Madaling araw pa lang ay bumangon na si Cassandra para mag ehersisyo. Tinungo niya ang kanyang closet at pumili ng itim na jogging pants at t-shirt na printed. Nagtungo siya sa harapan ng salamin at inayos ang kanyang buhok at itinali ito ng pony tail. Nagsuot siya ng headphone bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto. Hindi na siya nag abala pang gisingin si Kris dahil mukhang mahimbing ito sa kanyang pagtulog. Naisip niyang magjogging para naman marelax ang kanyang pag-iisip. Kinakabahan siya sa magaganap mamaya. Napagpasyahan na rin niyang dalawin ang puntod ng ama. Pababa na siya ng hagdan nang mapansing may taong nakabaluktot sa malaking sofa na nasa sala. Nang makababa ay nakita niyang si Frost nga ito na himbing na himbing sa pagtulog. Naiiling na kumuha siya ng kumot at itinabon dito.
Bakit hindi siya natulog sa spare room? Sinulyapan niya si Frost bago naglakad palabas ng bahay. Wala pa masyadong tao sa paligid. Malamig na simoy ng hangin ang bumati sa kanya paglabas niya ng bahay. Nakalabas na siya ng gate nang magsimula siyang tumakbo ng mabagal. Medyo mahangin sa labas kaya naman binilisan ni Cassandra ang pagtakbo hanggang sa makarating sa parke. May iilang taong nasasalubong niyang nagjojogging.
Naglibot siya sa parke at makalipas ang tatlumpong minutong pagjojogging ay nakaramdam na siya ng pagkapagod. Dumadami na rin ang mga taong tulad niya ay nagpupunta sa parke upang mag ehersisyo. Naghanap siya ng mauupuan hanggang sa may nakita siyang bakanteng bench. Naglakad siya papunta doon nang biglang may humawak sa kanyang braso. Agad siyang napalingon sa kanyang likod at nakita si Devans na nakangiti sa kanya.
"Ms. Montague??? so it's really you...Hi!!" Nakafull black ang lalaki. Nakasuot ito ng itim na jogging pants at jacket.
Inalis ni Cassandra ang suot na headphone at ginantihan ng tipid na ngiti ang lalaki.
"Oh hi Mr. Devans"bati niya rito. Tinitigan siya ng lalaki sa kanyang mukha na tila kinakabisa nito ang bawat parte nito. Naiilang na nag-iwas siya ng tingin kay Devans.
"Hi! I haven't seen you for a while, how are you?" tanong ng lalaki hindi pa rin maalis alis ang ngiti nito sa labi.
"Uhh I went on a day off, needed to rest for a bit." Lihim na napakagat sa kanyang ibabang labi si Cassandra dahil sa kakaibang titig ng lalaki sa kanya. Nagpatuloy siya sa paglalakad na sinabayan naman ng lalaki. Nagtungo sila sa pinakamalapit na bench.
"Tell me if there's anything I can do for you, it will be a pleasure"sagot ni Devans na ang tingin ay nasa kanilang harapan.
"Thank you Mr. Devans"tipid niyang sagot .
"You know Ms. Montague, maybe we can drop this formality since we're outside of work, what do you think?"huminto sa paglalakad si Devans at hinarap si Cassandra.
"Well...uhh you're right call me Anna then"
"Then call me Constantine, Anna"playful na sabi ng lalaki na sinabayan pa niya ng pagyuko habang nakalagay ang kanyang kamay sa dibdib. Natatawang ginaya ni Cassandra ang acting ng lalaki. Nagtawanan sila pagkatapos.
"Don't you think we look stupid just now?"natatawang tanong ni Cassandra sa kanya. Naupo na sila sa bench.
"Well I don't mind looking stupid as long as I'm with you and you're happy"sagot ni Devans na ikinatigil ni Cassandra. Napatingin siya sa lalaki. Gusto niyang isipin na friendly lang talaga ang lalaki at wala na itong ibang intensiyon maliban sa business at pakikipagkaibigan sa kanya. Nag iwas siya ng tingin nang biglang lumingon si Devans sa kanyang gawi. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya kinuha niya ang dalang tumbler at uminom ng tubig.
