webnovel

Chapter 16

CHAPTER 16

--ALEX:

"dingdongdingdongdingdongdingdong"

Timecheck: 1:32 a.m

Arrrggghhhh ano nanamang kailangan ng unggoy na yun? Psh panira ng tulog. =_=

Pa'no ba naman kasi magtwo-two weeks na akong halos walang tulog dahil sa letseng unggoy na 'yon .

'Diba nga may usapan kami ni kuya na 24/7 na magseservice ako kay unggoy na kahit saan siya magpunta, ipagddrive ko siya.

Eh nakakaasar lang kasi kung kailan niya gusto na ipagdrive ko siya dapat pagdrive ko talaga siya.

Tapos ang malala pa, ang lalayo pa ng pinupuntahan namin. Minsan kailangan ng 3 hours na biyahe bago makarating sa gusto niyang puntahan tsk.

Eto pa, minsan kapag nagbabar ako, bigla siyang susulpot tapos sasabihing ipagdrive ko siya then sa ibang bar din pala ang pupuntahan namin grrr. Pag sinabi kong bar, hindi gano'n sa iniisip niyo. What I mean is Resto bar siya kaya pwede kaming makapasok na mga minors.

Inaabuso niya ang pasensya ko kaasar lang.

Minsan gusto ko siyang bugbugin ng todo eh kaso naiisip ko si kuya argghh.

Bumaba na ako habang nakapikit pa ang isang mata ko sa sobrang antok.

And thank God, nakalabas ako ng bahay nang 'di dumadapo sa lupa ang mukha ko.

At pagbukas ko ng gate, sisigawan ko na sana si unggoy kaso...

Walang unggoy na nakatayo sa gate ko, kundi isang envelope na kulay gold.

Pumasok ako sa bahay then nilagay ko ang envelope sa side table sabay bagsak ng katawan ko sa kama kasi naman sobrang antok na talaga ako and thanks na din kay unggoy dahil 'di niya ako inostorbo sa pagtulog ko ngayon hayyysss. Zzzzzzzzzzzzzz.

-

Pagkagising ko, nag-inat muna ako ng katawan ko, to the left, to the right then diretso sa cr at gawin ang aking morning rituals hihi.

Maganda ang gising ko ngayon kasi 'di ako inistorbo ni unggoy sa pagtulog eh. ^_^

Pagdating ko sa kusina, nakita kong nagluluto si bebs ng almusal.

Syempre, may deal kami, dahil dito siya tumitira sa bahay ko, siya ang tagaluto ng pagkain.

In short, hindi ako magluluto hangga't nandito siya huahua.

Ngayon ang simula ng one week vacation namin kasi kakatapos lang ng first semester examination.

Yeah, kada pagkatapos ng semestral examination, merong one week vacation para naman makapag-relax ng konti ang mga estudyante kaya hayahay ang buhay huahua.

Himala ring hindi badtrip si bebs ngayon kasi I know parehas kami ng dahilan.

Hindi kasi pumunta dito si unggoy ngayon kaya siguro masaya siya.

Naalala ko bigla yung kapag ipagddrive ko si unggoy papuntang school, syempre dahil walang sasakyan si bebs sasabay siya sa'min.

Pero laging nakabusangot yung mukha niya kasi inagawan daw kuno siya ni unggoy sa pwesto niya sa kotse ko na nasa tabi ng drivers seat kaya nasa likod siya at si unggoy naman sa tabi ko.

"Uy bebs gutom na ako." Nakangusong sabi ko habang nakapameywang sa hagdan.

" 'Di ko tinatanong" Sabi niya pero hindi siya nakatingin sa'kin.

"Pilosopo, lumayas ka sa bahay ko." Seryosong sabi ko.

"You can't do that."

"I know that you know that I can." Nakangising sabi ko.

"Oh really? Then do it." Aba, chinachallenge mo ako huh, humanda ka.

Dali-dali akong pumunta sa guestroom na tinutulugan niya at pinaghahakot ko ang mga gamit niya.

"Oy!! Akala ko nagbibiro ka lang, grabe si bebs hindi mabiro." Natatarantang sabi niya habang kinukuha niya ang mga hawak kong gamit niya.

