Kai's Perspective
"I'll see you later." Ashley said when she get off my car.
I just nodded and started to drive. Late na ko sa usapan namin ni Shon. This is Ashley's fault, bakit ba kasi late siyang nagising tapos ang bagal pang kumilos. Babae nga naman.
Once I parked my car at the Comm Arts parking lot I went to the rooftop as fast as I could.
Nakita ko agad ang tropa na naghihintay sakin.
"Ang tagal mo naman." Reklamo ni Shon. Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo niya at inayos ang suot na cap.
"Hinatid pa yata niya yung girlfriend niyang tourism." Pangaasar ni Suho.
"Kailan ka ba makikipagbreak dun? Ayoko sa babaeng 'yun." Saad ni Kris habang inaayos yung palda niya.
"Ayaw mo sa kanya kasi mas maganda siya kaysa sayo." Pangaasar ni Suho kay Kris.
"Eww. Kahit mas maganda siya hindi naman ako mag mamakaawa para balikan ako ng ex ko." Kris roll his eyes.
Napailing na lang ako dahil sa asaran ng dalawang 'to. Lumapit ako kay Shon atsaka kinuha yung files na pinahanap ko sa kanya.
"Para saan ba 'to? Bakit mo pinapahanap yung taong 'to?" Tanong sakin ni Shon.
Sa mga kaibigan ko si Shon ang magaling maggather ng mga information, ganun yata talaga kapag may tatay na general at may kapatid na sundalo. Isa din sa mga skills niya ay magaling siya sa computer and he's the best editor in our group.
Si Suho, ang koryano sa grupo namin kung tatanungin niyo kung bulol ba siya my answer is no mabubulol pa ba yan eh 15 years ng buhay niyan dito na sa Pinas siya ang pinakamagaling mangasar sa grupo namin but kidding aside he's the best when it comes to camera. Alam niya kung saan ang best angle ng isang model or artist.
Kris is the only girl in our group and she's our best scriptwriter. Minsan lang siyang sumasali sa mga writing contest pero palagi namang nananalo yung entry niya. She also has a great fashion style kaya bukod sa siya ang scriptwriter namin siya din ang bahala sa mga costume ng mga artista namin.
Ako naman ang director.
"Hm, I just want to know if they are the same person or not."
"Well, madami siyang kapangalan kaya kinuha ko na lahat at ikaw na lang ang tumingin kung sino ba sa kanila yung hinahanap mo."
"Thank you."
Shon nod his head, I just smile and walked out of the rooftop.
After ng morning class may two hours kaming vacant before our next class.
"Saan tayo kakain ngayon?" Suho asked.
"Kayo kung saan niyo gusto." Sagot naman ni Shon habang pinapasok sa loob ng bag niya yung gamit niya.
"Dun tayo kumain sa HM depratment." suggestion ni Kris.
"Malayo yun dito, sa iba na lang tayo kumain." reklamo ni Suho.
"Ayaw mo dun Suho? Balita ko madaming magandang freshmen sa—"
"Tara na nagugutom na ko bilisan niyo." Pagputol ni Suho sa iba pang sasabihin ni Kris atsaka hinila si Kris palabas ng classroom.
Napailing na lang kaming dalawa ni Shon atsaka sinundan silang dalawa palabas. Pagdating talaga sa mga babae ang bilis nitong Suho na to.
Paglabas namin ng building sasakyan na lang ni Shon ang ginamit namin papunta sa building ng Hospitality Management.
Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ng mga to na kumain sa cafeteria ng ibang department hindi naman masama ang luto sa cafeteria namin pero mas pinipili nila sa ibang department.
As soon as we get off of Shon's car we went straight to the cafeteria. Everyone is looking at us wondering who we are and why are we eating here.
"I'll go find a seat."
They just nodded. I looked around and sit in the table not too far from the counter.
Nilabas ko yung phone ko na nasa bulsa ng pants ko at chineck yung mga messages ni Ashley. Napailing na lang ako sa mga text messages niya na puro pag rereklamo dahil hindi ko siya nire-replyan.
Kapag naiisip ko kung bakit ba ako pumayag makipagbalikan dito naiinis lang ako. Nag makaawa siya sa harap ko para lang makipagbalikan and ako naman 'tong si gago na pumayag sa gusto niya. To be honest I don't have a feelings for her anymore but when I saw that familiar face I put my arms on her shoulder and opened the car door for her. I must be crazy. Iniisip ko lang naman na kung siya nga yun for sure na mag babago ang ekspresyon ng mukha niya but I thinks that's not him he just gave me a straight face.
Hindi nga siguro siya yun.
Dumating na yung mga kaibigan ko dala dala yung lunch namin.
"Kris, umamin ka nga bakit ba dito mo gustong kumain ha?" Tanong ni Shon kay Kris.
Kris took a deep breath, "remember my little brother Kevin? Today is his first day and sasabay siya satin mag lunch."
"College na pala yung kapatid mo," Saad ni Suho atsaka sumubo ng pagkain niya.
