webnovel

CHAPTER FORTY FIVE

(Kensington High School, midafternoon)

(Yhannie's POV)

(Autumn Park)

- NANDITO NA AKO SA AUTUMN PARK, STALLION PRINCE. NASAAN KA NA? -

I send the message.

Nasa Autumn Park na ako ngayon para makipagkita kay Stallion Prince. Pinauna ko na sina Kath na umuwi habang naiwan naman si Erich sa park. At kung bakit, ay hindi ko rin alam. Basta ang sabi niya ay sasamahan daw niya ako para makasigurong hindi raw ako mapapahamak sa pakikipagkita ko sa textmate ko.

Hindi ko mapigilang maging excited sa unang paghaharap namin ng taong minamahal ko kahit sa text lang, dahil sa wakas ay makikita ko na siya sa personal. Di bale nang mataba siya, payat siya o panget siya, basta't ang mahalaga ay mahal ko siya kahit sino pa siya.

Natigil lang ako sa pag-iisip ko nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko at tinignan ang inbox.

1 text message from Stallion Prince.

Binasa ko ang text message.

- ANDITO NA RIN AKO. -

I replied.

- NASAAN KA? -

I send the message.

Walang 1 minute mula ng mag-reply ako ay dumating na ang reply niya.

- NASA LIKOD MO AKO. -

Kaagad akong napalingon at halos mapatalon na ako sa sobrang gulat nang makita ko siya.

"Z-Zeric?!" I said very shockingly. "I-Ikaw si...Stallion Prince?"

Lumapit siya at hinawakan ang mukha ko.

"Yes. I'm Stallion Prince." pag-amin niya sa akin.

Mas lalong napatutop ang bibig ko sa sobrang pagkagulat.

Oh my God!

Totoo ba itong naririnig ko ngayon?!

SI ZERIC AY SI STALLION PRINCE?!

SI STALLION PRINCE AY SI ZERIC?!

PAPANONG NANGYARI YUN?!!

"Ikaw si...Stallion Prince? P-paanong nangyari yun?" ang kalmado ko nang tanong sa kanya.

"Dahil mahal kita Yhannie."

Napayuko ako sa sinabi niya. He raised my chin and hold it very softly.

"Zeric...I'm sorry..." ang nahihiyang sabi ko habang hindi ako makatitig ng diretso sa mga mata niya.

"Okay lang. Wala kang kasalanan sa akin. Ako, ako ang may kasalanan sayo, kasi hindi ako umamin kaagad na ako si Stallion Prince. Ayoko kasing sumama ang loob mo sa akin kasi natatakot akong mawala ka sa akin. Yhannie, kaya ko lang naman ginawa yun ay dahil mahal kita."

"Z-Zeric..." at bigla na lang naumid ang dila ko nang hagkan niya ang mga labi ko. Saglit lang ang halik na yun pero ramdam ko ang katotohanan sa mga sinasabi niya.

Nung bitawan niya ang mga labi ko ay kitang-kita ko ang pananabik sa mga mata niya. Pananabik na may ipinapahiwatig sa akin.

"Z-Zeric..." ang nauutal na sabi ko.

"Yhannie, kung natatakot ka mang magmahal ulit, wag kang mag-alala, hindi kita pipilitin. Pero sana, wag mong isara ang puso mo para sa akin. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ako...tulad ng pinapangarap kong mangyari mula pa noon."

Napangiti ako.

"Zeric, hindi ka lang nagtagumpay na tulungan akong maka-move on, kundi nagtagumpay ka ring makuha ang puso ko. Mahal kita, Zeric. At utang na loob ko sayo ang nararamdaman kong kaligayahan ngayon."

"Y-Yhan..."

"Zeric, salamat sa lahat ng effort na ginawa mo para sa akin. Na-a-appreciate ko iyon. Kaya sana, kung hahayaan mo akong makabawi sayo, siguro, sasagutin na kita kaagad ng oo."

"Ha? Totoo, Yhannie? Sinasagot mo na ako ng oo?" gulat na sabi ni Zeric.

"Oo naman. Bakit, ayaw mo?" ang kunwaring naiinis na sabi ko sa kanya.

"Hindi! Hindi sa ganun. Salamat at sinagot mo na rin ako. Kaytagal kong hinihintay ang pagkakataong ito para maging tayo. Salamat. Maraming salamat talaga." at niyakap ako ni Zeric. I happily hugged him back. Habang magkayakap kami ni Zeric ay nakita kong nakangiti sa amin si Erich mula sa di kalayuan.

Sa wakas, nakilala ko na rin si Stallion Prince. Although medyo nabigla ako sa kung sino siya, ay masaya naman ako dahil ang taong tumulong sa akin at ang kaibigan ko ay iisa. Kung kaya naman tiwala ako na hinding-hindi niya sasaktan ang puso ko tulad ng nangyari noon sa akin.

次の章へ