webnovel

Kabanata 43

Chapter theme song : Gisingin Ang Puso by Liezel Garcia

Kabanata 43

For years, they trained me how to be confident and how to stay calm. At unti-unti kong natutunan ang dalawang bagay na 'yon. Nahasa ako nang nahasa sa pagdaan ng mga panahon. Sa bawat interviews, projects, shows, at modeling ko, iyon ang naging kalakasan ko.

Kaya hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit parang kumakabog ang puso ko ngayon. Na para bang nanlalambot ang mga tuhod ko at hinuhukay ang tiyan ko. I know this feeling, of course. Ganito ang pakiramdam ko noong nagsisimula pa lang ako. At hindi ko na dapat maramdaman 'to ngayon.

Napalingon naman ako sa kanan ko nang maramdamang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko naman ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Madam Rhonda. Alam kong nararamdaman din niya ang takot ko. Ilang taon na rin naman na ang napagsamahan namin, kaya malamang na nababasa na niya ang mg kilos ko.

"Are you okay, Maureen?"

Napangiti naman ako at bahagyang tumango. "I'm okay, Madam. No need to worry po. I can handle this."

Napangiti na rin siya nang tipid. "I trust you, Maureen, ha?"

"Yes po," sagot ko sabay ngiti.

Mayamaya pa nga'y tinawag na ako ng pinaka-host ng event. Sumalubong sa akin ang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Napangiti naman ako sa kanila nang malawak bilang ganti sa mainit na pagtanggap nila sa akin.

"Good evening, Blanceños!" masigla kong bati sa kanilang lahat.

At muli na namang naghiyawan ang maraming mga tao. Hinayaan ko na lang muna silang magdiwang saglit, habang inililibot ko ang paningin ko. Yes, I was searching for a familiar face.

I saw Marquita with other girls. She even smiled at me. Sa bandang kaliwa naman ay nakita ko si Apollo, na siyang dahilan ng pagkabog ng puso ko. And I thought, I would finally see him again, pero hindi pala. May kasama si Apollo, pero wala doon ang hinahanap kong mukha. Zeus was not here.

Maybe, he didn't really care at all, that's why hindi man lang siya curious kung ano na ba ako ngayon. Baka nga hindi naman talaga siya naapektuhan ng pagsiat ko. But yeah, bakit nga ba naman ako maaapektuhan? Hindi lang naman siya ang ipinunta ko rito sa Doña Blanca.

"Are you all excited?" masiglang tanong ko na lang muli. Sinagot na naman nila ako ng hiyawan, kaya napangiti na lang ako.

Wala man si Zeus dito ngayon, at least nandito ang mga taong talagang nagmamahal at sumusuporta sa akin. And that's already enough to give me much energy to perform tonight.

"Then let's bring it on!" sigaw ko pa.

Kasabay noon ay nagbago ang tema ng mga ilaw. Medyo dumilim at na-focus lang sa stage na kinatatayuan ko. Sinabayan din 'yon ng masiglang music at pagpasok ng mga back-up dancers ko na galing din sa El Rico. Sumunod lang sila sa'min dito.

Nang maayos na ang lahat ay sinimulan ko na ang pagkanta. Madam Rhonda wanted me to sing the Replica's theme song which is Liezel Garcia's "Gisingin Ang Puso", but I refused to do so. I won't be singing that song here. Anywhere but not here.

Kaya imbis na 'yon ay kumuha na lang ako na isa sa mga sikat na international songs ngayon. Perfect pa, dahil hindi lang ako kakanta kung hindi sasayaw pa. This is also one of the reasons kung bakit medyo bumait sa'kin si Ma'am Adel. Her other granddaughters can't sing, but I can. Ako lang ang nagmana sa kanila ni Mommy. At dahil do'n, natanggap na niya ako bilang apo.

And of course, ito rin ang rason kung bakit talented ang tingin sa akin ng iba. Thank you nalang talaga sa mga talents kong 'di ko akalaing meron pala ako. Dahil doon ay nakuha ko ang suporta at pagmamahal ng mga tao.