"Anna, I have something to tell you"litangya ni Devans makalipas ang ilang sandaling katahimikan.
"I'm listening"tiningnan niya si Devans na seryosong nakatingin sa kanya.
"Will you go on a date with me?"tanong ni Devans na ikinagulat niya. Napalunok siya ng sunod-sunod at sandaling hindi makasagot. Mayamaya pa ay napabuntong hininga na lamang siya bago ibinalik ang tingin sa lalaki.
"Did I misheard what you just said??"aniya sa lalaki.
'May mali na ata sa pandinig ko' sa isip ni Cassandra.
"Will you go on a date with me?"pag-uulit nitong sabi. Napatayo na lang si Cassandra at kunwaring nagstreching.
"Hahaha...ano ba naman ang lalaking ito kahit ano na ang lumalabas sa kanyang bibig"mahina niyang sabi.
"Seryoso ako Anna"sagot ng lalaki. Natigil si Cassandra sa ginagawa at gulat na nilingon ang lalaking matamang nakatitig sa kanya. Napatuwid siya ng tayo at nahihiyang hinarap ito.
"I thought you can't..."natutop niya ang bibig dahil sa hiyang bumalot sa kanya ng mga sandaling iyon.
"Marunong akong magsalita ng Filipino, so ano na?"hulog ang babang nakatingin lang sa kanya si Cassandra.
Umangat ng bahagya ang sulok ng labi ni Devans at naiiling na tumayo. Hinarap niya si Cassandra na bahagyang nakatingala dahil sa taas niya 6'1. Marahang hinawakan niya sa magkabilang balikat ang babae at diretsong tinitigan sa kanyang mata.
"I like you Anna even before we became business partners"pagtatapat niya sa babae. Tahimik lang na nakatitig si Cassandra kay Devans. Tinitimbang nito ang sinabi ng lalaki kung ginogood time lang siya nito o baka pinapraktisan lang siya nito. Napalunok na lang si Cassandra nang walang mahanap na isasagot sa lalaki.
"Una kitang nakita sa isang cafe noon...You look so cute with your pink dress...but there's something in your eyes... there's sadness...and that made me even more curious about you. I even thought maybe you cried hard because you lost someone you love"dugtong nito. Naaalala nga ni Cassandra ang time after niyang makalabas sa hospital ay isang masamang balita ang sumalubong sa kanya. Namatay na raw ang kanyang ama na kasama niya sa aksidente. Ilang linggo rin siyang hindi nagising mula ng maaksidente kaya hindi na niya nasilayan ang ama sa huling pagkakataon. Lagi siyang nasa Starlight Cafe noon, ang cafe na malapit sa kung saan nangyari ang aksidente na kumitil sa buhay ni Marcus Montague. Nagbabakasakali siyang maaalala niya ang araw na iyon. Nagiguilty siya dahil wala siyang maalala. Sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng kanyang ama. Umiiyak siya tuwing gabi. Simula ng mawala ang kanyang ama ay binabangungot na rin siya tuwing gabi. May anino ng isang lalaki ang bumibisita sa kanya tuwing siya ay natutulog. Hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki. Sa tuwing nagpapakita ito ay tila may kung ano siyang nararamdamang paninikip sa kanyang dibdib.
Natigilan si Cassandra nang biglang sumagi ang pigura ni Alexander at ang aninong nagpapakita sa kanya tuwing gabi. Biglang naging abnormal ang tibok ng kanyang puso.
"I...I have to go now Constantine"nagmamadaling dinampot niya ang kanyang tumbler.
"Wait, what about going out with me?"pigil ni Devans sa kanya. Nilingon niya ang lalaki at nginitian ito ng tipid.
"I'm sorry Constantine, I'm going, I remember I have plans today"nagwave siya sa lalaki bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa Moon Lake Cemetery kung saan nakalibing ang kanyang ama.
