NAKATINGIN sa malaking bahay si Maze ng mga sandaling iyon. Naririto siya ngayon sa labas ng bahay ng kanyang totoong ina.
"Okay ka lang?" tanong ni Shilo habang tinatanggal nito ang seat beat.
"Hindi ba siya galit sa akin?" nag-aalalang tanong niya.
Nag-aalala siya dahil sinigawan niya ang totoong ina ng huli silang magkita. Naalala niya pa ang mukha nitong nasasaktan dahil sa mga sinabi niya rito. At sabi nga ni Shilo ay matagal itong nagdusa sa pagkawala niya.
Ngumiti si Shilo at hinawakan ang kamay niya. Marahan nitong pinisil iyon. "Kahit kailan hindi magagalit sa iyo si Tita. Napakabait ng iyong ina. Maze."
Bahagya siyang ngumiti dito at muling tumingin sa bahay.
"Tara na. Naghihintay si Tita Aliya. Siguradong masaya siyang makita ka." Pinakawalan ni Shilo ang kamay niya.
Lumabas ng kotse nito si Shilo. Tinanggal naman niya ang suot naseat beat. Pinagbuksan siya ni Shilo ng pinto at inalalayan na lumabas ng kotse. Lumakas ang tibok ng puso niya habang papalapit sila sa bahay. Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangiting si Tita Aliya. Agad siyang nag –iwas ng tingin. Nakaramdam siya nanghiya dito dahil nga sa huli niyang sinabi. Naramdaman niyang hinawakan ni Shilo ang kamay niya at marahan iyong pinisil.
"Everything will be alright, Maze." Bulong nito sa kanya.
Gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi nito. Lumapit sila kay Tita Aliya na napakaganda ng ngiti. Hindi nito inaaalis ang tingin sa kanya kaya hindi niya mapigilan na mailang dito.
"Tita." Tawag ni Shilo.
Napakurap naman si Tita Aliya at tumingin kay Shilo. Para itong nagising sa pagkakatulog sa pagtawag ni Shilo. Ngumiti ito sa binata.
"Tara pasok na muna kayo. Naghanda ako ng meryenda." Masayang sabi nito. Tumingin ito sa kanya na may kislap sa mga mata. "Sana magustuhan mo ang luto ko, Maze."
Bahagya siyang ngumiti dito. Hindi niya pa alam kung paano ba gumalaw ng tama dito. Wala siyang alam dito, kung paano ito makikitungo sa mga tao. Isa lang ang alam niya, sa loob-loob niya ay alam niyang mabait ito at may magandang pagkatao. Hindi rin naman huli para kilalanin niya ang totoong ina. Ang taong siyang nagluwal sa kanya sa mundong iyon.
Tiningnan siya ni Shilo, nasa mata nito ang paga-alala sa kanya. Doon niya lang napansin na hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan. Ngumiti siya dito para ipaalam na okay lang siya. Magpapasalamat siya kay Shilo dahil hindi siya nito iniwan sa panahong nasasaktan siya. Nasa tabi lang niya ito at niyayakap siya. Pinapalakas din nito ang loob niya at sinasabing magiging okay din ang lahat. Those comfort from him makes her heart beat more for him. Hindi niya akalain na ito ang masasandalan niya ng mga sandaling iyon sa buhay niya.
Naglakad na sila papalapit ng mansion. Pagpasok nila ay hindi makapaniwala si Maze sa mga nakita. Makikita ang karangyaan sa loob ng bahay ng ina. Mamahaling sala set na kulay pula at[[ mga cabinet na gawa sa narra. May sliding door sa gilid na tinatakpan ng puting kurtina. Sa gilid ay may mini bar na maraming alak. May mga halaman ding nakalagay sa bawat sulok ng sala. Pero ang mas nakakamangha ay ang chandlier na nasa gitna ng sala na gawa sa nagkikislapang diamond. Nakaka-agaw pansin ang isang painting na alam niyang gawa na isang kilalang pintor. Nakita din niya ang malaking portrait ni Tita na may kasamang lalaki. Siya ba ang kanyang ama? Pinakatitigan niya iyon.
