"Intayin na lang kita sa baba", sabi nito bago umalis.
Naglinis lamang ako ng katawan saka bumaba. Nakaupo siya sa sala habang kausap ang iilang kasambahay at may binilin siya sa mga ito bago kami tuluyang umalis.
Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si Piper sa ginagawa niya para sa akin gayong ganito pa ang lagay ko.
Sumakay na kami sa sasakyan at katabi ko siya sa backseat. Nagsimula ng mag start ang makina ng sasakyan. Tama lang ang bilis nito upang pagmasdan aming tinatahak na daan. Para bang isa akong bata na kakapanganak lang sa mundo dahil pakiramdam ko'y ngayon ko lang ito muli nasilayan.
Bumagal ng bahagya ang sasakyan dahil sa mga batang naglalaro sa lansangan at sa mga tricycle na nagpapabara sa daan.
"Saan tayo pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo?", sa pagkakatanda ko kasi hindi ito ang daan pauwi sa amin. Maaaring may naging problema ako sa pag iisip pero sa ilang beses akong hinatid sundo ng Kuya ko ay halos kabisado ko na ang daan pauwi sa amin.
Habang natagal ay nataas ang damo ng dinadaanan namin at nadami ang matataas na puno sa paligid.
"I'm glad na naalala mong hindi ito ang daan pauwi sa inyo. Sabi kasi ni Tita ay malapit ka sa pinsan natin dito kaya karapatan mong makita kung anong nangyari sa kanya", hindi ko alam ang sinasabi niya pero parang kakaiba ang nararamdaman ko sa lugar na ito.
Mga ilang minuto ang nakalipas tumigil kami sa bahay na yari sa pawid at may tolda ito sa unahan. Bumaba kami ni Piper pati ang gamit na dala niya sa compartment. Hindi ko alam na pinaghanda niya ko ng gamit. Siguro matatagalan kami sa lugar na ito.
"Condolence, Tita", sabi ni Piper sa isang babaeng nasa mid 40s na. Nakabestida siyang itim at pinalis ang luha gamit ang kanyang panyo.
"Condolence din po", sabi ko kahit hindi ko alam kung sinong namatay. Sumakit ang ulo ko sandali ng titigan ko ang maitim niyang mga mata.