I will be here for you... I'll stay with you...always.
Naaalala niyang sabi ng anino sa kanya noon. Tinuring niyang isang bangungot ang parte na iyon ng kanyang panaginip dahil sa hindi niya maintindihan ang biglaang pagsikip ng kanyang dibdib. Nagigising na lamang siyang hawak-hawak ang parte ng kanyang dibdib at parang hinihingal dahil sa bilis ng tibok nito. Bumilis siya ng bulaklak nang may madaanang nagtitinda sa gilid ng daan.
"Bakit ngayon ko lang naisip?"wala sa sariling litanya niya. Papasok na siya ng sementeryo nang mag ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nakitang tumatawag si Kris sa kanya.
"Hello?"sagot niya.
(Bestie, nasaan ka ba ngayon?)
"Pasensiya na hindi na ako nakapagpaalam, nasa sementeryo ako ngayon. Bibisitahin ko lang ang puntod ni Dad"iginala niya ang tingin sa paligid nang bigla siyang nakaramdam na parang may nakamasid sa kanya.
(Ganoon ba? Hinahanap ka ni Frost, pupuntahan ka namin diyan, okay?)
"Wag na bestie, pauwi na rin ako pagkatapos nito"niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na pang umagang hangin.
(Wag na daw Frost, pauwi na rin daw siya...Oh siya bestie basta mag-iingat ka ha)
"Opo, bye Kris" agad niyang ibinalik sa bulsa ang kanyang cellphone at nagpatuloy sa paglalakad.
May isang matandang lalaki ang nakita niyang nagwawalis sa di kalayuan. Nang makarating sa puntod ng kanyang ama ay marahan niyang inilagay ang bulaklak na hawak at naupo sa harap nito.
"Hi Dad, anak niyo po ito si Cassandra...pasensiya na kung medyo natagalan ako sa pagbisita ngayon"nakangiting sabi niya. Napasinghot siya ng maramdamang sinisipon siya dala ng malamig na hangin at luhang kanina pa niya pinipigilan.
"Ikakasal na po ang anak niyo Dad, you're daughter is a contractual wife now. Sounds hilarious, right? pero totoo po. Siguro nga po ay babatukan niyo ako ng malakas kung nabubuhay lang po kayo. I met this guy na hindi naman po tao, he's...ano nga ba siya?"napaisip siya ng saglit. Hindi pa niya naitatanong kay Alexander kung ano ba siya talaga. Naiiling na ibinalik niya ang tingin sa puntod ng ama. Hindi niya man lang naitanong kay Alexander kung ano ba ang lalaki. Taong gubat? Taong anino? Engkanto? Sa huli ay napabuntong hininga na lang siya.
"Pasensiya na po Dad, I forgot to ask him about that but...this guy, his name is Alexander. He's kinda weird and sometimes I don't even understand him. Minsan naitatanong ko sarili if may split personality po siya. But he's a good man...that's for sure"nangingiting sabi niya.
"Ever since I met him, his claiming me as his wife"sumilay ang ngiti sa labi ni Cassandra ng bigla niyang naalala ang unang beses na tinawag siyang "wife" ni Alexander. Weird nga para sa kanya na marinig na tinatawag siyang wife ng isang lalaki na hindi niya naman asawa but she is used to it now.
"I miss you Dad, kahit wala na kayo you will always be in here"sabay turo sa kanyang dibdib. Hindi niya namalayang umaagos na ang mga luha sa kanyang pisngi. Napasinghot siya.
"After you left, I did so many things... I continued pursuing my dream and Mom went back on painting. She's recovering. Don't worry about us, we're doing fine. We're fine..."hinayaan na lamang niya ang mayamang pag-agos ng kanyang luha. Napatingin siya sa kanyang bulsa nang magvibrate ang kanyang cellphone.
Tumayo siya at tiningnan ang papasilip na haring araw. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi. Sa di kalayuan ay may nakita siyang dalawang kakaibang nilalang na biglang nag-anyong tao.
