webnovel

Chapter 62

Kasalukuyan na silang nasa byahe pauwi ng bahay ng mga in-laws niya. Natatawa si Bryan sa sarili sa ginagawa niyang paglalandi at panunukso sa asawa niya kanina na ngayon ay nakasimangot sa tabi niya.

Shit!

Hindi niya alam na epektib pala talaga!

Pumunta pa din siya sa hospital kung nasaan ang asawa niya kahapon. Sumilip din siya dito ng hindi nito nalalaman 'yon. Pero aside sa pagsilip dito ay may iba pa siyang pakay kaya pumunta siya doon. He wanted to know more about his wife's pregnancy. He get to talk with his wife's doctor yesterday. At 'yon ang inimporma nito sa kanya. Na may chance daw na tataas ang libido ng mga buntis, pero meron din daw iba na bababa. Now, he's definitely sure that his wife's libido increased, sa pamumula pa lang nito halatang-halata na.

Napangisi tuloy siya ulit habang nagdadrive, pero napapangisi siya lalo habang pasulyap-sulyap sa asawa niyang nanatiling nakasimangot. Sarap asarin lalo nito pero ayaw naman niyang sobrahan masyado at baka hindi na siya nito patawarin. But its still effective though. Nakanakaw pa siya ng halik dito. Twice!

Damn!

Miss na miss na talaga niya ito. Kung hindi lang sana siya nagkamali noong nakaraan baka ngayon ay nasa bakasyon na sila. Baka nga kasama pa nila ang ama niya.

Hays.

Nalulungkot pa din siya sa nangyaring pagkawala ng ama, pero nagpakita ulit ito sa kanya sa panaginip niya noong nakaraang gabi. His father urged him to do everything to win back his wife, and not to be sad anymore, because he's already happy in heaven with his mom.

Nagpasabi din ito sa kanya na manghingi daw ng pasensiya on his behalf to mama Selena. At ginawa niya rin 'yon para dito. He even asked Selena to live with him on their mansion, at pumayag din ito pero ang sabi nito ay pagkatapos na lang daw manganak ng asawa niya. He's going to treat Selena as his second mother from now on, kahit hindi natuloy ang pagpapakasal nito at ng ama niya. Babawi siya sa mga taong sinaktan niya.

Sobrang gaan ng pakiramdam niya ngayon, kahit na hindi pa rin siya pinapatawad ng asawa niya ay alam niyang may pag-asa pa siya. He can feel it. There's no doubt that his wife loves him, and he loves her too. Sobra.

Malapit na sila sa bahay ng mga in-laws niya at nakaramdam na ulit siya ng lungkot. Ayaw pa din talaga umuwi ng asawa niya sa kanya, pero susuyuin niya pa rin ito at araw-araw na pupuntahan ito hanggang sa tanggapin na siya ulit nito.

One of the plans made by his friends is that he needs to court his wife, total hindi daw niya ginawa 'yon dito bago sila kinasal. Dapat mag umpisa daw sila ulit ng asawa niya sa tamang paraan at uumpisahan niya 'yon sa pag-aakyat ng ligaw dito. His wife deserves to be wooed at gagawin niya ang lahat para sagutin siya nito.

Pagkatigil niya ng sasakyan sa harap ng bahay ng mga ito ay agad na tinanggal ng asawa niya ang seatbelt nito. Binuksan din nito ang pintuan ng sasakyan niya pero dahil naka-auto lock 'yon ay hindi nito nagawang buksan 'yon ng tuluyan.

"Buksan mo na ang pinto! Lalabas na ako!" Galit na anas nito sa kanya.

"Calm down, wifey.." Masuyong sabi niya dito at inabot muna ang bouquet na nasa likod nila at ang maliit na hello kitty stuff toy na binili niya kahapon.

"Here." Sabi niya dito sabay lahad ng dala niya.

"A-Ano 'yan?" Sabi nitong hindi kinuha ang mga hawak niya.

"Nanliligaw ako, wife." Sabi niya dito sabay ngisi.

Nalaman niya sa mga in-laws niya na paborito ng asawa niya si Hello Kitty. See, how child-like his wife is? So fucking cute! Damnit!

"Why are you doing this?" Seryosong sabi nito sa kanya na ikinabahala niya. "Stop doing this, Bryan."

