webnovel

Chapter 29

Chapter 29

Andrea's POV

Natutuwa naman ako na ang laki na nang pinagbago ni Vinson sa kaniyang pagaaral. Last exam pumasa siya hindi lang siya nakapasa. Pang apat pa siya sa pinakamataas. Kaya naman pala niyang ipagsabay ang pagaaral at the same time ang sports.

Nandito ako ngayon sa Guillermo Academy para suportahan ang school namin sa kanilang basketball school tournament. Nagsuot pa ako ng kulay asul na damit para sa pagsuporta ko sa aming school, maya-maya napansin ko si Jade kasama ang kaniyang mga kaibigan na may bitbit na tarpaulin na may pangalan ng school namin at ni Vinson. Todo sigaw sila hindi pa man nagsisimula ang laro. Napatingin si Vinson noong narinig niya ang boses ni Jane na tinatawag ang pangalan niya. Nagbato pa ito ng kiss at saka naman siya tinukso ng mga kateammates niya.

Samantala napansin kong kumaway si Seth kaya kumaway din ako sa kaniya. Sabay sabi ko na galingan niya, pero parang hindi niya ako narinig kaya tumayo ako at medyo nilaksan ang sinabi ko pero di parin niya maintindihan. Sa sobrang dami kasi ng tao sa loob ng gymnasium na iyon imposible talaga niya akong marinig hanggang sa sumigaw ako. "Goodluck, Seth!" malakas kong sigaw ng minutong iyon. Saglitan silang napatingin sa akin at saka ako napatingin sa kanila. Nakakahiya! Tapos umupo na ulit ako at maya-maya ay nagsimula na ang laro.

Nanalo ang team namin. Hindi naman pala masama ang panonood ng basketball. Dati kasi ang tingin ko sa kanila puro lang silang mga mayayabang na nilalang na pinagsama-sama at inilagay sa loob gymnasium at nagfefeeling hari ng school. Pero ngayon, nag-iba ang tingin ko sa kanila. Lumaki ang respeto ko lalo na noong nakikita ko kung paano nila pinaghihirapan ang bawat practice nila. Kung paano sila nagpupursige sa lahat ng bagay at kung paano nila tinutulungan ang bawat isa, dahil iisang team lang sila.

Noong pagkatapos nilang awardan, si Vinson ang nakatanggap ng MVP o most valuable player. Tapos binuhat nila ito at hinagishagis sa ere. Tapos bumaba na ako para icongratulate sila. Kaagad kong nakasalubong si Vinson kaso may kausap siyang isang fan na babae. Nakikipagpicturan ito sa kaniya at nag-antay lang ako sa gilid. Nang natapos na ay tinawag ko siya lumingon siya sa akin kaso siyang saktong paglapit naman ni Jade at niyakao siya nito ng mahigpit. Tumalikod nalang ako at akmang aalis sa lugar na iyon nang may biglang tumakip sa mga mata ko gamit ang dalawang magagaspang na kamay.

Tinanong ko kung sino ito pero sabi niya hulaan kl raw. Pero base sa kaniyang boses, nakilala ko na kaagad siya. Si Seth. Tapos tinanggal na niya ang kamay niya at humarap ako rito. Una, kinongratulate ko siya tapos niyakap niya ako at kahit na pawis na pawis siya ng minutong iyon, hindi siya amoy mabaho o pawis. Mabango parin siya, parang baby.

Tapos niyaya niya ako. Sabi niya, may victory party raw sa bahay nila. Iniisip ko, nandoon si Jade at si Vinson na hanggang ngayon ay hindi parin ako kinakausap. Nagsimula lang naman iyon noong nakipagkita siya sa akin. Tapos gulong gulo ang isip niya. At pinakiusapan ko kay Seth then after that, hindi na niya ako pinansin. Sa school. Sa sessions namin. O kahit sa text.

Nakakamiss din pala siya kahit minsan.

"Please, sumama ka na please." how can i say no. Sa lalaking kasing gwapo ni Seth. Joke. I mean, paano ako makakahindi kay Seth e, napakabait niya sa akin. Kaya pumayag na ako at akalin mo nagtatalon ang loko. Iyong para bang nanalo siya sa lotto? Tapos muli niya akong niyakao ng mahigpit.

Nasabi ko bang, amoy baby siya?

次の章へ