webnovel

Chapter 21

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 21

After we spent three days staying in the hospital, my sister finally discharged.

And after that three days, hindi na naman nagpaparamdam ang Boss ko. Mag-dadalawang linggo na. Puro nalang pagmumukha ni L ang nakikita ko araw-araw. Lagi kasing pinapapunta ni Yanna sa condo para may kasama daw siya habang nasa skwela ako.

At kasalukuyan akong nakikinig sa Prof namin sa History. Hindi ko alam kung bakit halos ng mga kaklase ko ay naboboringan sa subject na 'to. Seriously? History is not a boring subject.

I love History lalo na pag tungkol sa history ng ibang bansa.

After sa pang-umagang klase namin ay umuwi ako sa condo para macheck ang kapatid ko. Nakalabas na siya ng hospital pero hindi pa siya pwedeng pumasok sa school dahil hindi pa naghihilom ang kanyang mga sugat lalo na ang sugat niya sa hita.

Habang nakasakay ako sa elevator na maghahatid sa akin sa floor namin ay napasandal ako sa malamig na pader ng at napahilot sa batok.

Nakaka-stress lalo nung pumasok ako, ang daming tanong ng mga kaklase ko tungkol sa nangyari. Akala ko humupa na ang nangyari noong birthday party ni Ally pero hindi pa pala. Nalaman ko din na hindi na pumapasok si Ally, pinalipad daw ng mga magulang nito sa States dahil mas safe daw doon.

Nakita nilang lahat ang pagtakbo ko papasok nung gabing yun sa loob ng bahay ng mga Cartigal kung saan nanggaling ang putukan kaya nung pumasok ako sa last week kaagad akong dinumog at pinaulanan ng mga tanong. Pero pilit na ngiti lang ang sinasagot ko.

Pagkabukas ng elevator ay kaagad akong lumabas at tinahak ang unit namin. Rinig ko ang masayang tawa ng kapatid ko nang pumasok ako.

"Yanna?" tawag ko at tinungo kung saan galing ang tawa ng kapatid ko. Sa kanyang kwarto.

"Kuya L, tae ang ganda mo! Putcha sana pala naginh babae ka nalang!" sabay tawa ng malakas ng kapatid ko.

Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa nila?

"Yanna naman eh. Patay tayo ng ate mo nito." rinig kong reklamo ni L.

"Hindi yan." sabi ng kapatid ko binuntunan na naman ng malakas na tawa.

At dahil nakabukas ang pinto ng kwarto ng kapatid ko malinaw kong nakita kung anong nangyayari sa loob kung bakit panay tawa ang kapatid ko habang si L ay panay reklamo. Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Lalo na sa hitsura ni L.

"What the hell?" ngiwi kong tanong nang makapasok ako sa kwarto ni Yanna.

Sabay nila akong nilingon na nanlalaki ang mata.

"Fuck!" mabilis hinablot ni L ang kumot na nasa kama at tinakpan ang buong katawan pati mukha niya.

"Ate!" masiglang sa ni Yanna na may malapad na ngisi.

Umupo ako sa gilid ng kama para mayakap ang kapatid ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko na ikinanguso niya.

"Ate magt-two weeks na. Okay na ako." sabay pakita sugat niya sa hita na unti-unting naghihilom. "Pwede na ba akong pumasok? Miss ko na ang mga kaibigan ko." malungkot niyang saad.

Ngumiti ako at tumango. "Sige, pero next week ka na pumasok." saad ko dahilan para lumiwanag ang mukha niya.

"Fuck. Fuck. Bwesit." napalingon ako sa taong nagmumura na dahan-dahang naglalakad palabas ng kwarto.

Tumaas ang kilay ko at hinablot ang kumot sa katawan niya.

Mas lalo siyang napamura at pilit inaabot ang kumot sa akin. Pinasadan ko siya ng tingin. Pilit kong tinitikom ang bibig ko para hindi kumawala ang tawa ko.

"Bakit mo suot ang dress ko at heels?" mataray kong tanong pero sa totoo lang gusto ko ng matawa sa hitsura niya.

Damn. He's wearing my black sexy dress. He's also wearing a blond wig with big black ribbon head band on it. And oh, don't forget that he's wearing my black heels. Tapos yung make-up niya parang dinaanan ng bagyo. Sobrang kalat. Damn. Kabaklaan.

Napakamot siya sa kanya batok at sinamaan ng tingin ang kapatid kong mahinang humahagikhik.

"Tsk. Tanungin mo si Yanna." he answered flatly.

"Kasi naglaro kami kanina ng Snake and Ladder tapos ede-dare ang matatalo. Eh, natalo si Kuya L kaya dinare ko siyang rumampa suot ang dress at heels mo." natatawang paliwanag ng kapatid ko.

