webnovel

Chapter 19.0

Chapter 19:

Abby's POV:

"Hey, what's up?" Bati ko kay Jackie at Joyce as I entered the group video call.

"Ano ba 'yan girl, ang tagal mong mag-online. Kanina pa kami nagchichikahan dito ni bakla, nahuhuli ka na sa chismis."

"True bakla, ang dami na naming napag-usapan kakahintay sa'yo. Ang usapan kasi, 7:00 pm tayo mag-oonline which is sinunod namin ni baklang Joyce, pero ikaw jusko ano'ng petsa na bakla at hindi ka pa nag-oonline. Mag-aalas otso na po duh."

I chuckled as I see their grumpy faces in the monitor. 

"Sorry na mga bakla, medyo na-late kasi natapos ang meeting kanina kaya nagutom ako at dumiretso muna sa Mcdo para kumain." Habang sinasabi ko ito ay nagpapalit din ako ng damit pambahay. Hinayaan kong nakapatong lang sa kama ang laptop habang nakikipag-usap ako sa kanila. 

"Ahh kaya naman pala. Mas mahalaga ang pagkain sa Mcdo kaysa sa atin bakla. Habang tayo ay hindi pa kumakain, siya naman ay sarap na sarap sa Mcdo. Nasa'n ang hustisya?" Ani Joyce.

"Oo nga nakakainis ka Abby, porket may jowa ka lang-- ahh I mean kayo pala ni Joyce. Tumpak! Porket may jowa na kayo, madalas niyo na akong inaachupwera hmp!"

"Shunga, hindi naman kami puro lang landi ni Joyce, syempre may kanya-kanya na tayong trabaho na mas dapat natin pagtuuan ng pansin." Pagdedepensa ko. 

"Tama ka dyan girl." Pag-sang-ayon ni Joyce.

"Eh bakit ako? Kahit may trabaho, one call away lang ako pagdating sa inyo." 

"Edi magjowa ka na rin bakla! Jusko problema ba 'yon? Kaysa nanunumbat ka sa amin palagi na porket may jowa kami ganito ganiyan tapos sasabihin mo respeto naman sa mga single ganito ganiyan ka. Bakit kasalanan ba naming single ka ha? Kung sinagot mo na yung manliligaw mong si Cheska, edi may jowa ka na at hindi ka na bitter sa amin." Natawa ako sa sinabi ni Joyce. Totoo naman, kung bakit kasi parang kasalanan ng mga may jowa na walang jowa ang mga single. 

Itong mga single na 'to ang bibitter sa buhay! Ayos lang sana kung bitter ka dahil inagaw sa'yo ang jowa mo kaya single ka, pero jusmiyo, walang ginagawa sa'yo yung couple tapos pag-iinitan mo ng ulo? Nasa'n din ang hustisya do'n?

"Lalalalalalalalalala" Pakantang sabi ni Jackie nang nakatakip ang kamay sa tainga habang nagsasalita si Joyce. "Ew, bakla you're always saying bad words! Hindi ko bet si Cheska noh, ilang beses ko bang kailangag sabihin sa inyo na kahit siya na lang ang natirirang babae at ako na lang ang natirirang bakla sa mundo ay super imposibleng magkagusto ako sa babaeng 'yon duh."

"Talaga lang bakla ha." Napangisi ako sa sinabi ni Jackie. Hanggang kailan kaya 'to magiging denial?

"Oo nga kasi-- teka nga, pangisi-ngisi ka diyan eh ikaw nga tumataba oh."

"Oh really?" Sinipat ko naman ang katawan ko sa salamin.  

"Ha? Hindi naman ah, walang pagbabago."

"Shunga, tumataba ka bakla. 'Diba Joyce? Tignan mo yung katawan ni Abby."

"Mas shunga ka bakla, hindi naman siya tumataba, medyo nagkalaman lang." Ani Joyce habang nakatutok ang mukha niya sa screen na wari'y pinagmamasdan ako.

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin, pero hindi ko pa rin nakikita ang sinasabi nila na nagkakalaman ako. Wala naman pinagbago eh.

"Edi tumaba nga! Nagkalaman at tumaba ay parehas lang." 

