webnovel

얼둘: Change Of Heart

Han Seo Jeong

- Death Penalty

Hindi, hindi pwedeng mangyari ito. Alam ko na hindi niya ginawa to. Kasama ko siya, pero paano ko patutunayan kung wala namang tao. Haysss, ano ba kasi yung totoong nangyari nung gabi na yun. Ang hirap kasi paniwalaan yung sinasabi niya. Bigla namang may kumalabit sa akin.

"Hae Ra!"

"Oh, Ryeong. Bakit ka naparito?"

"Ahh, may narinig kasi ako parang umiiyak. Bakit ka pala umiiyak?"

"Ahh, wala. Sa totoo lang may sasabihin ako".

"Ano yun?"

"Kung kaya huwag muna natin ituloy yung kasal?"

"Bakit naman? Eh, ito na yung pinakahihintay natin!"

"Patawarin mo ako, pero di pa ako handa. Hindi ako komportable, sa tingin ko kailangan na muna nating tulungan ang ating bayan".

"Pero… Gusto ko na ituloy natin ito sa araw kung ano ang plano".

"Sige, ikaw ang bahala".

"Pupunta ako kay Lady Han, sasama ka?"

"Sige".

Sumama nga ako papunta sa kayla Seo Na. Naabutan namin si Lady Han na may kausap na babae.

"Gomo!"

*Translation: Aunt!" *

"Ryeong!"

"Bakit po kayo nandito?"

"Di ko ba nabanggit sayo na magkaibigan kami ni Lady Han!"

"Ahh, ganon po ba, Lady Han nasaan po pala si Seo Na?"

"Ahh, nandoon sa lab nila".

"Ahh, sige po!"

Medyo nagulat ako sa pagdating ng Crown Princess dito. I mean di naman na siya Crown Princess, pinatalsik siya dati kasi sa kanya nasisi ang pangyayari, na sa tingin ko di naman siya ang gumawa. Saglit parang tulad lang nung kay Seo Jeong. Hay. Pagkapasok naman sa kuwarto ni Seo Na, biglang pasok naman si Dong Min. At mukhang tumakbo papunta dito.

"Seo Na, sa tingin ko may paraan pa". – Dong Min

"Ano? Di ka naman naniniwala sa akin".

"Di ko alam ngayon ang katotohanan, pero alam ko kung sino ang pagkakatiwalaan ko, kayo lang ang pinagkakatiwalaan ko dito".

"Ano nga yung sasabihin mo?"

"Kailangan ninyong tumakas dito sa lugar na ito. Pumunta kayo sa napakalayong lugar. Tutulungan namin kayo".

"Saglit, Dong Min. Alam mo na ba?" – Hae Ra

"Ang alin? Death Penalty ang hinatol kay Seo Jeong?"

"Oo, alam mo naman na pala. Sa totoo lang Seo Na nung pinuntahan ko siya. Sabi niya sa akin si Prince Woo Chan daw ang may kagagawan ng lahat".

"Huh pero? SI SAMCHON?" -Ryeong

"OO!" – Seo Na, Dong Min, Hae Ra

"Sa totoo lang nung narinig ko kayo na dumating umalis ako sa kwarto ni kuya, ayokong Makita niyo ang nalaman ni kuya. Pero sa tingin ko kailangan na ninyong malaman". – Seo Na

Pinapunta niya kami sa kuwarto kung saan nag iimbestiga si Seo Jeong, at lahat ng arrows nakaturo kay Lee Woo Chan.

"Bakit di niyo sinabi? Sabagay di naman ako maniniwala kung wala ang mga ito" – Ryeong

"Alam ko naman!"

"Ryeong, mauna muna ako, may aayusin lang ako". – Hae Ra

"Sige, mag-ingat ka!"

Umalis na ako sa lugar na iyon lalo na at may ideya na ko kung paano malilinis ang pangalan ni Seo Jeong.

RYXEN LEE/ LEE RYEONG

"Dong Min, paano natin masasabi na pwede nating gawin yun?"

"Di ko rin alam. Sige pag-iisipan ko. Mag-iisip ako ng paraan, mauna na muna ako!"

"Sige"

"Seo Na, ito ang maipapayo ko sayo, tumakas nga kayo. Tutulungan ko kayo bukas ng gabi kayo tumakas sa lugar na ito. Pupuntahan kita bukas dito. Babalitaan kita".

"Sige, Salamat!"

Bigla siyang ngumiti sa akin na parang, kinikilig ako, na nakatitig lang ako sa kanya. Ngayon ko lang siya Nakita ng ganito ka ganda ngumiti. Tila tumigil ata ang oras. Hanggang sa nagsalita siya.

