webnovel

CHAPTER TWENTY-EIGHT

NASA hapag-kainin ang lahat at tahimik na kumakain ng almusal. Nandoon pa rin pala ang mga kaibigan ni Joshua. Hindi pa rin pala umaalis ang mga ito. Ang tanging wala lang doon ay si Liam na umuwi kagabi dahil kailangan balikan agad si Jas. Nakayuko lang si Anniza habang kumakain. Katabi niya si Joshua at Sasha.

"Mark?" lahat siya ay napatingin kay MT ng tinawag nito si Mark Wilsy.

"Ano iyon?" seryusong tanong ni Mark.

"Let us get even to Veel." Hindi nagtatanong si Asher kung hindi nagsasabi ng plano kay Mark.

Tumaas ang isang kilay ni Mark. "Don't. Ako ang gaganti sa gagong iyon."

Natigilan ang lahat sa sinabi nito. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha at boses ni Mark. Hindi pa pala talaga tapos ang usapan na iyon kagabi. Akala pa naman niya ay hindi tutuhin ni Asher at Patrick ang binabalak.

"Are you sure? You can handle Veel?" Nag-aalalang tanong ni MT.

"Yes! Hindi ako isang mahinang tao, MT. Kilala mo ako. Kung inaakala ni Veel ay palalampasin ko ang ginawa niya ay nagkakamali siya. You should focus your revenge on Grey Thec's husband. Mas malala pa ang ginagawa nito."

Nakita niyang nagkatingin ang mga ito. Napalunok siya. Mukhang may iniisip ng paraan ang mga ito. Napatingin siya kay Sasha. Tahimik lang itong kumakain at hindi pinapansin ang usapan ng mga kalalakihan na nasa harap nila. Siniko niya ito para kunin ang atensyon.

"Bakit?" tanong ni Sasha.

"Hindi mo ba pipigilan si Patrick?"

Tumingin si Sasha kay Patrick bago muling ibinalik sa kanya. "Nope! Matanda na siya. Alam na niya ang ginagawa niya. Kaya naman niyang lusutan ang gagawin niyang problema. Pero kapag nagkamali siya, handa na rin naman ang mga karayum ko sa opisina ko para itarak sa kanila."

Hindi niya alam kung tatawa ba siya sa sagot nito. Para bang normal na dito ang ganoong tagpo. Umiling na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Mas mabuti pa sigurong manahimik na lang siya at ihanda ang sarili sap ag-uusap nila ng binata.

Hindi sila nabigyan ng pagkakataon kanina dahil ng bumaba siya ay sakto naman na kakain ang lahat. Pagkatapos nilang kumain ay aalis na sila sa lugar na iyon. Alam niyang iyon na ang pagkakataon para makapag-usap sila ni Joshua.

Natigilan siya sa pagsubo ng may inilagay na pagkain sa plato niya si Joshua. Napatingin tuloy siya sa binata.

"You should eat more," anito.

Napangiti siya. "Thank you."

"You're welcome." Inilapit ni Joshua ang sarili sa kanya. "I will take care of you, Annie." Bulong nito malapit sa kanyang tainga.

Isang tikhim ang nagpatigil sa pagbubulungan nila ng binata. Sabay silang tumingin sa mga kaibigan nito na ngayon ay nakatingin sa kanila.

"Magsabi nga kayong dalawa. You two are dating, right?" Si Mark ang nagtanong na iyon.

Hindi sila nakapagsalita ni Joshua. Yumuko lang siya at hunigpitan ang pagkakahawak sa kutsara. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Mark. Ano ba kasi talaga sila ni Joshua? They are secretary-boss but after what happen last night. She doesn't know anymore.

Narinig niya ang sinabi nito pero hindi niya alam kung totoo ba ang mga iyon. Oo at lasing siya, maaring nagkamali siya ng pagkarinig. Maari din dahil sa kagustuhan niyang marinig ang mga salitang iyon kay Joshua kaya iyon ang naririnig niya. Hindi niya alam at lalong ayaw niyang umasa. Malayo ang agwat nila ni Joshua sa buhay at alam niyang hindi isang tulad niya ang mamahalin nito. Maybe, what he heard is not true at all.

