webnovel

Chapter 38.5

Chapter 38.5:

Abby's POV:

"WELCOME HOME ABBY!" Halos mapatalon ako nang salubungin ako ng mga kaibigan at kamag-anak ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay.

Si Joyce at Jackie ay may hawak na malaking tarpaulin kung saan naka-print ang napakalaki kong ulo pero sobrang liit na katawan, inedit siguro ng mga loka. Samantalang may hawak naman si Pau na banner na may nakasulat na "Welcome Home Ate!" In fairness, maganda ang penmanship ng kapatid ko. And the rest na narito sa bahay ay may bitbit na sa tingin ko ay mga regalo.

Isa-isa nila akong niyakap at binati sa aking pagbabalik. I'm touched.

"Wow naman po, salamat sa inyong lahat!" Masayang sabi ko at nagkunwaring natiteary-eyed ako. "Pero hindi ko naman po birthday para maging ganito kabongga to the point na may pa-cake at gifts pa kayong nalalaman." Natatawang sabi ko.

Nagsitawanan sila.

May nasabi ba akong mali?

Maging si Rigel na nasa tabi ko ay napahagikgik rin.

"Masyado kang assumera bakla, hindi naman kasi talaga para sa'yo 'tong handaan. Para 'to sa kambal ni kuya Rexie at ate Jes, nakalimutan mo na ba na ngayon ang third birthday nila?" Napamulagat ako dahil sa sinabi ni Jackie.

Napanguso tuloy ako bigla. Pahiya ako do'n ah, ayan kasi Abby, assume pa more!

"Ahhh gano'n ba." Natatawang sabi ko at saka napakamot sa batok.

"Oo nga anak, tutal ay sabay ang araw ng birthday nila at pag-discharge mo sa ospital ay naisipan namin ng kuya Rexie mo na pagsabayin na lang ang party. Tsaka huwag mong intindihin ang sinabi ni Jack dahil para sa inyo ng kambal ang party na ito, niloloko ka lang niya kaya huwag ka ng sumimangot." Nakangiting sabi ni papa saka ginulo ang buhok ko.

Dinilaan ko naman si Jackie bago siya irapan, inirapan niya rin ako pabalik saka kami sabay na tumawa.

Bago magsimula ang kainan ay nilapitan ko ang kambal na may suot na party hat.

"Tita Abby!" Sabay nilang sigaw bago ako niyakap.

"Oh hello there my babies! Happy birthday! Namiss niyo ba si tita?" Nanggigigil na sabi ko saka sila hinalikan sa pisngi. "Pasensya na ha, walang regalo ngayon si tita sa inyo kasi hindi ako nakapag-handa. But don't worry, ibibigay ko sa inyo these days ang gift niyo. Ano bang gusto niyo? Toys, clothes, foods, just name it at ibibigay ko." Oh my gosh, namiss kong iispoil ang mga pamangkin ko.

Pero umiling lang sila. 

"We don't need any of those tita. Ang dami na po sa bahay ng mga 'yon." Sabi ni Reiji habang nakanguso.

"Reiji's right tita. What we want is quality time with you because we missed playing with you." Pagsang-ayon naman ni Jierex.

"Aww, so sweet of you both. Oh sige, kapag pumayag ang daddy Rexie niyo ay magbobonding tayo nila ate Pau niyo. Okay ba 'yon para sa inyo?" Agad sumilay sa labi nila ang matatamis na ngiti at saka nila ako hinalikan sa magkabilang pisngi. Nakuuu! Ang cucute talaga ng mga batang 'to, huwag na lang kaya ako mag-asawa at manganak tapos ampunin ko na lang sila sa mga magulang nila. 

Charot! Makatikim pa ako ng batok mula sa magaling nilang tatay. Tsaka sayang naman ang maganda kong genes kung hindi ko maipapalaganap. Charot ulit!

"Enjoying the food?" Tanong ni Rigel nang malapitan ako. Oo nga pala, nandito pala ang lokong 'to. Talagang kinacareer niya ang sinabi niyang babantayan niya ako hanggang sa gumaling ako.

"Syempre naman, ngayon na lang ulit ako nakatikim ng totoong pagkain. Hindi ko kasi bet ang mga pinapakain sa akin sa ospital kaya susulitin ko na ang pagkain ngayon habang maraming pagkain. Eh ikaw? Ba't hindi ka kumakain?"

Magaling naman na ako actually, yun nga lang ay hindi pa ako pwedeng gumawa ng mga mabibigat na bagay. Kaya itong si Rigel ay nag-insist maging personal assistant ko daw. Ayaw ko nga eh kasi baka nakakaabala ako sa kaniya pero mapilit siya edi hinayaan ko na lang. Huwag niya lang akong masumbatan pagdating ng araw dahil hindi ko naman hiningi sa kaniya na bantayan ako.