"Ry-Ryeong? Kweanchana?"

*Translation: Are you ok? *

"".

Bigla naman akong tumakbo palabas. Hayy, bakit ganito ang pakiramdam ko, parang dun ko lang ata narinig yung tibok ng puso ko. Pabalik na ako sa kuwarto ng may marinig ako sa madilim na daanan patungo sa isang lugar na di ko pa napupuntahan simula bata ako. At parang boses ni Eomeoni at ni Samchon na parang may gusto silang saktan o patayin.

"Ipangako mo sa amin na hindi mo ito sasabihin kahit kanino!" – Prince Lee Woo Chan

"Hindi! Ang ginagawa niyo ay dapat pinarurusahan, at dapat hindi si Seo Jeong ang nakakulong kundi ikaw, LEE WOO CHAN!" – Isang lalaki na mukhang palace guard

"Waagg-" - Ryeong

Hanggang sa may humila sa akin, saglit si Tal Ro!

"Bakit mo ko hinila?"

"Gusto mo na patayin ka?"

"Huh? Alam mo din ang patungkol dun".

"Shh…"

"Sinong nandyan?" – Lee Woo Chan

Biglang sumigaw si Eomeoni

"Yeobo, nakatakas siya!"

"Arrgghhh, pusa lang naman pala".

Hayy, buti na lang may nakita silang pusa. Umalis na sila Eomeoni. At sinamahan ako ni Tal Ro papuntang kuwarto ko, may ilang bagay na tinanong ako sa kanya.

"Bakit ka nandoon?"

"Dapat pipigilan ko silang gawin yun, sa totoo lang kasabwat nila ako sa pagdakip kay Seo Jeong".

"Huh? Dinakip si Seo Jeong?"

"Oo, inutusan ako noon. Dinakip si Seo Jeong para siya ang masisi sa isang bagay na di naman niya ginawa. At kaya ako pinadala ni Empress Kang, ay dahil para malaman ko kung ano ang ginagawa ninyo. Pero di ako ang nagbanta na patayin si Seo Na. At marami pa silang sikretong tinatago".

"Ganon ba? Sabihin na natin kay Abeoji!"

"Hindi, hindi mo pwedeng gawin yan, kapag ginawa mo yan ikaw ang isusunod, at malamang madamay pa ang iba!"

"Ibig sabihin ba yung mga pinatay nila may nalaman patungkol sa plano nila?"

"Opo, at nagiging kasabwat lang ako kasi kapag di ko sila sinunod, papatayin nila ang bunso kong kapatid".

"Ganon ba?"

"Oo, at kapag wala ka ng silbi ipapatapon ka na lang, katulad nung ginawa nila sa isang babae noon".

"Saglit, isa pang tanong. Bakit tinawag ni Eomeoni si Samchon ng Yeobo?"

"Yun lang po yung bagay na hindi ko alam. Pero mukhang may relasyon nga po sila".

"Ang dami kong di naiintindihan".

"Aalis na po ako, kamahalaan!"

"Wag ka munang umalis, baka may mangyari pa sayo".

"Sige po!"

Lumipas ang gabi na nagkwentuhan lang kami hanggang sa nakatulog na lang kami. At nag-umaga na pala. Kinabukasan na ang kasal namin ni Hae Ra, at parang di na rin ako handa para dito. Pinuntahan ko si Hae Ra.

"Kamahalaan" - Hae Ra

"Hae Ra, kamusta ka?"

"Ayos lang, ikaw?"

"Ayos lang din. May sasabihin pala ako sayo".

"Ano yun?"

"Mahal kita!"

"Alam ko naman yun".

Hindi ko masabi na ang dami kong nalaman. Ayokong madamay pa siya dito. At mas lalong di ko masabi na ang yung kasal na yun ay para lamang mapagtakpan ang ginawa nila.

"Ry- Ryeong?"

"Ahh, Bakit?"

"May iniisip ka ata, may pupuntahan lang ako".

"Sige, dito muna ako! Hintayin kita!"

Hayy, paano ko ba sasabihin. Wag na nga. Bigla na lang dumating si Dong Min

"Hyeong, sumama ka sa akin. Pinatatawag tayo ni Abeoji!"

*Translation: Older Brother*

Sumama ako kay Dong Min at pagdating namin sa hall, nakita ko si gomo.

"Joh-eun achim!"

*Translation: Good Morning! *

Bigla naman akong yumuko

Tumango din sa akin si Gomo, at nagsalita si Abeoji.

"Naparito si Princess Lee Sa Eun dahil sa inyong kasal ni Hae Ra".

Ahh, kaya pala.

"Ryeong, umupo ka".

"Ahh, hindi na po, nagkita naman na po kami ni Gomo. May aasikasuhin pa po ako".