"What do you want to know, Mark?" tanong ni Joshua.

Napakagat labi siya ng marinig ang tanong na iyon ng binata.

"Of course, the truth."

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan nila bago iyon binasag ng sagot ng binata.

"Yes! We are dating. Anniza is my girlfriend. Are you satisfied now?"

Nanigas siya sa kina-uupuan ng marinig ang sagot na iyon ni Joshua. Lahat ay napasinghap dahil sa sinabi nito. Anong sinabi ni Joshua? They are dating? Girl friend na siya nito? Seryuso ba talaga ito. Pero hindi ba iyon ang tono ng boses nito.

"When?" si Patrick ang nagtanong na iyon. Mukhang ito ang nakabawi sa pagkagulat.

"Last night. I confess to Anniza and she agrees to date me."

Nang marinig ang sinabi nito ay napataas siya ng tingin sa binata. Seryuso at walang bahid ng kahit anong pagbibiro ang mukha nito. Kung ganoon ay talagang totoo ang narinig niya. Hindi lang iyon illusyon. Sinabi talaga iyon ni Joshua.

Ngumiti si Joshua. "May tanong pa ba kayo dahil kung wala na ay aalis na kami ni Anniza. Pinangako sa Kuya niya na iuuwi ko siya bago lumubog ulit ang araw."

Nagkatinginan ang mga kaibigan niya. Si Patrick ang tumungo bilang pagbayag sa pag-aalis nila. Tumingin sa kanya si Joshua. Inilahad nito ang kamay sa harap niya.

"Let's go."

Napalunok siya. Why did she feel that something surely going to happen again?

Bago pa tuluyan magbago ang kanyang isipan ay tumayo siya at tinanggap ang kamay nitong nakalahad. Humarap siya kay Patrick at Sasha.

"Aalis na kami. Salamat sa pag-imbinta, Patrick." Magalang niyang paalam sa kaibigan ni Joshua.

Ngumiti sa kanya si Patrick at Sasha. "You're welcome, Anniza. Maraming salamat din sa pagpunta. Next year, sama ka ulit sa amin."

Ngumiti sa sa binata at tumungo. Nagpaalam na din si Joshua sa kaibigan. Bago nila iniwan ng tuluyan ang mga ito ay sumulyap pa sila. They have this teasing smile on their lips. Binaliwala na lang niya ang mga iyon at sumunod kay Joshua. Nagpapasalamat siya at nakapaglakad siya ng maayos kahit na masakit pa ang ilalim na bahagi ng kanyang katawan.

Nang marating ang parking lot ng resort ay tumigil si Joshua di kalayuan sa kotse nito. Seryuso itong humarap sa kanya. Hawak nito pareho ang back pack nila. Bumilis ang tibok ng puso niya at napa-atras ng bahagya.

"M-may problem aba?" tanong niya. Hindi niya ma-iwasan na mapa-ilang.

Hindi nagsalita si Joshua. Naglakad lang ito pabalik sa kanya. Dalawang hakbang ang iniwan nitong pagitan nila.

"I take the responsibility of what I did last night."

"J-Joshua!"

"I won't run, Anniza. Seryuso ako kagabi ng sabihin kong magiging akin ka."

Umiwas ng tingin si Anniza. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa sinabi nito. Iba kasi ang inaasahan niyang sabihin ng binata sa kanya. Gusto niyang malaman kung totoo ba ang sinabi nito kagabi na mahal siya nito. But she doesn't have any courage to ask him. Sa unang pagkakataon ay nakaramdaman siya ng pag-alangan sa gagawin na hakbang. Ngayon niya napatunayan na takot din pala talaga siya.

"Annie, are you mad at me? Galit ka ba dahil sa nangyari sa atin kagabi?" Puno ng pag-alala ang boses ng binata.