"W-Wife.."

"Please, Bryan. Sinabi ko na sa 'yo. Ayoko na, 'di ba? Sinabihan na kita na gusto ko ng magdivorce tayo, 'di ba? Pinrocess mo na ba? Because if not, ako na mismo ang gagawa!" Galit na anas nito sa kanya. "Now, pakibuksan ang pinto. Lalabas na ako. Salamat sa paghatid at huwag ka ng bumalik." Diretsong sabi nito sa kanya.

Napabuntong-hininga tuloy siya at kinakabahan na talaga. Akala niya okay na.. Akala niya dahil sa effort niya ngayon ay magiging okay na sila. But his wife is still determined to leave him and end their marriage.

"Wife.. I-Isa pang chance, wife.. N-Nagmamakaawa ako.. Isa na lang wife.. I beg you.." Sabi niya dito at inabot ang braso nitong malapit sa kanya pero agad nitong piniksi 'yon.

"You're just toying with me, Bryan. Alam mong mahal kita kaya pinaglalaruan mo ako ngayon. Tinutukso mo ako kasi alam mong mabilis akong bibigay sa 'yo! I'm sorry, pero sa lahat ng sakit na naranasan ko dahil sa 'yo ay natatakot na ako. Natatakot na akong mahalin ka pa, Bryan. Natatakot ako sa posibilidad na kahit ang baby ko ay mararanasan din 'yon sa 'yo. Let's stop this nonsense, Bryan. Live your life like how its supposed to be before you met me. Just go back to Georgina.."

"Wife.. Hindi 'yan totoo. Please.. I'm going to make it up to you and our baby.. This time hinding-hindi na kita sasaktan, wife.. Just give me another chance. Isa na lang, wife.." Pagmamakaawa niya dito. "At, nakakulong na si Georgina, wife. I've sent her to jail after what she did to you..."

Napasinghap talaga ito sa sinabi niya. "W-What? W-W-Why?"

"Because I love you.. Ikaw ang mahal ko.." Sinserong sabi niya dito ayaw na niyang sabihin ang buong detalye tungkol sa pagpapakulong niya kay Georgina at baka mastress lang ang asawa niya. 'Yon pa naman ang sabi ng doctor nito sa kanya.

"Wife, sige na.. Let me court you.. K-Kahit tanggapin mo na lang muna ang panliligaw ko, wife.. Please.."

Napaiwas ito ng tingin sa kanya at agad na hinawakan ang handle ng pintuan ng sasakyan niya.

"Unlock this." Malamig na utos nito sa kanya.

"K-Kahit tanggapin mo na lang muna ang mga 'to, wife.." Sabi niya sabay lahad ulit ng regalo niya dito.

Wala na itong sinabi at kinuha na lang ang bouquet at ang stuff toy na ibinibigay niya dito ng hindi siya tinitingnan at muling hinawakan ang handle ng pintuan. Kaya wala na siyang nagawa kundi buksan na nga ang pinto at agad rin itong lumabas ng sasakyan niya. Nakasunod ang tingin niya dito habang diretso lang itong pumasok sa bahay ng mga ito. Hindi man lang siya sinulyapan ni isang beses..

Nanghihina siyang sumalampak sa inuupuan.

Mukhang mahihirapan talaga siya sa asawa niya.. pero hindi pa din siya susuko.

Hinding-hindi siya susuko.

Hindi alam ni Kyra kung bakit sobrang pagsisisi na naman ang nararamdaman niya habang humahakbang na siya papasok ng bahay nila. She held the small stuff toy and the bouquet given to her by Bryan near her chest. Siniguro muna niyang hindi na siya mapapansin sa labas bago niya inamoy ang bouquet na bigay nito.

Hays..

Ramdam niya na sobrang mali ang sinabi niya kay Bryan kanina at kung gaano siya nagsisisi dahil doon. But she's still hurting at sabi nga niya dito natatakot pa rin siya kung sakaling tatanggapin niya ulit ito.

Kaso baka naman kasi hindi na siya nito sasaktan 'di ba? Siya lang talaga ang napaparanoid. Tapos naalala niya ang sinabi nitong pinakulong nito si Georgina? Kaya 'yon gawin ni Bryan sa babaeng minahal nito?