"Damn!!!"mahina niyang sabi nang makuha kung sino ang mga ito. Mukha silang may hinahanap dahil malikot ang kanilang mga mata at parang hindi mapakali.
"Nasisiguro kong dito siya nagpunta"sabi nung isa sa kasama niya. Kinabahan siya sa narinig dahil natitiyak niyang siya ang tinutukoy ng mga nilalang na ito.
"Bilisan na natin at baka mainip pa si Boss sa atin, patay tayo sa kanya." Nagsimula silang maghanap. Mabuti na lang at nasa sementeryo siya. Naalala niya bigla ang sinabi ni Alexander sa kanya nung may humahabol sa kanila. Nawawala ang kanilang amoy pag nasa sementeryo sila kaya mahihirapan ang mga ito na hanapin siya. Dahan-dahan niyang tinungo ang puno na kalapit lang ng puntod ng kanyang ama. Sinilip niya ang dalawang nilalang na mabilis ang mga kilos.
"Ano na diyan?"tanong nung isa. Umakto ang isa na parang may inaamoy.
"Parang may naaamoy ako dito"sabi nung isa. Nagsimula siyang humakbang palapit sa puntod ni Marcus. Yumuko ito at inamoy ang grave stone ng puntod. Mukha itong naglalaway at hinihimas himas pa ang puntod.
"Mahalimuyak! Nandito siya! Nasa palibot lang ang babae!!"tumayo ito at parang asong ulol na naglalakad na nakalabas ang mahaba nitong dila. Lihim na nagpasalamat si Cassandra nang may dumating na dalawang tao. Isang lalaki at isang babae. Naglakad siya palapit dito para sana ay humingi ng tulong pero napahinto siya agad sa paglalakad nang may hinablot ang babae sa kanyang likod.
'Fudge! They are also after me!' Ang nasa isip ni Cassandra nang makita ang dalawang matutulis na punyal sa magkabilang kamay ng babae. Napaatras siya. Medyo may kalayuan pa ang gate ng sementeryo. Hinanap ng kanyang mata ang matandang lalaki na nakita niyang nagwawalis kanina. Wala na ito.
'Since you can't see me, I only need to be careful not to make a noise...' sa isip ay sabi niya.
Dahan-dahan siya sa paghakbang. Dinig niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Mabuti na lamang at matataas ang mga puntod sa sementeryong ito at may mapagkukublihan siya. Tanaw na niya ang exit nang biglang sumulpot ang isa sa kanyang harapan. Huminto siya sa paglalakad at pigil ang mga hiningang inobserbahan ang galaw ng nilalang.
"May naaamoy ako dito, mabango...mahalimuyak..."tumigil ito sa tapat ng pinagkukublihan ni Cassandra.
Lub.Dub.Lub.Dub.
Palapit ng palapit ang nilalang kay Cassandra. Tanging tunog ng naglalagasang dahon ng puno ang naririnig sa tuwing naaapakan ito ng nilalang. Lihim na nagdasal si Cassandra nang mga oras na iyon. Naiwan niya ang purse niya na naglalaman ng kanyang baril.
"Amoy ng natatakot!!!"bulalas ng nilalang at agad na nahawakan ang damit si Cassandra.
Ohh no!!!
Gamit ang hawak na tumbler ay buong pwersang hinampas ni Cassandra sa mukha ang nilalang. Nabitawan siya nito dahilan para makatakbo palayo sa kanya si Cassandra. Napalingon ang tatlo pa nitong kasama sa gawi nila ng sumigaw ang nilalang na nakaharap ni Cassandra.
"Andito siya!!!Bilis!!Baka makalayo"sigaw niya sa mga kasama.
"Anong nangyari sayo?!"tanong nung isa sa kanya nang mapansing hawak-hawak niya ang kanyang mukha. Nakita niya ang dugong umaagos mula sa sumabog nitong mukha.
"Habulin mo na ang babae!!!"sigaw ng nilalang at itinulak ang kasama palayo.
"We're hunting"natatawang sabi ng babae habang mabilis na tinatahak ang daang dinaanan ni Cassandra. Nilalaro pa ng babae ang hawak na mga punyal.
