"HINDI iyon ang tinutukoy ko. Look at you, walang direksiyon ang buhay mo. You can go and leave as you please. Kahit anong oras mo gustuhing umuwi, nagagawa mo, kahit ilang babae, kayang-kaya mong pagsabayin. Lahat ng pera mo, ginagastos mo para sa sarili mo lang. Sarili mong bisyo at hilig." Patuloy pa ni Mrs. Gregorio.
"Anong masama doon, Mama? Wala naman akong inaagrabiyadong tao. Ganoon talaga kapag binata, di ba?"
"Precisely! I hate seeing you drift from one relationship to the next. I hate seeing you forever wandering. Having a family is a great thing, Cassius. You'll see. Kung buhay ang Dad mo, siya mismo ang magsasabi sa iyo. It transforms a man."
Tahimik si Cassius. Walang mangyayari sa usapan nila. Hindi siya maiintindihan ng Mama niya. Of course, may balak din naman siyang mag-asawa, kaya lang e, hindi pa niya natatagpuan ang babaing ihaharap niya sa dambana.
Baka si Katerine Chavez, malaki ang crush niya sa Gynecologist pero hanggang kailan? Hindi importante iyon, ang mahalaga'y makuha niya si Katerin.
Bahala na kung saan dadalhin ang relasyon nila. Iyon ang prinsipyo ni Cassius sa pag-aasawa. Kung ukol, bubukol. Wala pa naman siyang naging girlfriend na nabubuntis niya.
Si Pam noon, kaso'y pinalaglag nito ang bata. Masyado pang bata si Pam noon. Disi-otso at nag-aaral sa school ng mga madre. Walang siyang nagawa doon, dahil hindi rin naman niya sigurado kung kanya nga ang bata.
Mauutak na ang mga babae ngayon. Hindi basta-basta nagpapabuntis, maiingat. Ngunit aminado si Cassius, na madalas ay siya ang nag-iingat. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, dumarating siya sa punto na nawawala na siya ng interes sa kasalukuyang girlfriend at kapag ganoon wala siyang balak na patali.
Naisip niya si Kiona, ang bruhitang si Kiona. Ito ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan sa buhay niya, anong malay niya kung sinadya ni Kiona iyon mapakasalan niya dahil may gusto ito sa kanya?
Baka na love at first sight sa kanya. Ngunit alam niyang hindi. Nang ma-finalized ang usapan kanina, isang ngiti ang ipinukol sa kanya ni Kiona.
Ngunit hindi ngiti ng isang babaing may gusto sa kanya, bagkus ay ngiti ng isang kaaway na kaisa sa kanya at nagpanting ang tenga niya sa ngiting iyon.
———
"MA' AM narito na po tayo." Ani ng taxi driver kay Kiona.
"Sigurado ka ba?" Tanong ng dalaga.
Hindi siya pamilyar sa pasikot-sikot sa kamaynilaan kaya nahirapan siyang tukuyin ang tindahan ni Cassius. Ayaw pa naman niyang magpasama sa driver nina Lyndon, dahil importante ang sadya niya kay Cassius. Walang dapat makaalam kung hindi siya.
"Ito lang ho ang CASSTRADE sa lugar na ito. Ang sabi ninyo ay CASSTRADE, Banawe. Ang isa po ay nasa Paranaque." Paliwanag ng tsuper.
"O, sige po. Puwede po bang hintayin ninyo ako, madali lamang ako sa
loob."
Pumayag ang driver, dahil sigurado siyang magbibigay ng tip si Kiona. Mukhang mayaman. Napi-picture ng cab driver si Kiona na anak ng isang mayamang Haciendero sa kanilang probinsiya at hindi sanay magbiyahe ng walang sariling sasakyan.
"Ano po iyon, Ma'am?" Tanong ng security guard kay Kiona.
"Si Cassius? Nandiyan ba?"
Natigilan ang guwardiya, hindi agad nakapagsalita. Tingin ni Kiona ay namutla ito. "I want to talk with him. Pakisabi naririto ako. Kiona Ty."
"M-may kausap po sa loob si boss, kung gusto ninyo ay hintayin nyo na lang."
"I can't wait."
Talagang hindi na makapaghihintay si Kiona pagkat mamayang hapon ang balik nilang mag-anak sa Tacloban. Babalik lang sila ng Maynila ikakasal na sila ni Cassius. At bago pa sila umalis, kailangang magkausap sila ni Cassius.
Pinuntahan ng sikyu ang sekretarya ni Cassius, nagsenyasan ang mga ito at at tingin ni Kiona ay nagtatalo. Hindi na siya nakatiis. Lumapit din siya sa dalawa.
"Dito ba ang office niya?" Tanong niya habang hawak na ang doorknob ng pinto ng opisina ng may-ari.
Tulala ang sekretarya, ngunit bago pa napigil si Kiona ay napihit na nito ang doorknob. Muntik ng himatayin ito sa nakita sa loob, pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin.
Sindak rin naman si Cassius nang biglang bumukas ang pinto. Ngunit mas shock ang babaing nakakandong dito at bukas ang blouse, nakalaylay ang strap ng bra.
Tulala si Cassius, pero nasa dibdib pa rin ng babae ang mukha, parang bigla itong natakot sa nipple ng babaing kalong dahil namilog ang mga mata nito.
Para silang eksena sa pelikula na biglang nai-pause ng nanonood ng VHS pagkat kukuha ng pagkain sa ref. Walang gustong gumalaw, walang gustong magsalita. Lahat ay shock!
Si Cassius ang unang gumalaw. Pagpihit ng ulo nito ay natapat sa pagitan ng mga mata ang nipple ng babaing saglit na nagkaduling-duling dahil na rin sa panic.
Noon naman bumalik ang huwisyo ng babae, mabilis na naayos ang sarili, pagkatapos ay patakbong nagtungo sa banyo. Alam ni Kiona na hindi iyon lalabas hanggang hindi siya nakakaalis.
Si Cassius naman ang tarantang inayos ang sarili. Nang inakalang presentable na naman siya ay hinarap nito si Kiona.
"Anong kailangan mo?" Kahit napahiya ay hindi pa rin nito nakalimutan ang pagkaasar kay Kiona.
"Gusto kong mag-usap tayo. Tungkol sa kasal."
"Sarado na ang usapan, di ba? Isa lang ang gusto kong sabihin sa iyo, kahit mag-asawa na tayo, hindi ka pa rin dapat pumapasok basta-basta sa opisina ko, sa lahat ng opisina ko!" Diin ng binata.
"I'm sorry. But you must know that I do not enjoy the sight of open fly. Kaya sigurado kang hinding-hindi na ako muling papasok ng walang sabi-sabi sa kahit saang opisina mo."
Tumungo si Cassius. Bukas na bukas nga ang zipper niya. Tumalikod ito upang isarado.
"There's something I want you to know." Naupo na si Kiona sa sofa.
"Ano iyon?" Hindi umuupo si Cassius. Wala siyang balak i-level ang sarili kay Kiona, lalo na ngayong hiyang-hiya siya.
"That I am not happy about our coming wedding at alam kong hindi mo rin gusto iyon."
"Iyon rin naman pala, eh. Bakit nagsinungaling ka?" Sabat bigla ni Cassius kay Kiona.