Parang.. napakaimposible.

Pero may isang bahagi talaga ng utak niya na nagsusumigaw kanina na maniwala siya kay Bryan pero pilit niya talaga 'yon kinokontra. Ayaw na din kasi niyang magpadalos-dalos sa pagdedesisyon. Mag-iisip muna siya ng mabuti..

Napabuntong hininga muna siya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila. Agad na bumungad sa kanya ang mga magulang niya na prenteng nakaupo sa sofa nila at sadyang hinihintay siya.

Napakagat-labi tuloy siya habang palipat-lipat ang tingin sa mommy at daddy niya. Pero mas kinakabahan talaga siya sa daddy niya. But maybe its the right time for her to tell them the truth. Lalo pa't inumpisahan na 'yon ni Bryan kagabi.

"Sit here and tell us your side of the story at kung bakit ka pumayag na magpakasal kay Bryan." Seryosong sabi ng daddy niya sa kanya pagkalapit niya sa mga ito.

"I-I'm sorry daddy, mommy.." Paunang sabi niya at agad na kinwento sa mga ito ang totoong nangyari.

Lahat-lahat sinabi niya kahit 'yong marupok moments niya kay Bryan at kung bakit ito nagalit sa kanya at kung paano niya sinisisi ang sarili sa nangyari kay dad Eduardo. Ilang beses na humugot ng hangin ang daddy niya habang pinipigilan ang mga luha nito. Habang ang mommy naman niya ay napaiyak na na niyakap siya noong sa kalagitnaan pa lang siya ng pagkwento.

"P-Pasensiya na po.. Nagsinungaling po ako sa inyo.. ng ilang beses. Naging m-mapusok din po ako pagdating kay B-Bryan.. I'm sorry po.." Paulit-ulit niyang paghihingi ng pasensya sa mga ito.

Doon na lumapit ang daddy niya at niyakap silang dalawa ng mommy niya. Umiiyak na rin ito.

"No, baby anak. Wala kang kasalanan. Mas kasalanan ko.. Masyado kasi akong mahigpit sa 'yo. You weren't exposed to the real world, and when you did naninibago ka sa lahat. Everything are new experiences to you kaya hindi kita masisisi kung bakit nagawa mo 'yon.. I'm sorry, baby anak. Gusto kasi ni daddy mapoprotektahan ka parati, kaya naging strikto ako sa 'yo.. Naisip ko pa nga na ayaw kong mag-asawa ka because I want you to only stay with me and mommy. Pinagdamot kita kasi ayokong maranasan mo ang masaktan. I only want you to feel loved, and I thought ang pagmamahal namin sa 'yo ng mommy mo ay magiging sapat na.." Mahabang sabi ng daddy niya at pinunasan muna ang mga luha nito bago nagpatuloy.

"Huli ko na naisip na kailangan mo ding mabigo para matuto kang bumangon sa sarili mong mga paa. Kailangan mo ding makaranas ng hirap at sakit dahil may kalakip na aral sa lahat ng 'yon. Now, you did. And I can see na may natutunan ka nga sa lahat ng nangyari sa 'yo. Nagagawa mo ng magdesisyon para sa sarili mo, you became mature. And I'm proud of you because of how strong you become kahit na wala kami ng mommy mo sa mga oras na 'yon. Kaya sana'y patawarin mo si daddy, baby anak, ha? Dahil sa pagiging mahigpit ko sa 'yo.."

"No, daddy.. Alam ko po ginagawa niyo lang po 'yon para sa ikabubuti ko. Naiintindihan ko naman po. Ako po ang may kasalanan.. Nagsinungaling po ako sa inyo ng ilang beses.. Pasensiya na po.. Mahal na mahal ko po kayo ni mommy.."

"Its okay now, baby anak.. You know how much me and your daddy love you.. And your husband also love you, anak.." Sabi ng mommy niya sa kanya na ikinamaang niya. "We're all human beings and we are bound to make mistakes.. Kaya sana pagbigyan mo na ang asawa mo, baby anak."

Napakagat-labi siya sa mga sinabi nito.

