webnovel

Maraming pad, alin ang gusto mo?

Knock! Knock! Knock!

"Binibini?"boses ni Berry mula sa pintuan. Sandaling naghintay ang babae ng sagot mula kay Cassandra pero mukhang tulog pa ito dahil tahimik ang silid.

"Patay ako nito kay Master Gabriel"napakamot sa ulo ang babae. Nang wala pa ring sagot mula kay Cassandra ay walang nagawa si Berry kundi ang umalis at bumalik kay Alexander.

"Master, ayaw pong lumabas ni Binibini. Mukhang tulog pa po"report ni Berry pagbalik sa sala kung saan naghihintay si Alexander. Sumulyap si Alexander sa wall clock at mag-aalas dies na ng umaga. Hindi pa kumakain ng almusal si Cassandra at ayaw din nitong papasukin ang mga katulong. Ibinaba ni Alexander ang hawak na libro.

"Ma-master..."utal-utal na sabi ni Berry nang huminto sa paglalakad si Alexander sa tapat niya.

"Ligpitin mo na ang mga pagkain"sabay kuha ng kanyang jacket at umalis.

"Sige po"ani Berry.

Mayamaya ay lumabas sina Lily at Sunny na kanina pa pala nakikinig at lumapit kay Berry.

"Anong nangyari Berry?"agad na tanong ni Sunny.

"Nag-away na naman ba sila?"tanong naman ni Lily.

"Ewan ko. Hindi ko din maintindihan ang Master...Tara magligpit na tayo"yaya niya sa mga kasama. Nagkatinginan sina Lily at Sunny, napalingon naman si Berry sa dalawa.

"Oh anong tinatayo-tayo niyo jan? Wala si Frost dito kaya ako ang in-charge pag wala si Master."

"Andyan na"sabay na sumunod ang dalawa kay Berry.

Sa kabilang banda, nakahiga pa rin si Cassandra. Hawak-hawak niya ang sumasakit na puson. Narinig niya ang pagkatok ni Berry kanina pero hindi siya makagalaw para pagbuksan ito dahil sa sakit na nadarama. Parang pinipiga ang puson niya na sinamahan pa ng pagsakit ng kanyang ulo. Kapag ganito ang nangyayari ay itinutulog na lamang niya para maibsan ng kahit konti ang sakit. Ipinikit niya uli ang kanyang mata. Tumawag na siya sa kanyang sekretarya at ipinaalam dito na hindi maganda ang pakiramdam niya.

Alas dose na ng tanghali nang makabalik si Alexander. Sinalubong siya ni Berry.

"Ano? Lumabas na ba?"tanong niya sa katulong. Umiling si Berry. Sumenyas siya kay Berry na maghain uli ng pagkain. Agad namang sumunod si Berry at nagtungo sa kusina upang maghain ng pagkain sa mesa.

"She shouldn't have agreed to this marriage if she'll just act like this, that woman."

Tinungo niya ang kwarto ni Cassandra at nakitang sarado ito. Mukhang nasa loob pa rin ang babae. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.

Calm down.

Walang dapat na ikagalit Gabriel...

Paalala niya sa sarili bago kumatok.

Knock! Knock! Knock!

"Cassandra? Buksan mong pinto"naghintay siya ng sagot mula sa babae pero mukhang walang tao sa loob dahil tahimik ito.

"Wife?Are you okay?"idinikit niya ang tenga sa pintuan at may narinig siyang mahinang ungol mula sa kwarto.

"Wife?!! Anong nangyayari? I'm going in"nagteleport siya papasok ng kwarto at nadatnan niyang nakahiga sa kama si Cassandra at pabaluktot itong nakatalikod sa kanya.

"Cassandra!!!"mabilis siyang nakalapit kay Cassandra at ganun na lamang ang kanyang pagkagulat nang may nakita siyang dugo sa kama at damit na suot ni Cassandra. Mabilis niyang itinaas ang mukha ni Cassandra at sinipat ang katawan ng babae.

"Anong nangyari sayo? Tell me...Fxck!!! Who did this to you?!!"binuhat niya si Cassandra at inilabas ng kwarto. Nakasalubong nila si Berry at gulat ding napatingin kay Cassandra.

"Kunan mo ng komportableng damit si Cassandra. Don't worry Wife, dadalhin kita sa manggagamot"anas niya at dahan-dahan niyang inilapag sa sofa si Cassandra.

"Ma-master, andito na po"ang sabi ni Berry dala ang damit pambabae. Kinuha ni Alexander ang damit at isinuot kay Cassandra.

"S-stop...it hurts"pigil ni Cassandra sa kamay ni Alexander.

"I know...just hang in there, I'm taking you to Kalia"dahan-dahan niyang itinaas ang ulo ni Cassandra at isinuot ang makapal na bestida. Sandaling natigilan si Berry nang may napansin sa suot na damit ni Cassandra.

"Master??"tawag-pansin niya kay Alexander.

"What?!"baling niya kay Berry.