"Uh-huh." Sagot ni Kris atsaka tumingin sa paligid.
Hinahanap niya siguro yung kapatid niya.
Nag simula na kaming kumain nang mag salita ulit si Kris.
"He's here na."
Sabay sabay kaming tumingin sa direksyon kung saan nakatingin si Kris at nakita namin ang kapatid niyang si Kevin na may daldalang tray pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay yung lalaking kasunod niya na may hawak ding tray.
Parehas silang huminto sa harap ng mesa namin.
"Ate, I brought a friend. Ayos lang ba?" Kevin asked.
Tumingin naman si Kris sa kasama ng kapatid niya at sunod sunod na tumango.
"Sure sure sure. Basta cute yung friend mo ayos lang."
Naupo si Kevin sa tabi ni Shon habang yung friend niya ay naupo sa tabi ni Kris.
"What's your name?" Kris asked him.
"Nate." Tipid niyang sagot.
Nabitawan ko yung tinidor na hawak ko at nahulog ito sa may plato ko kaya gumawa ito ng ingay na dahilan ng pag tingin nila sakin.
Agad na nag tama yung mata naming dalawa kitang kita ko kung paano siya magulat nang makita niya ako.
Agad akong umiwas ng tingin at nag simula na ulit kumain.
Now I'm sure na iisa lang sila pero kailangan ko pa ring makita yung files na binigay sakin ni Shon para mas makasigurado akong siya nga 'yun. Iba na ang itsura niya ngayon kaysa nuon.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko yung mukha niya.
"Kai, are you alright?"
Napatingin ako sa kay Suho na nasa harap ko at nakakunot ang nuo.
"Bakit ngiting ngiti ka diyan?" Tanong niya ulit sakin.
Shit masyado akong nadala sa mga naiisip ko.
"Baka naalala niya yung girlfriend niya." Saad ni Kris.
Agad ko naman siyang tiningnan ng masama. She just shruged her shoulder and continue eating her lunch.
Napatingin naman ako sa lalaking katabi niya na tahimik lang kumain. Wala siyang reaction.
I let out a deep breath. Baka nag bago na siya.
Bumalik na lang ako sa pagkain at hindi na pinansin ang mga kasama ko.
After naming kumain nauna nang nag paalam ang kapatid ni Kris kasama si Nate. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin bago siya umalis.
After a few minutes we decided to go back to our faculty and wait for our next class. Habang nag hihintay sa next class hindi ko maiwasang maisip siya.
Nuong una ko siyang makita na nasa may katapat na pinto hindi pa ako sigurado na siya yun dahil ibang iba ang itsura niya mula sa batang naka-brace, thick eye-glasses and a funny hair cut.
Totoy na totoy pa siya nun pero masasabi kong cute pa din siya.
Haist.
After class agad akong umuwi sa condo ko at inilabas yung envelope na binigay sakin ni Shon.
Tiningnan ko isa-isa yung mga files na may pangalang 'Nate'. Madami nga siyang kapangalan na nag aral sa parehong school. Napangiti ako nang makita ko na ang hinahanap ko.
"Nathaniel Tobias," I read his name. I immediately smile when I saw his pictures that attach to his files.
Inisa isa ko yung mga pictures niya, from his old looks until his current looks. Malaki nga ang ipinagbago niya.
Agad akong tumayo at nag punta sa may pinto. Iche-checked ko lang kung nakauwi na ba siya.
Pagbukas ko ng pinto sakto namang kakarating lang niya, lalabas na sana ako kaso may biglang umakbay sa kanyang lalaki. Teka sino yun?
Binuksan niya yung pinto at pumasok silang dalawa sa loob.
Teka teka! Sino yung lalaking 'yun? Bakit niya pinapasok yun?
Isinara ko yung pinto at sumandal dito. Hihintayin ko kung anong oras lalabas yung lalaking yun.
I looked at ny wrist watch. "Ten minutes na yung lalaking yun sa loob hindi pa ba siya lalabas?"
Lumabas na ko nang room ko at idinikit ang tenga ko sa may pinto. Susubukan kong mag eavesdrop baka may marinig ako. Lumipas ang ilang minuto pero wala akong marinig na ingay mula sa loob.
Ano kayang ginagawa nilang dalawa sa loob?
Natawa na lang sa sarili ko ng mapagtanto ko kung ano yung ginagawa ko, "Seryoso Kai? Nag seselos ka ba?"
Shit pati sarili ko kinakausap ko na.
Bumalik ako sa loob nang kwarto ko but this time hindi ko sinara ang pinto at naupo lang ako sa may gilid. Aabangan ko kung anong oras lalabas yung lalaki sa loob ng room niya.
Lumipas ang mahigit isang oras nang paghihintay ko nabuhayan ako ng marinig kong bumukas ang pinto dahan dahan akong sumilip sa labas.
"Babalik na ko sa room ko. Lock the door, okay?" The guy said and pat Nate's head.