"That's Tito Franz. Your father." Bulong ni Shilo.
Napakagat siya ng kanyang labi. May pinong kirot sa puso niya habang tinitigan ang larawan ng ama. Hindi man lang niya nasilayan ito. Hindi man lang niya ito nayakap kahit sa huling pagkakataon. Nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa pagpigil sa kanyang mga luha. She wants to cry but not right now. Iniiwas niya ang tingin sa larawan. Nasasaktan at nadudurog ang puso niya. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Nagpapasalamat siya ng magsalita ang ina. Tinawag nito ang isang katulong.
"Sa may pool area na tayo magmeryenda."
Agad namang may dumating nakatulong. "Yes, Ma'am Aliya."
"Pakidala ang ginawa kong ube cake at apple shake sa swimming pool area." Sabi nito.
"Masusunod po ma'am." Yumuko ang katulong. Bago pa ito tumalikod at umalis ay napatingin ito sa kanya. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Para pa nga itong nakakita ng multo. "Multo ni…!" agad na tinakpan ng babae ang bibig nito para pigilan ang iba pang salitang sasabihin sana nito.
Bigla siya nakaramdam ng pagkailang kaya napahawak siya ng mahigpit sa kay Shilo. Gusto niyang magtago sa likuran nito ng mga sandaling iyon.
"Sandra, alam kung nagulat ka pero mamaya na ako magpapaliwanag at ipapakilala ko siya sa inyo." Sabi ng kanyang ina.
Tumingin dito ang babaeng tinawag na Sandra. Yumuko ito sa kanyang at hindi na tumingin pa sa kanya bago umalis.
"Tara na." Sabi nito bago naglakad papunta sa may sliding door.
Napatingin siya kay Shilo at ngumiti. Kita pa rin sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya. Pinisil niya ang kamay nitong hawak at nagsimula nang maglakad. May nakita silang garden table at chair sa gilid ng pool. Nandoon na si Tita Aliya at hinihintay sila. Lumapit sila ni Shilo na magkahawak-kamay. Inalalayan siya ni Shilo makaupo bago naman umupo ang binata. Magkatabi sila ni Shilo habang si Tita Aliya ay nakaharap sa kanya. A silent revolve around them. Awkward atmosphere suddenly become thin. Waring pinag-aaralan nila ang emosyon ng bawat isa. Tumikhim si Shilo.
"I guess, I need to leave you two." Tumayo si Shilo.
Agad naman niyang hinawakan ito sa braso para pigilan sa pag-alis ngunit ngumiti lang si Shilo at hinawakan ang kanyang kamay. Marahan nitong inalis ang kamay niya. Inilapit nito ang mukha sa kanya at bumulong.
"I'm worried of you but you need to talk to her alone. You can do it. Alam kong matapang ka Maze." Tumayo ito ng maayos at ginulo nito ang buhok niya. "I be inside Tita." Paalam nito sa kanyang ina at iniwan sila doon.
Nang iwan sila ni Shilo ay yumuko siya. Hindi niya kayang salubongin ang titig ng kanyang ina dahil kapag nakatitig sa mga mata nito ay naalala niya ang mga mata nitong puno ng sakit ng sabihin niyang hindi niya ito totoong ina, at nagsisinungaling lang ito sa kanya. Nahihiya siyang tumingin dito dahil sa mga sinabi niya.
"Hija." Tawag sa kanya ng ina.
Umangat siya ng paningin. Nagtagpo ang mga tingin nila. Doon niya nakita ang ngiti sa mga labi at sa mga mata nito. Walang bakas ng pighati at sakit siyang nakikita roon.
"Maraming salamat sa pagpunta mo dito." Panimula nito.
Yumuko siya pero agad din nag-angat ng tingin. Huminga siya ng malalim. "Walang anuman po. Nais din po kasi kitang maka-usap."
"Sinabi na sa akin ni Shilo na gusto mo nga akong maka-usap pero kung hindi ka pa talaga ready marinig ang lahat, sabihin mo lang sa akin, Maze. Hindi naman kita pipilitin na paniwalaan lahat ng sasabihin ko."
