webnovel

Chapter 39

CHAPTER 39

--JACOB:

Fck! Sht! Nasaan ka na Alexa? Kainis naman oh.

Ilang beses ko ng tinatawagan phone ni Alexa pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya makontak. Out of reach. Leche!

Kasalanan ko ito eh! Kung hindi lang sana ahhhhhhh! Nakakafrustrate naman oh.

Nasaan ka na ba Alexa?! Magpakita ka naman na oh! Nag-aalala na ako sa'yo.

"Itigil mo nga iyang kaka-ikot mo Jacob! Ako ang nahihilo sa'yo eh." Sabi ng dakilang si Anthony. Yes magkasama kami ni Anthony ngayon. Sinabi ko sa kanya lahat-lahat ng nangyayari.

Magmula ng umalis si Alexa sa Pangasinan, hindi ko siya sinundan kasi alam kong gusto niya ng space. Kaya nag-stay muna ako sa Pangasinan at inayos ang aberyang dinulot ng mga lalaking sumugod sa subdivision.

Pero mali pala ang desisyon ko na huwag siyang sundan kasi a week later, tumawag sa akin si Anthony na bigla na lang daw umalis ng bahay si Alexa nang hindi nagpapaalam. So I decided to go home at agad akong pumunta dito. And hanggang ngayon, hindi pa rin siya umuuwi.

Limang araw na namin siyang hindi makontak. Sabi ni Anthony isang backpack lang daw ang dala ni Alexa nung umalis siya kaya ang akala niya, may pupuntahan lang si Alexa. Hindi din daw kasi nagpaalam si Alexa kung saang lupalop ng mundo siya pupunta.

Then an idea popped up in my mind. Maaari kayang... sht! Then I need to call Buzzer for this.

Lumabas muna ako sa bahay ni Alexa para tawagan si Buzzer na agad din naman niyang sinagot.

"Hello buzzer."

"Oh, alam mo na ba kung nasaan si Azh?" Sagot naman ni Buzzer sa kabilang linya.

''Paano mo alam na..''

"Apo, hindi ako magiging si Buzzer kung hindi ko alam nangyayari sa paligid ko."

"Psh. Oo na po Lolo. So may alam ka bang paraan para mahanap si Alexa?" Desperado na talaga ako.

"Meron na."

"Talaga?" Medyo lumiwanang ang mukha ko sa sinabi niya.

"Pero hindi ko sasabihin sa'yo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya napunta sa sitwasyo na iyon kaya dapat ikaw rin ang lumutas."

"What?! Are you insane? Hindi namin alam kung nasaan si Alexa at ikaw ang nakakalaam. Tapos 'di mo sasabihin?! Nahihibang ka na ba Buzzer? Akala ko ba ikaw si Buzzer na matino! Pero parang hindi naman kasi hinahayaan mong may mapahamak na ibang tao."

"Dahan-dahan ka sa pananalita mo. Ako pa rin ang lolo mo."

"At ako ang apo mo! For petesake! Simpleng kahilingan ko lang hindi mo pa mapagbigyan." Galit na talaga ako ngayon.

"Gusto ko lang na matuto ka ng lesson apo."

"Nasa kapahamakan si Azh tapos lesson pa rin ang inaatupag mo noh! I don't understand you."

"You'll thank me for this apo, soon."

"Ano'ng—toooot.toooot." Nyeta binabaan ako ng lolo ko ng tawag. Waw.

Ngayon, 'di ko na alam kung ano'ng gagawin ko. Arrgghh. Kasalanan ko talaga ito eh!

Nagsayang lang ako ng load para tawagan si Buzzer pero wala din lang akong napala.

Umasa nanaman ako.

I'm gonna thank him soon? Ano kaya yun?! Nahihibang na talaga siya. Magtha-thank you ako sa kanya kasi napahamak si Alexa? No way.

Tinapon ko sa couch ang phone ko at ibinagsak ang katawan ko sa couch.

Aiisssh! Nakaka-stress! Stress na stress na nga ako dahil sa pagiging gwapo ko tapos heto nanaman. Haysss.

"Oh ano? Alam mo na ba kung nasaan si Alexa?" Tanong ko kay Anthony na hanggang ngayon ay busy parin sa pagpindot sa laptop niya habang ngingiti-ngiti.

Tinignan ko kung anong ginagawa niya sa laptop niya at yung isang kamay ko bigla na lang naglanding sa ulo niya.

"Tol! What the eff is your problem?! At bigla bigla ka na lang namamatok?!" Gulat na sabi niya habang hinihimas himas ang parte kung saan ko siya binatukan.

"Kingina mo naman tol, ako nga hindi na mapakali sa pag-aalala kay Alexa pero ikaw pachill-chill ka lang diyan habang busy ka na ka-chat si Aira. At nag-aasaran pa talaga kayo. Samantalang si Alexa hindi natin alam kung nasaan siya at kung anong kalagayan niya!"

"Kaya nga, hindi natin alam kung saan siya o kung anong lagay niya. At kung sakaling nasa kapahamakan siya, edi wow. Hindi naman siya magiging si Azhrect kung hindi niya alam protektahan sarili niya."

"Wow! Anthony! Wow! I can't believe you. Ikaw nga tumawag sa akin para papuntahin dito kasi sabi mo na hindi pa umuuwi si Alexa tapos ikaw pa ngayon ang relax na relax diyan!" Sa sobrang sakit ng ulo ko dahil kay Anthony, lumabas na lang ako ng bahay ni Alexa at umuwi. Baka masapak ko pa siya ng wala sa oras.

Pwes, kung wala silang paki kay Alexa, ako mismo ang hahanap ng paraan at hahanapin ko siya.

Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Dalawang oras na ako sa bahay pero wala pa ring pumapasok sa isip ko kung paano hahanapin si Alexa. Hindi naman pwede sa pulis kasi unang-una, ayaw ni Alexa sa pulis, yun ang sabi niya sa akin dati. Pangalawa, ayokong humingi ng tulong sa mga pulis kasi baka may kinalaman sa gang ang mga nangyayari at ayaw kong ipahamak ang pangalan ng lolo ko.

Kaya kahit labag sa kalooban ko, bumalik ako sa bahay ni Alexa at naabutan si Anthony na nakaharap parin sa laptop niya. Talagang pinaninindigan niya ang pagrerelax niya. -_-

Nang mapansin niya ang presensya ko, ay nilingon naman niya ako sabay alok ng kinakain niyang pizza.

"Gusto mo?" Slok niya sa akin sabay tapat sa mukha ko ng pizza na sa tingin ko ay siya ang gumawa.

Sa nakikita ko, masarap ang pizza kasi maging siya ang sarap na sarap siya. Ang lalaki ng kagat eh. Ano pa bang aasahan ko sa isang magaling chef?

Pero kahit anong sarap pa ng pizza niya, tinanggihan ko ang alok niya. Wala ako sa mood kumain hangga't hindi ko alam kung nasaan si Alexa at kung anong kalagayan niya.

"Sa'yo na lang 'yang pizza mo. Alam ko namang kulang mo pa 'yan." Sabi ko sa kanya sabay layo ng pizza na nakatapat sa mukha ko. saka ako tumayo at tumungo sa kusina para kumuha ng beer in can para naman lumamig ng kaunti ang ulo ko at makapag isip ako ng maayos. Kasi hangga't mainit ang ulo ko, hindi magfufunction ang utak ko.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
次の章へ