webnovel

Chapter 27❤️?

"wow! Ang galing mo naman deo!" mangha namin dito kasi napakagaling nya magskirting. Samantalang kaming mga babae ay hindi ganon kagaling.

"madali lang ito kung may skills o gusto nyo talaga" paliwanag nito habang  ginagawa ang diamond style.

Habang abala kami sa kanya kanyang pag sskirting ay  pinagtitinginan naman kami ng ibang students kasi nandito kami sa field at nakagroup para sa pagsskirting.

Pasadong alas kwatro ng hapon namin ginagawa ang activity namin at buti nalang ay hindi mainit kung nagkataon na kainitan eh baka mahimatay na kami isa isa dito haha…

Habang kaming mga babae ay nakaupo ay hindi naman namin alam kung pano uupo ng tama para hindi man lang kami masilipan kasi naka school uniform na kami kaya nakapalda na above the knee ang suot namin. Hirap na hirap na kami sa ginagawa namin ay hirap na hirap naman kami sa tamang pag upo. Buti nalang nagsacycling ako kaya kung mapamali man ng upo ay walang problema.

"argh! Nakakainis naman itong uniform natin!" reklami ni joy habang higit higit ito kasi nataas pag naupo kaya alaga nitong higitin ang palda pababa.

"wala tayong magagawa kung ganito ang kursong kinuha natin pati uniform karekla reklamo" sabi pa ni she na iritable na din.

"hoy! Ayusin nyo ang upo! Nadami na ang mga nakaabang" sabi ni deo na tatawa tawa samin. Kasi ang tinutukoy nito ay yung mga nakatambay sa study table habang nakaharap samin para magabang ng makikitaan na panty.

Bakit kasi yung ibang mga girls alam na naka palda lang ng maikli hindi man lang magsuson ng short o cycling man lang? Kaya sa mga gantong pagkakataon may mga nananamantala!

"bwisit kasi kayong mga lalaki!" sabay sama ng tingin nito kay deo. "oh? Bakit naman kami ang parang sinisisi mo ngayon?!" pinanlakihan pa nito ng mata si joy habang inaayos ang gawa nito.

"bakit kasi ang mamanyak nyo?!" iritang sabi ni she dito sabay tingin sa mga lalake na tuwang tuwa ngayon.

"hoy! Hindi lahat noh! Atsaka depende yun kasi kayo din naman ang may kasalanan noh! Pag nagpapakita ng motibo syempre grab naman kaming mga lalake. Katulad ngayon lahat kayo ang iikli ng palda tapos mga di pag nagsususon.. Sino ngayon ang may kasalanan aber?!" tamapang na saad nito. Kunsabagay may punto nga naman ito.

"oh.. Tahimik na.. Baka kung san pa mapunta ang usapan! Gawin nalang natin ng maayos at maganda itong table natin" sabi ko sa mga ito na nagbalik naman sa kanya kanyang gawain.

Pagkatapos ng activity namin ay agad naman kaming dinismiss agad ni maam kaya ngayon ay naglalakad kami papunta ng study table para kunin ang mga gamit namin.

"grabe! Ang daming magagandang hrm student ngayon noh?"

"oo nga at ang sesexy pa!"

"hahaha… Colorful pa ang mga panties!"

Ang mamanyak talaga ng mga lalake sa panahon ngayon.. Hindi man lang nahiya na iparinig samin. Mga bwisit!

"hi! Mga miss.. Baka pwede namin kunin ang numbers nyo!" sabay sigawan ng mga ito na kagulo na sa pagbubuyuhan na kunin ang number sa isa sa mga classmates ko.

Walang pumansin ni isa saming magkaklase dahil siguro dahil sa pang mamanyak ng mga ito kanina.

"wow! Ang susuplada naman! Akala nyo naman ang gaganda nyong lahat!" sigaw nung isa sa mga ito at nagsigawan na naman.

Mas mauuna umalis ang grupo namin dahil magmemeryenda muna kami sa canteen. Naglalakad na kami ng harangin kami ng isa sa mga lalakeng nagsisigawan kanina.

"miss.. Baka ikaw? Gusto mo ibigay ang number mo?" tanong nito kay she habang inaabot ang cellphone nito dito

"ayooonnn!!!!!!" sigawan ulit at kinakalampag ang table. Pati yung ibang table ay nakikigaya na din kaya kanya kanyang kagulo na ngayon.