Umiling siya. Hindi siya galit dito. Mas galit siya sa sarili niya. Siya ang may kasalanan. Kahit nasa lasing siya kagabi ay alam niya ang nangyayari. She seduced him. She asked him to make love with her. Ilang beses ba siyang pinigilan ni Joshua kagabi pero nanaig ang kagustuhan niya. Kaya walang dapat na sisihin kung hindi ang sarili niya. Hinayaan niya ang sarili na tangayin ng sariling damdamin.

"Kung hindi ka galit sa akin. Sabihin mo sa akin, bakit hindi mo ako kinaka-usap mula pa kanina?"

Hindi siya nakasagot. Hinawakan na lang niya ng mahigpit ang laylayan ng kanyang damit na suot. Kinagat niya din ang ilalim ng kanyang labi.

"Annie..."

"I don't know, Joshua." Sa wakas ay nahagilap niya rin ang sariling boses. Na-iiyak na siya ng mga sandaling iyon.

"I don't know? What do you mean?"

"Hindi ko alam kung galit ba ako sa iyo o sa sarili ko. Alam ko na kasalanan ko ang nangyari kagabi. Kahit na lasing ako ay alam ko ang ginagawa ko. It's m---"

"Pero hindi mo kontrol ang ginagawa mo. Lasing ka at hindi ko iyon dapat si-"

"Nagsisisi ka ba?" Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ng binata.

Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata nito dahil sa biglang pagtanong niyang iyon. Hindi din agad ito nakapagsalita. Umiwas siya ng tingin. Nakaramdam siya ng munting kirot sa kanyang puso dahil sa naging tugon ng binata sa kanyang tanong. Huminga siya ng malalim.

"I'm tired, Joshua. Let's go home." Matamlay niyang sabi at naglakad na papunta sa nakaparada nitong kotse.

Lalampasan na sana niya ito ng mabilis nitong hinawakan ang kanyang braso. Napatigil siya sa paglalakad pero hindi niya hinarap ang binata.

"Kung may hindi man ako pinagsisihan sa ginawa kong pag-angkin sa iyo ay iyong naging akin ka ng buo kagabi, Anniza. I will treasure all my life what happen to us last night. At seryuso akong magiging akin ka pagkatapos ng nangyari sa atin kagabi. I'm officially your boyfriend now."

"Josh!!!" Gulat niyang hinarap ang binata.

Seryuso itong nakatingin sa kanya. Walang kahit anong bakas ng pagbibiro ang mukha at mga mata nito. Kung ganoon ay seryuso talaga itong maging nobyo.

"Wag mong gawin ito kung napipilitan ka lang dahil ikaw ang naka-una, Joshua. Hindi ka pwedeng pumaso---"

Inilapit ni Joshua ang katawan sa kanya. "Sinong nagsabi sa iyong napipilitan lang ako? I'm willing to be your boyfriend. I want to be your boyfriend if that's the only way that I can make you mine."

Hindi nakapagsalita si Anniza. Bumuka lang ang labi nito ngunit walang lumabas na kahit anong salita sa labi nito.

"We are lovers now, Anniza." Hinawakan ni Joshua ang kanyang kaliwang pisngi.

Hindi nagsalita ang dalaga. Anong sasabihin niya? Na gusto niya din itong maging kasintahan pero hindi ganoon ay inaasahan niyang mangyayari ng araw na iyo. Anong mangyayari sa kanya ngayong ang boss niya ang kanyang nobyo?

AFTER 3 YEARS

"ANNIZA, bring me all the list of staff of Mei Hotel and Resort on Sorsugon." Iyon ang binungad sa kanya ni Joshua ng pumasok ito ng opisina.

Hindi sila sabay na dumating ng araw na iyon dahil kailangan pumunta ng binata sa Manila branch ng Mei Hotel and Resort. May iilang staff kasi na hindi pumapasok sa trabaho. Pinuntahan nito para alamin ang nangyayari.

"Right away, Sir." Mabilis siyang tumayo at sinunod ang inuutos nito.

