iyon dahil lately ay hindi ito mawaglit sa isip niya.

"You're late." Seryosong wika nito. "Let me see your registration form."

Inabot niya dito ang form. Binasa nito kunwari ang pangalan niya saka ibinalik sa kanya ang form. Humanap naman siya ng bakanteng upuan sa bandang likuran dahil himalang okupado ang lahat ng upuan sa harapan. Lalaki tuloy lahat ng katabi niya.

"I don't tolerate students who will came late in my class. Fifteen minutes lang puwedeng ma-late ang estudyante. Siguro naman aware kayo sa rules and regulations ng school, 'di ba?"

"Yes Sir!" sabay-sabay na sagot ng mga kaklase niyang babae. Ang iba nagpapa-cute pa.

"Tss! Ang yabang! Hindi naman niya kailangang sabihin 'yon dahil alam naman natin. Paano kung may emergency na nangyari, walang konsiderasyon?" reklamo ng katabi niyang si Ricky. Naging classmate niya ito last semester kaya magkakilala na sila.

"Hayaan mo na."

"Tuwang-tuwa naman lahat ng babae sa kanya. Hind naman kagwapuhan. Lamang lang siya ng isang paligo sa'kin." Sabi naman ng isa pa niyang katabi na lalaki.

Hindi niya mapigilang mapabuga ng hangin. Gusto niyang bumunghalit ng tawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Kahit kasi sampung beses itong maligo sa isang araw ay hindi nito mahihigitan o kahit mapantayan man lang ang kagwapuhan ni Zacharias.

"Ms. Mendez anong topic niyo diyan? Baka puwede niyo naman kaming isali sa usapan." Sarkastikong wika ng professor.

"Wala naman po kaming pinag-uusapan Mr. Villaraza."

Nainis sa kanya ang mga classmate niyang babae. May narinig pa siyang nag-comment na papansin siya. Ito na yata ang pinakapangit na first day niya sa school.

"How did you know him?" maarteng tanong ni Amanda. "Hindi pa naman nagpapakilala si Sir."

Napatingin siya sa binata. Mataman lang na nakatitig sa kanya ang professor. Naghihintay ito kung anong isasagot niya sa tanong ng kaklase. Malay ba niya na hindi pa sinasabi ng binata ang pangalan. Isa pa, anong problema ni Amanda kung kilala niya ito? 

"Narinig kong tinawag siya ni Ma'am Hidalgo na Mr. Villaraza." Sagot niya dito. Mukhang hindi ito satisfied sa sagot niya. "Nasagot ko ba ang tanong mo o baka may follow-up question ka pa?"

Inirapan siya nito ngunit hindi na ulit ito nagsalita. Bumalik ang tingin niya sa binata. Nahuli niya itong palihim na ngumiti subalit tinitigan niya ito ng masama. Hindi niya alam kung para saan ang ngiti na iyon.

"Ms. Mendez please tell us something unique or special about yourself before I introduce myself. Ikaw na lang ang hindi ko kilala sa buong klase dahil late kang dumating."

Napilitan siyang tumayo. Kailangan ba talaga nitong ipagdiinan na late siya? At bakit kasi kailangan pa niyang gawin iyon? Gusto niyang isumpa kung sino ang nagpauso ng tell me about yourself.

"I'm Chloe Mendez. I'm taken but unmarried." Unmarried, dahil wala naman talaga siyang asawa. Taken, dahil matagal nang may nagmamay-ari ng puso niya. "My life was dull and empty until Trisha came into my life." Panandalian siyang tumigil sa pagsasalita. Halata ang pagkagulat sa mukha ng mga kaklase niya. Narinig niya na may nagtanong kung totoong may anak na siya. Hindi naman kasi siya nagkukwento tungkol sa personal life niya. Wala naman siyang close dahil transferee siya. Noong nakaraang semester lang siya pumasok sa SMC. "I guess that's all I can say. Wala namang espesyal sa pagkatao ko." Pagkatapos niyang magsalita ay umupo na siya.

Mataman siyang tinitigan ng binata. Waring may nais itong itanong sa kanya ngunit hindi nito maisatinig.

"Sir ikaw naman po ang magpakilala." Request ng mga kababaihan kaya nabaling ang atensyon nito sa klase.

"Sir gusto naming malaman ang personal background mo."

Please leave a comment.

It's highly appreciated.

Thank you!

P. S.

Nakatanggap po ulit ako ng 1 collection kahapon. Salamat po sa iyo ♥️♥️♥️

次の章へ