webnovel

Chapter 17.0

Chapter 17:

Abby's POV:

"Oh heto, pakisuot itong earpiece para marinig ko kayo kahit nasa malayo ako." Sabay nilang isinuot ang binigay kong instrumento para makipag-communicate sa kanila. "Ayan, perfect! So alam niyo na ang plano. 'diba?"

"Yes boss!" Sabay nilang sabi atsaka sumaludo.

"Mga baliw haha. 'Wag niyo din kalimutang 'wag madistract if ever na may kakilala kayo na nakita ha, dapat focus lang. O siya, maiiwan na ako dito para makuhanan ko kayo ng video. Kaya niyo 'yan, go go go!"

Tumango sila at dumiretso na sa loob ng Watsons. Inayos ko ang pagkakalagay ng earpiece sa aking tenga at nag-focus sa pinag-uusapan ng magkapatid.

"Hala kuya, first time kong aarte, kaya buhatin mo ako ah. Ikaw ang inaasahan kong magbubuhat sa performance natin."

"Ano ka ba Cheska, 'wag kang praning. Tsaka tandaan mo, may talent fee tayo, kaya dapat ay galingan natin." That's the spirit Lark!

Gamit ang aking camera ay nakita kong nagpunta na sila sa banda ng mga make-up. Izinoom ko pa ang camera to get a better view.

"1, 2, 3, action!" Sabi ko, hudyat na simulan na nila ang performance nila.

"Hmm, fudgee bar, gusto ko nito." Pagsisimula ni Cheska atsaka may itinuro. Dafak?! Fudgee bar? Wala 'to sa napag-usapan ha. Hindi napag-usapan ang nickname.

"Alin diyan lava cake? Go on, pili ka lang at bibilhin ang kahit anong gusto mo" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang sabihin ni Lark ang lava cake. Like what the f**k?! Gustong-gusto kong bumulwak ng tawa pero nakakahiya naman, napakaraming tao sa paligid ko. Kaya mas pinili ko na lang na tumawa ng walang tunog, ang sakit nga sa tiyan eh.

Sa pagtawa ay hindi ko na napansin ang mga nangyari. Nakita ko na lang na kausap na pala nila si Jackie! Binggo!

"Meron ba kayong shade nito sir? Ito kasi yung gusto ng lava cake ko eh." Nakangiting tanong ni Lark kay Jackie na nakatayo ng matuwid pero nakataas ang kilay, samantalang si Cheska naman ay parang kamatis sa pula ang mukha. 

"Cheska focus!" Sabi ko, na siyang nagpabalik sa realidad kay Cheska.

"Wala po sir." Nakataas pa rin ang kilay ni Jackie. Kaloka ang bakla, customer 'yan uy, bakit mo tinatarayan. 

"Eh ito? I'm sure meron nito." Confident na tanong ulit ni Lark.

"I'm sorry sir, pero wala din po. Naubusan po kami ng stocks, better luck next time po." How rude bakla!

"Pa'no ba 'yan lava cake, wala daw silang shade na gusto mo." Malungkot na sabi ni Lark kay Cheska.

"Ayos lang fudgee bar, iba na lang ang pipiliin ko."

"Sige, punta tayo sa ibang store. Baka mayroon sila nung gusto mo."

"N-No!  I mean, itong brand na 'to ang gusto ko. Pipili na lang ako ng ibang shade na available." Binggo! Ganiyan nga Cheska, galingan mo pa.

Kita ko mula rito ang iritadong mukha ni bakla habang nag-uusap ang dalawa. Kulang na lang ay mangalmot. 

"No PDA please." Pagpaparinig ni bakla habang nakatingin sa ibang direksyon. Narinig naman ito ng dalawa, at saka sila umayos ng tayo.

Nagtagal pa sila doon sa store ni Jackie ng mga tatlumpung minuto bago sila makapili ng shade. Limang shade ng lipstick ang binili nila, na ayon sa sinabi ko sa kanila. Syempre, I gave them the money para pambili.

