webnovel

Chapter 27

CHAPTER 27

--ALEX:

"Siya ba iyang nasa likod mo ate?"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ng bata.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Ngumuso naman siya sa likod ko kaya tumingin din ako sa likod ko.

Then pagharap ko bigla na lang akong tumakbo at niyakap ng mahigpit yung taong dahilan ng pag-aalala ko.

Pagkayakap ko sa kanya, bigla ko nanamang naamoy ang mabango niyang pabango.

I feel some electricity nang maramdaman kong niyakap niya din ako pabalik.

Kanina, noong nawawala siya, akala ko iniwan na niya ako. Akala ko ayaw na niya ako kasama. Akala ko galit siya sa akin kasi hindi ko siya pinapansin. Kaya natakot na lang ako bigla.

This feeling is so strange because this is the very first time na nag-alala ako ng ganito sa taong hindi ko naman kaano-ano at hindi ko pa kaclose. Idagdag pa na kaaway ko siya. Tsaka kung nag-aalala naman ako sa mga malalapit sa akin ay 'di ko nararamdaman itong nararamdaman ko ngayon, yun bang maiiyak ako sa pag-aalala. Kadalasan kasi kalmado lang ako.

Then suddenly, bigla ko na lang naramdaman na basa ang shirt ni unggoy.

"T-teka, ano'ng nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni unggoy sa akin.

He cupped my face and wiped away the tears in my face.

Napaiwas naman ako ng tingin kasi feeling ko ang pula na ng mukha ko dahil sa ginawa niya. Nakakainis ba't ako nagkakaganito? I hate this feeling. >_<

"Ano'ng meron?" Tanong unggoy sa akin.

"W-wala, kasi hinabol ako ng aso kanina, akala ko kakagatin ako kaya naiyak na lang ako bigla." Yeah, I lied. Alangan namang sabihin ko na ang layo ng nilakad ko para lang hanapin siya. Tapos gutom na gutom pa ako kasi gabi na rin.

"Hahahahahahahahahahahahha!" Nagulat naman ako nang bigla na lang siyang humagalpak sa tawa

"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya habang sumisinghot singhot pa.

"Ha-ha t-teka lang ha, tatawa l-lang ako sandali 'd-di ko kasi m-mapigilan eh hahahah." At humagalpak nanaman siya ng tawa. -_-

Ilang minuto ko din siyang pinanuod na humagalpak sa tawa. Then nung nahimasmasan naman siya, tumigil na siya at nagpupunas ng luha dulot ng sobrang pagtawa niya.

"Oh tapos ka na ba tumawa?"

"Ah oo, haha. Grabe dami kong tawa mga bente hahaha." At tumawa nanaman siya.

Nung napansin niyang pinupukulan ko na siya ng cold na tingin ko, bigla naman siyang huminto sa pagtawa.

"Anong nakakatawa?" Naiinis at seryoso kong tanong sa kanya.

Matapos niya akong pag-alalahanin at pagudin kakahanap sa kaniya, tatawanan niya lang ako? Wow lang.

"Seriously Alexa? Dahil lang sa hinabol ka ng aso eh naiyak ka na? Nasaan na yung Alexa na nakilala kong matapang? Yung ang cool tignan kahit na nakakatakot ang mga tingin niya?" Tanong niya.

Napangiti naman ako sa loob-looban ko sa sinabi niya. Akalain mo nga namang sinabihan niya ako ng cool haha.

"Hindi naman kasi sa lahat ng oras matapang ako." Malungkot na sabi ko.

Yeah, lahat naman siguro tayo kahit ano'ng tapang natin ay meron at meron pa rin yung time na panghihinahan tayo ng loob kaya minsan maiiyak na lang tayo bigla.

Hindi naman kasi natin mapipigilan minsan ang pag-iyak. Kasi kung gusto talaga ng luha na natin na lumabas mula sa mata natin, kahit anong gawin nating effort na pigilan ito, tutulo at tutulo ito.

"Grabe, sa aso mo nga na si Sky na nakakatakot talaga eh hindi ka takot."

"Ibang usapan naman kasi si Sky."

"Sige bahala na diyan. Ganito na lang, may alam akong paraan para mawala na yang dinadala mo sa loob mo." Sabi niya sabay akbay sa akin.

"By the way, kanina ka pa ba diyan sa likod ko?"

"Ahh, oo kanina pa ako dito, hinihintay ka. Kasi noong bumibili ako ng barbeque, bigla ka na lang nawala kaya ang alam ko, pinagpatuloy mo ang paghahanap mo and hinintay na lang kita sa tindahan ng barbeque hanggang sa nakita kita na may kausap na bata then yun niyakap mo na ako at--" Pinutol ko na ang sasabihin niya kasi baka kung saan nanaman mapunta ang usapan.

"Ahh, gano'n ba." Sabi ko pero sa loob-looban ko, naiinis ako kasi habang ako naghahanap sa kanya, eh siya naman nakaupo lang habang hinihintay ako.

Kung nagpaalam sana siya sa akin na may bibilihin siya edi hindi na ako nag-alala at hindi na ako napagod.

Pero pabayaan na, past is past. Move on ako.

"Wait lang yung bata." Sabay tanggal ko ng kamay niya sa balikat ko at tumingin sa kinaroroonan ng bata kanina.

Sad to say wala na 'yong bata. Gusto ko pa sanang magpasalamat kasi nakalimutan ko siyang pasalamatan kanina.

Then umuwi na lang kami. Nalaman ko rin palang paikot ikot lang ako sa bayan. Sabi ni unggoy hindi daw ako umalis kung saan niya ako iniwan kanina. Eh anlayo kaya ng nilakad ko. Basta ayun, hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Siguro nga paikot-ikot lang ako nang hindi ko napapansin dahil sa pag-aalala sa kanya.

Pagdating namin sa bahay, dumeretso agad ako sa kusina at kumuha ng maiinom sa ref.

Bigla namang kumalam ang sikmura ko nang makaamoy ako ng pagkain.

Pagkatingin ko sa lamesa, may mga barbeque.

"Teka, saan mo yan nakuha?" Tanong ko kay unggoy.

"Ahh, dala ko dito pauwi, bakit?" Dala niya iyon? Ba't hindi ko napansin? Gano'n ba ako ka occupied at hindi ko napansin na dala niya iyon?

"W-wala" Sagot ko.

"Binili ko ito kanina noong may nadaanan akong nagbabarbeque a daan. Sige upo ka muna diyan sa lamesa kasi ipapainit ko lang ito ha?" Tumango na lang ako bilang sagot at umupo na ako sa lamesa.

Nang matapos na niyang magpainit ng barbeque, nagtaka naman ako at lumabas siya ng bahay dala-dala ang barbeque kasama ang mga drinks.

At dahil curious ako, lumabas na lang din ako ng bahay.

Nakita ko sa sa bakuran na naglalatag ng kumot at nilagay doon ang barbeque at drinks. Nakita kong tinawag niya ako kaya pumunta naman ako sa kinaroroonan niya.

Buti na lang at maliwanag dito sa bakuran kahit na gabi na. Idagdag pa ang ilaw na nakaset talaga para sa bakuran.

Kaya kahit papaano, makikita ko pa naman si unggoy at yung kakainin namin.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
次の章へ