webnovel

CHAPTER 12:

Chapter 12:

Inaantok pa ako ng lumabas ako sa aking kwarto. Maganda ang ngiti sa aking labi dahil sa panaginip ko, nanaginip kasi ako na katabi ko si Kelvin sa pagtulog at tinawag niya pa akong baby. Nakakalungkot lang na panaginip lang iyon dahil walang Kelvin sa tabi ko ng magising ako.

"Mama!" Sigaw ko habang papunta ako sa kusina. "Mama, anong almusal natin?"

Nakasanayan ko na yata na magtanong tuwing gigising ako kung ano ang almusal.

"Mama, napanaginipan ko si Kelvin, magkata---KELVIN?"

Kinusot kusot ko pa ang mata ko ng hindi si mama ang mabungaran ko sa kusina kundi si Kelvin na nag-aayos ng pagkain sa lamesa. Napatampal pa ako sa noo ko para siguraduhin kung nananaginip ba ako o hindi.

"Nasaan si mama?" Takhang tanong ko dito. Ano bang ginagawa nito sa bahay namin?

"Nasa kwarto niya, no worries kumuha na siya ng pagkain. Duon nalang daw siya para magkaroon taho ng privacy." Nakangiting sagot nito sa akin.

Privacy? Bakit anong meron? Urgh! Am I dreaming again?!

"Teka, n-nanaginip lang ulit ako diba? " Tanong ko sa kanya.

Nakangiti siya habang papalapit sa akin, tila naman nag-init ang mukha ko ng naghubad siya ng apron at bumungad sa akin ang katawan niya. Ibig sabihin, nandito talaga siya? Hindi ako nanaginip? Katabi ko talaga siya sa pagtulog?

"Silly, sinong nagsabi sa'yo na nananaginip ka?" Tawang sabi nito at pinisil ang pisngi ko. "Anyway, goodmorning baby."

Baby. Baby,

Shit. Did he call me baby?

Nanlaki ang mata ko ng may ma-realize ako, "Boyfriend na kita?!"

"Yes, I'm your handsome boyfriend." Proud nitong sagot. "Ang ganda mo pala kapag bagong gising."

Pinagkunutan ko siya ng noo. Lumapit ako sa kanya at hinampas ng mahina ang balikat niya.

Totoo nga siya. Hindi nga panaginip yung sinagot ko siya, pati na yung pagsayaw niya sa harapan namin ni mama. Ibig sabihin, totoong boyfriend ko na ang lalaking ito, boyfriend ko na yung lalaking apat na taon kong kinukulit.

"Pasensya na nga pala, pinakaelaman ko na ang gamit ninyo. Gusto ko lang sanang maging memorable ang unang araw natin bilang magkasintahan."

Sa hindi inaasahan ay bigla ko siyang nayakap ng mahigpit. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at kakaibang saya ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko na ang lalaking ito ang napili kong mahalin. Kahit ilang beses ko mang uli ulitin ay hindi ako magsasawang sabihin na ang swerte ko kay Kelvin.

"Why? What happened? Why are you crying?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya, pinunasan ko ang luha sa aking mga mata bago tumingin sa kanya ng may ngiti sa aking labi.

"Masaya lang ako. Masaya ako kasi hindi na panaginip ito, hindi na ako nananaginip. Atsaka, ang swerte ko sayo, sob---"

"Shhh." Itinapat niya ang hintuturo sa labi ko, "Ako ang maswerte sayo, sobrang swerte ko na hindi mo ako sinukuan sa apat na taong pangungulit mo. Ngayon, handa na akong harapin ang takot ko basta ikaw ang kasama ko."

Hinalikan niya ako sa noo. "But for now, I'll treat you as a princess, my princess."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa hapag-kainan kung saan nakahanda ang mga niluto niya. Hindi niya ako pinakilos kahit na pagkuha man lang ng inumin ko, siya rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Pinanindigan niya talaga ang pagtrato niya sa akin bilang prinsesa ngayong araw?

Fried rice, bacon, plus pancake ang niluto niya para sa akin. Simpleng pagkain pero espesyal para sa akin. Pinagtimpla din niya ako ng kape na lalong nakapagpagana sa akin.