Napahawak naman sakin si she at kinukurut kurot nito ang bewang ko na ibig sabihin ay ayaw nya.

"ahm.. Kuya.." panimula ko kaya napabaling ang tingin sakin nung lalake. "ayaw kasi ng friend ko ibigay ang number nya. Pasensya na ah?" sabi ko dito at niyaya na ulit na lumakad sila.

"aaaahhhh…. Ang sakit non!!!" buyo na naman ng mga kalalakehan

"hep!" sumenyas naman ito na huminto kami kaya napahinto ulit kami sa paglalakad "eh kung ikaw nalang kaya?" at inabot nito ang cellphone nya saking harapan.

"dude.. Hindi na yan pwede!" agaw pansin ni deo at masamang tiningnan yung lalake. "bakit?! Number lang naman ah!" sagot ng lalake na irita na ngayon.

Nagkakagulo na ngayon kasi nagkakainitan yung lalake at si deo kaya nagbubuyo ang mga ito na magaway ang dalawa. Nakakainis talaga! Napatingin naman ako sa mga kasama ko na natatakot na ngayon.

"tsk! Para matapos na.. Akin na yang cellphone mo" sabi ko sa lalake na ngayon ay nagbago ang itsura nito na ngayon ay ngiting ngiti na ito samin.

"wooooo….. Ang astig mo talaga pare!!!!" at kagulo na naman ang paligid namin.. Feeling ko nasa wrestling mania kami sa sobrang ingay!

"ano ka ba win.. Wag mong gawin yan!" suway ni joy sakin na hawak ang likurang bahagi ng damit ko na hinihigit pa nya.

"kapag di ko ito gagawin..  Baka magkaron pa ng away dito!" mariing bulong ko sa mga ito na kinatahimik naman nila. Si deo ay masama parin ang tingin pati sakin.

Kinuha ko na ang cellphone nung lalake at itatype na sana ng biglang hablutin ang cellphone ng di ko nakikilalang nilalang. Sa sobrang gulat namin ay agad kong tiningnan ang humablot ng cellphone.

"masama mamilit ng mga babae!" sabi nito sa lalake at tinampal ang cellphone sa mukha nito ni harry.

Natahimik naman ang paligid sa mabilis na nangyari ngayon. Kahit yung lalake ay natahimik sa ginawa ni harry.

"she's mine! And i don't like sharing dude!" pacool na sabi nito at mabilis na nilapitan ako nito sabay hapit sa bewang ko para igaya ako papalayo.

Nagtilian naman ang mga babae ngayon samantalang yung mga lalake ay naiwan na nakanganga sa ginawa ni harry.

"tsk! Pasikat na naman!" bulong ni deo na narinig ko kasi nasa kabilang gilid ko ito habang nakatingin sa kamay ni harry na nasa bewang ko ngayon.

Kahit ako nabigla kaya ngayon lang sink in ang ginawa ni harry sakin at namumula na ngayon ang mukha ko! Napatingin naman ako kay harry habang hawak parin nito ang bewang ko at seryoso parin ito na naglalakad. Ang lapit namin ngayon at nakita ko si bes na nakasunod ito samin na nakatungo ngayon.

Naitulak ko ito bigla ng maalala ko ang posisyon namin. Kaya nabigla ito sa pagtulak ko dito.. "ah.. Eh.. Hehe ang i-init kasi" nagkada utal utal pa ako kasi hindi ko alam kung pano magpapalusot na hindi ito maooffend sa dahilan ko. Tapos.. Nandito pa si bes kaya agad ko ito nilapitan at hinawakan sa braso.

"huwag ka magalala bes.. Arte lang yun" bulong ko dito. Bahagya naman ito ngumiti sakin ngayon. Hays! Ang hirap talaga! Naiipit ako sa gantong sitwasyon!

Habang naglalakad ay palingon lingon si harry sakin habang katabi ito ni deo na naglalakad. Sinenyasan ko nalang ito na wag na tumingin sakin at parang nagsosorry ang tingin ko sa kanya.

Naintindihan naman ata nito kaya hindi na ito lumingon hanggang sa  makarating na kami ng canteen. Hindi muna kami nagpansinan nito at ito naman ay nakipagyabangan kay deo. Buti nalang naintindihan nito ang sitwasyon ko.. Kasi ayaw ko na maipit sa kanilang dalawa ni bes.