Nang mahanap ang kailangan nito ay pumasok siya sa opisina ng binata. Naka-upo at nakasandal ang ulo sa mahabang sofa ang binata ng mapasukan niya ito. Kitang-kita sa mukha nito ang pagod. Na-ingat siya lumapit sa binata at umupo sa tabi nito. Inilapag niya sa coffee table ang hawak na folder. Walang kagalaw-galaw ang binata.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

Nagmulat ng mga mata nito si Joshua. Walang siglang tumingin ito sa kanya. "I'm tired for today, Annie."

"Gusto mo bang imasahe ko ang balikat mo?"

Umiling ang binata. "I just need to sleep even for an hour."

Tumungo siya. "Okay. I tell them not to disturb you."

Tatayo na sana siya ng mabilis na hinawakan nito ang kanyang braso. Napatingin siya sa binata.

"Can you stay for a while?"

"Pero may trabaho pa ako at kailangan mong magpahinga." Hindi sa ayaw niyang pagbigyan ang binata pero nais kasi niya na mas makapagpahinga ito ng mabuti.

Hindi sumagot ang binata. Gumalaw lang ito. Nanlaki ang mga mata niya ng umupo ito sa kanyang mga hita.

"Joshua..." Singhal niya sa binata.

"Please! Pagbigyan mo naman ako, Annie. Kahit ngayon lang. Pwede mo bang pagbigyan ang nobyo mo?" Tumingin sa kanyang mga mata ang binata.

Binigyan siya nito ng mapag-awang mga mata. Agad naman lumambot ang kanyang puso. How could she said no if he looking at her like that? Mahina ang puso niya pagdating sa binata.

"Fine! Pero kapag nakatulog ka na, babalik na ako sa mesa ko."

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng binata. Tumungo ito bilang pagsang-ayon. Ipinikit ni Joshua ang mga mata at sinubukan ng makatuloy. Walang nagawa si Anniza kung hindi isandal ang likuran sa sandalan ng sofa. Hindi pa rin siya makapaniwala na nobyo na niya ang binata. Parang kailan lang ay nag-aaway sila dahil sa mga kalukuhan nito pero heto nga at magnobyo na sila.

Kung tutuusin hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kasintahan na niya ang lalaki. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Sa totoo lang ay masaya siya na kasintahan na niya ang lalaking nilalaman ng kanyang puso.

Itinaas niya ang isang kamay at inilagay sa buhok ng lalaki. Slowly, she strokes his hair. Napangtii siya ng makitang gumalaw ang labi nito. Kung ganoon ay gising pa ito.

"Sleep now, boss. Marami pa akong gagawin sa labas." Bulong niya.

"I will. Just continue what you did earlier," anito sa nakapikit na mga mata.

Napangiti siya. Ipinagpatuloy niya ang paghimas sa buhok nito. At habang ginagawa niya iyon ay nakatingin siya sa mukha nito. Anniza keep her eyes on Joshua. Wala talaga siyang masabi sa kagwapuhang taglay nito. Aaminin niya na mas gwapo ang magkapatid na Shilo at Shan. Mabuti kasi ang mga ito habang si Joshua ay hindi. Moreno si Joshua dahil sa ina nito ito nagmana. Halos lahat ng taglay nitong katangian ay sa ina nito nakuha. Wala yata itong nakita nakuha sa ama. Well, meron din pala, iyong mga mata nito.

Pero kahit naman na walang taglay na kagwapuhan ang binata ay ito pa rin ang laman ng puso niya. Dito pa rin nahulog ang puso niya. Minahal at pinili pa rin ito ng kanyang puso. Alam niyang hindi iyon tama lalo pa nga at may nakaraan ang pamilya pero anong magagawa niya. Her heart belong to Joshua and she wanted to follow her heart. Kaya nga kahit anong mangyari ay ipaglalaban niya ang nararamdaman dito lalo pa nga at magkasintahan na silang dalawa.

'I love you, Joshua. I won't let you go.'

