webnovel

Chapter 3-(The Narcissist’s Brother)

(The Narcissist's Brother)

Chapter 3

"Hello people, kanina pa naming kayo inaantay. O hi Ash, you are with them kaya pala bigla ka nalang nawala kanina." Saad ng isang boses lalaki, he steps into the light Ran is pointing at his direction. Napangiti ito habang nakataas ang isang kamay na animoy binabati kami. He is wearing a black formal suit and he is also handsome.

"W-Who are y-you? Y-you know Mr. Ashton?" turan ni Maha na nakatulala sa gulat. Kanina pa ata nila pinipigil ang kanilang hininga dahil sa takot.

"Sandali lang bakit jan ka nangagaling? May shortcut ba jan?" saad ni Ran na nakatingin dito habang si Ash ay masama ang tingin sa bagong dating at nang sabihin ni Ran iyon ay napatingin ang dalawa sa kanya.

"Hmnnn there are none, naligaw siguro ang isang yan at dyan nakarating" turan ni Ash kay Ran na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Ahmnnn o-okay so… sino siya kung ganon? Wait, baka naman isa kang maligno o kaya ay isang multo kaya dyan ka sa may kagubatan nangagaling." Nagbibirong turan ni Ran said as she rub her forehead.

"Hmnnn sa gwapo kong ito magiging isang maligno o multo? Hmnn pwede rin." Turan nong lalaking kararating na may halong biro. Lumapit ito kay Ash at bumulong, namilog naman ang mata ni Ash at napatingin kay Ran.

"S-so it's her. How on earth? Don't tell me!" bulalas nito saka tumingin sa lalaking nasa tabi niya at tumango naman ito. Tumingin ito kay Ran at inobserbahan siya na para ba siyang isang palaka na idadaisect nito.

"You're right brother; I can sense it in her blood. That mysterious aura that seems to surround her. It is way too strong that it attracts other life forces." Turan ni Ash na pabulong na narinig naman nila at akto itong nag-iisip ngunit hindi nila naintindihan ang ibig sabihin nito. Tumango yung bagong rating kaya siguradong na-intindihan nito.

"Ahmnnn guys...time check lang pero pwede bang ipagpatuloy na natin ang paglalakad, 10:00 pm na kaya bilisan na natin." Tikhim ni kuya Fred at nagsitango naman silang lahat.

"This is Brian Kyle Charter just call him Bri, Jovelyn Semyon, Mark Andrew, Sofan Constantine, Ramhil Sowen, Shemaha Brayle just call her Maha and yours truly Miran Crale Sylvester just call me Ran. W-what is your name?" pagpapakilala ni Ramhil sa lalaking naglalakad ngayon sa tabi ni Ashton at ni Ramhil.

"Nice to meet you all my name is John Reil Brimstone, Ashton's.....elder brother." Nakangiting turan nito habang naglalakad sila sa madamong kalsada na ngayo'y nababalotan ng dilim. Gulat at mangha nila itong pinagtinginan saka si Ashton.

Habang naglalakad silang lahat ay nakakita sila ng isang poste ng ilaw na nakasindi at sa may kabilang gilid nito sa kalsada ay may nakatayong nakakatakot na mansion. Ran and the others walk slowly at nang matapat sila sa mesmong harap ng mansion ay napatingin si Ran sa sira-sirang bintana sa may second floor ng mansion. May punit-punit na puting kurtina ang nakasabit sa bintana at nakikita ni Ran na ang kurtinang iyon ay napakaluma na. Napatalon si Maha na s'yang nakapagbalik sa atensyon ni Ran sa mga kasama niya.

"Ahhhhhhh! S-Someone is coming f-from there!!!!!" turan ni Maha na napakapit sa braso ni Ran, napatingin naman silang lahat sa tinuro nito. Sa may 'di kalayuan ay may mga aninong papalapit sa kanila, may mga hawak na ilaw ang mga iyon.

"Calm down Maha, they're purely human at nasa kalsada tayo. Surely someone is BOUND to walk on it even in the dark." Napapabuntong hiningang turan ni Ran rolling her eyes in annoyance dahil na gulat siya sa pagkapit ni Maha sa braso niya, kanina pa kasi siya tense dahil may nararamdaman siyang parang kakaiba pagdating nila sa bandang iyon malapit sa mansion.

"Ohhhh yahhh. Hehehe sorry." Napapahaplos sa buhok na saad ni Maha.

"MAHA NAMAN EHHH nananakot ka ng wala sa oras." Inis na saad ni Jovy na mukhang natakot nga.

