Chapter 28.5:
Abby's POV:
"Hello there miss beautiful!" Napatingin ako sa isang lalaking nakatayo sa aking harapan. Nakapatong ang isang kamay nito sa lamesa habang nakapameywang.
Ibinaba ko ang hawak kong kubyertos at saka siya binati pabalik.
"Hi!" Ningitian ko siya.
"Are you alone?" Mukha bang may kasama ako?
"Well..." Nagkibit-balikat na lang ako, hindi ko gusto ang ngisi na nakaukit sa mga labi ng lalaking 'to. Gwapo siya, but it doesn't mean na ieentertain ko siya base sa ineexpect niyang mangyari.
"So you don't mind if I seat here?" Well, wala naman sigurong masama kung uupo lang siya.
"Yeah, sure." Matabang na sagot ko.
Uupo na sana siya sa upuan nang may biglang humila sa upuan. Oh my gosh!
"The f*ck bro?!" Angil ng lalaki matapos siyang mapaupo sa sahig. Ouch, ang sakit ata no'n.
"She's with me, and I'm not your bro, so f*ck off dude." Cool na sabi ni Rigel bago iusod ang upuan at siya mismo ang umupo dito.
Aamba sana ng suntok ang lalaki pero agad ding tumigil ang kaniyang kamao sa ere nang matalim siyang tinignan ni Rigel. Narealized niya atang wala ibabatbat ang payatot na tulad niya sa kagaya ni Rigel na may matipunong pangangatawan.
Bago ito maglakad papalayo ay pinakitaan niya muna ng dalawang middle finger si Rigel na nakatalikod sa kaniya habang nakatingin siya sa menu.
Unang tingin pa lang kay Rigel ay masasabi mong gym ang ikalawang bahay niya. Well, sakto lang ang hulma ng katawan niya, mala Jak Roberto ang katawan pero mas maganda ang hulma ng kay Rigel.
Wait, am I praising him?
Bago pa siya makahalatang pinagmamasdan ko siya ang agad na akong nagsalita.
"Umeksena ka nanaman." Mataray na sabi ko bago sumubo ulit ng pagkain.
"Of course, inaagawan niya ako ng upuan." Casual na sabi niya saka hinawi ang medyo mahabang curly at bouncy niyang buhok. Useless ang paghawi niya dahil bumalik din lang ito sa dating kinaroroonan ng mga nito sa kaniyang noo.
"At sino'ng nagsabi na sa'yo ang upuan? Wala namang nakalagay na pangalan mo diyan, so everyone can sit there sa ayaw at sa gusto ng kung sino man."
"You are with me so there's an automatically unspoken rule with that, na ako ang lang dapat ang uupo sa upuan na 'to."
Ang kapal talaga ng mukha nito.
Tinawag niya ang waiter at saka sinabi ang order niya. Hinintay ko munang makaalis ang waiter bago ako magsalita.
"Eh ano naman, pwede ka namang umupo sa ibang upuan maliban dito. Yes, you are with me, but it doesn't mean na sa lahat ng gagawin at pupuntahan ko magkasama tayo."
"You have the card, haven't you? That's for the both of us, so expect that you'll be with me and I'll be with you always in this three days of vacation."
Napairap na lang ako sa sinabi niya. Sa yaman niyang 'yan, umaasa pa rin siya dito sa card?
~
It was still early when we finished eating our breakfast, so we decided to take a very short hike to the cliffs that were nearby. Mabuti na lang ay nakapagdala ako ng hiking boots at gano'n rin si Rigel, kaya hindi na namin kailangang mag-avail sa shop.
"Rigel, mauna ka na lang muna, babalik ako sa hotel." I said on our way to the cliff.
"Why? Is there something wrong?"
"Wala naman, naiwan ko kasi yung camera ko. Sayang naman yung outfit ko kung hindi ako makakapag-picture 'diba." Nakangiwing sabi ko.
"Don't go back, I brought one for you here." Itinuro nito ang backpack na dala nito.
Lumiwanag ang mukha ko. "Talaga ba?"
"Yes, here." Inabot nito ang isang action camera. "Nagdala ako ng dalawa, tig-isa tayo. Kaya 'wag ka na bumalik, sayang ang time."
Tumango ako bilang sagot.
As we reached the cliff, the scenic outlook welcomed us.
Muntik ng liparin ang straw hat na suot ko, mabuti na lang ay nahawakan ito agad ni Rigel.
