webnovel

Chapter 37

CHAPTER 37

--ALEX:

"Bebs, ako na magdrive ha, alam mo naman hehe gusto ko pang mabuhay." Nakangiting salubong sa akin ni Anthony pagkababa ko sa sala.

"Okay." Maikling sagot ko sabay bato sa kanya ng susi na siya namang nasalo aga. Wala akong gana ngayong makipagtalo sa kanya kaya pagbibigyan ko na siya.

Two days had passed nang umuwi ako sa Manila pero heto ako ngayon, babalik na ulit sa school. Alam ko kasing madaming naghihintay sa akin na trabaho. Gusto kong maka-cope up sa mga na missed kong lessons sa isang buwan na pagkawala ko sa school. Isa pa, namiss ko rin ang school life.

Pagkababa namin ni bebs sa kotse, nagbulungan agad ang mga estudyante sa paligid but I don't even care. May mga bumabati sa amin pero mas pinili kong hindi sila pansinin dahil wala talaga ako sa mood makipag-usap sa mga tao ngayon.

Nagpaalam na kami sa isat-isa ni bebs kasi magkabilaang way ang dadaanan namin kaya naman ako na lang mag-isa ang naglalakad.

Natigilan naman ako nang may humarang sa dinaraanan ko , at syempre, may mata ako kaya tinignan ko yung epal na humarang sa akin "So, nagbabalik na pala ang COLD SNOW ng Miles University huh. Isang buwan ka ding nawala at wala ni isa sa mga estudyante't faculty ang nakakaalam kung saang lupalop ng mundo ka nagsuot last month at parehas pa kayo ni Mr. hot na wala, so we wonder why are you both suddenly became missing in action? At eto pa, alam mo ba na mas naging masaya ang MU nang mawala ka? Kasi wala ang kinakatakutan ng halos lahat ng estudyante—"

"Alam mo Ms. whoever you are, can you please shut you filthy fckn mouth? I'm not asking your opinion so please, shut up if you still want to live." Cold na pagputol ko sa sinasabi niya at nilagpasan ko siya. Aba kakarating ko pa lang sa school tapos bubungangaan lang ako ng isang tulad niya. If tama ang pagkaka-alala ko, isa siya sa mga famous na estudyante sa MU, madami ring nanliligaw sa kanya kasi maganda siya at mayaman. But the heck I care anyway?

Narinig ko ang malakas ng sabi niya ng 'How dare you!' na sa tingin ko ay nakaduro ang hintuturo niya sa akin. Ramdam ko 'yon kahit na nakatalikod ako.

Mas pinili kong hindi na lang siya lingunin kasi wala naman akong mapapala kapag pinatulan ko ang isang tulad niya. Alam kong isa lang siya sa mga nagtatapang-tapangan na kalabanin ako. Why? Because they think na kapag kinalaban nila ako, mas lalo silang magiging popular kasi sabi nga ng iba, famous ako pero I'm not really sure about that.

Ganyan ang mga famewhore, makikisama sila sa mga famous na tao dahil sa tingin nila, na kapag nakasama nila ang isang sikat na tao, sisikat rin sila. At gaya nung kanina, minsan kinakalaban ng mga famewhore ang mga famous kasi ang akala din nila na kapag natalo nila ang taong 'yon, mas aangat ang popularity nila. Akala nila ikaaangat nila ang ginagawa nila. Mas nagmumukha silang tanga. Ano pa ba ang aasahan ko sa mga famewhore? tss.

Alam ko na ang galawan ng mga famewhore ngayon.

"PREEEENNNN!" Isang matinis na boses ang umalingawngaw sa corridor. Yeah, sino pa nga ba? Edi ang napakagaling kong bestfriend na si Aira.

"Oh?" Tanong ko sa kanya, matapos niyang yumapos sa akin. Haisst, kahit kailan talaga, mukha siyang linta.

"Hmp! 'Di mo man lang ba ako namiss pren?" Nakapout na sabi niya.

"Ba't naman kita mamimiss?" At mas lalo naman siyang sumimangot.

"Syempre, ang ganda ko kaya dapat lang na mamiss mo ako hehe." Sabay pacute niya. -_-

"Ano'ng konek?" Tanong ko habang nakatutok pa rin sa daan ang tingin ko.

"Pren, ano'ng konek? Talagang tinatanong mo pa kung ano'ng konek? Try mo kayang ikonek sa wifi pren." Pilosopo. -_-

"Tsk."

Pagdating namin sa classroom, binati rin ako ng mga kaklase ko pero hindi kagaya ng nasa labas na bulungan or mga bash ang pinagsasabi. Binati ako ng mga kaklase ko ng nakangiti at walang bahid ng kaplastikan. Kaya ningitian ko rin sila.

Sabi nila namiss raw nila ako mas lalo na daw yung cold aura ko na siya namang ikinatawa kao. Akalain mo nga namang namiss din pala ni ang aura ko haha. Akala ko lahat ng estudyante sa school gustong-gusto akong mawala sa school kasi natatakot sila sa akin. I'm happy na may mga tao pa rin na hindi makitid ang utak at totoong may care sila sa akin. Ang sarap lang sa feeling.

Feeling ko tuloy nabawasan ang pagka-bad mood ko ngayong araw.

Sabi ng mga professor ko na hindi ko na kailangang gawin ang lahat ng activities na ginawa namin sa school kasi napakarami no'n. And pumayag naman ako kasi alangan namang tanggihan ko? Edi mababangag ako sa sobrang dami kong gagawin.

Sinabi din nila na kailangan ko na lang mag-take ng exam bilang kapalit sa mga activities na na-missed ko. Tinanong nila ako kung kailan ko gustong magtake kaya sinabi kong ngayong araw na rin ako mismo magtatake ng exam .

Nag-aalangan pa sila na bigyan ako ng test kasi daw napakaraming lesson ang na-missed ko at sinabi ko pang sa lahat ng subject ay mag-eexam ako kaya naman nag-aalala sila kung masasagutan ko ba lahat ng subjects ko in just a day.

At dahil sinabi kong kakayanin ko, binigay nila sa akin ang kailangan kong test paper.

Hindi rin naman ako masyadong nahirapan kasi nakapagreview naman ako kagabi kaya easy na lang para sa akin ang exam. Stock knowledge sabi nga nila. May mga questions na hindi rin ako sigurado sa sagot ko kasi 'di ko maalala kung nareview ko ba 'yon o hindi.

Alam kong hindi ko naperfect ang exam kasi hindi naman ako genius at hindi ito gano'n kadali. Pero masasabi kong makakapasa ako kasi marami rin akong nasagutan sa test paper. Hindi naman ako naghahangad ng perfect score, makapasa lang ako at walang bagsak sa grades ko, okay na ako.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
次の章へ