Ngumiti siya ng bahagya. "Handa na po akong malaman ang totoo ngunit ayaw kong magkwento kayo. Nasabi na din naman sa akin ni Shilo ang ilang bagay. May gusto lang po akong malaman kaya sana ay masagot niyo pa ang mga katanungan ko."
Lalong lumiwanag ang bukas ng mukha ng kanyang ina. Tumungo ito. "Sige, hija. Ano bang gusto mong malaman?"
"Noong namatay ang ama ko, hinanap niyo po ba ako?"
May nakita siyang lungkot sa mga mata nito. Tama nga ang sabi ni Shilo sa kanya. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ang ina sa nangyari sa kanyang ama. "Ilang buwan akong nagluksa noon sa ama mo at muntik ko ng kitilin ang buhay ko dahil sa pagkawala niya. Ang sabi din sa akin ay wala ka na rin. Patay na daw ang aking anak sa isang aksidente. Naniwala ako noong una ngunit ng may bata akong nakita na nagbibinta ng bulaklak sa kalsada ay napa-isip ako. Hanggang hindi ko nakikita ang katawan mo ay hindi dapat ako maniwalang wala ka na. Lalong lumakas ang kutob ko na buhay ka ng may na kapag sabi sa akin na may babae silang nakita minsan na kamukha ng namayapa kong asawa. At tama nga ako, buhay ka anak. I'm sorry kung matagal bago tayo nagkita. Hindi ko din akalain na papalitan nila ang pangalan mo. Umasa din kasi ako na babalik ka ng kusa sa amin ngunit hindi iyon nangyari."
Dumaloy ang masaganang luha sa pisngi ni Tita Aliya. Nakita niya ang pagguhin ng sakit at pighati sa mga mata nito habang nagkekwento. She was hurt for a very long time. Ang mawalanan ng minamahal ay sobrang sakit sa isang tao.
Huminga siya ng malalim. "Nawala po kasi ang mga alala ko. Eleven years old po ako ng maaksidente kami ni Nanay at nawalan po ako ng alala. Nagpakilala po silang magulang ko na agad kong pinaniwalaan."
Nakahawak si Tita Aliya sa mga labi nito sa gulat. "Na aksidente kayo?"
Tumungo siya. Hindi niya na masyadong maalala ang mga nangyari. Bata pa siya ng mga panahon na iyon. Madali sa kanyang paniwalaan ang lahat. Hindi niya naman akalain na sasamantalahin iyon ng nakagisnang mga magulang pero nangyari na ang lahat. Magalit man siya sa mga ito ay wala na iyong magagawa pa. Patay na ang mga ito. At saka inalagaan at pinalaki naman siya ng maayos ng mga kinilalang mga magulang kaya wala din naman siyang maisumbat. Buti sana kung napasama siya sa poder ng mga ito ngunit hindi. Malaki ang papasalamat niya sa mga tinuring na mga magulang.
Binuksan niya ang dalang bag at may kinuha doon na sobre. Inilapag niya iyon sa mesa at iniabot sa ina. Nagtatakang tinganggap nito iyon.
"Ano ito, hija?"
"Sulat ni nanay para sa akin. Sa tingin ko kailangan niyo din po mabasa."
Binuksan nito ang sulat at binasa iyon. Tiningnan niya ang reaksyon nito habang binabasa ang sulat na galling sa kinagisnang ina. Naalala niya pa ang nakasulat doon. Iyong mga sinabi ng kanyang ina.
"ANO ito hija?" tanong niya kay Mazelyn o Kaze ng may iniabot itong sobre sa kanya.
"Sulat ni nanay para sa akin. Sa tingin ko kailangan niyo din po mabasa." Sabi nito na may bahid ng lungkot at sakit.
Binuksan niya ang sobre at kinuha ang sulat. Binasa niya iyon at habang binabasa iyon ay hindi niya mapigilan ang mga luha. Alam niyang para iyon kay Maze pero nararamdaman niya ang sakit at bigat na dala ni Ariel, ang kinilalang ina ni Kaze.
