webnovel

Fifteen

(School Gymnasium)

(Aya's POV)

Habang naglalaro ng one-on-one basketball game sina Miyaki at Callix ay patuloy ang nakakabinging sigawan ng mga estudyanteng nanonood sa paligid. Nakikihalo din sa sigawan ang buong F8. Ako, ewan ko kung ano pa ba ang irereaksyon ko, halos naubos na kagabi ang lahat ng emosyon ko sa sobrang kaiiyak, dulot na rin ng desisyon kong umalis na sa F8.

Masakit man sa aking umalis ay kailangan kong gawin alang-alang sa kanilang lahat. Ayokong dumating ang araw na magkagulu-gulo sila nang dahil sa akin kaya naman kailangan kong gawin ito.

Naalala ko tuloy si Callix at ang mga masasakit na sinabi niya sa akin noon.....

"Si Miyaki ang mahal ko at sa kanya lang itong puso ko."

Tinamaan ako sa sinabi niya.

Dapat noon pa man ay lumayo na ako sa kanya pero dahil mahal na mahal ko siya ay patuloy pa rin akong umasa sa wala. Matagal ko nang tanggap na si Miyaki ang mahal niya pero ang di ko lang matanggap, bakit nadidiin ako sa kasalanang wala akong kinalaman? Bakit inaako ko ang kasalanang hindi ko namang ginawa?

Ngunit kahit isang masamang tao ang turing niya sa akin ay hindi ako kailanman nagalit sa kanya dahil nga mahal na mahal ko siya.

Ngunit ngayon, desidido na ako sa desisyon ko na tuluyan nang kalimutan si Callix kasabay ng tuluyan ko nang paglayo sa mga kaibigan kong minsang nagpasaya sa miserable kong buhay.

And after all of this, siguro ay dapat na muna akong lumayo sa kanila. Hahayaan ko na muna sila at hindi na ako makikialam pa sa mga buhay nila.

Naputol ang pag-aagam-agam ko nang marinig ko ulit ang sigawan ng mga estudyante sa gym. Muling bumalik ang atensyon ko kina Miyaki at Callix habang naglalaro sila ng basketball. Kitang-kita ko sa mga mata ni Callix kung gaano siya kasayang makapiling si Miyaki. Habang pinapanood ko sila ay di ko namamalayang pumapatak na pala ang luha sa mga mata ko.

This is the last time I saw his face.

This is the last time I saw his smile.

And this is the last time I want to tell him that I love him.

Sana sa pag-alis ko sa F8 ay tuluyan ko nang makitang maging masaya ang taong mahal ko sa piling ng babaing mahal niya. Wala lang naman akong ibang hiniling kundi ang makita kong masaya na si Callix sa piling ni Miyaki. At para naman matupad ang hiling ko, ako na mismo ang magsasakripisyo. Ako na mismo ang aalis para tuluyan nang maabot ni Callix ang pangarap niya na makamit ang puso ni Miyaki.

And as I quoted for this day.......

"HANGGANG NGAYON NA LANG KITA PWEDENG MAHALIN....CALLIX JESH BERNARDO. PAGKATAPOS NG LAHAT NG ITO.....KAKALIMUTAN NA KITA."

That burst me into tears.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(F8 Private Room)

(Aya's POV)

After ng basketball game nina Callix at Miyaki ay sumabay na ako kina Monique na pumunta sa private room dahil balak ko nang sabihin sa kanila ang tungkol sa pag-alis ko sa F8.

Noong nasa private room na kaming pito ay hinayaan ko na muna silang maupo sa sofa bago ako magsalita.

"Ahm guys.....may sasabihin sana ako sa inyo......medyo importante." ang panimula ko na sa kanila.

"Ano naman yun Aya?" ang curious na tanong ni Lexie.

"Wow, baka naman manlilibre ka ha!" sabi naman ni Dennison.

"No, hindi tungkol sa libre ang tinutukoy ko....." ang sabi ko habang pinipigil ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Kung hindi tungkol sa libre yang surprise mo, eh ano?" Ruki asked.

I breath deeply at tuluyan ko nang sinabi ang lahat ng sasabihin ko sa kanila.

"Guys.....aalis na ako sa F8....." ang sabi ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko. Tinignan ko ang reaksyon nila at halata ang gulat sa mga mata nila.

"S-sure ka ba? B-baka naman b-binibiro mo lang kami..." ang tila maiiyak nang sambit ni Monique.

"Di ba di ka aalis sa F8? Di ba?" ang halos hindi maniwalang tanong ni Ruki sa akin.

"Guys...I hope you understand me someday. Aalis na ako sa F8 dahil may matinding problema akong kinakaharap sa ngayon....at mas gugulo na ang sitwasyon oras na malaman nyo ito. Ayoko naman talagang umalis dahil naging mabuting kaibigan kayo sa akin... pero hangga't naririto ako ay baka madamay pa kayo sa problema ko. Sana....sana...mapatawad nyo pa ako." and I cried habang nakatitig ako sa kanila.

Luhaang yumakap sa akin sina Monique, Lexie at Misha habang natahimik sina Marcus at Dennison. Si Ruki naman ay tahimik lang na umiiyak sa isang tabi.

"Well, if that's what you want, sino ba naman kami para tumutol," and Monique tried her best to laugh. "Basta ba mananatili mo pa rin kaming kaibigan ha?"

"Oo naman. Kayo pa rin ang kikilalanin kong mga kaibigan ko. Napamahal na kayo sa akin at para ko na kayong mga kapatid kaya naman kahit na mawawala na ako sa grupo natin.....mananatili pa rin ang puso ko sa inyo. Sana nga lang ay maunawaan ninyo ako." ang malungkot na sabi ko.

"Aya, you're still be our best friend. Walang magbabago dun." Misha said so sadly.

"Mami-miss namin ang 'Simple Princess' ng F8." sabi naman ni Marcus.

"Mami-miss ko din kayo." ang sabi ko habang nananatili pa ring luhaan ang mga mata ko.

Niyakap na ako ng buong F8 at ramdam ko sa kanila ang matinding kalungkutang nadarama nila.

"Ahm guys...may hihingiin sana akong pabor sa inyo." ang sabi ko sabay labas ko ng isang wallet size picture.

"Anong favor yun Aya?" tanong ni Dennison.

"Gusto ko na kapag wala na ako sa grupo, siya ang ipalit ninyo sa akin. Sinisiguro ko sa inyong magugustuhan nyo siya." sabay bigay ko ng picture kay Monique. Tinignan niya ito at nakita ko ang pag-sang-ayon sa mga mata nila.

"Bet namin siyang maging new member ng F8!" Lexie said happily.

"Tiyak na matutuwa si Callix nito!" Ruki said.

"Sige Aya. Payag kaming maging new member siya ng F8." ang sabi ni Monique.

"Agree ako dyan!" sabi naman ni Misha.

"Gusto namin siyang maging member!" sabi naman ni Dennison at Marcus.

Napangiti ako sa mga sinabi nila. Panatag na akong maiiwan ang F8 na masaya at ligtas sa gulo ang mga kaibigan ko. At mas magiging masaya pa sila sa pagdating ng naging member nila.

But this time.....

I will miss them.

Especially Callix.

次の章へ