*****

Nasa mall kami ngayon ni harry dahil nagpadaan muna ako para bumili ng magandang klase na ballpen at libro na babasahin ko.

Habang naghahanap kami ng book ay nakasunod lang ito sakin. Napabuntong hininga naman ito habang nasa likuran ko.

"oh.. Ang lalim non ah?" biro ko dito.. "naboboring kana ba sa ginagawa natin na paikot ikot?" tanong ko dito habang natatawa pa.

"ahm.. Hindi yun.." sagot nito sakin at bumuntong hininga na naman ito. "eh ano nga? May problema ka ba?" tanong ko habang nagbubuklat ng libro.

"tsk!" naiiritang sabi nito at umalis.. Sinundan ko naman ito kasi bigla nalang ako iniwan. Naabutan ko ito at hinawakan sa braso.

"ano bang problema mo? May problema ka ba?" tumingin naman ito sakin at hindi ko mabasa ang mukha nito.

Hinila ko naman ito palabas ng bookstore at pumunta sa ice cream parlor. Pinaupo ko muna sya at ako ang pumili ng kakainin namin kahit hindi ko alam ang flavor na gusto nya.

"oh" abot ko dito ng ice cream at kinuha naman nito. Umupo ako sa tapat nito "ano ba talagang problema mo?" tanong ko dito habang nakain ng ice cream.

"tapatin mo nga ako.. Hays.." sabi nito sabay buntong hininga na naman sa harap ko at nilantakan nito ang ice cream na bigay ko sa kanya.

"may gusto ba sakin yung she? Kaya ba ganon nalang pangungulit mo sakin nung nakaraan?" seryosong tingin nito sakin.  Napatawa naman ako dito habang nakatingin sa kanya.

"huwag mo nga ako pagtawanan!" iritang sabi nito sakin. Kumuha ako ng tissue at dahan dahan na lumapit sa kanya habang nakangiti sa kanya. Nagulat naman ito sa ginawa ko at napansin ko na bigla itong namula. Hahaha.. Ang cute talaga nito!

"ang kalat mo kumain ng ice cream kapag galit!" at natatawa parin ako. Lalo naman itong namula sa harapan ko. "tsk! Wag mo nga ako pagtawanan.. Hindi talaga ako nakain ng ice cream" sabi nito sakin pero kinain ulit nito ang ice cream.. Tss.. Pabebe naman nito! Kakainin din naman.

"ahm.. Oo may gusto sya sayo since highschool pa. Manhid ko kasi!" nabigla naman ito sakin "oh.. Nabigla ka naman na gusto ka non?" dugtong ko pa dito at tinuon ang pagkain sa ice cream.

"hindi ko sya gusto!" hala.. Si koya.. Prangka! Napatingin naman ako at sinamaan ito ng tingin dito.

"tsk! Ang prangka mo talaga! Wag na wag kang ganyan sa harap ni bes ah! Sisipain talaga kita!" banta ko dito. Kasi naman feeling ko pag ganyan ang sinabi nya kay bes ay sobrang sakit ang mararamdaman nito. Bwisit talaga ito!

"ewan ko sayo! Ikaw ang manhid!" at umalis na ito ng seryoso ang mukha. Hinabol ko naman ito hanggang sa makarating kami sa parking lot na hindi parin naimik sakin kahit kinakausap ko ito.

Habang nasa byahe kami ay hindi ito natingin sakin at galit ang anyo pag nababanggit ko si bes dito. Ano bang ikinagagalit nito sakin?! Okay naman si bes ah.. Bakit ba ayaw nya? Ang arte naman kasi ng lalakeng ito!

Nakarating na kami ng bahay at pinagbuksan nya ako ng pinto habang seryoso parin ng makababa na ako ay  mabilis naman itong pumasok sa kotse nya at pinaharurot ang kotse papaalis.

At ako? Eto.. Naiwan na nakatulala sa ginawa ni harry. Never pa kasi itong nagalit ng sobra sakin.. Ngayon lang. Ganon ba talaga kaayaw nito kay bes at magkaganon sya sakin?! Kung ayaw nya di wag! Bwisit na yun!

Read. Vote. Comment! Thank you😘😘😘

次の章へ