Mahal kong anak
Alam kong wala na ako sa mundo kapag nabasa mo ang sulat na ito. Sana ay patawarin mo ako kapag nabasa mo ito. Anak, patawarin mo si nanay sa pagsisinungaling niya sa pagkatao mo. Hindi ka namin totoong anak, kinuha kita sa totoo mong ina. Ang totoo kasi niyan ay hindi ako magkaanak. Ayon sa doctor na tumingin sa akin ay wala akong kakayahan na mabigyan ng anak ang ama mo. Masakit iyon sa akin. Masakit iyon sa isang babaeng tulad ko na gustong mabigyan ang asawa ng isang munting angel. Nang magsimula akong magtrabaho sa totoong mga magulang mo ay agad akong napalapit sa iyo. Siguro ay dahil sa gustong-gusto kong magkaanak kaya madali kang napamahal sa akin.
Gusto kong maging anak ka. Kaya ng gabing wala ang mga magulang mo ay tinakas kita at kinuha sa kanila. Sinabi ko lang sa'yo na magbabakasyon tayo at pumayag ang ina mo ngunit dumating ang trahedyang nagpabago sa lahat. Nawalan ka ng alala at naging pagkakataon ko iyon para maging akin ka na talaga. Hindi totoong nalaglag ang anak ko ng maaksidente tayo. Hindi ako buntis noon. Pinalabas lang namin na nawalan ako ng anak para iyon ang makarating sa mga magulang mo kung sakaling magtanong-tanong sila at may nakakilala sa atin. Pinalabas namin ng ama mo na namatay ka sa aksidenting iyon. Maze, anak, patawarin mo si nanay. Sadyang mahal na mahal lang kita kaya ko nagawa iyon. Ayaw kitang mawala sa akin. Natakot na akong kunin kanila. Masyado ka ng napamahal sa amin ng iyong ama. Ikaw ang komumpleto sa buhay naming mag-asawa. Dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng anak ay may tao akong nasaktan, hindi lang ikaw pati na rin ang totoo mong magulang.
Ngayong taon ay nalaman ko na naaksidente ang totoo mong ama. Kinain ako ng konsensya ko kaya naman gagawin ko na ang tama, anak. Ang totoo mong mga magulang ay si Aliya at Franco Lu. Isa silang mayaman na Chinese – Filipino at pagmamay-ari nila ang Kaze Cafe and Restaurant na gustong-gusto mo sanang makatikman ang pagkain. Sana ay hindi pa huli ang lahat para maayos ko ang buhay mo, Maze. Alam kong wala akong karapatan na humingi ng kapatawaran sa iyo dahil sa mga ginawa ko. Naghirap ka ng dahil sa amin. Nawala ang buhay mo na dapat ay para sa'yo. Naging makasarili ako sa mga bagay—bagay at naging dahilan iyon para maghirap ang kalooban ng mga magulang mo. Totoo nga ang karma dahil kahit kasama na kita ay hindi ako naging masaya ng tuluyan. Alam mo kung paano kami naghirap ng ama mo at nadamay ka pa sa mga paghihirap naming iyon.
Maze, patawarin mo si nanay. Patawarin mo din si tatay. At kung magkita man kayo ng iyong ina sabihin mo sa kanya na humihingi ako ng tawad. Aasahan ko ang pagkamuhi mo anak. Pero wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita at kahit hindi ka galing sa akin, para sa akin at sa ama mo ay totoo ka naming anak.
Nagmamahal, Nanay.
Marahan niyang tiniklop ang sulat. Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. Kilala niya ang babaing kumuha sa anak. Limang taon din itong naging katulong sa kanila kaya hindi niya inaasahan na kukunin nito ang kanyang anak.
"Patawarin niyo po si Nanay." Pumatak ang mga luha ni Maze.
Nakaramdam naman siya ng kirot sa puso. Sa lahat ng bagay na nangyari sa kanya ay natoto siyang magpatawad at tanggapin ang lahat. Nang mamatay ang asawa niya ay iniisip niyang karma ang nangyari sa kanya dahil may mga nagawa siyang mali sa ibang tao. Lalo na sa mga katulong nila. Siya kasi ang tipo ng taong pagmay pagkakamali ang isang tao ay agad niyang sinisigawan. Nawalan din siya ng oras sa anak at hinayaan na lang sa mga katulong ang pag-aalaga dito. Tumayo siya at nilapitan ang anak. Niyakap niya ito. Sa mga bisig naman niya ito umiyak.