Pagkatapos ng dalawa kong performance ay napunta naman kami sa iba pang activities. Tumawag ng ibang fans sa crowd para makasama kong kumantano sumayaw. 'Yung mga lalaki naman, kunwari ay boyfriend ko. Ganoon naman lagi sa mga shows, e. Kailangan mo lang talagang makisakay.

"Again, goodnight, everyone! Happy Festival! I am so glad to see you today, and I hope makabalik pa ako next year 'no?" sabi ko nang malapit na akong magpaalam. Muli namang naghiyawan ang mga fans dahil doon. "I had a great night with you guys! Thanks for having me here! Thank you sa mga nagpunta. And again, palagi po kayong manood ng Replica!"

Kumaway-kaway pa ako sa kanila habang todo-todo ang ngiti ko. Sa mga sandaling 'yon ay bahagyang nawaglit sa isip ko si Zeus. Kahit pa sina Marquita at Apollo ay halos hindi ko na rin napansin. Nakaka-guilty ngang isipin na nag-decide akong bumalik dito dahil sa kanila, and yet, napakarami pala talagang gustong makita ako.

"Miss Maureen, halika na po," sabi sa akin ng isang lalaki. Sa tingin ko sa uniporme nito ay isa ito sa mga tauhan ng munisipyo.

"Uh, can I stay just a little longer? Para sa mga gusto lang magpapicture," pakiusap ko naman.

Kanina pa rin kasi may mga pilit na lumalapit sa unahan ng stage para lang picturan ako. Syempre, naawa naman ako sa mga 'yon. Kahit 'di man lahat, basta sana may mapagbigyan man lang ako.

"Ah, sige po, Ma'am. Babantayan na lang po namin kayo," sagot naman ng staff na 'yon.

Napangiti naman ako. "Salamat."

Lumapit naman ang staff na 'yon sa host at ibinulong ang request ko. Nakita ko pang nagtanguan ang dalawa. Pagkatapos ay may sinenyas ang staff na 'yon sa direksyon sa likuran namin at kasunod noon ay may tumabi na sa aking ilang mga kalalakihan.

"Okay, guys, magi-stay daw ng konti si Miss Maureen para sa mga gustong magpapicture. Please lang po, pila lang po tayo ng maayos. 'Wag po magtulakan," anunsyo ng host sa mga tao.

Kaagad din namang may naglapitan sa aking mga tao dala-dala ang mga phones nila. May iba rin na yumayakap sa akin, o di kaya ay kinakamayan ako. Sobrang tuwa ko talaga sa kanila, na kahit halos mangawit ang pisngi ko sa kakangiti ay wala akong pakialam. Kasi alam kong napasaya ko sila.

"Excuse me!"

Mayamaya naman ay narinig ko na ang boses ni Madam Rhonda.

"Oh, last na si Kuya ha? Sorry po. Kailangan na pong magpahinga ni Maureen," paumahin niya sa mga tao.

May ibang mga nagreklamo at nadismaya. Nahihiyang nginitian ko na lang sila. Ayoko mang umalis pa dahil marami pa ang gustong malapitan ako, wala na rin naman akong choice. Malalim na ang gabi at kailangan na naming magpahingang lahat. I still have things to do tomorrow. Hindi pwedeng 'di ko magawa ang pinlano ko.

"Sorry kailangan na nating umuwi lahat. Salamat ulit sa pagpunta! Goodnight!" sabi ko na lang sa kanila, pagkatapos ay kumaway pa ako, bago ako samahan ng mga lalaking nagbantay sa akin papunta sa nagsisilbing backstage nila.

"Sorry, Madamsh," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Mayor. Kailangan kasi naming magpaalam sa kanya. May mga nakabantay pa rin sa aming mga kalalakihan.

"For what?" nagtatakang tanong naman niya sa'kin. Medyo natawa pa nga siya.

"For staying longer. Kanina pa dapat tayo nakaalis," sagot ko naman.

"Hush. It's okay, Maureen. I know you really have a big heart for those people. Because you know how it feels like to be at the bottom. At wala akong problema do'n, Maureen. You gain people's trust just by doing that," madamdaming tugon naman niya sa akin.

Napangiti na lang ako, ngunit wala na akong masabing ni isang salita pa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mayor. No'ng nabasa ko ang pangalan niyang nakalagay sa table ay no'n ko lang napagtantong kamag-anak siya ni Marquita.