Samantala, hingal na hingal si Cassandra habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang mga ito na mabilis na nakasunod sa kanya.
Maabutan nila ako!
Pinulot niya ang isang sanga ng kahoy at tinapon palayo sa kanya. Nagsitigilan ang mga ito. Sinugod ng mga lalaki ang binagsakan ng itinapon niyang sanga ngunit ang babae ay nanatiling nakatayo at nakangiting nakatingin sa kanya.
"You can't trick me bitch...I know where you are from the fear I sensed from you"nagsimula itong maglakad papunta sa kinaroroonan ni Cassandra. Napaatras si Cassandra at kinapa ang bulsa ng suot niyang jogging pants.
"You can't hide from me!!!"sigaw ng babae habang iwinawasiwas sa ere ang punyal na hawak. Sa malas ay may naapakang sanga ng kahoy si Cassandra at ito'y naglikha ng ingay. Kagat ang pang ibabang labing tinakbo niya ang gate ng sementeryo. Ngunit mabilis ang kilos ng babaeng humahabol sa kanya. Tumalon ang isa sa kanila at bumagsak sa harapan ni Cassandra. Napahinto sa pagtakbo si Cassandra at mabilis na kinuha ang pepper spray sa kanyang bulsa at agad na inispray sa mata ng kaharap.
Siguro naman kahit na hindi ka nakakakita ay may epekto pa rin ang pepper spray sayo...
"Ughh!!!Anong ginawa mo sa akin?!Ahhh!!!Ang sakit ng mata ko!!!"umakto itong susunggaban ang kaharap pero mabilis na nakaiwas si Cassandra at nalagpasan ito.
"Walang utak!!!"tinulak ng babae ang kasamahan na napapasigaw sa sakit.
Tumakbo ng mabilis si Cassandra hanggang sa may nabangga siya na halos ikatilapon na niya dahil sa malakas nitong impact. Itinaas niya ang hawak na pepper spray at akmang pipindutin na niya nang bigla siyang ikulong sa mga bisig ng nakabanggaan niya.
"Don't worry Wife, I'm here"tinig ni Alexander. Inayos ni Alexander ang buhok na nakatabon sa mukha ni Cassandra at marahang ginawaran ng halik ang noo ni Cassandra. Tumingala si Cassandra at nakahinga ng maluwag nang si Alexander ang kanyang nakita.
He patted her head.
"Alexander..."
"Who did this to you?"tanong ni Alexander patungkol sa galos niya sa kanyang kamay.
Tiningnan ni Cassandra ang isa sa mga humahabol sa kanya kanina. Tumango si Alexander at tiningnan ang mga ito ng kanyang nagbabagang mga mata. Napaatras ang mga humahabol kay Cassandra nang maramdaman ang presensiya ni Alexander.
"Now will you close your eyes for me?"malumanay na sabi ni Alexander kay Cassandra.
Sumunod si Cassandra at ipinikit nga niya ang kanyang mga mata.
"Thank you wife, now I need you to turn your back and don't look back, may tatapusin lang ako." Ikinuyom ni Alexander ang kamao at tiningnan ang apat na humahabol kay Cassandra.
"Who gave you the order to attacked her?"tanong niya sa mga ito. May ideya na siya kung sino ang nag-utos kahit wala pang sagot ang mga humahabol. Imbes na sumagot ay sumugod ang babae gamit ang hawak na punyal. Naiwasan niya ang ginawang pag-atake ng babae at mabilis na nahawakan ito sa leeg. Inangat niya sa ere ang babaeng Kelpie at tinitigan ito sa mata nitong parang sasabog na sa higpit ng kanyang pagkakahawak.
"You got his eyes"walang kaemo-emosyong sabi ni Alexander nang makita ang repleksiyon ng isang lalaki sa mata ng babaeng hawak niya.
Nginitian ni Alexander ang babae bago niya tuluyang pinaghiwalay ang ulo mula sa katawan ng babae.