Tumayo ako at lumapit kay L.

Napailing ako at nilabas ang cellphone. "Papicture nga." natatawa kong sabi at itinutok ang front cam saaming dalawa.

Malapad ang ngisi ko habang si L ay nakanguso at salubong ang kanyang kilay na nakatingin sa camera.

"Ganda natin ah." at pinasadaan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Manahimik ka! Burahin mo yan!" inis niyang sabi at pilit inaagaw ang cellphone ko.

"Ayoko nga. Magbihis ka na don!" sigaw ko sabay takbo sa kwarto.

Napangisi naman ako ng marinig ang naiirita niyang boses at pagkakalampag ng pinto ng kwarto ko.

"Alice! Delete it!" sigaw siy sa labas ng kwarto ko.

Hindi ko siya pinansin at pumasok nalang sa banyo para maligo ulit. Tinatamad akong pumasok sa panghapong klase pero kailangan. Tss. Dalawang araw nalang exam na namin. But I still have four hours to rest, mamayang alas kwarto pa naman mag-uumpisa ang klase namin sa hapon.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kaagad akong lumabas sa kwarto. Naabutan ko si Yanna at L sa sala na seryosong nanonood ng t.v. Nakabihis na din si L ng kanyang damit.

"Nananghalian na kayo?" pagkuha ko sa atensyon nila.

Sabay silang sumulyap sa akin at umiling tapos balik na naman sa panonood. Kumunot ang noo ko at tiningnan kung anong pinapanood nilang dalawa. Nasapo ko nalang ang noo ko.

"Seriously? Bob the builder? Mga nagsasalitang pang construction na sasakyan?" hindi makapaniwala kong sabi.

Tumango si L. "Maganda 'to. Ang galing nilang umayos at gumawa ng bahay at kalsada. Sana ganito lahat diba?" sabi ni L habang nakatuon ang mata sa pinapanuod.

Napailing nalang ako at iniwan ang dalawa sa sala para magtungo sa kusina. Inihanda ko ang kakailanganin ko sa pagluluto ng pananghalian namin.

Habang naluluto ako ay biglang sumagi sa isip ko si Boss. Nasaan na kaya 'yon? Hindi man lang nagpaalam, it's been two weeks pero hindi parin siya nagpapakita. He promise that he won't leave again without my knowing. Ang huling punta niya rito ay yung paglabas ni Yanna sa hospital at hinatid kami sa condo. And after that he left without a word. Tss. Bahala siya.

Sa tingin ko hindi na kami magkakaayos dalawa. Lalo na't.....tss.

Biglang pumasok si L sa kusina at timing rin, kakatapos ko lang magluto. "Well well well. Ang bango." nakangisi niyang sabi at dinungaw ang luto ko.

"Kumuha ka ng plato at kutsara." utos ko.

"Inuutusan mo ba ako?" turo niya sa sarili niya.

"Hindi. Yung upuan ang inuutusan ko. Hoy upuan, kumuhaa ka nga doon ng plato at kutsara. Nakakahiya sa bisita." sarcastic kong sabi at dinuro ang upuan.

"Tss. Kung makautos." bulong niya at lumapit sa lagayan ng mga plato.

"Aba! 'Wag kang magreklamo. Bilisan mo para makakain na tayo." at tinalikuran siya para mag-hain ang ulam na niluto ko.

"Siguraduhin mo lang na masarap yan." sabi niya na ikinairap ko.

"Masarap 'to! Sana mabulunan ka sa sarap nito!"

Matapos naming maghanda sa hapag ay lumabas ako ng kusina para tawagin ang kapatid ko. At halos umusok ang ilong ko nang pagbalik ko ng kusina dahil ang asong impakto ay nauna nang kumain.

"Kapal talaga ng mukha. Hindi makapaghintay? Hindi makapaghintay? Gutom na gutom? Leche." inis kong sabi at umupo sa pwesto ko.

"Hayaan mo nalang yang si Kuya L, Ate." natatawang komento ni Yanna.

Tinapunan ko lang sila ng matalim na tingin ng mapansin kong pareho silang nakangisi. Itong si L hinawaan ang kapatid ko ng mga kalokohan. Halos hindi sila nagsasawa sa mga pagmumukha nila sa isa't isa. Laging mgakasama. Napapansin ko rin, simula ng madischarge ang kapatid ko sa hopital lagi nang pumupunta dito sa condo si L at dinadalhan ng mga paslubong. At ito namang kapatid ko masyadong abusar, hindi marunong tumanggi.

