webnovel

Luisiana

Habang nagpapahinga ang lahat ay palihim na nagtungo si Eduardo sa silid ni Theo noon upang kuhaan ito ng larawan kasama ng kanyang ina. Nagtagumpay naman siyang kuhaan ang dalawa na kapwa walang saplot sa kama.

Napangiti siya dahil sa wakas ay magagantihan niya na rin ang kapatid na si Armando. Simula bata pa sila ay sinira na nito ang buhay niya at hanggang sa lumaki na nga sila, pinipeste pa rin siya ng sariling kapatid.

Nang matapos niyang kuhaan ang dalawa ay maingat siyang lumabas at bumaba pabalik sa sala na animo'y walang nangyari. Nginitian niya si Cliff na nag-aabang na sa kanya roon dahil paalis na rin sila ng mansion.

"Dad, sa'n ka nanggaling?" salubong ng kanyang anak na tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Sa banyo, tara na. I-message mo na lang ang Tito mo na umalis na tayo."

"Sige, Dad."

Habang tinatahak ng mag-ama ang ruta papunta sa bahay na pag-aari rin ng Ledesma na ipinamana na kay Eduardo, naalala na naman niya ang ginawa ng kapatid na mas lalong nagpatindi ng galit niya rito.

Alas tres ng umaga noon nang nagising siya dahil sa kalampagan na narinig niya mula sa kanyang kwarto. Pinuntahan niya ang pinanggalingan ng kalampagan ng mga gamit hanggang sa dinala nga siya ng tunog mula sa silid ng mag-asawang Luisiana at Armando.

"Hindi talaga kita mahal," ani Armando.

"Alam kong hindi ka pabor sa pagpapakasal natin at ganoon din naman ako noong una. Totoong ayaw ko dahil alam mo naman na may relasyon kami ng kuya mo...pero simula nang magsama tayo, unti-unti na rin akong nahulog sa 'yo. Hindi ako papayag na magkaanak sa 'yo kung hindi kita mahal!"

Napakuyom si Eduardo sa katotohanang kanyang narinig. Buong akala niya ay hanggang ngayon ay mahal pa rin siya ni Luisiana subalit hindi na pala. Parang tinusok nang malalim ang kanyang puso sa narinig na iyon. Matagal niya na palang niloloko ang sarili sa kasinungalingan na mahal pa rin siya ng dating kasintahan kahit na halata niya na sa kinikilos ng babae kung gaano ito ka-sweet sa kapatid na si Armando.

"Pero iba ang mahal ko, nilinaw ko na 'yon no'ng una pa lang."

"Iyong Caridad ba na 'yon? Ano'ng meron sa babaeng 'yon na wala ako? Armando naman. May anak na tayo! Ano pa bang dapat kong gawin? Mahal kita."

Umiiyak na si Luisiana nang oras na iyon at patuloy sa paghampas kay Armando samantalang wala namang ginagawa ang isa kundi ang salagin lamang ang hampas ng babae.

"Ano nang gagawin mo ngayon? Dahil ba wala na ang mga magulang mo kaya ang lakas-lakas na ng loob mong hiwalayan ako? Sige, kung 'yan ang desisyon mo. Aalis ako pero isasama ko si Theo. Huwag kang umasa na makikita mo pa ang anak mo."

Lumapit si Luisina sa crib upang kuhain ang mahimbing na natutulog na sanggol kaya naman agad ding lumapit si Armando upang pigilan ang babae.

"Hindi, Luisiana! Kung aalis ka, mag-isa kang umalis! Huwag mong isasama ang anak ko!" Humarang si Armando sa crib. Nakabuka nang malaki ang dalawa nitong braso upang hindi magtagumpay si Luisiana sa balak na gawin. Pero matigas ang babae. Nagpumilit pa rin ito hanggang sa hindi na nga nakatiis si Armando kaya hindi sinasadyang natulak niya ang babae.

Pasalampak na naupo si Luisiana sa sahig kaya walang ano-ano ring pumasok si Eduardo na kanina pa nakikinig upang daluhan ang babae.

"Armando!" awat ni Eduardo sa kapatid.

"Hindi ko sinasadya."

"Akin na ang anak ko!" sigaw ni Luisiana.

"Hindi, hindi mo pwedeng ilayo sa akin si Theo! Dito lang siya! Kung gusto mong umalis, umalis ka na! Hindi kita pipigilan!"

