webnovel

DASHER: THE DASHING DEVIL

現実
完結 · 85.7K ビュー
  • 25 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • NO.200+
    応援
概要

"I will kiss you until you ran out of breath. I will kiss you until you'd scream my name, like you wanted me to kiss you forever. I will kiss you until you kiss me back. And then I won't stop." Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasala-salabit ang landas nina Donnie Marie at Dasher. Nasa isang misyon siya noon nang biglang humarang sa daan niya si Dasher. Iniligtas siya nito sa isang tiyak na kapahamakan ngunit kapalit naman niyon ay ang pagkatuklas nito sa kanyang sikretong katauhan bilang si Mystique Agent—isang private investigator. Sinukol siya nito sa isang blackmail at inatasang lutasin ang panghuhuli sa lunatic stalker nito. Sa pagsasama nila sa paghahanap sa stalker nito ay hindi niya inasahan na sa kabila ng kagaspangan ng ugali nito ay nagawa niya itong mahalin. Dahil rito ay natuto siyang magtiwala sa iba, natuto siyang aminin ang kanyang mga kahinaan. Ngunit dahil rin dito ay natuto siyang matakot—hindi para sa sarili niya kundi para sa taong mahal niya. Hindi niya pwedeng idamay sa masalimoot niyang buhay bilang isang si Mystique Agent ang payapa nitong buhay kaya kahit masakit ay kailangan niyang iwan ito. Ngunit makakaya ba niyang gawin iyon kung nabihag na nito ang buong puso niya?

タグ
2 タグ
Chapter 1CHAPTER 1

MAINGAT na nagkubli si Donnie Marie sa likod ng isang malaking puno ng acacia. Nasa tapat iyon ng mansiyon ng taong pakay niya. Napailing siya nang makitang humimpil ang isang itim na sasakyan sa harap ng mansyon. Bingo! May silbi ang paghihintay niya.

She owned Mystique Agency, isang private agency kung saan siya nagta-trabaho bilang isang private investigator. Her father, who was a former Police Chief Inspector, built that agency when he was wrongly kicked out from the police force by his greedy friend and co-policeman.

Her father used to work alone in that agency. He used to handle criminal cases such as murders and kidnappings because of his experience. When her father died due to Leukemia, she'd been orphaned since her mother had died since she was young.

Due to her father's death five years ago, she decided to continue his father's agency. She was twenty one when she decided to continue Mystique Agent's legacy. While her father solved murders and kidnappings, she handled cases like fraud, finding a missing person and infidelity.

Dahil minsan nang napagtaksilan, naging maingat noon ang daddy niya. His agency was built secretly. Lumipat pa sila ng tirahan noong ipatayo nito iyon. They kept their life private. Ang bawat transaction sa kanilang ahensya ay nagaganap lang sa internet.

Wala pang nakakakita sa hitsura nito o nakakaalam sa tunay nitong pangalan. Kahit ang bayad sa bawat trabaho nila ay dumadaan lang sa courier. A phone call or a private message in their website was enough to get her to finish her job. That's how her life as a private eye worked.

Inayos niya ang camera'ng nakasabit sa kanyang leeg at sumilip mula roon. She adjusted its lens and focused on the girl that just got out from Mayor Daguio's Mercedes Benz.It was Victoria Escueta, isang aspiring actress. She smirked.

She clicked until she was satisfied. Dapat, lahat ng mga manloloko ay nasusunog sa impyerno! Simula pagkabata ay nakagisnan na niya ang iba't ibang klase ng panloloko sa mundo. That's why she found it hard to trust anybody but herself. Only herself.

Napasulyap siya sa mansiyon. It must be Mayor Daguio's mistress' den. Bigla siyang nasuya. It's time for her to go. Hindi natuloy ang pag-alis niya sa camera sa kanyang leeg para ilagay iyon sa loob ng kanyang bag nang bigla siyang makarinig ng maingay na pagngingit-ngit.

"S-shooo," mahinang sabi niya sa malaking aso na tila handa ng dambahin siya.

"Dumbo!" sigaw ng sino mula sa kung saan. Lalo siyang nanigas nang sumunod na sumulpot ang isang lalaking naka-leather jacket sa kanyang harapan. Naniningkit ang mga mata nito habang matamang nakatingin sa kanya. She nervously smiled at him.

"B-biglang lumapit sa'kin ang aso ninyo," kinakabahang imporma niya.

Kung minamalas ka nga naman! Hindi niya alam na may aso palang bodyguard ang mayor. Thankfully, she was on disguise. Nakasuot siya ng highschool uniform mula sa isang karatig na eskwelahan sa lugar na iyon, maikling wig at isang pekeng nunal sa pisngi niya.