Nag-aya sa akin si L sa roof top pagkatapos naming kumain. Hindi ko alam kung bakit pero may pag-uusapan daw kami.

Pagkarating namin sa roof top ay kaagad bumungad sa amin ang mainit na paghampas ng hangin sa aming mukha.

"Bakit ba dito mo naisipang pa-usapan kung ano man yan? Ang init oh, alas dose pa." reklamo ko at naglakad patungo sa maliit na cottage na may hammock. Nakasunod naman siya sa likod ko.

"Gusto ko dito eh. At tsaka okay lang yan may ganito naman." pagtukoy niya sa cottage na sinisilungan namin.

Umirap ako at naupo sa duyan habang siya ay naupo sa mahabang upuan na nasa gilid ng duyan. Tanaw ko dito ang ibang nagtataasang mga gusali. Kahit mainit ay nakaramdam ako ng konting kapayapaan.

"Hindi pa ba nag paramdam sayo?" nabaling ang atensyon ko kay L ng biglang nagsalita.

"Huh?" kunot noo kong sabi.

"Yung boss mo. Hindi pa ba nagpaparamdam? It's been what? Two week?" sumulyap siya saglit sa akin bago tumuon ang atensyon sa harap.

I shrugged. "I don't know kung nasaan siya. Hindi naman siya nagsabi na aalis siya o nagpaalam man lang." mapait kong sabi.

At gusto ko siyang sakalin dahil naiinis ako. Naiinis ako dahil bigla na namann siyang umalis ng walang pasabi. Pumunta ako sa mansyon kung saan ang headquarter namin at nagtanong kung nasaan siya pero pati ang mga nandoon ay hindi rin alam. He's gone for damn two weeks.

"Paano kung ayaw lang niyang sabihin?" tinukod niya ang kanyang siko sa anyang tuhod at tumingin sa akin. Ang buhok niyang hindi gaanong mahaba ay natatangay ng mainit na hangin. Well, gwapo. Pero mas gwapo si Boss kahit hindi na naman nagpapakita.

"Tss. Okay lang na hindi niya sabihin basta magpaalam lang siyang aalis siya at kung kailan babalik. Hindi yung ganito. Bigla na naman siyang aalis, hindi pa nag kami masyadong nag-uusap dahil sa mga nangyari." inis kong sabi.

"Alam kong gusto ka na niyang makita." nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

Alam kong pakialamero at chismoso si L pero hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Parang alam niya kung nasaan si Saber. Or should I say sila.

Kumuyom ang palad ko at pilit winawaksi sa isipan ang nalaman ko. Simula nung buksan ko ang box unti-unti ko naiintindihan ang lahat. And I should act normal and just go with the flow.

"Paano mo nasabi?" I asked.

He shrugged. "Teka nga lang muna. Alam mo bang nasaan siya?" dagdag ko at pinanliitan siya ng mata.

Agad siyang nag-iwas ng tingin. "Hindi. Instinct lang" sagot niya.

"Wag mo akong pinaglolokong aso ka. I know malakas ang instinct ng mga aso. Kaya nasaan siya?" mariin kong tanong.

"Hindi ko nga alam." irap niya sa akin at nahiga sa mahabang upuan. Ipinatong niya ang kanyang isang binti sa kanyang tuhod.

Kung hindi niya sasabihin, fine. Tss. Akala mo ha.

May bigla akong naalala. "Matanong ko nga lang. Magkakakilala ba kayo ni Boss noon?" tanong ko.

Lagi ko kasing napapansin sa tuwing mag-aaway silang dalawa ay parang sanay na sila. I mean, parang mag kaibigan lang na nag-aasaran kaya nagtataka ako.

Tumango siya. "Yeah. We're best friends before but something happened kaya sagad na sagad ang galit namin sa isa't isa." biglang nagtagis ang bagang niya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. I knew it. Kaya pala kung mag-aaway ang dalawa ay alam nila kung anong iaasar nila sa isa't isa. They were best friend but what happened to their friendship? Why they ended up hating each other?

"What happened?" puno ng kuryosidad kong tanong. Nawala sa isip ko ang tungkol sa walang paalam na pag-alis ni Boss.

"Nothing. Wag mong masyadong isipin. Past is past. At kung ano man ang nangayari noon ay hindi na maibabalik ngayon. To make the story short, let's just say that our bond and trust was not enough because we ended up betraying and killing each other. Fucking coward." ramdam kong naapektuhan parin siya sa nangyari.

I may not know the whole story about their friendship, but one thing I knew was that it was pure. Pero ang puro na yon ay nahaluan ng kemikal na nag-udyok sa kanila na traydorin at patayin ang isa't isa. Tss.

次の章へ