"Thanks."
With lush green vegetation and sparkling turquoise waters, makes Honokalani Beach very picturesque. Although its small, it provides a very large iconic image of Maui's rugged Hana coastline.
Kung kaya'y sa bawat magandang anggulo na makita namin ay matiyaga akong kinukuhanan ng litrato ni Rigel. Hindi ako nakakarinig ng reklamo sa kaniya kahit paulit-ulit ako sa pag-pose. Minsan ay iniinstruct niya pa ako kung paano ba dapat ang gagawin kong pose which really helped me to have a better angle. Maybe being with him here is not that bad at all.
After we get to the main overlook and see the black sand beach from above, we then took the stairs that will take us directly down to the black sand beach. Of course, Rigel took a photo of me as I walk on the stairs.
Dahil may mga kasabay kaming bumababa ay magkakasunod na limang shots lamang ang kinuhang litrato ko ni Rigel, ayaw naman naming makaantala sa ibang mga turista. Habang nirereview niya ang kinuhang litrato ay palihim akong kumuha ng selfie naming dalawa, or should I say doublefie dahil dalawa kami gamit ang action camera na pinahiram niya sa akin. Okay Abby, tama na 'yan masyado ka ng corny.
"Tara doon!" Masiglang pag-aaya ko kay Rigel nang marating namin ang ibaba ng hagdan, pero mukhang hindi niya narinig dahil may hindi pa ata siya tapos sa pagrereview ng pictures.
"Mamaya na 'yan, tara na doon oh sa cave!" Inagaw ko ang hawak niyang camera at saka siya hinila sa braso.
"Hey, give me that!" Tinangka niyang kunin pabalik ito pero syempre inilayo ko.
"Uh ah! Ako naman ang photographer this time, kanina mo pa ako kinukuhanan ng litrato. Baka isipin mo na maduga ako."
Napakamot ito ng batok "It's okay Abby, don't mind me. Basta mag-pose ka lang ng mag-pose."
"Oops, teka!" Tinangka niya ulit kunin ang camera mula sa akin pero agad ko itong inipit sa gitna ng legs ko, sa taas ng tuhod. "Sige ka, sisigaw ako ng rape kapag inagaw mo ulit ito."
"What the hell Abby?!" Hindi makapaniwalang sabi niya, uy line ko 'yan ah. "Aish, fine! What do you want me to do?" Frustrated na sabi niya.
"Kanina pa ako pose ng pose, nangangalay na ako kaya ikaw naman ngayon." Hinila ko ulit siya papasok ng cave na makikita agad pagkababa mo ng hagdan.
Nang makarating kami sa entrance ng kuweba ay pinag-pose ko muna siya para kuhanan ng litrato bago kami tuluyang pumasok dito.
"Ano ba 'yan, wala namang ka gana-gana 'yang pose mo, ang pangit. Nakatayo ka lang naman tapos nasa bulsa ang kamay." Which is the opposite. Sa simpleng pagtayo lamang ay nakaka-agaw pansin na siya ng mga tao sa paligid. Even with those bored expression on his face, he still managed to flaunt a good look. Well, ano pa ba ang ineexpect ko sa isang Rigel Petterson, he's a hollywood celebrity after all.
Bumuntong hininga ito. "Look Abby, I already told you na ikaw na lang ang kuhanan ko ng litrato."
"Heto naman, ang kill joy. Ikaw na nga kinukuhanan ng litrato eh." Pagsusungit ko. But deep inside ay hindi ako sa kaniya naiinis, kundi sa mga babaeng kulang na lang ay sunggaban siya. May mga nagtatangkang lumapit pero kapag nakikita ang matalim kong tingin sa kanila ay umaatras na sila.
Teka, why am I even doing this? Eh ano naman kung lapitan siya ng mga babae? As if I care.
"Tsaka puro na lang mukha ko ang nasa camera mo, baka ma-virus na 'to." Pabiro kong sabi.
Lumapit ito sa akin. "Okay fine. Then let's do this." Hinubad nito ang suot nitong backpack at isinukbit ito sa aking likuran.
"T-Teka, bakit mo sa akin binibigay 'tong bag?"
"Hindi ako makapag-pose masyado dahil nakasuot sa akin 'yan kaya sa'yo na muna." Kinindatan niya ako bago tumalikod at naglakad pabalik sa entrance.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.