She can't said those words out loud. Hindi kasi niya alam kung mahal din ba siya ng binata. Wala kasi itong sinasabi patungkol sa nararamdaman nito. Kahit na sinabi nitong magkasintahan na sila ay wala pa rin iyong kasigaraduhan. Alam niyang sinabi nito ng gabing iyon na mahal siya nito pero hindi na nito inulit iyon. Nais niya sanang tanungin ito ngunit natatakot naman siya sa isasagot ni Joshua. So, she just keeps those question inside of her.

Nang mapansin na pantay na ang paghinga nito ay ma-ingat niyang inangat ang ulo ng binata. Kinuha niya ang unan na nandoon at inilagay sa ulo nito bago unti-unting tumayo. Nang maayos na ma-ilapag ang ulo ng binata ay yumuko ang dalaga. Huminga siya ng malalim.

"Mahal mo na ba ako, Joshua dahil kung Oo handa ko na rin sabihin sa iyo na mahal kita. Hindi ko alam kung kailan na nakapasok ng puso ko basta nagising na lang ako na mahal na kita at nilalaman ka ng puso ko. Kaya sana..." napalabi siya. "...sana wag mo akong saktan. Ikaw ang unang nobyo ko at ayaw kong umiyak sa dulo ng dahil sa iyo. Kung laro man itong ginagawa mo. Sana ay wag mong patagalin, wag sanang umabot sa puntong hindi ko na kayang mawala ka sa buhay ko. Let me go now, if you just playing with my feeling. Pakawalan mo ako habang hindi pa ako ganoon kalubog sa iyo."

Napakagat siya ng labi. Unti-unting dumaloy ang luha sa pisngi ni Anniza. She doesn't want to feel the pain. Pero nasasaktan pa rin siya sa kaalaman na maaring pinaglalaruan lang siya ng lalaki.

Natigilan si Anniza ng gumalaw si Joshua. Humarap ito at unti-unting inimulat ang mga mata.

"I'm not playing with you, Annie. Noon pa man ay gusto na kitang maging kasintahan." Itinaas ni Joshua ang isang kamay at pinunasan ang dumaloy na mga luha sa kanyang pisngi.

"I taking everything slowly. Alam kung hindi naging tama ang simula ng relasyon natin pero handa naman akong itama iyon. Humahanap lang din ako ng pagkakataon na sabihin sa iyo ang nararamdaman ko." Umupo si Joshua at hinawakan ang dalawang kamay niya.

Anniza keep on crying. Ang puso niya kanina na nasasaktan ay unti-unting nabuhayan.

"Mahal kita, Anniza. Mahal na mahal kita, Anniza Jacinto. Wala akong paki-alam kung ano paman ang istado mo. Kung hindi ka man tanggapin ng pamilya ko. Kung hindi man maging pabor ang Kuya mo sa relasyon natin. Wala akong paki-alam. Ang importante sa akin ay iyong alam kong mahal moa ko at mahal kita."

"Josh..."

"I will fight for us. I keep my feeling for you for so many years. I can't let this apportunity to be waste. Trust me. Wag na wag mong bibitawan ang kamay ko." humigpit ang pagkakahawak ni Joshua sa kamay niya. "Lalaban tayo ng sabay, hindi ba?"

Tumungo siya. Yes! Pagkatapos nitong sabihin ang mga iyon ay handa na siyang lumaban kasama nito. Handa na siyang harapin lahat basta nasa tabi lang niya ang binata. Now that she knew that Joshua loves her, she is also willing to fight.

"I love you, Anniza Jacinto." Hinawakan ni Joshua ang magkabilang pisngi niya.

"I love you too, Joshua Jhel Wang."

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Joshua bago nito tuluyang inangkit ang kanyang mga labi. Anniza just closes her eyes and save the moment on her mind. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw na tuluyan naging sila talaga ni Joshua.

Their love will conquere. Walang makapaghihiwalay sa kanina ni Joshua. Walang bibitaw sa kanilang dalawa.

次の章へ