Inalalayan ni Eduardo na tumayo si Luisiana. Dahil sa nangyari, nagkaroon ng kaunting pag-asa si Eduardo na makuha muli ang minamahal na si Luisiana kaya kahit naiinis sa pagloloko ng kapatid, ipinagpapasalamat na rin niya iyon kahit papano dahil pwede niyang angkinin muli ang babae.

Sasamantalahin na ni Eduardo ang pagkakataon para maging sila muli ni Luisiana.

Tumindig nang maayos si Luisiana. "Sige, aalis ako hindi dahil sumusuko na akong kuhain ang anak ko. Aalis ako dahil hindi ko na makayanan ang makita kayong dalawa ni Caridad. Mahal kita, Armando, pero kapag naiisip ko ang mga kababalaghan ninyong dalawa kapag nakatalikod ako, hindi ko maiwasang masuka!"

Kumuha ng bag si Luisiana pagkatapos ay sinuksok ang kanyang mga damit doon. Pinilit niyang isilid ang nagdadamihang kasuotan doon kaya nga halos pumutok na rin ang bag at hindi na magawa pang isara ang zipper.

"Aalis ako pero sa pagbalik ko, kukuhain ko na ang anak ko!"

Lumabas ng silid si Luisiana kaya naman agad itong hinabol ni Eduardo. Hinawakan niya ito sa braso upang pahintuin.

"Sa'n ka na pupunta ngayon?"

"Basta."

"Pero..."

"Hindi mo na kailangang malaman pa, Eduardo, dahil matagal na tayong tapos. May anak na ako sa kapatid mo."

Isang sampal ang sinabi ni Luisiana kay Eduardo. Hindi naman nito kailangang ipamukha pa iyon sa kanya sapagkat alam na niya iyon. Siya lang naman kasi ang siraulo na kahit ipamukha pa ng babae ang pagiging sweet at concern sa kapatid na si Armando, hindi pa rin siya natatauhan kaya nga hanggang sa oras na iyon ay minamahal niya pa rin ito. Ano ang magagawa niya? Madaling turuan ang isip subalit hindi ang kanyang puso.

Inalis ni Luisiana ang pagkakahawak niya sa kamay nito at pagkatapos ay walang lingon-lingon na tinahak ang main door ng mansion. Lumipas pa ang ilang segundo ay tuluyan na itong nawala sa paningin ni Armando.

Iyon ang huling araw na nakita niya ang babae. Wala na siyang natanggap na balita rito. Sinubukan niya itong kontakin subalit wala itong tugon sa kanya. Pinuntahan niya rin ito sa paburito nilang lugar na pinupuntahan noong sila pa subalit ni anino nito ay hindi niya natagpuan. Paulit-ulit niya rin itong pinuntahan sa bahay nito subalit hindi siya pinapapasok ng mga guwardiya nito, minsan naman ay sinasabing wala ito roon at may lakad kaya hindi na talaga siya nabigyan ng pagkakataong makausap ang babae.

Ngunit hindi siya sumuko. Ganoon naman siguro kapag nagmamalahal, lahat ay kayang gawin para lang sa taong minamahal. Kaya nga kahit umuulan at tirik na tirik ang araw, hindi siya nag-alangan na suyurin ang bawat lugar na sa tingin niya ay espesyal dito. Hindi niya alam kung hindi lang talaga sila pinagtatagpo ng tadhana o baka iniiwasan lamang siya nito.

Nagbunga naman ang kanyang pagtatyaga. Natagpuan niya nga si Luisiana subalit hindi sa inaasahan niyang sitwasyon. Kung alam niya lang na ang walang buhay na katawan nito ang bubungad sa kanya, mas pipiliin niya pang isipin na iniiwasan lamang siya nito kaysa naman ang malaman na wala na talaga ang babae.

"Kasalanan mo 'to, Armando," naibulalas niya sa sarili. Bigo na nga siya sa pag-ibig at bigo na siya pagmamahal ng mga magulang, mas lalo pa siyang nabigo dahil namatay si Luisiana. Namatay hindi dahil sa sakit kundi dahil din sa kabiguan. At ayon pa sa katulong ni Luisiana, kapag kumakatok daw sila upang alukin ng pagkain ang babae, bukambibig nito ang anak na si Theo.

Ibigay mo sa 'kin ang anak ko.

Iyon ang pagkakasabi ng isang katulong na nakarinig kay Luisiana sa silid nito.

Sorry mga ka-Encha sa late update. Busy lang si author pero thank you pa rin sa matyagang paghihintay.

Don't forget to put your review sa story na ito. Salamat sa inyong lahat! I love you and God bless.

Teacher_Annycreators' thoughts
次の章へ