"Maaari ko po bang lapitan ang Binibini, may titingnan lang po ako"gustong makasigurado ni Berry sa nakita.

"Wag muna ngayon Berry, she needs help"kamay ni Cassandra ang kumuha sa pansin ni Alexander nang marahan siyang tapikin nito.

"Cassandra? Anong sabi mo?" inilapit niya ang tenga kay Cassandra nang may sinasabi itong hindi niya maintindihan.

"Just do what Berry tells you... I'm fine...no one attacked me" anas ni Cassandra. Lumayo si Alexander at tinitigan si Cassandra na nakapikit.

"Fine."

Sinulyapan ni Alexander si Berry. Tumango ang babae sa kanya.

"Sige"tumayo si Alexander at bahagyang lumayo kay Cassandra. Lumapit si Berry kay Cassandra at may ibinulong.

"Kailangan talaga ibulong?"ani Alexander sa ginawa ni Berry. Humingi ng pasensiya si Berry at umayos ng upo at kinausap na lamang si Cassandra.

"Binibini...Tama bang hinala ko?"tanong ni Berry. Tumango si Cassandra kapagkuwan ay tumango din si Berry.

"Anong nangyayari sa inyong dalawa? Berry..."hindi nakapagpigil na tanong ni Alexander nang hindi na niya maintindihan ang pag-uusap ng dalawa. Tila may sariling mundo ang dalawang babae na nagkakaintindihan kahit na walang salita na lumalabas sa kanilang bibig. Ilang sandali ay tumayo si Berry at hinarap si Alexander.

"Master, wala po kayong dapat na ikabahala dahil may dalaw lang po ang Binibini"nakangiting sabi ni Berry.

"Ansabe mo? Sinong dumalaw sa kanya?"tiningnan ng masama ni Alexander si Cassandra. Pigil ang mga tawang tiningnan ni Berry si Alexander.

"Wala pong dumalaw sa kanya na kahit na sino? Ang ibig ko pong sabihin ay yung buwanang dalaw po ng mga babae...Kung saan ay nireregla po kami tuwing sasapit yung takdang araw na yon"nakita ni Berry ang pagkunot ng noo ni Alexander.

"Ako na pong bahala sa Binibini, Master. Nasa maayos at normal na kalagayan po ang Binibini"nakangiting tinitigan ni Berry si Cassandra na ngayon ay nakapikit. Nagdududang mga tingin ang ipinukol ni Alexander kay Berry. Lumapit siya kay Cassandra na namimilipit pa rin sa sakit.

"Even if I don't f*cking know what she meant by that, do you need anything?."

Idinilat ni Cassandra ang mata.

"I need pads..."bulong ni Cassandra.

"Pads?"kunot noong ulit ni Alexander sa sinabi ni Cassandra.

"Yes."

"Okay... ano pa?"tumango na lang si Alexander.

"Chocolates, I want chocolates"

"Okay, wait for me... I'm going to get those"tumayo si Alexander at binilinan si Berry na bantayan ng maiigi si Cassandra.

(Alexander's POV)

All I need to buy is PADS!

Wait. I think I'm missing something...

Chocolate!!

Nasa harap ako ngayon ng isang tindahan. Dito ako dinala ng aking teleportation power kaya wala na akong sinayang na oras at agad akong lumapit sa matandang babae na nagbabantay. Binigkas ko ulit ang mga kailangan kong bilhin.

Pads? Tama.

"Magandang tanghali po"bati ko sa babae. Nakangiting nagtaas ng tingin ang babae.

"Magandang tanghali hijo, anong sayo?"

"May pads po ba kayo?"

"Pads? Ah..eh..anong klaseng pads bang hanap mo? Marami kaming pads, hijo. May yellow pad kami, meron din naman kaming yung pang elemetary paper pad...alin don?"

Bigla akong napakamot sa aking ulo. Hindi ko alam na marami pala ang klase ng pads.

"Isang yellow pad po at yung isa na...yung sinabi niyo po"sabi ko sa babae. Tumalikod ito at kinuha ang sinasabing pads. Hinawakan ko ang mga pads na sinasabi niya. Madulas ang mga ito at manipis pero marami sila. May pagkakapareho ang mga ito sa mga papel sa office ni Cassandra. Nagdududa ako sa pad na ibinigay niya. Hmm...okay na siguro to.

"Pwede na to...Magkano po?"kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang pitaka ko.

"Bale, thirty pesos lang hijo"sagot nung Ale. Inabot ko ang pera sa kanya at sinuklian niya ako. Paalis na ako nang maalala ko ang chocolate na pinapabili ni Cassandra.

"Ah... Ma'am, may chocolate po ba kayo?"

"Meron...marami...Anong bang gusto mo? Yung chocolate bar? chocolate chips? chocolate cookies? o chocolate drink?"

Napabuntong hininga ako sa dami ng sinabi niya. Alin kaya dun?

Basta chocolate!

"Ahh...bigyan niyo na lang po ako ng tig- isa sa mga sinabi niyo"kumuha ako ng pera at ibinigay sa Ale.