Pwede nang asawahin si Kelvin, pwede niya na akong pakasalan.

"Hinanda ko narin yung babaunin nating pagkain sa school. Pati tubig nagdala narin ako, masyado kasing matigas ang ulo mo. Baka hindi ka na naman kumain ng tama sa oras, kahit pag-inom ng tubig kinakalimutan mo."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil ang cute niyang tignan habang pinagsasabihan ako. Nakatingin ito sa pancake na kinakain niya.

"Paano ka nga pala makakapasok, wala ka namang uniform?" Tanong ko ng maalala kong nabasa nga pala siya ng ulan at dito na natulog, sa tabi ko.

"No worries, palagi akong may dalang extra sa kotse ko." Nakangiti niyang sagot.

Nahiya naman bigla ako, sa aming dalawa ay siya pa na lalaki ang palaging handa. Organize din siya sa gamit hindi tulad ko na kung saan nalang mailapag at kapag nawala kay mama hahanapin. Mas feel ko pa na siya ang babae kaysa sa akin.

"Goodmorning tita, ano---ANONG GINAGAWA MO DITO?" Nagulat kami pareho ni Kelvin sa biglang pagsigaw ni Shean.

Masigla na naman ito at wala nang sakit kaya bigla bigla nalang ulit sumusulpot kung saan saan. Naka-uniform na ito at handa na rin para pumasok sa campus. Himala nalang na maaga itong naghanda ngayong araw?

Nanlalaki ang mata niya habang nagpapalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Kelvin, pagkatapos ay humagalpak ito ng tawa. Nababaliw na yata ang babaeng ito.

"Stephanie?" Makahulugan ang tingin na binigay niya sa akin, "masyado siyang maaga, sabihin mo nga sa akin, dito ba siya natulog?"

Napakagat ako sa aking labi dahil sa tanong niya, naalala ko na naman na natulog kami ni Kelvin ng magkayakap. Nilabanan ko ang titig ni Shean ngunit nanatili akong tahimik.

"OHMYGASH!" Sigaw niya, tila nabasa ang kung anong nasa isip ko. Well, she's my friend. "Kung dito siya natulog, siguro naman duon siya sa bakanteng kwarto diba?" Tanong ulit nito sa akin.

"No, tabi kaming natulog sa isang kama." Si Kelvin ang sumagot.

"What the hell? Stephanie Alferez, umamin ka sa akin, may nangyari ba sa inyong dalawa? Nasaan si tita? Alam niya ba ito? Ikaw na babae ka talaga." Sunod sunod na tanong nito.

Nanlalaki ang mata niya at nakatingin ng masama sa aming dalawa ni Kelvin, para bang may nagawa kaming isang malaking kasalanan.

"Look, wala kaming ginawang hindi maganda, we just slept cuddling each other. At alam ni tita ang lahat ng ito, they have my respect, Shean. You no need to be worry about them."

Paninigurado ni Kelvin habang ako ay natahimik nalang habang pinagmamasdan siya na nagpapaliwanag sa aking kaibigan. Natahimik naman si Shean sa isinagot ni Kelvin, marahil ay hindi niya rin ito inaasahan.

"Makikikain lang sana ako pero kayong dalawa ang nadatnan ko sa kusina, where is tita? Tita?!"

Sa kawalan ng isasagot ay tinawag nalang niya si mama, umupo ito sa tabi ko at naglagay nang pagkain sa plato. Babaeng ito kahit kailan feel at home, matapos makipagtalo kay Kelvin ay kakain siya ng niluto nito.

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito? Shean?"

Agad na tumayo si Shean at niyakap si mama ng mahigpit, may pa-I miss you pang nalalaman. Akala mo naman ilang taong hindi nagkita, magkatapat lang naman ang bahay namin. Binibisita rin siya ni mama kapag may oras ito.

Umupo silang dalawa sa tabi ko at kumuha pa ng pagkain, parang sarap na sarap sila sa luto ni Kelvin.