"Your mommy is right. He begged me last night. Gusto pa nga niya magpabugbog sa 'kin para lang tanggapin ko siya ulit. Huwag lang daw siya patayin at gusto pa niyang maalagaan kayo ng apo namin. Baby anak, Bryan is very sincere towards you at sobra ang pagsisisi niya sa nangyari. Nagpagawa pa nga siya ng kasulatan signed by his lawyer, na kung masasaktan ka daw ulit dahil sa kanya ay ipapaputol niya ang kamay at paa niya. See, how desperate he is just to win you back?"

Napasinghap siya sa sinabi ng daddy niya. Ipapaputol ang? What the fudge? Nahabag naman tuloy siya.

"D-Did you sign it, daddy?" Kinakabahan na tanong niya dito.

"Of course not! I trust him, and I know he's true to his words. He also showed us some papers about that woman, Georgina. Pinakulong na niya para sa 'yo. Para sa pamilya niyo. Nagpapaimbestiga pa nga siya tungkol sa nagpadala ng email na siyang naging rason kung bakit nagkagulo kayo. He will file another case against the sender, lalo pa't eto ang rason kung bakit nawala si balae. And there's another thing that he told us, pero mas gusto kong malaman mo 'yon galing sa kanya."

"H-Huh? Ano 'yon, daddy?"

Nacurious na siya eh pero nginitian lang siya ng daddy at mommy niya.

"Basta."

"Mommy!"

"Basta, baby anak. Your husband is doing everything for you. And all you have to do is to trust him and forgive him.." Sabi ng mommy niya.

Ayaw talaga ng mga itong sabihin sa kanya.

She wants to know! Nasa labas pa kaya si Bryan? Or should she call him first? But.. Sigurado na ba siya sa desisyon niyang tanggapin na ulit ito? Nilagay niya ang palad niya sa taas ng dibdib at ramdam niya ang malakas na pagtambol ng puso niya.

Shocks!

Gustong-gusto nga ng buong puso niya!

P-Pero baka pwedeng magpakipot muna kahit ilang araw lang? Sabi nito liligawan daw siya... B-Baka pwedeng maranasan din muna ang ligawan nito? Pwede naman siguro 'yon...

Nakakainis kasi kanina eh. Pakiramdam niya pinaglalaruan lang siya nito eh. Kaya nga natakot na naman siya. Nakakatakot naman kasi talaga mahalin si Bryan, but now she realized na hindi na talaga niya kailangang matakot. Her parents are right. Mahal nga siya nito.

"Bumalik ka na sa asawa mo, baby anak." Pangungumbinsi ng mommy niya sa kanya. "Both of you should start anew. Kailangan niyo din ang isa't-isa lalo na't magkakababy na kayo."

"I agree." Sabi naman ng daddy niya. "But its still up to you, baby anak. Nandito lang kami ng mommy mo sa likod mo.."

"A-Ayoko pa po muna.."

"H-Huh? Why?" Sabay na sabi ng mga magulang niya sa kanya.

Gulat na gulat ang mga ito.

"L-Liligawan daw po ako.. G-Gusto ko po magpaligaw muna." Napapayukong sabi niya sa mga ito.

Narinig niya ang malakas na tawa ng daddy niya at napahagikhik din ang mommy niya. Nahihiya tuloy siya lalo.

"You sound just like your mother pagkatapos magpahalik, gusto pa magpaligaw. Right, hon?"

"Ewan ko sa 'yo, Mark Joseph!" Reklamo ng mommy niya sa daddy niya pero natatawa naman.

Tapos ay naglambingan na naman ang mga magulang niya. Namimiss niya na nga talaga ang asawa niya. Inaway-away niya pa ito kanina. Hays. Pero sigurado na talaga siya sa desisyon niya.

'Excited na 'kong magpaligaw kay dada mo, baby. First time 'to ni mama.' Sabi niya sa isip niya habang hinihimas ang tiyan niya.

Pabebe mode on.

Pasensiya at naging tamad ako hahaha parang ayoko pa kasing tapusin hahah pero joke lng.

Malapit na po talaga 'to matatapos at eto pa lang talaga ang nasusulat ko makalipas ang 3 days. Babawi na lang ako next update at baka ending na hehe thank you ulit sa inyo ♥♥♥

Aybeemingcreators' thoughts
次の章へ