"Ay grabe ohhhh!!!! Sorry naman.... ohhh pwede ka ng bumitaw ng yakap kay Mark WALANG MULTO." Nang-aasar na turan ni Maha at tama nga ito dahil nakayakap si Jovy kay Mark. Namula ito at dali-daling bumitaw sa pagkakayakap kay Mark.

"Ahmnnnnnn s-sorry, argggg. MAHA IKAW TALAGA AT NAGAWA MO PANG MANG-ASAR hemnnnn" napaismid na turan ni Jovy.

Napatawa silang lahat maliban kay Mark na kitang-kita sa mukha ang pamumula, bahagya kasi itong naiilawan mula sa poste. Nakita nilang namula ng labis si Jovy.

"Ash, John is that you?" narinig nilang turan ng mga papalapit sa kanila.

Tumigil sa harap nila ang 4 kararating na pawang may hawak na flash light. There are 2 females and 2 males; one of the men is holding a black bag. Lumapit sa mga ito sina John at Ashton saka sila medyo nag-usap bago sila humarap sa kanila.

"Ladies and gentlemen these are our associates. This is Stevenson Stanley my assistant, this is Lilbenia Caster she is a channeler." ani Ashton.

"Umnn excuse me, a channeler? What does it mean?" tanong ni Sofan na gaya nila ay naguguluhan din.

"She can channel ghosts into her body, kaya n'yang tawagin ang multo at pagamit ang kanyang katawan for us to talk to them." paliwanag ni John.

"This is Leonore de Leon and this is Father Robert Smith, they are both an exorcists." Turan ni Ashton at ngumiti naman ang mga pinakilala nito.

"Ah ako lang ba o talagang pinagtritripan lang tayo ng mga ito." Bulong ni Bri kay Jovy na narinig naman nila.

"If you heard it then we are both the same." Sagot naman ni Jovy dito.

"Shsssssss don't be rude. But honestly ghost don't exist right?" tanong ni Maha sa kanila.

"There is this 50/50 possibility that they do. Marami na kayang nagsasabing nakakita sila, hindi dahil hindi pa natin nakikita ay hindi na nag eexist ang ghost. But let's just let them believe what they want to believe." Sagot naman ni Ran at napabuntong hininga ang lahat.

"A cousin of mine can see ghost, nakaexperience na rin ako sa may province namin." Pag-aamin ni Sofan making them look at him.

"By the way this is Brian Kyle Charter just call him Bri, Jovelyn Semyon, Mark Andrew, Sofan Constantine, Shemaha Brayle just call her Maha and Miran Crale Sylvester call her Ran. My name is Ramhil Sowen, it's nice to meet you all." turan ni Ramhil at ngumiti naman sila sa mga ito at saka sila nagkamay bilang pagkilala sa isa't isa.

"Kailangan na nating magmadali at siguradong gutom at pagod kayo. At kailangan nating umalis sa lugar na ito ngayon din." Turan ni kuya Fred sa kanila na napapatingin sa relo nito at may bahid na takot ang mga mata.

"Tama nga si Kuya Fred we need to hurry. Actually nandito kami upang sunduin kayo, nag-aalala na ang mga naghihintay sa inyo sa titirhan ninyo dahil kanina pa kayo sana dapat dumating. We need to hurry I can feel someone's watching us from afar. (Bumulong kay Ash) Ashton let's start our work tomorrow....starting to that damn mansion. The night is so dangerous; they will be stronger so....let us all get away especially to this place." Turan ni Leonore na napatingin sa nakakatakot na mansion.

Nagsimula na silang maglakad palayo sa lugar na iyon nang maramdaman ni Ran na may nakatingin sa kanya mula sa likod. Dahan-dahan siyang tumingin sa likuran niya at tuluyan siyang napatingil sa nakita.

There is someone standing beside the post that the light is now flickering. Nakita niya ang isang babaeng nakaputi na mukhang nangingitim ang damit sa kaluman, mahaba ang itim nitong mga buhok na bahagyang nakatakip sa kanyang mukha ngunit na kikita ni Ran na nakatingin ito sa kanya na para bang papatay ang tingin sa kanyang nangingitim na mga mata.

Pakiramdam ni Ran ay nanigas ang kanyang buong katawan at hindi siya makahinga. Ran blink for many times but she was still there.........staring at her...….as if she was trying to talk to her or trying to scare her to death. Ran saw that her lips started to move indicating that she is speaking and the wind suddenly felt colder as ever, she hugged herself.

"H-h-help me." A soft voice echoed through the wind as she look to the girl who is now raising her arm and pointing to the mansion, chills wind up to her spine.