Matapos kumain ay naghanda na ako para sa pagpasok namin ngayong araw, pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin, unang araw namin ni Kelvin ito bilang magkasintahan kaya dapat lang na presentable akong tignan sa harap niya at sa harap ng maraming tao.

Nang makuntento ako sa sarili ko ay nakangiti akong lumabas ng kwarto, bumungad naman sa akin si Kelvin na nakaayos na at handa narin sa pagpasok. Nagpaalam na kami kay mama para sa pagpasok.

"Uy, Stephanie, blooming ka ngayon ah?"

"Ohmy, Stephanie, iba yata ang ganda mo ngayon?"

"Nangangamoy, in a relationship sa section natin ah?"

"Holding hands while walking, sakit ninyo sa mata."

Sari-saring bulungan ang narinig namin nang makapasok kami sa classroom, halos lahat ng mga kaklase namin ay napunta ang atensyon sa amin.

Paanong hindi magbubulungan? Alam nila kung gaano ko na katagal kinukulit ang lalaking ito para lang i-crushback ako, saksi sila kung paano niya ako deadmahin tapos ngayon, sabay kaming papasok habang magkahawak pa ng kamay. Kung ako man ay hindi rin makapaniwala sila pa kaya?

Naupo na kami sa kanya kanya naming pwesto, hindi naman kami magkatabi sa upuan dahil si Shean ang katabi ko. Baka magtampo pa sa akin ang bruha kapag iniwan ko siya. Mawawalan din siya ng kadaldalan.

Nagkaingay din ang buong klase ng pumasok si Shean sa pinto kasama ang boyfriend niya. Kinamusta siya ng mga kaklase namin at natutuwa ang mga ito na makita siyang ayos na. Naupo nadin ito sa tabi ko nang magpaalam si Yohanne sa kanya.

"Kamusta naman ang buhay may kasintahan?"

Napairap ako sa tanong niya, kanina sa bahay ay tinanong narin niya iyon at sinagot naman agad ni Kelvin tapos ngayon itatanong na naman niya sa akin?

"Ang daldal mo parang hindi ka na-aksidente." Suway ko dito.

"Aksidente? Hindi alsidente iyon, tinulak ako NI Janah, duh. Buti nga in-expel lang siya, kung naabutan ko iyon baka maitulak ko pa sa rooftop ang demonyitang iyon." Singhal na sabi niya.

Natuwa naman ako dahil nalihis na ang usapan, sigurado akong hindi na niya itatanong iyon.

"Galit na galit gustong manakit?" Natatawa kong sabi sa.

Alam kong hindi mapapatawad ng kaibigan ko si Janah dahil sa ginawa nito sa kanya. Kung ako man ay may galit paring nararamdaman para sa kanya, pero hindi na dapat naming problemahin ang babaeng iyon. Hindi na naman niya kami masasaktan.

"Stephanie, may nagpapaabot."

Napatingin kami pareho ni Shean ng lumapit ang isa kong kaklase, inabot din niya sa akin ang piraso ng papel. Hindi na ito nagsalita pa at umalis na sa harap namin.

"Ako na titingin."

Masamang tingin nalang ang ibinigay ko sa kanya ng bigla niyang hablutin ang papel na kabibigay lang sa akin. Shean is Shean, kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo ay hindi na yata magbabago ang babaeng ito.

"Siguro babae ang nagsulat nito, ang ganda ng penmanship eh." Puna pa nito ng buklatin ang papel. "Kelvin and Stephanie, please proceed to a vacant classroom near to clinic, right now." Basa nito sa sulat.

Vacant classroom near to clinic? Wait. Duon sa bakanteng classroom kung saan umamin sa akin si Kelvin? Yung nagselos siya. Bakit naman kaya? At sino naman ang mag pakana nito?

"Hoy, Kelvin, may sulat para sa in---" tinakpan ko ang bibig ni Shean ng sumigaw ito.

Kahit kailan talaga ang ingay ng babaeng ito, hindi nga namin alam kung kanino galing ang sulat na ito, tapos tatawagin pa niya si Kelvin.

"Patingin."

