"So anong plano mo?" nag-aalalang tanong ni Kris.
Naikwento ko sa kanya ang lahat-lahat. Nung una ay akala nito ay nagbibiro lang ako pero nang makita niyang seryoso ako ay napalitan ng pag-aalala ang kanyang mukha.
"Bestie...Ano ba yan? I'm worried about you"Kris
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko rin alam ang gagawin. Ang dahilan kung bakit kami umalis sa dati naming bahay ay dahil lagi akong binabangungot. Ang sabi ng doktor ay dahil ito sa aksidenteng nangyari na dahilan ng pagkaamnesia ko. Natrauma lang daw ako sa nangyari pero mukhang there's something deeper than that. If only I could remember.
"Bestie dito ka na lang muna mag stay hanggang sa hindi pa nakakauwi si Tita"suhestiyon ni Kris. Nahinto ako sa pag-iisip dahil sa sinabi ni Kris. Mas makakabuti nga kung dito na muna ako pansamantala habang hindi pa nakakauwi si Mama. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Nice. We're going to have long nights of chikahan lang hihi"excited na sabi ni Kris.
"And...whoever or whatever that thing you saw last night, I won't let it harm you"dugtong ni Kris. Napangiti na lang ako. I know how much she wants to help me but if there's someone who can help me get over this BS, it's me.
"Okay but I need to get my things. Samahan mo ako" I used my sweetest smile to her.
"No need to do that Bestie, sasamahan talaga kita. Aba't paano kung may mangyari sayo sa daan, alam mo bang mas delikado na ang panahon ngayon" parang nanay na pahayag ni Kris.
Napabungisngis na lang ako. Napangiti na lang din si Kris at nagyakapan kami. I had my amnesia therapy before but since mukhang walang progress na nakikita. I told my mom to stop the treatment. Sinabi ko kay Mama na permanent amnesia ang nangyari sa akin at wala na talagang pag-asa na maalala ko pa ang nangyari nung araw na naganap ang aksidente. Maliban sa araw na yon, naaalala ko ang lahat. Sadyang kinalimutan ng aking sistema ang traumatic event na yon.
Umalis na kami ni Kris papunta sa bahay. Kinuha ko ang mga kakailanganin ko for 6 days na pamamalagi ko sa kanila. Napagpasyahan na naming kumain na muna sa restaurant before kami uuwi. Hindi namin maiwasang hindi balikan ang mga kalokohan namin nung kami'y bata pa lamang.
"Hahaha. Naaalala mo ba nung minsan ay pasekreto nating kinuha ang susi ng kotse ni Dad tapos di sinasadyang kakilala pala ni Dad yung Mommy ni Jake" masayang pagbabalik-tanaw ko sa mga kalokohan namin nung mga bata pa kami.
"Oo tapos wala tayong nagawa kundi ang hintayin ang pagdating ni Tito tapos dalawa tayong nakatikim ng malulutong na sermon??Hahaha. Napakapasaway pala natin noon noh??" segundo naman ni Kris.
"True pero sa kabila non close pa rin yung family natin like kulang na lang sabihin kong magkapatid talaga tayo and we're blessed with four parents. If only dad is here..." I paused as I was trying to hold back my tears.
"But life must go on. I know that wherever he is right now, he is happy and watching us from above" I smiled and took a spoonful of mushroom soup.
"Kain na tayo at baka magkaiyakan na naman tayo"nakangiting pahayag ni Kris. She immediately changed the topic dahil alam niyang di ko kakayanin at baka magkaiyakan pa kami.
I nodded with a smile.
Ringing...
"Si Mom" excited kong sabi. Napangiti si Kris at excited na inilapit ang upuan sa mesa.
"Hello Mom"
"My Anna baby, musta ka na dyan?"
"Ahhh Okay naman po Mom, kayo po kumusta ang pakikipag-usap niyo kay Mrs. Verdon?" mas minabuti kong wag ng sabihin sa kanya ang nangyari at baka mag-alala lang ito.
"Ayun nga anak, ang rason kaya ako napatawag ngayon ay dahil gusto kong ibalita sayo na nakuha kong sponsor sina Mrs. Verdon at Ms. Natalie!!!" excited nitong sabi.
"Wow, sabi na eh ikaw pa! Congrats Mom! Alam ko naman talagang mapapa-oo mo sila!!!"masayang kong sagot.
"Mucho gracias Anna baby"sagot ni Mama sa akin. Napatingin ako kay Kris na napakalapad ng ngiti habang nakikinig sa usapan namin ni Mama.
"Ah sya nga pala Mom, Kain po tayo, kumain ka na po?"
"Tapos na ako anak hihihi sobrang saya ko ngayon Anna baby. Gagawa na rin ako ng bagong artwork dito dahil inspired ang Mama mo"masayang pahayag ni Mama.
"Wow. Mabuti yan Mom. Kasama ko nga po pala si Kris ngayon, sabay po kaming nag lunch" inilapit ko ang cellphone kay Kris.