When Ran looks at the mansion she heard a threatening laughter that is loudly ringing through the wind. She returned her gaze to the girl to see her looking again at her. Then on an instant she suddenly froze there....unable to speak....ikaw ba naman ang makakita ng isang taong biglang naglalabasan ang mga dugo sa ilong, sa mata at sa bibig nito saka biglang mawawala sa dati nitong pwesto at ilang segundo pa ay biglang nasa harapan mo at hawak ka sa magkabilang balikat with her bloody features. Hindi na nga maipagkakailang….. isa itong multo. Kaya pala wala siyang nakitang mga paa nito kanina. Sisigaw n asana siya habang napapikit kasi hindi na niya kayang makipagtitigan sa multong lumalabas ang mga dugo sa bibig at mga mata.

"Hey what are you doing? We need to hurry or your body will freeze in this cold." Napatalon si Ran sa gulat ng biglang may nagsalita sa likod niya. Tumingin siya rito at napabuntong hininga siya nang makita niyang si Ashton lang iyon at lumalapit naman sa kanila ang mga kasamahan nito.

"MAY GOD YOU FRIGHTENED ME!!!" turan niyang nakahawak sa kanyang dibdib habang humihinga ng malalim.

"S-sorry, napag-iiwanan ka na kasi kaya nilapitan kita." He said.

Napabuntong hininga si Ran at muling tumingin sa kanyang harapan...wala na ang babae....hindi na nagpapatay sindi ang ilaw at wala na doon ang babae. It is as if all was her illusion.

"I swear if I ever see a ghost again I only wish that they will show in a normal way. Wag naman silang magpapakita kung nakakatakot ang itsura nila." She said at nagkatinginan ang mga ito.

Nakatingin pa siya sa may poste at nang maalala niyang tinuturo ng babae yong mansion ay tumingin siya doon. Nakita naman ni Leonore na tinitingnan niya ang mansion ay tumingin din ito doon. Nag-iba ang mukha nito at agad na hinawakan si Ran sa braso at umiling dito.

"Miss Ran we better leave and please... this time huwag ka ng lilingon pa." Nagtaka siya sa sinabi nito ngunit nang naglakad na ito ay naglakad na rin siya habang hawak-hawak nito ang braso niya...este hila-hila nito.

Nakisabay naman sa kanila ang lima nitong kasama, tumingin sila kay Leonore sa tinging nagtatanong.

"I'll tell you all later, for now we need to arrive in the safest place. We need to take her away from this place. I believe they already know." Saad nito napabulong ngunit dahil napakalapit nila ni Ran ay narinig ito ni Ran.

Namangha silang anim sa nakita nila pagdating nila sa Vengeance, nagniningningang mga ilaw na nagmumula sa mga ilaw ng mga nepa houses ang bumulagta sa kanilang paningin. Napakatahimik ng gabi at maririnig mo ang awit ng mga insekto sa paligid. Tumingin sa langit si Ran at nakita niya ang mga nagniningnigang bitwin at namangha siya, somehow it made her miss her dear mother. She is wondering if what is her mother doing and how was she doing without her, she hope that she is doing fine even if she is not there. She only wishes that she is in good health and is waiting or counting the days of her return. Sana lang hindi ito susunod sa kanya.

"Wow mga brilyante ohhhhh. Maha abutin mo at ibibinta natin pagbalik." Turan niya kay Maha habang niyoyogyog niya ang braso nito.

"Huh! asan?" turan ni Maha na nagtatakang tumingin sa kanya.

"Ayon oh DALI kunin mo na." turo ni Ran sa langit at nang makita ni Maha ang tinutukoy niya ay napaasim ang mukha nito saka siya nito binatokan.

"Grabe nakadrugs ka na ba!? Naku Ramhil, Sofan ilayo-layo n'yo nga tong bruhang ito sa akin at baka masakal ko siya." Inis na turan ni Maha saka tumawa ang lahat.

"Hehhhh!! Ikaw atah nakadrugs sa atin ehhhh. You DON'T appreciate the beauty of sparkling stars." Ran sticks her tongue to Maha as Maha tried to grab her. Ran laughs at her and run to hide behind Ramhil na nasa malapit.

Natahimik na sila nang tumigil sila sa harap ng isang malaking bahay, it was made out of bamboos pero may ilaw na nanggagaling sa loob. Dalawang palapag iyon at mukhang napakahusay ng pagkakagawa doon. May mga fence din na nakapaligid doon at puro gawa sa kawayan, may mini gate ito.

"Guys were here, come on baka naghihintay pa silang lahat sa loob." Turan ni Kuya Fred at binuksan nito ang mini gate ng bahay at pumunta sila sa may pintuan ng bahay, kumatok si Kuya Fred at bumukas ang pinto. Sumilip and isang batang babae at nang makita silang lahat ay lumiwanag ang mukha nito.