Sa isang iglap ay nasa harap na namin si Kelvin, kinuha niya ang papel kay Shean at kunot noong binasa iyon. Natahimik naman kaming pareho ng kaibigan ko habang pinagmamasdan si Kelvin na nagbabasa.

"Come, may naghihintay sa atin."

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa bakanteng classroom. May kinalaman ba siya sa sulat na iyon o alam lang niya kung sino ang nagbigay nuon?

Tumigil siya saglit para lang tignan ako at hawakan ng ayos ang aking kamay. Feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa mukha ko, hindi ito ang unang beses na hawakan niya ang kamay ko sa harap ng maraming tao, ginawa na rin niya ito kanina pero kinikilig parin ako.

Gano'n na ba talaga kalakas ang tama ko sa kanya?

"Kilala mo ba kung sino ang nagbigag ng sulat?" Tanong ko sa gitna ng paglalakad naming dalawa.

"Kurt. I saw his penmanship once, sigurado akong sa kanya galing iyon."

"Si Kurt?" Bakit naman kaya niya gagawin iyon? Sigurado naman akong alam na niya ang tungkol sa amin ni Kelvin na karibal niya dati.

Huminto kami sa tapat ng bakanteng classroom, napangiti nalang ako ng maalala ko kung ano ang nangyari sa loob nito. Iyon ang unang beses na kinilig ako dahil sa pagseselos niya at sa pag-amin.

"Wow."

Iyan ang tanging salita na lumabas sa bibig ko nang makapasok kami sa loob. May maliit na lamesa sa gitna at dalawang upuan sa magkabilang gilid. Mayroon ding kadila sa gitna nito at tatlong rosas. Simple ang lugar pero para akong nasa isang romantic date tulad ng mga napapanuod ko sa movie.

"Surprise!"

Napatingin kami kay Kurt na nakatayo sa tapat ng pinto, malapad ang ngiti nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Kelvin. Siya nga ang may pakana ng lahat ng ito pero para saan naman kaya?

"P-para saan ito, Kurt?" Takhang tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang regaluhan kayong dalawa as newly couple, alam ko na dito sa lugar na ito umamin si Kelvin sa'yo kaya naisip ko, maganda kung dito ang first da---"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang yakapin. Sa lahat ng sakit na pinaramdam ako sa kanya ay naisip pa niyang gumawa ng ganito para lang maging masaya ako.

"Stephanie, gusto ko pang mabuhay." Bulong niya sa akin, naguluhan ako sa sinabi niya pero kalaunan ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

Shit!

"Kung hindi lang dahil dito sa surprise mo, nagselos na ako." Mahinang sabi ni Kelvin.

"Napapansin kong hindi ka friendly, but I insist to be friends with you. Hope you don't mind?" Tanong ni Kurt sa kanya.

"You'll be the first one who have courage to talk to me like that."

"You talked back means you're my friend, now. Enjoy your date."

Nakangiti itong umalis at iniwan kaming dalawa ni Kelvin, ngayon dalawa nalang kami sa loob ng classroom. Umupo kami sa lamesa ng biglang pumasok ang mha kaibigan ni Kurt, inihanda nila ang mga pagkain na dala nila sa lamesa. Bukod duon ay may tumugtog din na romantic song.

"Ang swerte mo kay Kurt ikaw ang unang babaeng niligawan niya, ngayon lang din siya nag-effort ng ganito kahit pa hindi siya ang pinili mo. But, still congrats sa inyo." Turan ng isa sa mga kaibigan ni Kurt.

Wala akong nagawa kundi ang ngumiti dahil aaminin kong tama ang sinabi niya, ang swerte ko sa lalaking iyon. Pero hindi rin ako nagsisisi na si Kelvin ang pinili ko.

"Kurt really loves you. Maswerte ang babaeng sunod niyang mamahalin." Nakangiting sabi ni Kelvin sa akin kaharap padin ang mga kaibigan ni Kurt.

"Salamat sa inyo."

Nginitian ako ng mga kaibigan ni Kurt bago sila tuluyang lumabas ng classroom.

"I love you, Stephanie Alferez."

"I love you too, Kelvin Corpin."

次の章へ