Kahit pa sabihing bente-sais anyos na siya ay hindi naman gaanong alangan ang disguise niya. Bukod sa maliit, baby-faced pa rin naman kasi siya. O kaya, pwede na ring isipin ng mga makakakita sa kanya na repeater siya sa highschool. Her disguise would've been perfect only if she had hidden her camera. Napalunok siya at pasimpleng napalinga sa paligid.

"Ano'ng ginagawa mo rito, bata?" nagdududang tanong nito habang nakatingin sa camera'ng nakasabit sa leeg niya. Hinawakan nito ang leash ng asong tinawag nitong "Dumbo."

"E-eh, may school project po kasi ako manong. Sabi nung teacher ko, kailangan raw naming kumuha ng picture ng mga magagandang bahay," palusot niya. "Itong bahay na ito kasi ang pinakamaganda rito sa buong San Joaquin kaya kinukuhanan ko ng picture."

"Patingin nga ng kinuha mong picture," naniniguradong anito.

She stepped back. Napahigpit ang hawak niya sa camera. Hindi niya pwedeng maiwala iyong mga larawang nakuha niya, or else, mawawalan ng saysay ang paghihirap niya. Halos tatlong araw din niyang minanmanan ang alkalde bago siya nagkaroon ng pagkakataong makakuha ng ebidensya kasama ang babae nito. He was so far the hardest case she's ever had. Kung hindi lang mahal ang bayad ni Mrs. Daguio ay hindi niya tatanggapin iyon.

Kilala kasi si Mayor Daguio sa pagiging tuso at walang-puso. Marami siyang natuklasang anomalya sa pagpapatakbo nito sa bayan na hawak nito. Well, it's not that it was still her job to expose that. Mahirap din itong magalit dahil mapaghiganti itong tao. Kaya kailangan niyang mag-ingat. Delikado. Tutal ay pambababae lang naman nito ang gusto ibuko ni Mrs. Daguio.

Mrs. Daguio wanted a divorce kaso ay ayaw makipaghiwalay ng asawa nito. Ayon sa kwento ng ginang, kailangan na nitong makipaghiwalay dahil hindi na nito masikmura ang kasamaan ng alkalde mayor. That's why the evidence she had was very important. Iyon ang tuluyang magtutuldok sa pananakit ng mayor sa asawa nito—physically and emotionally.

"M-manong, may lakad po ba ngayon iyong may-ari ng bahay?" Kumunot ang noo nito at biglang napatigil sa paglapit sa kanya. "Lumabas kasi siya oh," turo niya sa likuran nito.

Nang lumingon ito sa itinuro niya ay mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo siya palayo rito. Sanay siya sa takbuhan dahil sa klase ng trabaho niya. She's been running most of her life.

"Habulin mo, dali!" sigaw ng lalaki sa kasamahan nitong naiwan sa labas.

Nakapagtatakang hindi siya nito agad hinabol. Pinakawalan nito ang aso ngunit hindi siya ang tinungo ng aso, bumalik ito sa loob ng mansion. Napamura siya nang makuha ang implikasyon ng ginawa nito. Nagtawag ng mga kasama ang aso!

Malas! Malayo sa highway ang kinaroroonan nila. Medyo malayo-layo pa naman niya ipinark iyong dala niyang motorsiklo. Where could she hide? Napalinga siya sa paligid habang matulin pa ring tumatakbo. Those thugs could shoot her anytime if they had guns.

She cringed at the thought. Hindi pa siya pwedeng mamatay! Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may biglang sumulpot ang isang itim na kotse sa paningin niya. Medyo malayo pa iyon ngunit papalapit naman sa kinaroroonan niya. Napalingon siya sa mga humahabol sa kanya. Ibinalik niya ang kanyang paningin sa kotseng papalapit. Damn!

It's a do-it-or-die for her. Ibinuka niya ang mga kamay at tsaka iniharang ang sarili sa gitna ng kalsada. She'd rather be hit by a car that be shot by those dirty guns. Ah, bahala na! Mamamatay kung mamamatay! She forcefully closed her eyes. Umingit ang mga gulong ng sasakyang hinarang niya. Tumigil iyon sa mismong harap niya.

Dinunggol ng kaba ang dibdib niya. Nanginginig na pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Then she slowly opened her eyes. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang paglapit ng mga humahabol sa kanya. And so, she did what she thought would save her.

Nagpatumba siya at nagkunwaring hinimatay.

あなたも好きかも