"Ahh ganon ba. Bumalik ka mamaya may sasabihin ako mamaya".

"Sige po".

Bigla naman akong umalis. Pinuntahan ko si Seo Na.

"Seo Na!"

Biglang yakap ko. Niyakap niya rin naman ako.

"Paano na?"

"May alam akong pwede ninyong puntahan, susunod ako dun. Hayaan mo magkikita tayo ulit".

"Sige!"

Ningitian niya ulit ako. Binigyan ko sa kanya ang lugar na pupuntahan nila. Nakapag-impake na sila. At hindi ko pa nababanggit ka sa kanya ang mga nalalaman ko. Hanggang sa may narinig na lang ako na ingay sa labas. At mukhang may sasabihin sa publiko si Abeoji, sabay kami ni Seo Na pumunta sa palace.

"Naparito ako at inaanunsyo ko ang dalawang bagay. Ang una ay, palalayain namin si Han Seo Jeong dahil sa walang matibay na ibidensiya na siya ang pumutay sa dalawang palace guard, ngunit hindi na magsisilbi ang pamilya ng Han sa Imperial Family. Kailangan nilang umalis bago sumapit ang gabi. Pangalawa, bukas na ang nakatakdang araw para sa kasal nila Hae Ra at ni Ryeong! Ninanais ko na walang gulo na magaganap".

Natapos ang anunsyo ni Abeoji, nakita na namin si Seo Jeong, mukhang maayos naman siya sa nakalipas na araw. Niyakap siya ng mahigpit ni Seo Na, at biglang lumapit si Hae Ra kay Seo Jeong, at… niyakap niya ito ng sobrang higpit na halos naiyak sila parehas.

Umabot ang gabi at umalis na nga sila Seo Na at Seo Jeong. Sinuguradong ng mga guard ko na walang nakasunod sa kanila, at nakita ko si Jang Yeon na umiiyak pero magkaakbayan sila ni Dong Min. Naabutan ko si Princess Lee Sa Eun sa labas, at parang may pinagmamasdan sa lugar kung saan nakatira dati sina Seo Na, at halos maiyak siya.

PRINCESS LEE SA EUN

--FLASHBACK—

"Alam mo Lady Han, kahawig ni Hyeong si Seo Na".

"Wag ka nga maingay marinig ka!"

"Ahh, sana lang talaga alam ng Emperor na anak niyo si Seo Na".

"Di na kailangan, sa ginawa niya ngayon para lang din niyang pinaramdam sa akin na wala talaga siya kwenta, at di naman niya na ako kailangan".

"Sabagay parehas lang naman sila ni Chan. Wala silang pinagkaiba, pero mas mabait si Hwon".

"Oo naman. HAHAHA".

"HAHAHA"

--END OF FLASHBACK—

"Wala na sila, hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba kay Emperor". Hayy.

RYXEN LEE/ LEE RYEONG

"GOMO!"

"Ryeong! Bakit ka pa nasa labas sa panahong ito dapat nagpapahinga ka na".

"Iniisip ko rin po kasi si Seo Na".

"Ahh, ganon ba. Siguro naging mabuting kaibigan siya sayo?"

"Opo, sige po mauna na po ako".

Nakabalik na ako sa kwarto ko. Medyo malalim na ang gabi nung nakabalik ako. Lumabas ako ulit tinignan ko ang buwan at ang mga bituin. Iniisip ko pa rin ang mga nalaman ko, nabibigla ako. Parang di talaga ako komportable. Bago ako matulog, may narinig akong ingay, hindi ko na lang pinansin. Nagising ako, ngunit apat na oras pa lang ang tulog ko. Naghanda na ako. Pinuntahan ko si Jang Yeon ng ganon kaaga.

"Jang Yeon!"

"Hmm? (Yawns), ang aga mo naman masyado ka bang nasasabik sa inyong kasal?"

"Hindi yun ang pinunta ko!"

"Eh, ano?"

"Ito ibigay mo kay Hae Ra, pagkatapos ng kasal o basta pagnakita mo siya. Sabihin mo may pinuntahan ako".

"Bakit di ikaw magbigay?"

"Basta! Inuutusan kita diba?"

"Opo kamahalan"

"Pagkatapos niyang Mabasa ipasunog mo yung liham na yan. At dapat walang ibang makakaalam ng sulat na yan bukod sa ating tatlo".

"Sige po!"