"Patawarin mo ako, Kaze. Hindi din ako naging mabuti sa'yo, anak. Napabayaan kita at mas inintindi ko ang trabaho. Sana mapatawad mo din ako sa mga pagkukulang ko."
Naramdaman niyang humigpit ang yakap sa kanya ni Maze o Kaze at sapat na iyon para maging masaya ang puso niya. Alam niyang lilipas din lahat ng sakit at magiging okay din sila ni Maze. Magiging masaya na din siya kasama ang anak.
"MA'AM Kaze, may naghahanap po sa inyo sa labas." Tawag sa kanya ng isa sa mga staff ng cafe na pagmamay-ari ng ina.
Nag-iisang buwan na rin simula ng magka-ayos sila ng ina sa tulong ni Shilo. At ngayon nga ay siya na ang namamahala ng negosyo ng ina. Mag-iisang buwan na rin mula ng magresign siya sa MDH. Noong una ay ayaw ni Shilo ngunit wala itong nagawa nang ka-usapin ito ng mommy niya. Hindi siya pumapasok sa main office ng kompanya ng ina. Sinabi niyang hindi pa niya kayang hawakan iyon at mas nais niyang mag-umpisa sa baba kaya siya ang namamahala sa isang branch ng cafe ng ina.
"Sino pong naghahanap sa akin?" Tanong niya at tumigil sa pagbabasa ng mga dokumento.
"Iyong gwapo niyo pong nobyo." Kinikilig nitong sabi sa kanya.
Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi nito. Nobyo? Wala naman siyang nobyo. Sino naman kaya ang tinutukoy nitong nobyo niya? Si Christian ba? Dalawang linggo na silang walang komenikasyon ni Christian, simula ng malaman nito na mayaman ang ina niya ay umiwas na sa kanya ang lalaki. Nalaman din niya na sasama na ito sa ate nitong nasa ibang bansa. Nalungkot siya sa kinahantungan ng relasyon nilang dalawa ni Chris. Mabait itong kaibigan bago siya nito niligawan.
"Wala naman akong nobyo." Sabi niya rito.
Ngumiti ang staff niya. "Naku Ma'am Kaze, iyon ang alam naming lahat dito. Balik na po ako sa trabaho ko ma'am. Lumabas na po kayo para hindi maghintay si boyfriend." Sabi nito at agad na umalis ng opisina niya.
Napangiti at napailing nalang siya sa sinabi ng staff niyang si Candy. Makakatuwa talaga ang babaeng iyon. Sa lahat ng staff niya dito sa cafe ay dito lang siya hindi na ilang, ganoon din naman ito. Inayos niya muna ang mga gamit bago siya lumabas ng opisina.
Napataas siya ng kilay ng agad na nakita sa isang sulok ang isang lalaking walang araw yata na hindi pumupunta rito sa opisina niya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at umupo sa upuang paharap dito.
Ngumiti ng malapad si Shilo. Para itong nakakita ng angel sa mga ngiti nito. "Hello, Maze."
Hindi pa rin binabago ni Shilo ang pagtawag sa kanya habang ang iba ay Kaze na ang tawag sa kanya na agad naman niyang nakasanayan. Siguro ay dahil iyon naman ang totoong pangalan niya. Inaasikaso na ng kanyang ina ang lahat para maging Kaze Alexa Lu na talaga siya. At ang dating boss niya na matigas ang ulo na kapag sinasabihan niya si Shilo na Kaze na ang itawag sa kanya ay ngumingiti lang ito at hindi gagawin ang sinabi niya.
"Bakit ka nandito?" tumingin siya sa relong pambisig. "Wala pa namang five o'clock. May meeting ka ba malapit dito?"
"Wala."
"So, bakit nandito ka?"
Sumimangot si Shilo at parang batang nagtatampong tumingin sa kanya. "Bakit ganyan ka magtanong? Ayaw mo ba akong makita?"