"Ughhh!!!"sigaw ng babae. Bumulwak ang masaganang dugo mula katawan ng babae na nakahandusay na sa sahig. Nangingisay ang katawan ng babae kahit wala na itong ulo.
"Walang hiya ka!!!"sigaw ng isa at tumakbo palapit kay Alexander. Mabilis namang nahawakan ni Alexander sa leeg ang lalaki. Hinawakan niya ito sa bibig at walang awang ibinuka ang mga ito hanggang sa tuluyang mahati ang mukha ng lalaki. Sumugod ang iba at isa-isa silang pinagpupunit ni Alexander. Sigawan ang tanging maririnig ng mga sandaling iyon.
Nagtila puzzle pieces ang mga pira-pirasong katawan na nagkalat sa sahig. Ilang sandali pa ay nagsibalikan na sa dati nilang mga anyo ang mga patay na mga katawan. Ang iba ay napunta na sa taas ng puno.
"Are you okay?"boses ni Alexander. Lumingon si Cassandra kay Alexander at hindi makapaniwalang totoo ngang dumating ito para iligtas siya. Napatingin siya sa lugar kung saan nakatayo kanina ang mga Kelpieng humahabol sa kanya.
"It's okay"ani Alexander at hinawakan sa mukha si Cassandra na tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Nakatingin lang ito sa kanya. Naiiling na tiningnan ni Alexander ang babae sabay kagat sa kanyang pang ibabang labi. Kapagkuwan ay isang mabilis na halik sa labi ang iginawad ni Alexander kay Cassandra.
Hindi pa rin makapaniwala si Cassandra sa nakita. Kung tama ang kanyang nakita, pira-pirasong mga katawan ang nakita niyang nakakalat sa sementeryo.
"Wait. Bakit mo na naman ba ako hinalikan?"tanong niya nang mapagtantong ninakawan na naman siya ng halik ni Alexander.
"It's a service fee, wife"nakangiting sagot ni Alexander sa kanya.
"Wow. So may bayad na pala yung pagliligtas mo sa akin?" Nakapameywang niyang tanong. Hinawakan siya ni Alexander sa baba at tinitigan siya ng matagal.
"May kasalanan ka, bakit hindi ka nagpaalam kay Frost na aalis ka?"seryoso nitong tanong kay Cassandra.
"Tulog pa kasi siya at ayaw ko na siyang istorbohin, mukhang pagod na pagod eh" nakangusong sagot ni Cassandra.
"You know it could have been worse if I didn't get here on time"seryosong wika ni Alexander.
"Fine. Next time, magpapaalam na ako...and sorry kung napag-alala kita"nakatungong sabi ni Cassandra.
Paano kung hindi dumating si Alexander?
She might be lying on that floor instead of those dead bodies.
"Uuwi na tayo"ani Alexander.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"curious na tanong ni Cassandra.
"Galing ako sa bahay niyo at sabi ni Kris nasa sementeryo ka at dinalaw mo ang papa mo kaya nagteleport na ako papunta dito."
"Ganoon ba? Salamat"huminto sa paglalakad si Cassandra at walang pasabing niyakap si Alexander ng mahigpit.
"Tinutupad mo talaga ang pangako mo" nakangiting sabi ni Cassandra. Natigilan sa paglakad si Alexander at napatingin kay Cassandra. Nang makabawi na sa pagkabigla ay ginantihan na rin niya ng mahigpit na yakap si Cassandra.
"I will be here for you, I'll stay with you...always"tinig ni Alexander.
"Tara na"nakangiting bumitaw si Cassandra mula sa pagkakayakap kay Alexander at naglakad na silang dalawa palayo sa sementeryo.
(Devans's POV)
I went back to my condo after she left. It's too early to drown myself in alcohol. But, I can't help it! I saw her wearing a betrothal bracelet. It must be from Gabriel. So he's been planning to do the ritual tonight...
I smirked when an idea came into my mind.
I can't let him have her...
There's no such thing as happy ending with my brother. If I can't have her then no one else will!