"I'm still full. Tsaka makita lang kitang kumakain ay busog na rin ako."

"Ano ka, nanay ko? Nanay Rigel?" Natatawang tanong ko.

"You can call me whatever you want, pero mas bagay siguro kung tatawagin mo akong asawa-- OUCH!" 

"Ayan Rigel, sinisimulan mo nanaman ako. Kakalabas ko lang ng ospital jusko, tigil-tigilan mo ako sa mga ganiyan mo baka tuluyan ng mahiwalay 'yang ulo mo sa katawan mo." Banta ko sa kaniya. Mas malakas na ako ngayon kumpara nung mga nakaraang araw. Ang galing kasi ni Rigel mag-alaga-- CHAROT!

Behave lang kasi talaga ako sa ospital. Masunurin rin ako sa mga payo ng doktor, kaya sobrang saya ko lang ngayong araw dahil nakalabas na ako ng ospital. Pero kahit na nakauwi na ako ay kailangan ko pa ring mag-stay dito sa bahay for another two weeks para masiguro ang pagbalik ng lakas ko bago bumalik sa trabaho.

Dahil wala naman akong mapapala at sasakit lang ang ulo ko kapag si Rigel ang kausap ko ay mas minabuti ko na lang umalis at pumunta sa pwesto nila Jackie at Joyce.

Gaya ko ay todo lamon din ang dalawa sa mga pagkain, yung stress ata nila sa trabaho ang ginawa nilang inspirasyon sa paglamon kaya hindi na ako magtataka kung marami silang makakain.

"Oh bakla, akala ko ay nakalimutan mo na kami ni Joyce." Sabi ni Jackie habang nilalantakan ang shanghai na nakatusok sa hawak niyang tinidor.

"Pa'no mo naman nasabi?" Kinuha ko ang bagong shanghai na nasa tinidor niya at saka ito inisang subo. Ang sarap talaga ng shanghai kahit kailan!

"Kanina ka pa kasi palakad-lakad dito sa bahay pero ngayon mo lang kami pinuntahan." Ngumuso pa ito na parang nagtatampo.

Nag-peace sign ako sa kanila. "Sorry na, namiss ko lang mga kamag-anak ko kaya sila inuuna ko. Tsaka huwag kang eksena  bakla, alam ko namang gusto mo lang makipag-chismisan kaya ka nagkaka-ganiyan.

"Tumpak ka diyan girl!" Nag-thumbs up si Joyce habang hawak ang isang fried chicken. "Kanina pa atat na atat 'tong si Jackie na makibalita sa'yo."

"Huh? Balita? Tungkol naman saan?" Ako nga dapat yung makibalita sa kanila dahil ako yung matagal na hindi nakaapak sa outside world. Ano'ng chika naman kaya ang gustong marinig nitong si bakla?

Nilunok muna ni bakla ang kinakain niya tsaka uminom ng tubig bago magsalita.

"Kamusta ang status niyo ni fafa Rigel ha?" Kumindat-kindat pa ito habang mahinang sinusundot ang balikat ko. Inilayo ko ang balikat ko at tinignan ang kamay niya. "Walang mantika 'yan bakla. Bagong linis lang ng kuko ko kanina kaya hindi ako nagkakamay. Ayan tignan mo pa oh." Inilapit pa nito ang bagong linis daw niyang kuko sa pagmumukha ko to the point na halos maduling na ako sa sobrang lapit.

Sinampal ko ang kamay niya tsaka siya inirapan. "Anong status nanaman ba 'yang sinasabi mo? Ikaw talaga bakla, maissue ka nanaman."

"Oh? Wala pa akong sinasabi pero defensive ka agad? Ikaw bakla ha, nangangamoy fishy ka."

"Tigilan mo nga ako. We're friends okay? Tsaka siya ang halos nagbantay sa akin noong nasa ospital pa ako kaya I owe him one."

"Ouch naman girl, na-friend zone agad si Rigel. Pero ayos lang, tutal sa friendship naman nagsisimula ang lahat. 'Diba bakla?" Agad namang sumang-ayon dito si Jackie. Hays, pinagkakaisahan nanaman nila ako. Kahit kailan talaga, maissue 'tong dalawang 'to.

"Mga loka! Pero maiba ako, may napapansin akong kakaiba sa'yo Joyce." Kanina ko pa kasi siya tinitignan, alam kong may kakaiba sa kaniya pero hindi ko lang madetermine kung ano.

"Oh ako? Hindi ko pa ba nasasabi sa'yo girl?"

"Shunga bakla, hindi mo pa nasasabi kay Abby duh."

Tinaasan ko sila ng kilay at nagtataka akong tinignan silang dalawa.

"I'm three months pregnant girl."

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
次の章へ