Tumawa siya sa tanong nito. "Hindi naman sa ganoon. Wala pa kasing uwian."
Sasagot na sana ito ng tumunog ang phone niya. Tiningnan niya kung sinong tumatawag sa kanya. Lalo siyang nagtaka ng makita ang pangalan ni Ate Carila. Sinagot niya iyon sa harap ni Shilo.
"Hello, Ate Rila."
Nakita niyang namutla si Shilo at sumenyas sa kanya na patayin ang tawag.
"Nandiyan ba ang magaling kong boss?" galit na tanong ni Carila sa kabilang linya.
"Oo. Bakit?"
"Good. Sabihin mo sa kanya na bumalik siya ngayon din dito sa opisina dahil may meeting pa kami with board members. Mapapagalitan na naman siya ni Daddy sa ginagawa niya."
Napatingin siya kay Shilo. Hindi na maipinta ang mukha nito. Mukha itong batang nagmamaktol dahil hindi pinagbigyan. Napa-iling siya. Kailan pa naging tamad si Shilo sa trabaho?
"I tell him. Just give him fifteen minutes and he-" Hindi na niya matapos ang sasabihin ng inagaw ni Shilo ang phone niya.
"Sabihin mo sa kanila na cancel ang meeting ngayong hapon at bukas na lang matutuloy. Wala akong paki-alam kong magalit siya. Then, fire me, I don't care--"
Kinuha niya ang phone ng marinig ang sinabi nito. "Ate Carila, fifteen minutes, we'll be there." Sabi niya at pinatay na ang tawag.
Tiningnan niya ng masama ang lalaking may malapad na ngiti sa harap niya.
"Don't smile at me like that." Inis niyang sabi. Hindi niya alam kung saan na napunta ang dating masungit at pala sigaw na boss niya. Ang nakikita niya lang ngayon ay isang isip bata na Shilo. Talaga bang kayang magbago ng isang tao sa isang iglap lang. Napaka-imposible kasi noon.
"You are coming with me at the office."
Napatingala siya. Heto na naman sila. Ilang beses na ba itong nangyari sa loob ng isang buwan. Pupunta ito ng cafe niya para yayain siyang pumunta ng opisina nito. Pagtinatanong niya kung bakit kailangan niyang pumunta ay sasabihin lang nito na bored kasi ito pagwala siya. Noong una ay natutuwa pa siya at kinikilig. Para kasing sinasabi nito na hindi ito sanay nawala siya sa tabi nito. Pero nitong huli ay naiinis na siya, wala na kasi siyang natatapos na trabaho dahil sa pangingisturbo nito.
Tumayo na si Shilo at hinawakan siya sa braso. Wala na siyang nagawa nang hinila siya nito palabas ng cafe. Kahit kailan talaga ay marupok siya pagdating kay Shilo. Hindi talaga niya kayang humindi sa binata, kaya siya nito inaaboso at napapasunod sa gusto nito.
Ng makarating sila ng opisina nito ay agad silang sinalubong ni Carila. Nagulat pa ito ng makita siya. Yumuko na lang siya at ngumiti dito.
"Shilo, may gustong kuma-usap sa iyo." may kabang sabi ni Carila.
"Sino?"
"Hijo, buti at narito ka na." Narinig nilang sabi ng isang matandang lalaki.
Hindi nila ito napansin na lumapit. Nakasuot ito ng itim na suit. Nasa late fifties na yata ang matanda. Nakita niyang nagulat si Shilo pero agad din napalitan ng pagkapormal ang mukha.
"Tito Andrie, how are you?" inilahad ni Shilo ang kaliwang kamay.
Masayang tinanggap ng lalaki ang pakikipagkamay ni Shilo. Nakamasid lang sila ni Carila ng mga sandaling iyon pero napansin niya ang inis sa mukha ng kaibigan.
"I'm doing great, hijo."
"Anong ginagawa niyo po pala dito, Tito Andrie?"