They are both De Guzman. Kaya rin pala nandito 'yong babaeng 'yon.

"Oh, hi there, Maureen! Congratulations! The event was a success!" bati niya sa akin sabay kinamayan ako.

"Thank you, Mayor. Kung hindi rin dahil sa mga tauhan n'yo, hindi rin po magiging possible 'to," pasasalamat ko naman sa kanya.

"Thank you for having us here, Mayor. Bumalik lang kami dito para po magpaalam. Since umaga na." Tumawa pa si Madam Rhonda. "Babalik na po kami sa hotel."

"Ah! Sige! Sige!" Kaagad na tumango-tango si Mayor at kinamayan si Madam Rhonda. "Thank you again. Sana makabalik kayo next year."

"Sana nga, Mayor," tugon pa ni Madam Rhonda.

Pagkatapos naman noon ay tuluyan na rin kaming lumabas sa opisina ni Mayor at sa munisipyo. Nasa labas na rin naman ang van na naghihintay sa amin, kaya makakapagpahinga na rin ang paa kong pagod na sa heels.

"Mauna ka nang pumasok, Maureen," sabi sa akin ni Madam Rhonda.

Tumango naman ako at itinapak na ang kanan kong paa sa loob ng van. Ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok ay may tumawag na sa pangalan ko.

"Maureen!"

Kaagad akong nabato sa kinatatayuan at unti-unting namilo ang mga mata ko. Boses pa lamang niya ngunit damang-dama ko na ang pagtayo ng mga balahibo ko. Bahagya pang napaawang ang mga labi ko kasabay ng dahan-dahan kong paglingon sa likuran ko.

And there was him. The guy who broke my heart three years ago.

Naglalakad siya papalapit sa akin na para bang walang ibang mga matang nakatingin sa kanya. At heto ako, parang tanga pang unti-unting pumihit paharap sa kanya. At muli, naramdaman ko na naman ang panlalambot ng mga tuhod ko at ang matinding pagkabog ng puso ko.

Shit! Three years has passed and now, gano'n pa rin? Ganito pa rin ang epekto niya sa'kin? Wala man lang akong magawa kung hindi ang tumitig sa kanya? Really, Maureen? Really? Akala ko ba pinaghandaan mo na 'to? Bakit parang hindi?

"Maureen. . ."

Even my name sounds different when it was uttered by him.

But suddenly, I remembered that most painful day. 'Yong araw na naghintay ako nang napakatagal sa kanya, pero hindi niya ako sinipot. At 'yung araw na. . . Na namatay ang Itay ko. Dahil doon ay napaikom ang bibig ko at tumayo ako nang maayos.

"Oh, Zeus. Nice to meet you again, but I have to—"

"Maureen, please talk to me!"

Natigilan ako nang bigla niyang sabihin 'yon—halos isigaw pa nga niya. Sinubukan niya rin akong hawakan, pero kaagad naman siyang hinarang ng mga kalalakihang sumama sa amin. Mabuti at nandoon pa sila.

"Maureen, who is this guy? My gosh! He's making a scene!" may pagkainis na tanong sa akin ni Madam Rhonda.

"S-Sorry, Madam. Ako na po'ng bahala dito," nahihiya namang sabi ko. Pagkatapos ay mas lumapit pa ako kay Zeus, pero may mga tauhan pa ring nakapaligid sa akin.

Bago pa man din ako magsalita ay dumating naman si Marquita.

"I know this person. 'Wag na kayong mag-alala," sabi niya sa iilang taong pumoprotekta sa akin.

Napatingin naman ako sa mga 'yon. Are they really gonna follow Marquita's command? Napaismid na lang ako nang makita kong bahagya nga silang nagsilayo sa akin. Naiinis na napatingin na lang ako kay Marquita.

"Marquita, this is not your business to deal with," sabi ko sa kanya.

"Friendly advice lang, Maureen. Kausapin mo si Zeus kahit saglit lang. You two should have a closure," sabi pa niya sa akin. "Goodnight."

Pagkatapos akong kausapin ay humarap naman siya kay Zeus. Parang awtomatiko namang nagsalubong ang kilay ko nang makita ang kamay niyang pumatong sa balikat ni Zeus.