"Mama nandito na po sina Sir Ashton kasama nila sina Tito Fred at ang mga teachers." Sigaw nito habang niluluwagan ang bukas sa pinto.

Masaya silang pumasok, Kuya Fred touch and rub the kid's hair. Nakangiti silang pumasok at dali-dali namang lumapit sa kanila ang mga taong naabutan nilang nakaupo sa mga upuang kawayan na may mga foam. Namangha sila dahil hindi nila aakalaing sementado naman pala ang loob nito habang pagtinitingnan sa labas ay parang lahat pati loob ay gawa sa kawayan.

"Naku buti nalang may pinadala sila akala na nami ay wala ng pag-asa ang mga bata na matoto. Dali kunin n'yo yung mga bag nila at dalhin sa kanya-kanya nilang kwarto. (Baling nito sa mga nakaupong kalalakihan sa gilid na nakatingin sa kanila). Ako nga pala si Lornaly Santiago, ang vice principal sa Purge Academy na s'yang pagtuturuan ninyo. Sila naman ang mga malapit na kapitbahay ninyo dito at kung may kailangan kayo ay wag kayong mahihiya na sabihin sa kanila. Hala, hali na kayo at siguradong gutom kayo sa biyahe. Come, welcome to our small town." Turan nito na ngumiti sa kanila.

"S-salamat po miss Lornaly pasensya na po at nahuli kami ng dating. Ako nga po pala si Ramhil Sowen. Ito naman si Brian Kyle Charter o mas kilalang Bri, Jovelyn Semyon, Mark Andrew, Sofan Constantine, Shemaha Brayle tawagin ninyo nalang po siyang Maha at si Miran Crale Sylvester … Ran in short. Sana po ay hindi kami magiging abala sa intyong lahat." turan ni Ramhil at ngumiti naman sila sa mga ito.

Nagsitayuan ang mga ito at lumapit sa kanila upang magpakilala at makipag kamay. Nagulat si Ran nang may humihila sa kanyang damit at nang tumingin siya ay nakita niya ang isang napakacute na batang babae na naka puting bistida, mahaba ang kulot na buhok nito at may green butterfly pin ang kanyang bangs. Nakatingala sa kanya at may iniaabot na putting bulaklak sa kanya. Lumuhod siya upang makaharap niya ang bata saka siya ngumiti rito. Sa tingin niya ay nasa idad lima ito.

"Hi, anong pangalan mo? Is that for me?" ngiti ni Ran dito at hinawakan niya ito sa balikat, kasi naman nakangiti ito sa kanya.

"Hi po ako si Nena, para sayo po." Turan nito at saka ngumiti sa kanya.

Habang inaasikaso ng mga tagabayan ang mga bagong dating na mga guro ay nasa tabi Si Ashton at nanonood. Kakaiba ang pakiramdam niya, may isang kakaibang presensya ang kasama nila, hindi naman siya nababahala since the presence do not seem to pose a treat. Napatingin siya kay Leonore at Lilbenia na nagbubulungan, nang makita ni Leonore na naka tingin siya sa kanila ay tumingin ito sa ibang direksyon at nang sundan niya ang tingin nito ay nakita niya si Ran na nakaluhod mag-isa sa tabi at may hawak na bulaklak sa isang kamay habang ang isa ay nakataas sa ere at parang may hawak ngunit wala naman. Kung iba ang makakakita ay aakalain nilang tanga ito o kaya'y nababaliw, ngunit kakaiba ang kanyang nararamdaman. Buti nalang at may kakayahan siyang Makita ang mga kaluluwa kaya nakikita niya ang batang babae na kaharap ni Ran. Lagi niya itong nakikitang nakaaligid kay Lornaly kaya sa tingin ni Ashton ay kilala ito ng ginang. Lalapitan na sana niya si Ran nang pigilin siya ni Stevenson at Robert, lumapit naman sa kanila sina Leonore, Lilbenia, Robert at si John na umiiling din na nakangiti.

"This is really amazing, I can channel a ghost into my body but I never touch one." Turan ni Lilbenia na naka tingin pa rin kay Ran na ngayo'y tumatango.

"So she can see, touch and talk to them. That is amazing no wonder their family long ago were called to be witches. I just hope the town won't know who she really is; looks like her mother have hidden the past really well. Siguradong manganganib ang buhay nito ngayong nandito siya sa Vengeance. Pano kayang isa siya sa mga pinadala rito, is it just a coincidence o talagang sinadya?" Turan ni Stevenson na humihigop ng kape.

"What did you found about this place's past?" tanong ni Ashton dito.

次の章へ