The whole time na naroon sila sa store ni Jackie ay hindi na bumaba ang kilay nito. Samahan pa ng fake smile na nakakairita.

Medyo sumakit naman ang likod ko dahil sa ginawa kong pag-oobserba sa kanila.

Mula sa malayo ay kita ko ang pagtawa ni Lark, habang si Cheska naman ay nakabusangot ang mukha. Halatang inaasar niya ang kapatid.

"So how is it?" Tanong ko habang hinihintay namin ang order naming pagkain.

It's already 11:30 a.m nang matapos ang pinapagawa ko sa magkapatid. Tutal lunch time naman ay inaya ko na silang kumain sa Mcdo. Mabuti na lang ay gusto rin nila ang kumain dito.

"Ayos na ayos ma'am! Ahh Abby pala haha." May pa-thumbs up na sabi ni Lark. 

"How about you Cheska? Kamusta ang pagiging actress?" 

"Hmp, nakakahiya na nakakainis." Nakabusangot pa rin siya hanggang ngayon at masama ang tingin sa kaniyang kapatid.

"Bakit naman? May nangyari bang hindi mo nagustuhan?" Medyo natawa pa ako dahil hindi talaga maipinta ang mukha ni Cheska. 

"Kasi naman, nando'n si Jack. Eh hindi ko ready. Gusto ko man siyang lapitan kaso ayaw ko namang masira ang plano. Tapos itong si kuya, masyadong ginalingan! Syempre ang alam ni Jack may jowa ako, pa'no na lang kung magselos siya?"

"Ayos ka lang kapatid? Eh ilang beses ka na ngang pinagtulakan ng baklang 'yon. Bakit ba kasi habol ng habol do'n eh ka-uri din niya ang gusto. Gising rin sa katotohanan kapatid. Tsaka ayaw mo no'n, since nakita niya na may jowa ka, iisipin niyang hindi siya kawalan. Para mong pinatunayan na madali lang siyang palitan."

"Pero hindi naman totoo 'yon, hindi pa nga ako nakaka-move on sa kaniya, tapos ipagpapalit ko na siya agad? Kahit naman gano'n siya na lagi ang pinagtutulakan, sobrang bait nung taong 'yon. Tsaka malay natin, balang araw eh naging mutual ang feelings 'diba?" Napahilamos na lang ng mukha si Lark. He must be so frustrated. Well, kung para sa akin naman ay suportado ko si Cheska.  Fight lang ng fight!

"Heto iced coffee, para naman lumamig ang ulo mo at magising ka sa katotohanang lalaki rin ang gusto ni Jack." Dumating na pala ang order namin. As usual, nag-order ako ng Blueberry float, samantalang iced coffee naman sa magkapatid for their drinks. 

"Abby, ba't nga pala happy meal ang inorder mo? Mahilig ka ba sa laruan?" Medyo nahihiyang tanong ni Cheska.

"Oh this? Para 'to kay Pau, yung nakakabata kong kapatid. I bet nakita niyo na siya kasi pumupunta siya sa office minsan."

"Ahh oo nga pala, yung kapatid mong babae. Teka, mahilig siya sa laruan?"

"Yep. Actually, nangongolekta siya ng laruan mula sa Happy Meal. Kaya happy meal na ang madalas kong inoorder kapag kumakain ako dito para may maibigay ako sa kaniyang laruan."

"Wow naman Abby, napaka-thoughtful mong ate.  Sana all ng kapatid thoughtful." Pagpaparinig ni Cheska, maybe sa kuya niya? 

"Hoy Cheska, ang kapal mo naman. So pinapalabas mong hindi ako thoughtful na kuya?"

"Ikaw ang nagsabi niyan..." Itinuloy na niya ang pagkain. Habang nabaliktad naman ag sitwasyon ngayon. Kanina ay si Cheska ang mainit ang ulo, samantalang si Lark naman ata ngayon. Para din palang aso't pusa ang dalawang 'to. Well, nature na ata ng magkapatid ang mag- bangayan ng madalas.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
次の章へ