webnovel

Prank Calls?

Ilang araw na ang nakalipas ngunit, hindi parin maka-limot si Aria sa nangyari sa family dinner ng mga Rivamare at Okizamu.

Sila ngayon ay nasa sari-sarili nilang mga classroom at nag-uusap gamit ang telepathic abilities na ibinigay sakanila ng mga singsing.

{Hay naku Aria. Imbes na mag-worry ka sa nangyari noong family dinner, Mag-focus ka muna kaya ngayon sa darating na finals.}-Allen

{Ahy! OO NGA PALA!!! Hala…anung gagawin ko… Masyado akong naka-focus sa paulit-ulit ko na pag-block sa mga number na tumatawag saakin…hindi na ako nakapag review!}-Aria

{Wait-sinung…May tumatawag sayo??? At ba't kailangang dapat madaming beses mo siya na i-block?...}-Allen

"Please answer this problem on the board Miss Okizamu." Sabi ng guro ni Aria

{Wait---Answeran ko lang itong problem sa board.}Sabi ni Aria kay Allen saka siya tumayo at lumapit sa pisara para sagutin yung pinapa-sagot sakanya ng guro niya.

Sinagot niya ito at napa-hang ang guro sakaniya. Plano kasi ng guro na ipa-hiya siya dahil mukhang hindi siya nakikinig sa klase.

Bumalik si Aria sa kanyang upuan at itinuloy nila ang usapan nilang dalawa.

{Mamaya. Pagkatapos ng klase. Magkita tayo sa rooftop at tawagan mo yung number na iyon.}-Allen

Pinilit ng dalawa na mag-focus nalang muna sa kanilang sari-sariling mga klase kahit na sa loob nila ay may nadaramang unting takot tungkol sa bagay na ito.

Ilang oras na ang nakalipas at sa wakas ay tapos na din ang klase. Agad na dumiretso ang dalawa sa rooftop.

"Sige. Tumawag kana." Sabi ni Allen sabay ini-dial ni Aria ang isa sa mga numbers na tumatawag sa kaniya.

Ring…Ring…Ring… Ilang sigundo ang lumipas at sa wakas ay sumagot na din ang taong ito.

"Hello? Sino ka ba ha?" tanung ni Aria

Huminga ang taong nasa kabila ng tawag saka sumagot.

"A…Aria…Si Audrey ito…Mag-iingat ka… Nakakatakot ang kaya niyang gawin… Mag-ingat ka kay Sho--- *Sigaw*" tila puno ng takot ang boses ni Audrey. Sa huli para bang sumigaw ito bago ito na-end call. Mukhang may masamang nangyari kay Audrey.

Napuno ng pangamba at takot ang dalawa. Dam ani Allen na nan-lalamig at nanginginig ang mga kamay at paa ni Aria sa kaniyang narinig.

Agad na tumawag si Aria sa bahay nila Audrey upang tanungin kung ayos lang siya.

Ring…Ring…Ring…

"Hello? Audrey???"-Aria

"Ay…Sorry po Ma'am. Nasa bakasyon po ang buong pamilya." Sabi ng Isang lalaki.

Isa nga lang ba itong prank call?...

次の章へ