He just smile at him, not just a smile but a sweet smile. Gusto ko din nung ngiti na 'yun!
Nag simula nang maglakad yung lalaki pa punta sa may elevator habang si Nate nakatingin lang sa papalayong lalaki. I decided na lumabas na at sumandal sa haba ng pinto habang naka-cross arms.
"What a coincidence." Saad ko.
Mukha namang nagulat siya ng marinig niya yung boses ko.
"Ha?" Tangi niya lang nasabi.
"Ikaw yung friend ni Kevin, right? Ikaw din yung nakasabay naming kumain kaninang lunch, tama ba?"
He nod his head.
"Aklain mo nga naman magkatapat lang yung room natin." Nakangiti kong sabi.
"Ha ha oo nga. S-sige g-goodnight." He gave me a half smile before he close the door. No, actually he slam the door.
I shooked my head as I close the door. I found myself smiling while walking towards my bed. I remember his face before ge slam the door. Kitang kita ko yung pamumula ng tenga niya and I find it cute thou.
Nate's Perspective
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. First, I saw Kai with his girlfriend, second I ate lunch with him and his friends salamat kay Kevin na classmate ko at unang una kong naka-close kung hindi dahil sa kanya at ng ate niya hindi ko siya makakasabay kumain thou kinakabahan at hindi ako makatingin sakanya dahil baka maalala niyang ako yung nag confess sakanya na ni-reject niya. And lastly kinausap niya ako! Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na ire-react ko kanina habang kinakausap niya ako ang bilis nang tibok ng puso ko but I tried my best to act normally but when he smiled at me I called it a defeat! Hindi ko na kinaya kaya bago pa mawalan ako ng malay nag paalam na ko.
Para akong baliw na kanina pa naka-ngiti habang nakatingin sa kisame. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako dahil sa paulit ulit na nag pa-flashback sa utak ko yung ngiti niya.
___
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sunod sunod na katok sa may pinto ko kaya kahit na antok pa at nakapikit ay nag lakad ako at binuksan ang pinto.
"Anong balak mo? Alam mo ba kung anong oras na?"
Kahit hindi ko na tingnan kung sino tong nasa harap ko ngayon alam ko na bukod sa boses niya ay naamoy ko na agad ang pabango niya.
"Oras pa para matulog." Sagot ko kahit na nakapikit pa.
"Seven o'clock na." Aniya at tinulak ako papasok sa loob.
"Pasok na sa cr at mag shower ka na bilisan mo." Dagdag niya.
Minulat ko ang mata ko at tumingin sa orasang nasa may side table ko. Agad na nanlaki ang mata ko ng makita kong alas syete na nga ng umaga. Tumakbo ako agad papasok sa loob ng cr at nagmadaling nag shower. Pagkalabas ko nakita ko ng cr nakita ko si Chen na nakasandal sa may pader at busy na naman sa cellphone niya.
"Napapansin ko latelt masyado kang busy diyan sa cellphone mo. Anong meron?" Tanong ko habang nag susuot ng uniform.
"I'm just checking on her social media accounts." Sagot niya.
"Checking or stalking?"
"Checking." Madiin niyang sabi.
"At bakit naman chine-check mo yung nga account niya, inaabangan mo ba kung break na sila?"
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Iba talaga kapag guilty.
"Bilisan mo na diyan nagugutom na ako."
Halata na sa boses niyang naasar siya dahil sa sinabi ko. Nag madali na kong mag suot ng sapatos kaya ng matapos na ako sa p pagsuot ng sapatos kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kami ni Chen.
"Ano ba yan hindi maayos yung kwelyo mo." Rinig kong sabi ni Chen.
Kaya after kong i-lock yung pinto lumapit siya sakin at sinimulang ayusin ang kwelyo ko.
"Heto na heton na palabas na nga ako eh."
Sabay kaming napalingon ni Chen sa lalaking nag salita na kakalabas lang sa katapat na kwarto at nang humarap siya tumingin siya sakin pagkatapos nilipat niya ang tingin niya kay Chen bago tumingin sa kamay ni Chen na nakahawak sa may kwelyo ko at muling binalik ang tingin kay Chen but this time masama na ang tingin niya kay Chen pagkatapos ay nag lakad na siya palayo samin.
"That's Kai, right?"
Tumango naman ako sa tanong ni Chen habang tinitingnan ang likod ni Kai.
"Bakit ang sama ng tingin niya sakin? May nagawa ba kong masama sa kanya?"
Tumingin naman ako sa mukha niya, "Ang panget mo daw kaya na badtrip siya," pang aasar ko sa kanya.
"Aba aba! Panget pala ha!" Inakbayan niya ako at inipit ang leeg ko gamit ang braso niya.
"Aray! Chen! Let me go, Chen!" Reklamo ko habang pinapalo ang kamay niya.
Imbis na alisin niya ang kamay niya ay tumawa lang siya at nag simula ng maglakad na ganun ang posisyon namin.