"Hindi ako nagbibiro lalo na kapag gutom ako."

"Oo na bebs, kain ka na po, naluto ko na ang breakfast kaya akin na 'yang mga gamit ko." Nagmamakaawang sabi niya kaya binigay ko este tinapon ko sa kanya ang mga gamit niya at sapul sa mukha haha.

"Next time wag mo akong pilosopohin lalo na kapag gutom ako." Sabi ko sabay punta sa kusina at nilantakan ang italian pancake na ginawa niya.

"Opo, bebs kong oh so hot and gorgeous." Pambobola niya, haynako kung hindi lang ako kumakain, nabato ko na siya ng kutsara.

Nang matapos kong kumain, dumiretso ako sa kwarto ko at sakto namang nakita ko ang isang gold envelope sa side table ng kama ko.

Dali-dali kong binuksan ang envelope at hindi nga ako nagkakamali kasi it's all about gang fight.

Exotic Phoenix, one of the famous gang in States, and siyempre kung sikat sa States, mas lalong sikat dito sa Pinas, hindi sila ang pinakamalakas na gang pero masasabi kong malakas sila and I wonder kung bakit nila ako iniinvite.

Siguro dahil sa skills ko? Gmmm, siguro nga kasi sinlakas ko lang naman ang gang lider ng pinakamalakas na gang sa states pero never akong sumama sa gang as member kasi ayo'ko lang. toxic sa buhay maging isang member.

Kahit babae lang ako, sadyang malakas na ako, sanay na ako makipaglaban .

Kaya hanggang invite lang sila sa'kin sa mga gang fights, minsan maraming nag-iinvite sa'kin pero ang pinipili ko lang ay kung gaano kalaki ang ibabayad nila sa'kin, syempre dun ako sa pinakamalaki.

'Yon din ang isang pinagkakitaan ko para maipatayo ko ang bahay ko. Hindi lang dahil sa nagtrabaho ako sa company namin.

Yeah, gang fight nga pero ang hindi ko inaasahan ay dito mismo sa Pilipinas magaganap ang gang fight this time.

Kilala ako sa tawag na Azhrect sa mga gang. Pero walang nakakalam na ako at si Azhrect ay iisa, kahit ang family ko o si bebs, kaya maraming nahihirapang hanapin ako.

Ay, meron palang nakakaalam sa tunay na ako, 'yon ay ang Exotic Phoenix na silang nag-imbita ng gang fight nanaman sa'kin.

Nalaman nila ang identity ko kasi aksidenteng naiwan ko ang bag ko sa isang tabi habang nasa gang fight kami at nakita nila ang laman ng bag ko. Syempre, tinignan nila ang laman then nalaman nila kung sino ako and the rest was history.

Kung hindi lang nila ako blinack mail na ipagsasabi nila ang katauhan ko, hindi ako tutulong sa kanila ng libre tsk.

Si kuya alam niya na nakikilaban ako sa gang pero hindi niya alam na binabayadan ako, kasi akala niya trip ko lang.

Tsaka hindi rin sinasabi ni kuya kila mommy at daddy na nakikipaglaban ako kasi for sure aatakihin sila sa puso nang wala sa oras.

Pagkatapos kong maligo, nag-impake na ako ng damit ko for 3 days kasi sa Palawan magaganap ang gang fight and the day after tommorow pa ang laban kaya bibyahe na ako ngayon.

Haissst hindi ko nanaman maeenjoy ang one week vacation tsk. -_-

"Saan ka pupunta? Ba't may dala kang bagahe?" Salubong na tanong sa'kin ni bebs pagkababa ko galing sa kwarto ko.

"I'll be gone for three days so be a good boy, and take care of my house and Sky also." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya at lumabas na ako ng bahay.

'Di ko na siya pinagsalita kasi alam kong hahaba lang ang usapan.

Tinawagan ko na rin si unggoy na 'di ko siya mapagdradrive kasi mawawala ako ng three days.

At natuwa naman ako kasi busy din daw siya the next days kaya hindi talaga siya magpapadrive.

Syempre, tinawagan ko din si kuya para ipaalam sa kanya na makikilaban ako and todo support naman siya at sabi din niya na mag-ingat daw ako.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
次の章へ