Ngumiti ang lalaki at lumingon. Doon lang nila napansin ang babaeng nakatayo di kalayuan sa kanila. May isang magandang ngiti sa labi nito. Nakasuot ito ng high heels at naririnig nila ang tunog ng suot nitong takong sa bawat paghakbang. Nakilala niya ang babae at unti-unting nabuhay ang inis niya. Nandito na naman ang babaeng ito, akala pa naman niya ay wala na ito sa eksena dahil ilang buwan na niya itong hindi nakikita at wala din siyang nababalitaan tungkol dito.
"Hi, Shilo." May bahid ng pang-akit nitong bati. Lumapit pa ito kay Shilo at hinalikan ang binata sa pisngi. Kinain naman ng panibugho ang puso niya sa nakita.
Mahigpit siyang napahawak sa damit ni Shilo. Pilit niyang nilalabanan ang sariling kagustuhan na hablutin ang babae sa buhok at ihampas ang pagmumukha sa semento ng opisina ng binata. Naramdaman yata ni Shilo ang paghawak niya kaya tumingin ito sa kanya. Galit niya itong tiningnan. Wala siyang pakialam sa iisipin nito. Naiinis siya at bahala itong saluhin iyon. Hinawakan ni Shilo ang kamay niyang nakahawak sa damit nito. Tumingin ito kay Carila.
"Ate Carila, cancel my meeting for today. At pwede mo bang samahan si Kaze sa canteen pagkatapos?" tanong ni Shilo.
Tumungo si Carila bilang tugon. Siya naman ang hinarap ni Shilo. "Sumunod ka muna kay Ate Carila may pag-uusapan lang kami. After this, we eat dinner together." Pabulong na sabi nito.
Bigla siyang nakaramdam ng pagkurot sa puso niya. Bakit pakiramdam niya ay pinapaalis siya nito para hindi niya marinig ang usapan ng mga ito? Pag-uusapan na ba ng mga ito ang tungkol sa kasal. Nakaramdam ng panibugho ang puso niya. Gusto niyang sabihin kay Shilo na hindi siya aalis Na nagseselos siya ngunit anong karapatan niya wala silang relasyon ni Shilo. Sadyang naging malapit lang sila dahil sa nangyari sa kanya.
Tumungo siya kahit ayaw niya naman talagang umalis. Kumalas siya sa pagkakahawak dito. Lumapit sa kanya si Carila at hinawakan siya sa braso. Naglakad sila palapit sa elevator ngunit bago pa sila makasakay ng elevator ay narinig nilang sumigaw si Andria.
"Wait!"
Lumingon silang dalawa ni Carila. Nakahawak na ito sa braso ni Shilo na lalong nagpakirot sa puso niya.
"You two will be invited on our upcoming wedding. We will send them the invitation right, Honey?" masayang sabi ni Andria.
Naramdaman ni Maze ang pagkagunaw ng mundo niya sa narinig. At kung hindi pa siya nakahawak kay Carila ay baka natumba na siya. Naramdaman niya ang pagkabasag ng puso niya. Wala na yatang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ngunit pilit siyang nagpakatatag. Ayaw niyang makita ni Shilo na apektado siya sa narinig. Wala itong alam sa pag-ibig na iniukol niya rito. At iyon ang huling bagay na ipapaalam niya sa kaibigan. Kung kanina ay matapang siyang ipakita ang nararamdaman, ngayon naman ay hindi. Sa huling pagkakataon ay gusto niyang isalba ang pride kahit hindi na ang puso niya.
"Wow!!! Congratulation then." Ngumiti siya ng matamis dito at hinawakan na si Carila para sumakay ng elevator.
At sa pagsara ng elevator ay muli niyang sinulyapan si Shilo. Hindi niya alam kung anong emosyon ang meron sa mukha nito pero wala na siyang paki-alam doon. Mas importante ang puso niyang nadurog sa pangalawang pagkakataon. Akala niya na magiging sila na ni Shilo dahil parehas na ang istado nila sa buhay ngunit nagkamali pala siya. Nakalimutan niyang may babae na pala itong minamahal at pakakasalan. Si Andria ba ang babaeng iniyakan nito noon? Ito ba ang babaeng sinisinta at dahilan ng mga luha ni Shilo noon?