"Hi po Tita, it's your favorite extended daughter Krissss" bati ni Kris kay Mama. Narinig kong tumawa si Mama.
"Hi Krissss, may pasalubong ako sayo pagdating ko dyan kaya be a good girl...kayo ni Anna okay?"Mama
"Hihihi okay po Tita, walang problema"
Natapos na kami sa pagkain at nagkayayaan kaming pumunta muna sa mall. Mamamasyal na muna kami. Nanood kami ng sine at naglaro ng video games. Namiss ko to. Yung gala namin ni Kris noon ay nalimitahan na ngayon dahil pareho na kaming busy sa mga career namin.
Pagkauwi namin ay agad kong inayos ang maliit na bag na naglalaman ng damit ko and other personal belongings.
Pagkatapos ay hinanap ko si Kris. Nadatnan ko itong tulog sa kwarto niya.
Napagod ito dahil halos magdamag kaming gumala lang sa mall. Nakaramdam ako ng antok kaya tumabi na lang din ako sa kanya at nagsimula na ngang bumigat ang aking mga mata. Unti-unting hinihigop ang aking kamalayan at...
"Hmmm..."
Papungas pungas ako ng aking mata, wala na si Kris sa aking tabi. Tiningnan ko ang aking relo, alas otso na pala ng gabi.
Hmmmm...tatlong oras din akong nakatulog. Umalis na ako sa higaan at bumaba. Nadatnan kong abala sa pagluluto si Kris.
"Oh gising ka na pala bestie, umupo ka na lang dyan at kakain na tayo"
Sumunod na lang din ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog ng upbeat na kanta.
"Kris tingin mo ba nababaliw na ko?" walang anu-ano'y tanong ko sa kanya.
"Huh?Maloko?pwede pa pero baliw?hindi naman. Bakit mo naitanong?" lumapit ito na may dalang dalawang plato. Tumayo ako at tinulungan siya sa pag-aayos ng hapag-kainan.
"Wala lang. Self-assessment???" kibit-balikat kong sagot.
"Hahaha baliw ka na nga...Ayy Bestie may ipapakita nga pala ako sayo"tila kinikilig nitong sabi. May kinuha ito sa kanyang bulsa, ang cellphone niya.
"Tadannnn..."ipinakita niya ang larawan niya kasama ang isang lalaki.
"Ouie ang bestie ko may jowa na, sino ba yan?"
"Hindi ko pa siya sinasagot Bestie...eh kasi I'm not ready pa"nakasimangot niyang sabi.
"Hindi pa ready? Gusto ka niya. Ikaw? Anong say mo? Gusto mo rin ba?"tanong ko sa kanya.
Nahihiyang tumango ito. Napangiti na lang ako.
"So ano ba talaga ang dahilan?"curious kong tanong. Aba! Gusto ko ng lumigaya ang love life ng kaibigan ko!
Tahimik lang siya. I can feel the uncertainty and confusion in her. Napabuntong hininga na lang ako.
"Alam mo Kris, ganito yan kasi...Ang mga bagay tulad ng love...walang makakapag sabi kung handa ka na maliban sa iyong sarili, mararamdaman mo na lang yan at kung di ka pa sigurado give yourself time. Don't overthink and don't be unfair. Kung gusto mo siya, then go...pero kung ayaw mo naman sa kanya, then let that guy know... Follow your happiness but! take your brain with you"tila expert kong advice sa kanya. It's kinda hilarious 'cause I never had that kind of relationship.
Natahimik naman siya at mukhang napaisip sa sinabi ko. Ilang sandali ay nakangiting tinitigan niya ako.
"Da best ka talaga mag-advice bestie!!!Eh ikaw, how come wala pa rin?"
"Ha??? Ah--ehh, ano kasi..."
Naku po! Mukhang nahot seat ako dito ahhh.
"Eh kasi sadyang wala pa eh at alam ko,... nararamdaman ko...that, he's closer. He's been waiting for me for soooo long...Yung pag nagkita na kami we will hold onto each other till the end of lifetime"nakita kong medyo nalito si Kris sa sinabi ko. Kahit ako di ko alam ba't yun yung naisagot ko.
Corny? Maybe? Pero sana ganon kami ng future partner in life ko...haysttt...nang dahil sa kanonood ko ng mga palabas, ang taas na tuloy ng standard ko pagdating sa pag-ibig. Well, I don't regret setting those standards.
"Basta Kris, gusto ko umuulan pag nag meet na kami"dagdag ko pa.
"Huh?Bakit naman?"Kris
"Eh ewan ko, bigla ko lang naalala ang isang eksena sa Goblin"kinikilig pa rin ako sa scene na yun.
"Hayss, ewan ko sayo"naiiling na sagot ni Kris sa pantasya ko.
Bigla kong naalala ang aninong tumawag sa akin ng "wife". Kinilabutan ako bigla. Ninakaw niya ang first kiss ko. Kahit na panaginip lang yon pakiramdam ko ay totoo talaga ang halik.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at baka mawalan pako ng gana.