Pagkatapos nun, nagsimula ng maghanda ang mga tao. At syempre ako, pero di ko alam ang gagawin ko. Tingin ko masyado pang lutang si Jang Yeon kaya medyo di niya naiintindihan. Pagkalipas ng tatlong oras magsisimula na ang kasal. Sa kalagitnaan nito, biglang may…

"WAHHHH!!" Biglang sigaw ng mga tao

Babagsak sa amin ang isa sa mga poste at bigla kong kinuha ang kamay ni Hae Ra at hinila siya para hindi siya matamaan at mukhang natabunan pa ako ng tela. Saglit ito na ang panahon para tumakas ako.

Bago ako tumakbo, alam kong medyo nahihilo si Hae Ra. Binulungan ko na lang siya.

"Hae Ra, aalis ako para mas ligtas ka!"

Bigla akong takbo na merong luha sa mata ko, at saktong walang nakakita sa akin. Pero mas nag-aalala ako kay Hae Ra, nab aka isipin niya ay pinabayaan ko na lang siya. Kailangan kong gawin ito para matapos na ito. Ayoko na siyang madamay pa gusto ko na lang siyang magpakasal sa isang simpleng tao. Yung walang kapangyarihan.

Bago sumapit ang dilim nakarating ako sa lugar nila Seo Na, at medyo liblib sa lugar na binigay ko. Ayokong may makaalam pa na nandito ako, o kahit na sino pa man.

"Seo Na?"

"Umm, sino yan?"

"Hanggang ngayon pa ba di mo pa rin ba alam ang boses ko?"

"Ryeong!!"

"HAHAHA, akala ko di mo na ako kilala".

Biglang tulak niya sa akin.

"Anong hindi? Alam mo ba na nag-aalala ako sayo!"

"Bakit naman?"

"Baka kasi pati si Woo Chan idamay ka pa. Bakit ka nga pala nandito? Diba nasa kasal ka dapat?"

"Sa totoo lang tumakas ako".

"Huh?"

"Sinabihan ako ni Hae Ra na hindi pa siya handa. At madami akong nalaman patungkol kay Samchon saka kay Eomeoni".

"Anong nalaman mo?"

"Ginamit lang nila ang kasal namin para mapagtakpan ang ginawa nila".

"Ganon ba?"

"Kaya kung sakali kailangan kong gumawa ng taguan ko dito".

"Sige!"

"RYEONG!" – Seo Jeong

"Bakit ka naparito?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Sige!"

Lumayo kami kay Seo Na.

"Ryeong ano ba yung gusto mo pag-usapan?"

"Alam ko naman na may pagtingin ka kay Hae Ra".

"Ahh, wala".

"Sabihin mo na!"

"Oo. Pero bakit ka pala nandito dapat nasa kasal ka diba?"

"Tumakas ako. Marami akong nalaman, at isa na dun, na matagal ng pumapatay si Eomeoni at si Samchon".

"Ahh, ganon ba!"

"Gusto ko pakasalan mo si Hae Ra!"

"Huh?"

"Pagkatapos ng lahat ng ito bago natin matapos ang misyon, pakakasalan mo si Hae Ra. Mas makabubuti sa kanya kung ikaw ang pakakasalan niya".

"Bakit naman?"

"May kapangyarihan ako, at mas mapapahamak siya lalo na kung malalapit pa sa akin ang makakapahamak sa kanya".

"Pag-iisipan ko".

Gumabi at iniisip ko pa rin si Hae Ra. Samantala kasama ko naman si Seo Na, tinitignan naming ang buwan at ang mga bituin, katulad ng ginawa ko kagabi.

JANG YEON

"Princess Hae Ra?"

"Jang Yeon, naparito ka pala!"

"May pinabibigay po sa inyo si Prince Ryeong".

"Ano yun?"

Mahal kong Hae Ra,

Huwag mo sanag isipin na tumakas ako dahil ayoko sa iyo. Gusto ko lang maprotektahan ka. Madami akong nalaman sa mga nakaraang araw. Napag-isip ko lang din na hindi pa ako handa. Gaya ng sinabi mo. Sana maintindihan mo. At sana kalimutan mo na lang ako. Mas mahalin mo si Seo Jeong, siya ang nararapat sa iyo. Hindi ko kayang Makita na masasaktan ka o mapapahamak dahil sa akin. Basta mahal kita.

Nagmamahal ng tunay,

Ryeong

Bigla kong kinuha sa kanya at nilagay sa lampara.

"Bakit mo?"

"Utos rin po sa akin na pagkatapos ninyong Mabasa itatapon ko at susunigin. Ayaw niya po na may makabasa nitong iba".

"Ganon".

"Pero bakit kaya?"

WHAT WILL HAPPEN TO THESE TWO LOVERS, WILL THEY END UP LIKE THAT?

WHY DID THE EMPRESS CALLED PRINCE WOO CHAN YEOBO?

[TO BE CONTINUED..]

次の章へ