webnovel

Chapter 19

Chapter 19

Andrea's POV 

Uod? 

Maiintindihan ko pa kung ahas. Daga. Ipis. Iyong lumilipad na ipis pero uod? Takot si Vinson sa uod?

Oo, dahil sa uod na iyon nasa ospital tuloy kami. 

Nasa waiting area parin ako, inaantay ang balita kung ano na bang nangyari kay Vinson. Hindi ko naman kasi alam na may takot pala siya sa uod at hindi ko rin naman alam na may uod pala iyong nadakot kong lupa sa may park. Besides, nagulat lang ako kaya ko nagawa iyon. 

Pagkatapos kasi naming magpagulong gulong narealized ko na parang ang bigat ng pakiramdam ko. Ayun pala nasa ibabaw ko si Vinson tapos ang mukha niya ay nakadikit sa mukha ko, and his lips is literally touching my lips too. Kaso gumalaw siya ay gumalaw din iyong lips niya kaya ko naibato sa mukha niya iyong bagay na iyon. 

I didn't mean to hurt him. No one does. Bakit ko naman siya sasaktan. Well, binato ko lang naman siya para umalis na siya sa ibabaw ko pero other than that, hindi ko siya gustong saktan. 

Maya-maya dumating na ang mommy niya, lumapit ang isang nurse sa akin at tinanong kung kapamilya ko ba ang pasyente tapos lumapit ang Mommy ni Vinson at nagpakilala ito sa nurse saka siya pumasok. 

Habang nagaantay parin ako sa labas, i keep on praying that he's fine. That, he get through this. That he's going to be fine. 

After few minutes lumabas ang Mommy ni Vinson at umiiyak ito. Napatayo ako at lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Did he died? Shet, napatay ko si Vinson? Makukulong ba ako? Paano na ako? 

Naalis lang ang mga tanong at pangamba sa isip ko nang biglang magsalita ang Mommy ni Vinson na he now okay. 

Thank you, Lord! 

Tapos she asked me kung kumain na raw ba ako. Sabi ko it's okay lang. Pero tumunog ang tiyan ko. Kaya isinama niya ako sa isang fastfood na malapit lang sa hospital. 

Pagkadating ng order namin ay bigla siyang nagkwento habang kumakain kaming dalawa. Sabi niya, scoleciphobia. Ang tawag sa fear of worms. Noong four years old raw kasi si Vinson dumalaw raw ang mga kamaganak nila at cousins niya from states at nagkaroon sila ng gathering sa bahay nila. Naglalaro raw sa likod bahay sila Vinson and he's cousins tapos when he feel asleeo dahil sa pagod sa paglalaro nagpahinga siya sa kubo at natulog then two of his cousins ay pinagtripan siya. Habang nakanganga ay pinasukan raw nila ng uod ang bibig nito to the point na halos hindi na siya makahinga. Kasi bumara sa daluyan raw ng hangin ng mga uod isama na doon ang takot. He almost died kung hindi kaagad nadala sa hospital. Since then, takot na siya sa uod. Makakita. Makarinig o maramdaman man lang sila, kaagad na nagpapanic na si Vinson and nobody in his friends know that exept for me. 

Kailangan ko bang maging proud, dahil even his friends doesn't know about it. Paano kung pagtripan din siya ng mga ito? 

After naming kumain ay bumalik na kami sa hospital tama tama dahil kakagising lang ni Vinson ng oras na iyon at pwede na raw siyang kausapin.

Iniwan muna kami ng kaniyang Mommy. Nakakaawa na nakahiga siya sa kamang iyon kaya tumabi ako sa kaniya. 

"Hindi ka pwedeng tumabi sa akin." sabi pa niya. 

"Sus. Arte mo. Tatabi lang e." saka ko isiniksik ang sarili ko at pinilit ko siyang umurong. Kinuha ko pa ang kumot sa kaniya dahil sobrang lamig sa loob ng kwarto niya. 

"How are you." tanong ko pero di siya kumibo. 

"Look, I'm sorry." 

"You don't have too. Sobrang oa lang talaga ng reaction ko." mahinang tugon niya. 

"Sus. Alam ko na ang story behind your fear of worms." narinig ko pa siyang napashit at napangiti ako. Humarap ako sa kaniya pero tumalikod naman siya. 

"I still want to apologise, okay. Kung alam ko lang hindi ko naman gagawin iyon. At isa pa, hindi ko talaga alam na may sumabit na…" oopps kahit pala banggitin ang salitang iyon hindi pupwede. 

"I said its okay. I understand. And I'm sorry too, dahil hindi naman mangyayari iyon kung di ako nadapa at hindi tayo nagpagulong gulong." dagdag pa niya. 

"Thank you din kasi you protected me." alam ko. Ramdam ko naman e. Wala akong gaanong galos dahil niyakap niya ako ng mahigpit. Kaya siya itong maraming galos kaysa sa akin. 

"Its okay." sagot niya. 

"So, friends na tayo?" sabi ko. 

"Nope." mabilis na sagot niya. 

"Ah, ayaw mo ng friends? E, girlfriend?" Hindi siya kumibo. 

"Joke! Joke lang. Alam mo, ang swerte ng magiging girlfriend mo kasi ang bait mo." 

"Really?" 

"Medyo mahina lang ang utak mo pero functioning parin naman." dagdag ko pa. 

"Whatever!" walang ganang sagot niya. Saka na ako pumikit ng oras na iyon. Pagod na rin kasi ako. 

Good night, Wormy. 

次の章へ