I didn't know that buying is complicated. Not until now.

Matapos kong bilhin ang lahat ng kailangan ni Cassandra ay umuwi na ako. Dala ang dalawang malalaking supot ay mabilis kung narating ang Hill of Elf-hame. Sa di kalayuan, ay natanaw ko si Samantha na naliligo sa ilog. She's a Selkie, a seal folk capable of shedding skin to form as human. Knowing Samantha, she loves seducing anyone but I'm an exception. She loved my dumb brother so much but that jerk dumped her over his greed to immortality. I remember the day my brother broke up with her. She went up looking for me and tried to seduced me. Like what almost happened to Misty, I almost got her killed. From that day on, she promised herself not to do that trick on me. Ever again. Napalingon siya sa aking direksiyon at nakangiting kumaway sa akin. Umahon siya sa ilog na walang anumang saplot. Wala talagang hiya ang babaeng to.

"Gabriel!!!"kumaway ito sa lalaki.

"Cover yourself Samantha."

"Oppss! I know you don't wanna see me like this. Sorry" umikot ang babae at sa isang iglap lang ay nakasuot na ito ng damit.

"Anong dala mo?"tukoy nito sa supot na nasa magkabilang kamay ko.

"This is for my wife. Alis na ko"paalam ko sa kanya.

"Sandali, Gabriel!"

Nakangiting itinaas niya ang kanyang kilay.

"Ayieee...What for? Kaarawan niya?"nanunuksong mga tingin ang ipinukol niya sa akin.

"No. Just...buwanang dalaw niya"

Nakita kong nagulat si Samantha sa sinabi ko.

"Patingin"aniya sabay hablot sa isang supot. Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya.

"Wow chocolates!!! You know I also love chocolate, penge"parang batang nakanguso ito. Inagaw ko ang supot sa kamay niya.

"Hindi ito para sayo."

Binelatan niya ako. Walang ano-ano'y hinablot niya ang isa pang supot.

"How about this one? What's in here? Hmm..."isa-isa niyang inilabas ang mga pads. Nagtaas siya ng mukha at tiningnan niya ako sa nagtatanong niyang mga mata.

"What are these for?" takang tanong niya sabay taas ng mga pads na nakasupot pa sa puting cellophane.

"Pads? Hindi mo alam? Babae ka diba?"sagot ko sa kanya.

"Eh?"

"Akin na nga yan" sabay hablot ko sa supot at cellophane na nasa kamay niya. Bago pa siya makapagsalita ay mabilis akong naglaho sa kanyang harapan.

(End of Alexander's POV)

"Bastos!!! Pagdudahan ba naman ang pagkababae ko"sabay hawak ng kanyang malalaking suso.

"Pero...anong buwanang dalaw ang sinasabi niya?hayss..."naiiling na bumalik sa paglangoy si Samantha.

Dumating si Alexander sa kastilyo dala ang mga pinabili sa kanya ni Cassandra. Agad siyang nagpunta sa sala pero wala na sa sofa si Cassandra. Dumiretso si Alexander sa kwarto ni Cassandra at nadatnan niyang nakapagpalit na ito ng damit. Nakahiga ito habang kinakalikot ang kanyang cellphone.

"Musta?"sabay latag sa mga supot sa kama ni Cassandra. Hinubad niya ang suot na jacket at naupo sa harapan ni Cassandra.

"Okay na ako, don't worry...Eto na ba yung mga pinabili ko sayo?"tukoy ni Cassandra sa mga supot na nasa harapan.

"Open it"tumayo si Alexander at tinulungang maghalungkat si Cassandra.

"Woah!! Chocolates!!! Ilang tindahan ba ang binilhan mo nito? Dami nito ha? Thanks! You don't know how much I need this!"

Umayos ng tindig si Alexander sabay flex ng kanyang muscles sa braso.

"You know, you look weird by just doing that, right?"komento ni Cassandra na sinabayan niya ng pagtawa.

"And you should know that, I don't usually do this"nahihiyang ibinaba ni Alexander ang mga kamay.

"Really? okay, because you made me happy...I'll let it pass"sunod namang pinakialaman ni Cassandra ang supot kung saan nakalagay ang mga papel.

"Okay? Tell me, what are these for?"sabay taas sa puting cellophane.

"Your pads"

"Alexander, this isn't pads...this...is...paper?!"isa-isang kinuha ni Cassandra ang mga papel sa cellophane.

"Yellow pad..."

.....

"Another pad of paper..."

....

"Just another pad of paper..."

...

"Anong problema mo? Ayaw mo niyan, marami kang pagpipilian?"tumunog ang tiyan ni Alexander.

"Gutom na ako. Ginutom ako dahil diyan"tinitigan ni Alexander si Cassandra na nakahawak sa kanyang ulo.

"Sabay na tayong kumain...ipapaakyat ko na lang yung pagkain natin"sabay talikod ni Alexander.

"He knows nothing about us..."nakayukong sabi ni Cassandra nang makalabas na si Alexander.

次の章へ