"Hindi 'yon parehas, exagerated ang tumaba bakla. Naku, kung katabi lang kita kanina pa kita binatukan." Gigil na gigil na sabi ni Joyce kay Jackie. Here they go  again, para nanaman silang pusang nag-aagawan sa tinik ng isda.

"At kung katabi lang din kita ay kanina ko pa nakalbo ang kilay mo." Pagganti din ni Jackie.

"Haynako, inuumpisahan niyo nanaman. Tsaka kung ano man 'yan, tumaba man o nagkalaman, then it is indeed a good news right? Araw-araw akong naiistress pero hindi ako nangangayayat."

"Sabagay, totoo naman. Syempre alagang Nicholai eh, edi hindi ka mangangayayat kasi lagi kang nabubusog sa pagmamahal niya." Sambit ni Joyce.

"Ayiiiiiieeeeeee. Tumpak ka diyan bakla." Nagkunway nagturuan pa silang dalawa at saka sabay silang nag-ayieee ulit. Napairap na lang ako sa kawalan. Kanina ay para silang magsasabunutan, ngayon naman ay kulang na lang lumabas sila sa screen at magyakapan dahil nagkasundo sila sa iisang bagay. 

"Para kayong mga ewan talaga." Napailing na lang ako habang nakangiti. 

~

"Hey babe." Masayang bungad ko kay Nich sa kabilang linya. Kakatapos ko lang magshower matapos ang pakikipag-chikahan sa dalawa. Matutulog na sana ako nang biglang tumawag si Nich.

"How was your day babe? Kumain ka na ba?"  Tanong niya mula sa kabilang linya. His voice seems tired yet malambing.

"It was good. Late na akong nakauwi kanina kasi late na din natapos ang meeting sa kumpanya. Bago umuwi ay dumaan ako sa Mcdo at kumain. Tapos pagkarating ko dito sa bahay ay nakipag-kwentuhan ako kay Jackie at Joyce. How about you? You seem tired. Kumain ka na ba?"

"That's good to know. Ah yeah, I'm a bit tired as usual from the photoshoot. And hindi pa ako kumakain, kakain pa lang ako actually. Pero bago ako kumain ay naisip kita, kaya tinawagan kita para tanungin, baka kas hindi ka pa kumakain." How sweet of him.

"Ano ka ba babe, 'wag mo akong masyadong isipin. Ang intindihin mo ay ang health mo. Lagi ka na lang pagod sa photoshoot tapos late ka pang kumakain, anong oras na. Tapos babangon ka ulit mamayang madaling araw para mag-work out. Jusko babe pagpahingain mo naman sarili mo, nag-aalala ako." Masyado niyang pinapagod ang sarili niya, ni hindi na nga siya nakaka walo o 'di naman kaya ay kahit anim na oras lang na tulog. Madalas ay tatlo hanggag limang oras lang ang tulog niya.

"Don't worry babe, hindi ko naman pinapabayaan sarili ko." Hindi daw pinapabayaan sus. "Ahh by the way babe, speaking of pagpapahinga. Binigyan pala ako ng management ng semi-break."

"What? Semi-break? Ano 'yon?" 

"I'm going to Texas to relax, but with li'l bit modelling."

"Huh? Ano kaya 'yon? Pero gano'n ba, edi ayos lang kahit semi-relax at semi modelling. Atleast mas mahaba ang pahinga mo."

"Yes, may kikitain akong sister company ng management na naghahawak sa akin doon but once in a while lang ang photoshoot. I was recommended and luckily, pasado agad kaya nag-schedule na sila ng flight ko. Actually ay sa next week na 'yon." 

"Agad-agad? Grabe naman babe, ang bilis naman. Eh hanggang kailan ka do'n?" 

"I don't know, maybe a month or two? Depende pa babe eh."

Napasimangot ako. "Ano ba 'yan babe, ang layo na nga ng Texas tapos ang tagal mo pang mawawala." Ito ang magiging first time kong mawawalay sa kaniya ng matagal of ever. Damn, namimiss ko na siya agad kahiy hindi pa siya nakakaalis.

"That's why I wanna ask you to come with me."

Ano daw? "W-What babe?"

"Come to Texas with me babe."

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
次の章へ