"Thank you, Marquita," sabi naman ni Zeus sa kanya at tipid na ngumiti.

"Anything for you," tugon pa ni Marquita. "Daanan mo 'ko sa office ni Tito mamaya? Sasabay akong umuwi."

What is this? Gusto akong kausapin ni Zeus, tapos ganito sila mag-usap ni Marquita? Sa harap ko pa talaga? Wow! This is crazy! Ano ba talagang gusto nila sa'kin? Oh yeah. Closure nga pala.

Nang tumalikod si Marquita ay hinabol ko pa siya ng tingin. Naiinis ako sa kanya! Palagi na lang ba siyang panira sa buhay ko?

"Maureen."

Natauhan naman ako dahil sa masuyong pagtawag sa'kin ni Zeus. Pagkatapos ay hinawakan pa ako sa braso ko. Agad ko namang pinalis ang kamay niya at umatras nang kaunti. Wala siyang karapatang hawakan ako matapos nang ginawa niya sa'kin.

"Maureen, please. You need an explanation. I need to clear things out. I know, nasaktan kita. At hindi ako matatahimik hangga't 'di naipapaliwanag sa'yo ang lahat!" pagmamakaawa pa niya sa akin. Pati ang mga mata niya ay nagsusumamo sa akin, pero akala ba niya, magpapalinlang pa rin ako sa kanya? No way!

Napatawa na lang ako nang sarkastiko sa kanya. Ang kapal din talaga ng mukha nilang dalawa ni Marquita na harap-harapin ako nang ganito na parang walang nangyari. Ano? Gano'n na lang 'yon? Mga bwisit sila.

"Who said I need an explanation? Zeus, matagal nang tapos 'yon. Nakalimutan ko na nga lahat 'yon, e! So please, 'wag ka nang manggulo. Dahil kung tutuosin, wala ka na sa buhay ko," mariing sabi ko at saka siya tinalikuran.

Kung noon ngang hindi pa ako sikat, nagawa ko na siyang talikuran, e. Ngayon pa kaya? Ngayon pa ba na nakaya ko nang tiisin ang lahat ng sakit? Manigas siya d'yan. Hindi ko siya kakausapin kahit kailan!

"M-Ma'am Maureen. . ." nag-aalalang daing sa akin ni Eunice.

"Let's go. Pagod na 'ko," malamig na sabi ko na lang at kaagad na pumasok sa loob ng van. Hindi ko na rin tinangka pang tumingin sa direksyon niya. Alam ko kasing nandoon pa siya at ayoko nang makita pa ang pagmumukha niya.

Sinaktan mo na 'ko noon, Zeus. Hindi mo na 'ko pwedeng saktan ulit ngayon

Hanggang sa pag-uwi namin sa hotel ay wala na akong naging imik. Naglakas-loob man si Madam Rhonda na tanungin ako kung ano'ng meron sa'min ni Zeus ay hindi na lang din ako nagkuwento pa. Sabi ko sa kanya ay bukas ko na lang ipapaliwanag ang lahat, dahil pagod na pagod na talaga ako at gusto ko nang matulog.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay binuksan ko lang ang ilaw. Pagkatapos naman noon ay hinubad ko ang heels ko na kanina ko pa rin gustong tanggalin. Nang matapos 'yon ay diretso na lang akong humiga sa malaming kama ko.

Ganito ko lang ulit naramdaman 'to. 'Yung pakiramdam na pagod na pagod na 'yung katawan ko, pero mas pagod 'yung puso ko. Parang nakakawala ng hininga dahil paninikip ng dibdib ko. Para na rin akong nawalan ng kontrol sa katawan ko't hinayaan ko na lang na tumulo ang luha ko.

Bakit pa niya ako kakausapin kung masaya na sila ni Marquita? Para ipamukha ba sa'kin na wala talaga akong halaga sa kanya? Na ni minsan hindi niya ako minahal noon?

Sa huli ay nagpakawala ako ng malalim na hininga, pagkatapos ay na galit na pinunasan ang luha ko sa pisngi.

Ang mga lalaking katulad ni Zeus ay hindi dapat iniiyakan. Sayang lang ang luha.

Itutuloy . . .

次の章へ