webnovel

Chapter 13

Chapters 13

Andrea's POV 

Kapal talaga! Nakakainit ng dugo. Ewan ko kung talaga bang may utak ba siya o nangiinis lang. Hindi ba niya naisip na hindi ko naman ibinibigay iyon para lang pahirapan siya? Ibinigay ko sa kaniya iyon para ma assessment ko kung hanggang saan ang kaya niya. At kung saan siya nahihirapan. Pre-Test iyon, kung babasahin niya lang. Napaka kasi talaga. Burgis kasi, gusto spoon feed. Gusto ipapasubo nalang lahat ng impormasyon. Kung nag-aral ba naman siya ng mabuti edi sana nakapasa siya sa subject na iyon kaso hindi e, kasi puro bola ang nasa utal niya. Puro, practice puro iniisip niya kung paano manalo sa susunod na laban nila. Hindi ko talaga magets ang mga basketbolista. Napaka intense nila magpractice pero ang hina naman nila sa acads. Mapapakain ba sila ng bola nila? Well, in his case siguro, kasi mayaman naman siya. Kahit nga siguro hindi na siya magaral ng mabuti mabubuhay siya. Pero hindi ba niya naisip na pera iyon ng pamilya niya, wala pa siyang ambag doon. 

Nakakainit talaga siya ng dugo. 

Maya-maya pagkatapos kong maligo ay tumunog ang phone ko, nagtapis lang ako tapos kinuha ko ang phone ko sa may lamesa at napansin ko na si gago pala ang tumatawag. Kaagad kong binaba. Tapos pumasok na ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay muling tumunog ang phone ko, pagtingin ko siya ulit. Ang kulit mo ah! Binaba ko ulit. Kinansel ko ulit. Tapos tumawag siya ulit. Mukhang nantitrip talaga ang gago, tapos sinagot ko na. 

"Kailan mo ba ako titigilan ah?" tapos hindi siya sumagot. Ngunit nang tinignan ko kung sino iyong tumawag nanlaki ang mga mata ko si Jade pala ang tumawag sa akin. Tapos binaba na niya kaagad. 

Napashit talaga ako sa loob ng kwarto ko. Nasipa ko pa iyong upuan sa gilid dahil sa panggigigil. Lintek, akala ko kasi si kumag na Vinson ang tumawag, si Jade na pala. I tried to call her pero unattended na ang number niya. Mukhang inoff na niya ang phone niya. Lagot! Mas lalong hindi ako kakausapin noon. 

Kinabukasan. 

Laking gulat ko na tinatawag ako ng land lady namin na si Ate Mercy sabi ko sa kaniya bakit? Naghahanda na kasi ako ng mga oras na iyon sa pagpasok sabi niya nasa labas raw iyong boyfriend ko. Kumunot ang noo ko sa narinig ko mula sa kaniya. Boyfriend? Anong ibig niyang sabihin. Sabi ko sa kaniya, wala akong boyfriend at hindi pa ako nagkakaboyfriend. Tapos sumagot siya, sabi niya sino raw iyong lalaking nakakotse sa baba. Sumilip ako sa bintana nakita kong nakasandal si Vinson sa pintuan ng kotse niya. Anong ginagawa ng mokong na iyon dito? 

Binilisan ko ang pagaayos sa sarili ko't pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko't saka ko sinarado ang pintuan ng apartment ko. At bumaba. Tapos nagtama ang aming mga mata hanggang sa nagsalita siya. Sobrang tagal ko raw, ang sama na nang tingin ng mga kapitbahay ko sa kaniya. Adik ang mga iyon, tanga! 

"Mga bantay ko iyan. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. 

"Sinusundo ka." napaatras ako at napataas ang kaliwang kilay ko sa narinig ko sa kaniya. 

"Abnormal ka?" 

"Okay. I'm sorry." biglang sabi niya. Tama ba ang naririnig ko? Humihingi ng sorry ang  si Dela Cruz? 

"What?" 

"I said I'm sorry!" mukhang galit pa siya ah. 

"Sorry you ass." saka ako tumalikod at naglakad na. Tapos tinawag niya ako pero hindi ako humarap bahala siya sa buhay niya. Napahinto lang ako nang narinig ko na sinagutan na niya ang ibinigay ko kahapon sa kaniya. Tapos hinarap ko siya saka siya lumapit at inabot sa akin ang folder. 

"I tried my best, okay. Don't judge me, and please come back to me. I need you." pagmamakaawa pa niya. 

"Parang hindi naman iyan ang narinig ko kahapon. Ano nga ulit iyon? You need me as much as i need you? Tama ba?" napansin kong namula ang pisngi niya, nahihiya na si gago. 

"Please, Andrea forgive me. Give me another chance, please." ewan ko kung anong nakain niya pero hindi naman talaga masama ang ugali ko at tama rin naman siya na kailangan ko ng pera at siyempre nandoon na iyong awa ko noong una kaya ako napapayag. Muli kong naalala iyong mukha niya habang kausap niya ang Mommy niya, he looks so helpless. Hays, sino ba naman ako para hindiin ang isang katulad niya. 

Lumapit pa siya ng husto at hinawakan niya ang kamay ko't lumuhod pa sa harap ko. Napatingin ako sa paligid ang dami na palang tao tapos kinukuhaan na nila kami ng video. May ibang nagsisisgawan at sinasabi nila na bigyan ko raw siya ng isa pang chance. May iba naman na nagsasabi na wala raw ba akong puso? Wala kaagad puso? May isa pang sumigaw na siya nalang daw ang mahalin nito hindi raw siya lolokohin kaso boses lalaki.

Sinipa ko siya at sinabing tumayo na. Pero ayaw parin ng loko hanggang wala na akong naging choice kundi ang patawarin siya. Ang gago, akalain mong nanalo sa lotto nakuha pang magtatalon talon. Kaloka, nakakahiya. Tapos niyakap pa ako. Ang higpit ng yakap niya sa akin. Tapos naging awkward lang ng magkatitigan kami. Tapos bumitaw na ako. Sabay sabing kailangan na naming umalis kundi malelate kami. Pinapasakay niya ako sa kotse niya pero may naisip ako para makaganti sa kaniya haha.

次の章へ